13
(A/n: hello! Awat muna tayo sa drama ng chanbaek. Side story muna tayo ng kaisoo, ayos ba? enjoy!)
13
Kyungsoo's POV
Mas lalong nagiging intense ang mga nangyayari ngayon kay baek, sehun at chanyeol. Wala naman akong magawa dahil ayokong maki-alam sa away nila.
Pauwi na kami ni jongin ngayon, ihahatid daw niya ako kasi isa daw siyang good boyfriend, pshh.
"Hyung.. may bisita ba kayo ngayon?" Biglang tanong ni jongin. Napailing lang ako at may tinuro siya sa harap ng bahay namin.
May lalaki sa tapat ng bahay namin mukhang may hinihintay. Wala naman kaming ineexpect na pupunta sa amin, sino naman kaya iyon?
Nang makalapit na kami ay naramdaman naman ng lalaki na may tao sa gilid niya kaya napalingon siya.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko.
"K-kris?!" Napangiti si kris at agad na napayakap sa akin.
"Soo" narinig namin na may nag fake cough kaya napatingin kami kay jongin.
"Sino yan?" Tanong ni jongin. Inabot naman ni kris ang kamay niya kay jongin at nakipagshake hands.
"Im Wu yifan but you can call me kris. Childhood friend, first love and manliligaw ni kyungsoo--" pagkatapos nun ay bigla na lang tumalikod si jongin at naglakad palayo.
"H-hoy! Jongin saan ka pupunta?"
"Uuwi! Hinahanap na ako ni eomma!" Patay malisya niyang sagot. Sinamaan ko ng tingin si kris, baka kasi anong naisip ni kai sa sinabi niya. Tinawanan lang ako ni baba.
~~~~
Jongin's POV
Ano nanaman yun ha? Manliligaw? Tumatanggap pa rin siya ng manliligaw kahit kami na? Nagtaksil sa akin ng harapan ang boyfriend ko!
Tumunog ang phone ko , si kyungsoo, mag sosorry na ba siya? Aba dapat lang! inopen ang message at kumunot ang noo ko.
From: baby soo❤
Jongin lalabas kami ni kris hyung bukas. Matagal na kasi kaming hindi nagkita.. i'll text you again tomorrow, good night jagi, i love you!
Hindi ko siya nireplyan, hindi man lang siya nahiya sa akin at nag paalam pa sa akin na magdedate sila ng kabit niya.
Pinatay ko ang phone ko at nagtago sa ilalim ng kumot ko.
----
Teka? Bakit ko nga pala sila sinusundan? Para malaman kung anong pagtataksil ang ginagawa ni kyungsoo? Masochist ba ako? Good and faithful boyfriend kasi ako eh.
Una nilang pinuntahan ay yung ice cream parlor na madalas naming puntahan ni hyung sa mall.
Nakita ko pang pinunasan ni kris yung paligid ng mukha niya dahil napaka messy talagang kumain ni soo.
Pagkatapos sumunod na pinuntahan nila ay yung arcades, na madalas din naming puntahan ni hyung.
Nakuha pa niya yung gustong gusto ni soo na teddy bear sa stuffed toy catcher na hindi ko makuha kuha.
Napa-yukom ang kamao ko. Bakit ba yung gusto ni hyung hindi ko maibigay sa kanya? Yun ba ang dahilan kung bakit nagtaksil siya sa akin?
"Psst!" Bakit ba ang unfair ng life? Porke't maputi pa sa akin yung baba na yun ay papalitan na ako ni hyung?
"Kai!" Porke't ang cool niyang tignan eh papalitan niya ako?
"KAI!" napatalon ako sa gulat nang may sumigaw sa tenga ko, napalingon ako sa may gawa nito and binigyan siya ng death glare na tinuro ni hyung sa akin. Maybe i can use it daw in case of emergency.
"What now krystal? At saka bakit ba nandito ka?" I asked, she just smiled sweetly then kumapit ng mahigpit sa braso ko.
"I saw you na mag isa lang so naisip ko baka gusto mo ng makakasama for today."hindi ko siya pinansin at nakatitig parin kay soo at kris na naglalaro ng basketball.
"Ahh! So yan pala! Your boyfriend is cheating on you! Kung ako ang girlfriend mo . Im sure hindi ganyan ang gagawin ko sa iyo. " biglang may nagpop out sa ulo ko, maybe i could use krystal para pagselosin si kyungsoo, maybe marealize ni hyung na ako pa rin ang gusto niya at hindi iyong manliligaw niyang mukhang mangga.
"Krystal"
"Hmm?"
"Pwedeng samahan mo ako hanggang mamaya?" Napa-ngiting aso siya sa tanong ko at tumango.
Palabas na sila hyung nang makita kaming magkasama ni krystal,halata sa mukha niya na nagulat siya. Tapos bigla akong inapproach ni kris.
"Oh! Jongin! What are you doing here?" Tanong niya.
"Ah, just hanging around with my friend" sabay akbay kay krystal na kinikilig kilig pa.
"Oh i see, wanna eat somewhere? Soo, are you hungry?" Medyo napatalon sa gulat si hyung at tumango tango.
"Kayo? My treat don't worry"
"Sure!" Sagot naman si krystal at sumunod kami sa dalawa na naglalakad na palayo.
Pumasok na kami sa isa sa mga sikat na restaurant . Ganito ba kayaman si kris?
"This restaurant is ours so order as much as you want okay?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, oo, siya na ang mayaman.
Nang maibigay na ang mga order namin ay nagsimula na kaming kumain, minsan sinusubuan pa ako ni krystal. Actually , nakakairita na.
"Are you okay soo? You said you're hungry?" Baling ni kris kay kyungsoo na ginagalaw lang ang pagkain niya.
"Im okay" nag aalala lang siyang nakatingin kay hyung.
"So krystal, ang sweet niyo ngayon ah.are you really his friend? " tanong ni kris, napa-ngising aso nanaman si krystal at kumapit sa braso ko.
"Actually he's my boyfriend!" Bigla na lang tumunog ng pagkalakas lakas ang table nang tumayo si hyung at nag walk out,.. umiiyak siya. Sht! Umiiyak siya!
Napatingin ako kay kris, nginitian niya ako at tumango. Tumayo ako at nagmamadaling hinabol si hyung.
"Kyungsoo!" Hindi niya ako pinansin at patuloy siya sa paglalakad..
"Hyung!" This time ay nahawakan ko ang braso niya at iniharap siya aa akin. My heart broke nang makita siyang umiiyak.
Pinupunasan niya yung mga luha niya na parang bata pero hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha niya.
"Oh my god! Im sorry hyung! Im so sorry. Kasalanan ko to. It's my stupid idea's fault. Sorry kung ginawa ko iyon hyung . I didn't mean to hurt you. Ginawa ko lang naman yun kasi nagseselos ako. Nagseselos ako sa manliligaw mo, hindi ko maibigay lahat ng bagay na gusto mo, hindi katulad niya." Then i caressed his face. Patuloy parin siya sa pag iyak at pinupunasan parin na parang bata ang mga luha niya.
"A-akala ko a-ayaw mo na sa akin, a-akala ko n-nag-sawa ka na sa akin" he said between his sobs.
"A-at saka dati pa yun. H-hindi mo muna kasi siya pinatapos kahapon at nag walk out ka."Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Im sorry, baby. Sorry sa pagiging immature ko, sorry kasi hindi ko muna siya pinatapos bago magreact. Shh, tama na. Don't cry okay? Hindi ko girlfriend si krystal, sinungaling lang yun." I said habang hinahaplos ang buhok niya. Marami na ang nakatingin amin pero ano bang paki nila? Moment namin to.
Dumating si kris kasama si krystal. Nang makita kami ni krystal ay napa-roll eyes lang siya at nag walk out. Natawa naman si kris.
"Yan ang napala ng hindi nakikinig" pang-aasar niya sa akin. Natawa din ako.
"Sorry sa inasal ko bro. Napagkamalan ko pang cheater ang boyfriend ko" lalo naman humigpit ang yakap ni soo sa akin.
Nagring ang phone ni kris at sinagot niya ito.
"Hello? Im on my way.. okay, bye panda. I love you" tapos pinatay na niya ang call.
"Osya, i have to go. My boyfriend is waiting for me. Take care of kyungsoo okay? Don't let this happen again. Malalagot ka na talaga sa akin" he smiled at umalis na.
Kumalas ako sa pagkakayakap namin at hinalikan ang mg luha na tumutulo sa mata niya.
"Sorry na hyung, promise babawi ako. Kahit hampasin mo pa ako nga-- OW!" Oo nga hinampas nga ako. Napangiti ako, at least okay na siya ngayon hindi ba?
Nagpout siya at niyakap ulit ako, feels like home, hay.
"Ilibre mo ako ng ice cream." Bulong niya at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.
"Saan? Sa kung saan nagpapa-gupit ang mga ice cream?" Sabi ko at natawa. hindi pa rin ako maka-get over doon, sa lahat yata ng joke niya yun ang pinaka-lame.
kinagat niya ako sa leeg, ang sakit brad! Humiwalay siya sa yakap.
"Naturn on ako doon ah! Gusto mo bang gumawa na tayo ng baby? Tara uwi na lang tayo" sabi ko at tumawa ng malakas. Tinulak niya ako at naglakad na papunta sa ice cream parlor.
"Che! Ang manyak mo!" Napangiti ang ako at sumunod sa kanya.
---
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro