10
(A/n:ang chap.na ito ay dedic kay author xiuminista.. hello po! Silent reader po ako and i decided na lumabas na sa shell(nahihiya po kasi ako) at love na love ko po talaga ang mga stories niyo, sana hindi ako magmukhang weird sa inyo ngayon. Sorry po! Sana po magustuhan ninyo ang lame kong story.. notice me senpai! XD)
10
Chanyeol's POV
Isang buwan na ang nakakalipas at wala parin akong guts para humingi ng patawad kay baek.Umiikot lahat ng sinabi ni sehun sa utak ko. Naguilty ako sa mga ginawa kay baekhyun, pero hindi ako naniniwala sa sinabi niya na niloloko ako ni dara.
Alam kong mahal ako ni dara at hindi niya magagawa yun sa akin.
Wala ako sa huwisyo habang naglalakad nang marinig kong may nag sasalita, nakita ko si baek sa di kalayuan at may kausap sa cellphone.
Napansin siguro niya na may nakatingin sa kanya kaya napalingon siya sa akin, nanlalaki ang mga mata niya nang makita ako.
Kakausapin ko na sana siya para maayos ang lahat ng nagawa ko sa kanya pero bigla na lang siyang tumakbo palayo.
Ganoon na ba siya takot na takot sa akin?
Pumunta ako sa tinatayuan niya kanina at nakita sa sahig na rectangle na bagay.
USB ba to?
Pinulot ko ito at tinignan. Familiar itong USB na 'to ha. Hindi ba ito yung USB na may lamang nude pictures ni dara?
oo ito nga yon.. tinago ko ang USB sa bulsa ko . Mamaya ko na titignan iyon para mabura ko na lahat.
----
"Krystal, have you seen dara?" Tanong ko kay krystal, nagulat siya tapos medyo nataranta.
"H-hindi ko alam yan ha. Ano kasi, nakita ko lang siya kanina sa canteen. Bumili ng pagkain niyo" tumango lang ako at umalis na para hanapin siya.
Napadaan ako malapit sa rooftop, nakita ko naman si baek sa pintuan nito at nakasilip.
Sinong sinisilip nito?
Lumapit ako sa kanya, hindi niya ako naramdaman sa likod kasi naka-focus pa rin siya sa tinitignan niya. Nacurious ako kaya sumilip din ako.
At dahil doon, dumilim ang paningin ko.
Nakita ko si dara, at si siwon. They're making out. Wtf?!
Napamura ako sa galit at doon napansin ni baek na may tao sa likod niya, hindi ko siya tinignan at nagfocus sa girlfriend kong traydor.
Now, alam ko na ang ibig sabihin ni sehun. Totoo nga, totoong matagal na akong niloloko ni dara.
Napahigpit ang kapit ko sa pinto, hindi ako gagawa ng eksena sa harapan nila. Hindi ako cheap.
Tumingin ako kay baek, medyo napaurong ako kasi ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa my mukha ko.
"Ah, b-baek---" naputol ang sinasabi ko when he shoved me away. Napaupo ako sa sahig nang hindi oras, pagkatapos ay tumakbo nanaman siya palayo.
Seriously? Lagi na lang ba siyang tatakbo sa tuwing makikita niya ako? Hindi naman ako serial killer hindi ba? Bully lang naman..
Bumaba na ako para pumunta ng canteen at doon kumain, im hurt pero hindi ako iiyak sa harap ng maraming tao, ayokong makita nila akong umiiyak, ayokong maging weak.
---
"Im breaking up with you" i said coldly, hindi makapaniwala siyang tumingin sa akin.
"What?! But why?! Ang sabi mo mahal mo ako?! Bakit makikipagbreak ka sa akin?!"
"Why? You're asking me why? Why don't you ask yourself baka makita mo ang sagot.."
"Just get to the point chanyeol." She rolled her eyes noong sinabi niya iyon, i rolled my eyes too, sht! Ambakla
"You're dating siwon too. That's nice!" Sarcastic na sabi ko.
"Sino ba ang nagsabi sa iyo niyan? Rumors ba? O baka naman yang byun btch na yan? Magpapaniwala ka ba sa sinungaling na yon?!" Sigaw niya sa akin, lumalabas na ang tunay na kulay niya.
"Wag mong idamay si baek dito. Wala siyang kasalanan at hindi siya sinungaling" i said . I clenched my jaw. Tinawanan niya ako.
"Wow! So ganoon? Pinagtatanggol mo na siya? Anong nakain mo park chanyeol? Kung makaasta ka parang kilalang kilala mo siya ah? Why? Are you inlove with him now?"
"What are you talking about dara?! Bakit tayo napunta sa usapang yan?!" She rolled again her eyes then naghand gesture na 'go away'
"Arghh! Just forget it. I don't need you both so go! I don't want to see your disgusting face ever again! Magsama kayo ng btch na yun. You're so useless, nilapitan lang naman kita dahil gusto kong tumaas ang popularity rank ko, at ngayong nagdedate na kami ni siwon, hindi na kita kailangan , so bye!" Sabi niya at umalis na ako. Nagpipigil ako ng galit ko, ayokong manakit ng babae. May respeto ako sa kanila. Lalong lalo na kay dara.
Ang sakit lang dahil ipinagtanggol ko ang mali kaysa sa maniwala sa katotohanan. Im so stupid..
Im so stupid enough to see someone's worth.
---
Nang makarating ako ng bahay ay ganoon pa rin ang nangyari. Kakain, gagawa ng homework at hindi papansinin ni sehun..
I missed my brother, kung nakinig lang ako sa kanya noon. Hindi sana mangyayari to.
Pumasok ako sa kwarto ko at kinapa ang bulsa ko. Kinuha ko ang USB at tinitigan.
Ano ng ba ang laman mo?
Inopen ko ang laptop ko at isinaksak ang USB, nang pwede na ay binuksan ko ito..
May tatlong folder na nakalagay..
Family, Bored and StarWars
Una kong binuksan ang Family. Tatlo lang ang picture, family picture nila ito. So eto pala yung kapatid niya, ang cute naman. Curious talaga ako sa nangyari sa mga magulang ni baek, ano kayang nangyari sa kanila?
Pangalawa ko namang binuksan ay yung bored, nagulat ako kasi puro selfie niya yung nandito. Ang cute pala ni baek no? Bakit ngayon ko lang napansin 'to? Nagsave ako ng ilang pictures niya sa laptop ko, ang cute talaga kasi.
Ang huling folder naman ay StarWars. Fan ba siya ng starwars? Ako rin kasi eh.
Nang buksan ko ito ay nanlaki ang mga mata ko..
Puro pictures ko ang nandito, may mga part na kasama si baek sa mga pictures ko. Kailan ba niya ako nakuhanan ng stolen shots?
I chuckled, stalker ko pala siya noon.
Sa lahat ng picture , may isang pic. Na umagaw ng atensyon ko. Yun yung pic. Na nakasandal ako sa balikat niya at natutulog. Teka? Kailan pa 'to?
Malaki ang ngiti ni baek at halatang masaya siya na kasama ako, mas lalo akong naguilty sa ginawa ko sa kanya.
Gusto ko nang magsorry kaso may hiya pa talaga ako sa katawan ko.
Sinave ko yung picture namin at pinatay na ang laptop..
Natulog ako with a smile on my face.
-----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro