Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1

1

"Hey babe! Tara na?" Sabi ko kay chanyeol sabay kapit sa braso niya. Hindi niya ako pinansin at daretso siyang lumakad papunta sa cafeteria, pag pasok namin ay maraming nagbubulungan tungkol sa amin lalo na sa akin

'He's so landi talaga! Look!'

'My god! Desperado na talaga siya!'

'I want to kill that btch!'

'Hindi sila bagay kasi kami ni yeollie ang bagay!'

'Gga! Keep on dreaming girl! Hindi mangyayari yan!'

Tumigil si yeol sa paglalakad at tinanggal ang kamay ko sa braso niya.

"Why? Yeollie---"

"Please baek stop this, tigilan mo na ako, nakakairita na" sabi niya then he clenched his jaw, oh! He's mad right now! Great! Just great!

"Bakit?" Inosenteng tanong ko.

"Don't be so innocent byun! I'm not yours! Hindi pa ba malinaw sa iyo na si dara ang gusto ko?!" Sabi niya at nakita ko pang nagclosed fist siya.

Nagdugtong ang mga kilay ko sa sinabi niya, alam ko noon pa man gusto na niya si dara, pero nagbibingi-bingihan ako at nagpatuloy sa pang-iistorbo sa kanya.

Binabakuran ko siya at hindi ko hinahayaang makalapit ang sino mang girls sa kanya lalo na si dara. Ayokong mawala si chanyeol sa akin, ayokong mawala ang taong mahal ko.

"Dara nanaman?! Chanyeol! Sinabi na niya na hindi kayo pwede! Hindi ka niya gusto! Yeollie please?! Nandito naman ako! Bakit ba hindi mo ako makita?" Sabi kong pinipilit na wag maiyak. Kaya mo 'to baek, matapang ka.

"Iba ka kasi kay dara, dara is exceptional while you.... You're a btch. Hindi ikaw si dara kaya never kitang mamahalin" tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya at lumabas na ng cafeteria, leaving me there, hurt and broken.

Hindi ko namamalayang may tumulo na luha sa mata ko. Lahat sila pinagtatawanan at sinasabihan ako ng masama. Lahat ng yun hindi ko pinansin, kasi ang sinabi lang ni yeol ang umikot sa utak ko..

'Yeah, she's exceptional while me...'

'I'm a btch...'

***

"Baek, nakita kong magkasama si chanyeol at dara kanina lang" sabi ng bestfriend ko na si kyungsoo.

"So nalaman na ni dara na hindi talaga kami nagdedate kaya lumalandi siya?" Sabi ko at nagbasa ulit ng reviewer.

"Hindi mo naman kailangang ipagsiksikan ang sarili mo kay chanyeol kung ayaw niya eh.." singit naman ng isa kong bestfriend si jongin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya..

"Alam niyo naman kung gaano ko kamahal yung tao eh, please guys! I need support!"

"Support? Noon yun baek, noong panahon na eyeliner pa lang ang iniiyakan mo, iba na ngayon eh! Sumosobra ka na ngayon, hindi ko nga alam king pinag-iisipan mo yung ginagawa mo o tanga ka lang talaga." -kyungsoo

"Oo alam ko, tanga na ako pero please naman soo, kai. Support lang talaga hinihingi ko sa inyo ngayon.. mahal na mahal ko si yeol, i can't afford to lose him." Nagmamakaawang sabi ko sa kanila.

Nagkatinginan lang sila, ilang sandali pa lamang ay napa-sigh at ngumiti.

"Oo na nga, hindi ka namin matiis kahit ang tanga tanga mo, basta tandaan mo, pag hindi na talaga pwede, wag na okay?" Sabi ni jongin at sumigaw si soo ng group hug. I'm so lucky to have them. My bestfriends are my precious little treasure to keep.
***
"Park Chanyeol be my boyfriend"

"No, at bakit naman ako papayag? Hindi kita gusto"

"At bakit ka papayag? Well, ikakalat ko lang naman ang mga nude pictures ni dara kung sakaling hindi ka pumayag. Nakasalalay sayo ang image niya and im sure sa oras na mangyari yun, ikaw lang ang sisisihin sa mga nangyari.." nagsimula nang mag iba ang timpla ng itsura niya, alam kong galit na siya at gustong gusto nang manapak pero pinipigilan lang niya.

"Arrghhh! I hate you!" Aniya sabay gulo sa buhok niya dahil sa inis.

"I love you too! So ano na? You're mine now?" Galit siyang tumango at kumapit naman ako sa braso niya.

"Tandaan mo baekhyun, hindi kita mahal at never kitang mamahalin.." oo masakit kapag sa kanya ko na mismo narinig, pero magtitiis ako, makasama ko lang siya at wag lang siya mawala sa akin.
***
Months passed, ganoon parin ang pakikitungo niya sa akin, cold at distant. Kami nga pero hindi ko maramdaman, sabagay forced relationship lang naman kami. Kahit hindi niya ako mahal at kahit ganito ang pakikitungo niya sa akin, ayos lang basta kasama at lagi siyang nasa tabi ko.

"Oh! Hey sese! Tagal mo nang walang paramdam ah!" Bati ni jongin kay sehun at nag-brofist sila.

Si Park Sehun, our another bestfriend at ang nakababatang kapatid ni chanyeol ,matagal ko na siyang kakilala at siya ang dahilan kung bakit nakilala ko ang hyung niya.

"Ah, sorry hyung busy lang ako kaya hindi ako masayadong , nakakapag-hangout kasama niyo.." sabi ni sehun at umupo sa tabi ko.

Nandito kaming apat sa isang cafe, after kasi naming tumambay dito ay pupunta kami ng mall para manood ng sine.

Napatingin si sehun sa akin at ito naman ako nagbabasa ng libro. Lumingon lang ako sa kanya at nagbasa ulit.

"So ganun? Ilang araw lang tayong hindi nagkita malamig ka na sa akin? Hindi mo ba ako namiss? Walang ganyanan hyung! Alam mo bang nasasaktan mo ang puso ko?" Sabi niya with paemote-emote pa.

"Anong gusto mong sabihin ko?" Sabi ko at nag sip ng coffee ko.

"I love yo-aaaawwww!" Hinimas niya yung parte ng ulo niya na nabatukan ko. Pasalamat siya at hindi itong libro ang hinampas ko sa kanya, ang dami kasing kalokohan.

"Tinawanan lang kami ni soo at jongin at bumalik sila ng tingin sa mga phone nila..

"Alam mo, sehun tigil tigilan mo nga ako, bad mood ako" sabi ko with a warning tone, pag kasi ginamit ko yung tone na 'to, magseseryoso lang siya at makikinig sa akin.

"Oh, si hyung nanaman ba? Bakit? Anong nangyari?" Saglit akong natigilan sa sinabi niya pero hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagbabasa ko.

Bumuntong hininga lang siya, kinuha ang tinidor sa kamay ko at kinain ang cake ko. Hinayaan ko lang siya kasi sanay naman ako, hindi kasi ako naniniwala sa indirect indirect kiss na yan.

"Okay, hindi na kita tatanungin tungkol doon, baka tray na ang ihampas mo sa akin, nga pala kamusta si luhan?" Medyo natawa pa ako sa sinabi niya, sadista ako pero hindi ako ganoong kaharsh.

"Okay lang naman siya, makulit pa rin, hinahanap ka nga eh" madalas kasi si sehun sa bahay namin, binibisita niya lagi si luhan, ang bunso kong kapatid. Si luhan naman laging bukambibig ang sehun hyung niya, and i know gustong gusto niya si sehun.

"Linggo ngayon ah! Sinong kasama niya sa bahay?"

"Nagstay siya sa bahay ni xiumin kasama rin si jongdae yung classmates niya, susunduin ko nga siya pag uwi"

"Oh, sige. Sasamahan na kita doon, mag-oovernight na din ako sa bahay niyo. Matagal tagal na rin noong huli kaming nagkita ng batang 'yon. Namiss ko na siya" sabi niya sabay ngiti.

"Naku, matutuwa yun pag nalaman niyang matutulog ka doon" after that, natahimik kaming dalawa. Pero siya rin ang unang bumasag sa katahimikan.

"Ayokong maging rude pero, Last advice ko nga pala para sa iyo baek, wag ka nang umasa kay hyung dahil pagbaliktarin mo man ang mundo, irereject ka pa rin niya dahil si dara ang gusto niya" worried na sabi niya, napatingin naman ang kaisoo sakanya.

"Yeah, i know.." sabay ngiti..

Fake smile...

***
Third person's POV

"Sehunnie!!" Sigaw ng eight years old na si luhan nang makita si sehun at baekhyun, binuhat siya ni sehun at kiniss niya ito sa cheeks.

"Luhan, manners.." napasimangot lang si luhan sa pagsaway sa kanya ng baek-hyung niya at napatingin kay sehun.

"Sehun.......... hyung" napangiti si baek sa narinig.

"Hi, xiumin at chen!" Bati ni baek sa dalawang bata na nakatitig lang sa kanila.

Napangiti lang si chen at masama naman ang tingin ni xiumin kay sehun na ipinagtaka ng dalawang binata.

Hindi na nila ito pinansin at nag-paalam na si luhan sa dalawang kaibigan.

Nang makauwi sila ay agad na pumunta sa kusina si baekhyun para mag-luto at sinamahan naman ni sehun si luhan sa kwarto nito para magbihis.

Nang matapos magbihis ay agad na dumaretso si sehun para tulungan si baek na mag-luto.

"Dapat hindi kana gumastos para sa pang-groceries namin eh, makakabili naman ako." Sabi ni baekhyun sa naghihiwa ng sibuyas na si sehun.

"Ano ba, groceries lang 'yan , hindi house and lot.. and besides parang iba naman ako sa inyo" pagkatapos hiwain ni sehun ang sibuyas ay mangiyak ngiyak siyang lumapit kay baek at iniabot ito.

"Sus, oo na."

"Ayiee! Kinikilig ka hyung noh?"

"Bakit naman ako kikiligin?"

"gwapo ko kasi eh! Ano? Inlove kana sa akin?" Sinundot sundot pa ni sehun ang tagiliran ni baek , pero ginantihan lamang siya nito ng isang sipa. Natawa naman si sehun dahil agad siyang nakaiwas dito..

'Ang liit liit na tao pero kung makasipa parang elepante' isip ni sehun.

At yun ang naabutan ng batang si luhan, natigilan siya nang makita ang dalawa, nalungkot siya dahil ang hyung lang niya ang nagpapasaya kay sehun sa ganoong paraan.

Kaya umalis siya sa kusina at umupo sa harap ng kanilang pintuan.. Tumitingin siya sa langit at nagbibilang ng mga stars.

Pilit din niyang inaabot ang mga ito pero hindi makuha ng maliit niyang kamay. Naisip niya na parang si sehun iyon, kahit anong pilit abutin ay napakahirap nitong makuha.

Simula pa kasi noong una pa lamang makilala ni luhan si sehun ay nagustuhan na niya ito, lagi rin niya itong bukambibig at ipinagmamayabang sa iba per sadly ay parang kapatid lang ang turing sa kanya nito..

Kahit bata lang siya ay alam niyang may gusto si sehun sa hyung niya. Pero ang hyung niya napaka manhid para hindi 'yon mapansin. Hindi siya natinag ng mga iyon, kahit na nagseselos na siya sa sarili niyang kapatid.

"Oh, baby deer, bakit nandito ka pa sa labas? Pasok na tayo , malamig dito" bigla naman sumulpot si sehun sa kung saan at umupo sa tabi ni luhan.

"Ano o sino bang iniisip mo? Aha! Siguro may crush ka na no? Oh! Sino ba 'yun? Si chen o xiumin?" Dugtong pa nito na kinainis ni luhan, gusto niyang sabihin na 'eh paano kung ikaw ang iniisip ko at ikaw ang crush ko? Hindi si chen o si xiumin'

Napakamatured mag isip ni luhan pagdating sa love. Napakamatured para sa isang eight years old na bata.

"Wala, hindi si chennie o si xiuminnie" aniya at nakasimangot, napansin niya na badmood ito kay tinap niya ang ulo nito. Naisip niya na magkapatid nga talaga si baek at luhan dahil madali silang ma-badmood.

" Eto naman di mabiro, joke lang.. Dito ako matutulog ngayon. Gusto mong tumabi?" Sabi niya at ngumiti, unti unting nagliwanag ang expression ni luhan at tumango tango.

Medyo natawa si sehun sa inasal nito. Napaka-cute kasi. Pinisil niya ang pisngi nito at inaya na sa loob para kumain.

Nang matapos kumain ay pumasok na sila sa mga kwarto nila, ang kwarto ni baek ay nasa right side, samantalang katapat nito ang kwarto ni luhan at sehun.

"Ikaw ha baby deer, wag muna maiinlove" sabi ni sehun nang makahiga na sila.

'Sorry sehunnie pero inlove na si luhan sa iyo' isip ni luhan.

"Pag nanligaw ka o may lumigaw sa iyo sabihin mo sa akin ha? Kikilatisin natin" habol pa nito at niyakap siya nito , yumakap nalang siya pabalik at dahan dahang tumango.

Nagkunwari siyang tulog at hinintay na makatulog si sehun, nang mapansin niyang tulog na ito ay tinitigan niya ang gwapong mukha nito.

"Good Night, sehunnie.. Luhan loves you" bulong niya at hinalikan ng dampi ang tulog at walang kamalay malay na hyung..


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro