Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

LINNEA's POV

Tahimik akong kumakain rito sa cafeteria, ninanamnam ang bawat pagnguya ng pagkain at paubos na ang kinakain kong pasta. Saan na naman kaya pumunta ang magaling kong kuya? Psh! Sa huling pagsubo ko ng pasta ay tumunog ang aking cellphone kaya kaagad ko itong kinuha sa bag at sinagot ang tawag, "Yes?" panimula ko.

"[Nea, where are you?]" Natatarantang tanong niya.

"Bakit? May problema ba?"

"[Hinahanap ka sa akin ni Wilfred]"

Bumuntong hininga naman ako, "Papunta na ako diyan," matapos kong sabihin ang katagang iyan ay kaagad akong tumayo at naglakad palabas ng cafeteria.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nahagip ng aking paningin ang lalaking hinahanap ko at abala siya makipaglandian kaya ngumisi ako, "Ibang klase," sambit ko kasabay ng aking pag-iling at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating ako sa pinto ng classroom ay bumuntong hininga ako sabay dahan-dahan na binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang mga kaklase kong nag-aaway kaya kaagad kong isinara ang pinto upang hindi marinig sa labas ang kanilang ingay. Sinundot ko ng aking daliri ang tainga ko na animo'y naiirita dahil sa ingay nila, "Hayst! Anong nangyayari dito?" kalmadong tanong ko ngunit wala man lang nakarinig sa akin kaya sumigaw na ako, "ENOUGH"

Awtomatiko silang huminto sa ingay at away na ginagawa nila sabay nilingon ako, "N-Nea" nauutal na wika ng isang kaklase namin.

"Go to my office," saad ko at muling binuksan ang pinto ngunit naramdaman kong walang kumilos kahit isa sa kanila kaya muli ko silang nilingon, "What? Tatayo lang ba kayo diyan?"

"Anong gagawin mo sa amin sa office mo? Papatayin isa-isa?" kunot noong tanong ni Wilfred.

Muli kong isinara ang pinto, naglakad ako patungo sa desk ng professor namin sabay umupo sa mismong desk habang nakatingin sa kanilang lahat, "Okay! Explain" panimula ko.

"Ano naman ang ipapaliwanag namin?" Sarkastikong tanong ni Wilfred.

"Bakit kayo nag-aaway na parang aso't pusa?"

"Ako ang magpapaliwanag" singit ng babaeng kaklase namin.

Tumango naman ako bilang sang-ayon, "Go ahead"

"Pagpasok ni Wilfred kanina dito sa classroom ay bigla niyang hinagis ang upuan sa pwesto ni Genyll kaya ipinagtanggol lang namin si Genyll" paliwanag nito.

Muli akong tumingin kay Wilfred, "Bakit mo ginawa iyon? Babae si Genyll---"

"It's none of your business," putol niya sa aking sinasabi kaya tumawa ako ng mahina a mas lalong ikinakunot iyon ng kaniyang noo, "Anong nakakatawa?"

Nilingon ko ang blackboard at nakita kong naroon pa ang Resignation sabay muling tinitigan si Wilfred, "Bakit narito pa rin ang papel na iyan?" Tanong ko sabay itinuro ang nakasabit sa board.

"So? Hindi naman ako kakasuhan kung hindi ko ibabalik iyan" taas noo niyang wika.

Ngumisi naman ako, "College student ka ba talaga? Or Elementary student?"

"What are you saying?" Tiim bagang na tanong niya.

"Bingi ka ba?"

Awtomatiko naman siyang lumapit sa akin sabay kinuwelyuhan ako, "Shut up your mouth, Linnea. Or else---"

"What?" putol ko sa kaniyang sinasabi ngunit tila umurong ang kaniyang dila kaya muli akong nagsalita, "Bakit hindi mo ituloy ang sasabihin mo Mr. Wilfred Cañego?" Panghahamon kong tanong.

I slowly felt his hand on my neck until he choked me, napahawak naman ako sa kaniyang kamay upang pigilan sa kaniyang ginagawa at nakita kong natarantang lumapit sa amin si Genyll upang awatin si Wilfred. Ramdam ko ang unti-unting paghihikahos ko sa hangin dahil sa higpit ng kaniyang pagkakasakal sa aking leeg.

"Wilfred, bitiwan mo si Nea," wika ni Genyll ngunit tila wala itong narinig kaya sumigaw na siya, "WILFRED"

Tila bumalik sa huwisyo si Wilfred kaya awtomatiko siyang lumingon sa babaeng katabi niya na nakatitig sa kaniya at dahan-dahan niya akong binitiwan. Kaagad naman akong lumanghap ng hangin sabay lumapit naman sa akin si Madelief na bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Nea, are you okay?" Nag-aalalang tanong niya ngunit tumango lamang ako bilang tugon.

Nang maayos na ang aking paghinga ay tumayo na ako sabay inayos ang aking damit, "Sumunod ka sa office, Wilfred"

Paglabas ko ng classroom ay isinara ko ang pinto sabay  hinimas ko ang aking leeg, "Darn it," sambit ko at tuluyan ng naglakad palayo sa classroom namin.

Nang makarating ako sa aking opisina na kalapit lamang sa building ng mga professor ay kaagad kong pinihit ang door knob at bahagyang kumunot ang aking noo, "Bakit nakabukas ito?" Tanong ko sa aking sarili ngunit nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang dalawang taong naghahalikan sa loob ng aking opisina at doon pa sila nakapwesto sa aking swivel chair, "What do you think you are doing?" Mataray kong tanong.

Awtomatiko silang napatayo at tumingin sa akin na nanlalaki ang mga mata, "P-Pres---" Nauutal na wika ng babae.

I looked at the man sitting in my chair, "Kailan pa naging motel ang opisina ko, Mr. Ferreras?" Sarkastikong tanong ko kaya kaagad siyang tumayo sabay hawak sa pulsuhan ng babae at hinila patungo sa aking pwesto upang lumabas ng opisina ngunit bago pa sila tuluyang makalabas ay nagsalita ako, "Sandali"

Huminto naman sila sa harapan ko na bakas sa mukha ng babae ang takot dahil kanina pa siya nakayuko at ang magaling kong kuya ay napapalunok, "Bakit?" Tanong ni Jaxson.

"We need to talk," saad ko sabay tumingin sa babae, "And you are?" Tanong ko sa kaniya.

She looked at me, "Ivory... Ivory Reyes" she introduced herself.

Tumango lamang ako bilang sang-ayon, "You may go," saad ko sabay naglakad patungo sa aking desk, I opened the desk drawer once took some alcohol there and sprayed on the swivel chair before I sat down.

Narinig kong isinara ang pinto kaya tumingin ako sa pwesto niya, "Bakit narito ka sa opisina mo ng ganito kaaga?" Tanong niya.

"At bakit ka narito sa opisina ko kasama ang babaeng iyon? Dito niyo pa naisipan gumawa ng kababoyan"

"Inggit ka lang!"

"Aba!"

"Bakit? Hindi ba?" Biro niya.

Napangiwi naman ako, "Next time sa motel mo dalhin ang mga alaga mong hayop, huwag dito sa opisina ko."

Umupo naman siya sa katapat kong upuan, "Grabe ka naman sa hayop"

Tinitigan ko siya sa mga mata, "Bakit? Hindi ba?" Pagbalik kong tanong sa kaniya.

Napangiwi naman siya at sumandal sa headrest ng kinauupuan niya, "Gaya-gaya"

Binuksan ko naman ang computer na kaharap ko at nasa bandang kanan iyon nakalagay, nagtipa ako saglit hanggang sa bumungad sa akin ang CCTV at kitang-kita ang kalaswahan na ginawa ng magaling kong kuya. Pinihit ko ng bahagya ang computer patungo sa pwesto ni Jaxson at nanlaki ang kaniyang mata kaya napatayo siya dahil sa gulat, "See?" Pang-aasar ko, "Nalimutan mo yata na mayroong CCTV footage ang aking opisina... Kuya" dugtong ko na pinagdiinan ang 'kuya'.

Napalunok siya sabay tumingin sa akin, "B-Burahin mo---" naputol ang kaniyang sinasabi nang bumukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin doon.

When Wilfred entered the door he looked at my older brother so I simply turned off the computer, and he closed the door until he approached our seat. Muling umupo si kuya sa pwestong kinauupuan niya at si Wilfred naman ay umupo sa katabing upuan ni kuya ngunit magkaharap ang pwesto ng upuan kaya magkatapat din sila.

Nakatitig si Wilfred kay kuya, "Anong ginagawa mo dito, Jaxson?" Nagtatakang tanong niya.

Nagcross-arms naman si Jaxson, "Bakit? Bawal ba? Binibisita ko lang naman ang kapatid ko"

Tumango-tango na lamang si Wilfred bilang sang-ayon at dahan-dahan siyang tumingin sa akin, "Bakit mo ako pinapunta dito, Linnea?"

Sumandal ako sa aking swivel chair, "Alam mo naman kung bakit"

"About na naman ba sa Resignation?" Tanong niya sabay kumurba paitaas ang gilid ng kaniyang labi, "I told you, hindi ako makukulong kung---"

"Bakit?" Seryosong tanong ko.

"Ha?"

"Hindi ka nakakaintindi ng Tagalog, Mr. Wilfred?" Sarkastikong tanong ko.

"Of course nakakaintindi ako"

"Then... Bakit ayaw mong ibalik ang resignation?"

"Gusto kong malaman kung sino ang pumatay kay Charles"

"At bakit naman?"

"Come on, Linnea" wika niya, "Alam natin na isa sa mga blockmates natin ang suspect"

"Do you have evidence?"

Napalunok naman siya, "Nothing! Kaya nga inaaalam---"

"Stop your doing, Mr.Wilfred" seryosong saad ko, "Inilalagay mo lang sa kapahamakan ang block natin"

"But---"

Kaagad naman akong tumayo at tumingin sa kaniyang mga mata, "You may leave, Mr. Cañego"

He didn’t speak anymore because he immediately got up and left my office. Nang makalabas siya ay tumingin naman ako kay Jaxson na nakatingin din pala sa akin, "Why?" Nagtatakang tanong ko.

Umiling naman siya, "Ang akala ko ay mananatili kang mabait sa blockmates mo," wika niya kasabay ng kaniyang pag-iling.

Bumuntong hininga naman ako, "Ayaw kong madawit ang block namin sa krimen na nangyayari dito sa school"

Nagcross-arms naman siya na animo'y namangha sa aking tinuran, "You said so"

Napangiwi naman ako, "About kay Wilfred Cañego---"

"Noted" putol niya sa aking sinasabi.

"Hindi ko pa nga tapos ang sinasabi ko"

"Alam ko na ang gagawin," wika niya sabay tumayo, "I'm leaving," dugtong niya sabay hinawakan ang aking ulo hanggang sa dumampi ang kaniyang mga labi sa aking noo kaya ipinikit ko ang aking mata. Nang humiwalay na siya ay kaagad siyang naglakad patungo sa pinto at tuluyang lumabas ng opisina.

Bumuntong hininga na lang ako, "I miss you, Jaxson" sambit ko sa aking sarili.

Paglabas ko sa opisina ay inilock ko ito at sinimulan maglakad pabalik sa classroom namin, I walk quietly while the wireless earphone is worn over my ear. Palinga-linga lang ako sa paligid habang tahimik na naglalakad, hanggang sa namalayan ko na lang na nasa tapat na pala ako ng classroom namin. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob hanggang sa binuksan ko ito at tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang mayroong tumama sa aking mukha--- napahilamos naman ako dahil ramdam ko ang lagkit niyon na dumadaloy sa aking mukha. When I wiped my face using my hand I looked at it... Egg? Psh! Kaya naman pala malagkit. Darn it!

I looked at all of them who were looking at me, almost half of my blockmates were standing and holding eggs while the others were just sitting and seemed to have no intention of joining in what the others were doing. Bumuntong hininga ako upang pakalmahin ang aking sarili, "Bakit niyo ako binato?"

"Dahil sa iyo ay pinatawag ni Dean si Wilfred" inis na wika ng isang blockmates namin.

"Anong ginawa mo, Linnea Gallego?" Gigil na tanong naman ng isa pang blockmates namin.

Tumayo naman si Ciara na nakaupo sa upuan ng professor sabay nagcross-arms habang nakatitig sa akin, "Tell us, Linnea" panimula niya, "Anong ginawa mo?"

"Nothing," tugon ko ngunit awtomatiko akong pumikit ng muli kong maramdaman ang pagtama sa akin ng itlog pero sa damit ko na ito tumama. Nang iminulat ko ang aking mata ay awtomatiko akong tumingin sa aking uniform, "Hayst!" Inis kong sambit sabay tumingin sa kanilang lahat, "Mahirap maglaba ng puting damit"

Natawa naman si Ciara, "Bakit? Wala ba kayong maid? Or mama mo ang naglalaba ng damit mo?" Pang-aasar niyang tanong kaya tumawa naman ang mga blockmates kong nakatayo.

Tumalikod naman ako sa kanila at dahan-dahan na pinihit ang door knob ng pinto upang lumabas ngunit naramdaman ko sa aking likuran ang sunod-sunod na pagbato sa akin ng itlog. It hurt but I ignored it because I stayed standing straight, when they were finished I sighed again and looked at them. Nakangisi ang mga blockmates kong nakatayo samantalang animo'y naawa sa akin ang mga nakaupo.

Tinitigan ko sa mga mata si Ciara, "Ano bang gusto mo?" Seryosong tanong ko.

"Simple lang... Layuan mo na si Wilfred"

"Can I ask?" Panimula ko at tumango naman si Ciara kaya ipinagpatuloy ko ang aking sinasabi, "Do you like Wilfred?" Tanong ko.

Nanlaki ang kaniyang mata na animo'y hindi makapaniwala sabay napalunok kaya pasimple akong ngumisi, tumayo siya at naglakad palapit sa akin, "Huwag mong ibahin ang usapan, Linnea" sarkastikong wika niya.

"Nakita ko kayong dalawa ni Wilfred na naghahalikan" sambit ko kaya hindi siya nakapagsalita, "Now I know kung bakit naghiwalay si Wilfred at ang ex girlfriend niya" bakas sa kaniyang mukha ang pagpipigil ng galit ngunit ngumisi lang ako, "Dahil sa iyo" matapos kong sabihin iyon ay nanlaki ang aking mata nang maramdaman ko sa aking pisngi ang kaniyang palad.

"Pakialamera ka, Linnea" gigil niyang wika.

Ngumisi ako at dahan-dahan na nilingon siya, "We're same... Nangingialam ka sa mga bagay na wala kang alam"

"Ha! Inilalayo ko lang si Wilfred sa tulad mong killer"

"Sigurado ka bang killer ako?" Tanong ko at dahan-dahan na lumapit sa kaniya hanggang sa tumapat sa bandang tainga niya ang aking bibig, "Or baka naman... Sarili mo ang sinasabihan mong killer?" Sarkastikong tanong ko.

Awtomatiko niya akong itinulak ng bahagya palayo sa kaniya kaya natawa ako, "Anong nakakatawa?" Inis niyang tanong.

"Nothing!" Natatawang sambit ko, "See you tomorrow, Ciara," dugtong ko sabay kindat at tuluyan nang lumabas ng classroom namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro