
Chapter 1
LINNEA's POV
Tahimik akong naglalakad patungo sa college building habang nakasuot sa aking tainga ang earphone. Palinga-linga pa ako sa paligid dahil masarap ang simoy ng hangin ngayon. Masarap talaga mabuhay sa mundo lalo na kung walang gulo! Malapit na ako sa classroom nang biglang may lalaking humarang sa aking harapan, tumaas ang aking isang kilay at tinanggal ang earphone sa kaliwang tainga, "Umalis ka sa dinaraanan ko" mataray kong saad.
"Hindi mo man lang ba ako babatiin?" preskong tanong niya.
"Aalis ka sa harapan ko, o ---" putol ko sa aking sinasabi kasabay nang pagbaba ng aking tingin sa bandang ibaba niya, "Puputulin ko ang alaga mo?" maangas kong tanong at muling tumingin sa kaniyang mga mata.
Napatakip naman siya sa kaniyang harapan, "Maaga pa para magsungit, sige bye! See you later" wika niya kasabay nang pagtakbo palayo sa akin.
I smirked, "Duwag" muli akong nagpatuloy sa paglalakad ngunit muli akong hinarang ng isang lalaki, tumaas ang isang kilay ko, "Hindi niyo ba ako tatantanan?" iritang tanong ko.
"Sinira na naman ba ni Jaxson ang araw mo?"
"Kailangan ko ng pumasok"
"Sandali," pigil niya sa akin ngunit nakatitig lang ako sa kaniya ngunit napansin kong mayroon siyang kinuha sa kaniyang bag at iniabot iyon sa akin, "Para sa iyo"
Tumingin ako sa hawak niyang paper bag at muling tumingin sa kaniya, "Ano 'yan? Suhol?"
He pouted, "Grabe ka talaga sa akin, Nea"
Natawa ako ng bahagya kaya tinanggap ko na ang hawak niya, "Salamat!"
Gumuhit naman ang ngiti sa kaniyang labi, "Ihatid na kita sa classroom niyo" presenta niya.
"Huwag na!" tanggi ko, "'Yan lang ang classroom namin oh?! Malapit lang," dugtong ko kasabay na itinuro ang classroom na malapit sa amin, "Bumalik ka na sa klase niyo"
"Are you sure?"
"Oo nga!"
"Pero---" habol niyang saad ngunit umakto akong susuntukin siya kaya kaagad siyang yumuko at ngumiti, "Aalis na ako, susunduin kita mamaya. Bye!" Paalam niya at nagmadaling umalis.
Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating sa classroom ay umupo ako sa aking upuan, binuksan ko ang paper bag na ibinigay sa akin. Egg burger with fries and soya? Alam na alam ang paborito ko huh?! Kinuha ko iyon at sinimulan na kainin. Wala pa naman ang professor namin kaya malaya akong kumain. Ninanamnam ko ang aking kinakain, masarap talaga ipalaman sa bread ang sunnyside-up egg dahil malasado--- nang biglang mayroong sumigaw kaya napatingin kami sa kaniya, "MAY BAD NEWS" sigaw niya mula sa pinto.
Iyong natutulog namin na kaklase ay nagising dahil sa lakas ng sigaw ni Wilfred, "Ano ba?! Minimize your voice, hindi niyo ba nakikita na natutulog ako?!" iritang wika niya.
Tumingin sa kaniya ang kaklase kong mataray, "Sino ba kasi ang nagsabing matulog ka dito sa classroom? Hindi ito ang kwarto mo, Genyll Balbanera" mataray niyang wika.
Napailing na lang ako, muli kong itinuon ang aking atensyon sa kinakain ko. Kumagat ako sa egg burger at ninamnam ang bawat nguya ng pagkain, "May nakitang mata ng tao---"
Awtomatiko akong inubo kaya naputol ang kaniyang sinasabi at tumingin silang lahat sa akin. Lumapit sa akin ang isang kaklase ko at inabutan ako ng tubig, tinanggap ko ito kaya kaagad kong tinungga ang laman. Nang matapos ay tumingin ako sa kaniya, "Thank you!"
Ngumiti naman siya, "Dahan-dahan sa pagkain"
Kunot noo akong tumingin sa nagsasalita kanina, "Grabe naman kasi ang ibinabalita mo, hindi mo ba nakikitang kumakain ako? Then, magbabanggit ka ng nakakadiri" inis kong saad ngunit inirapan niya lang ako, "Aba!"
"Calm down, Nea" saad ng kaharap ko.
Tumango na lang ako bilang tugon at nagpatuloy sa pagsasalita si Wilfred, "Sa building ng mga Medicine students ay may nakitang dalawang mata at puting papel"
Tumayo silang lahat upang lumabas ngunit napatingin ako sa gawing pinto at nagtaka nang makitang nakatingin silang lahat sa akin, "Why?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi ka sasama sa amin?" tanong ni Wilfred.
"Can't you see? Kumakain ako" tugon ko ngunit muling lumapit sa akin si Madelief, hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinila palabas, "Hey! Bitiwan mo ako" reklamo ko.
"Huwag kang magpapa-iwan sa classroom ng mag-isa, Nea" saad niya.
"Tama! Delikado na ngayon ang mag-isa" sang-ayon ni Genyll.
"Bitiwan niyo ako" seryosong sambit ko.
Hindi nila ako binitiwan at patuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa medicine building. Puno ng estudyante ang naroon, sumingit pa kami upang makarating sa unahan. Nang makarating kami sa unahan ay mayroong mga police at imbestigador na nagkalat, may nakaharang na kulay dilaw na tali sa harapan namin kaya kahit isa sa amin na mga estudyante ay walang makalapit.
"Nasaan ba ang mata na sinasabi mo, Wilfred?" tanong ng lalaking kaklase ko.
Pilit naman sinisilip ni Wilfred ang unahan, "Ang daming nakaharang na imbestigador eh?! Kaya hindi natin makita"
Naramdaman ko naman na mayroong humawak sa aking pulsuhan, "Tara na, Nea"
Hihilain niya na sana ako nang biglang muling nagsalita si Wilfred, "Ayon" wika niya na nakaturo sa harapan kaya tumingin kaming lahat sa itinuturo niya.
"Yuck!"
"Eww!"
Samu't-saring reaksyon ng mga kaklase ko at ang iba ay nasusuka pa dahil sa nakita nila. Dalawang mata ang nakalagay sa ibabaw ng isang puting papel, nakalagay ang mga iyon sa isang upuan na sa tingin ko ay mula sa loob ng classroom nila.
"Bakit may puting papel?" nagtatakang tanong ko.
"Aba! Hindi rin namin alam" pilosopong tugon ng babaeng kaklase ko.
Hindi na lang ako nagsalita, pinagmasdan kong mabuti ang mga iyon, "Sino ang nagmamay-ari ng mga matang 'yan?" muling tanong ko.
"Sa ngayon ay hindi pa rin alam dahil wala naman ang bangkay rito sa campus" wika ng aking katabi.
"Pamilyar sa akin ang mga mata niya" wika ko.
Tinitigan naman nila ito ng mabuti, "Ha? Paano mo nasabi?" nagtatakang tanong ng aking katabi.
"Pagmasdan niyong mabuti" saad ko, "Sino ba sa medicine student ang mayroong puti sa gilid ng kaniyang mata?"
Napaisip naman sila, "Ang nerd na si Charles Simson" tugon ng kaklase kong lalaki.
"Gwapo siya pero suot niya palagi ang salamin dahil sa mata niyang malabo na" paliwanag ng aking katabi.
Tumango-tango naman ako, "Nadali mo"
"Pero--- anong kasalanan niya para patayin siya?" tanong ng isa ko pang kaklase.
Nagkibit-balikat naman ako, "Siguro, mayroon siyang ginawang mali?" patanong kong tugon.
"Pero mabait si Charles" protesta ng aking katabi.
"Hindi lahat ng mabait sa harapan natin ay tunay na mabait," saad ko at tiningnan sila, "Kaya huwag kayong maniniwala sa mga taong hindi niyo naman kilala"
Tumango-tango naman sila bilang sang-ayon, "Tama si Nea" sang-ayon ng aking katabi.
Tumingin ako sa hawak kong pagkain at kinagatan iyon, "Grabe ka, Nea" saad ni Wilfred kaya kunot noo akong tumingin sa kaniya.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Nasisikmura mong kumain sa harap niyan?" tanong niya kasabay nang pagturo sa mga mata na nasa harapan naming lahat.
"Anong mali doon?" inosenteng tanong ko.
"Grabe! Kung ako ang makakita nang mata ng isang tao, hindi ko na kakayanin kumain pa" maarteng wika ni Ciara.
"Kayo ang may kasalanan," wika ko ngunit tumingin sa amin ang lahat ng narito kaya kunot noo silang tumingin sa akin, tumingin naman ako sa paligid. Anong mali sa sinabi ko? Muli akong tumingin sa mga kaklase ko, "H-Hinila niyo ako p-papunta rito kahit alam niyong k-kumakain ako" nauutal kong wika.
Naramdaman ko na lang na mayroong umakbay sa akin kaya awtomatiko akong tumingin sa taong iyon na nakatingin sa mga kaklase ko, "Pasensya na sa girlfriend ko, hindi pa kasi siya kumakain ng breakfast"
Napansin kong bumalik sa kani-kaniyang ginagawa ang mga tao sa paligid namin. Muli akong tumingin sa lalaking naakbay sa akin, hinawakan ko ang kaniyang kamay na nakapatong sa aking balikat at tinanggal ito, "Huwag mo akong hahawakan" maawtoridad kong saad.
Tumingin siya sa akin, "Hindi ka man lang ba magpapasalamat?"
"Hindi ako humingi ng tulong sa iyo upang pasalamatan ka"
"Dahil sa sinabi mong 'kayo ang may kasalanan' ay inilalagay mo lang sa kapahamakan ang block niyo"
"Hindi pa kasi ako tapos magsalita"
"Kahit na---"
"Bakit ka ba narito?" kunot noong tanong ko sa kaniya.
"Ano ka ba, Nea?!" puna sa akin ni Madelief, "Gusto niya rin malaman ang nangyayari sa eskuwelahan natin kaya siya narito" dugtong niya.
"Psh!"
"Teka--- totoo bang magkasintahan kayo?" tanong naman ni Genyll.
Tumingin sa kaniya si Ziggy at akmang magsasalita na siya ay kaagad ko naman siyang sinipa sa kaniyang pagkalalaki. Awtomatikong napahawak siya sa kaniyang harapan kasabay nang paglingon niya sa akin kaya ngumiti ako ng peke, "N-Nea" utal na wika ni Ziggy habang namimilipit sa sakit.
Ginulo ko naman ang kaniyang buhok, kapantay ng aking mukha ang kaniyang mukha dahil bahagya itong nakayuko habang namimilipit sa sakit, "Bumalik ka na sa classroom mo," utos ko habang tumatalon-talon siya ng bahagya.
"Anong ginawa mo, Nea?" gulat na tanong ni Madelief.
"Alam mo bang masakit iyon?" kunot noong tanong ni Wilfred.
"I know! Gusto mo bang subukan ko sa iyo?" sarkastikong tanong ko.
Napalunok siya kasabay nang pagtakip niya sa kaniyang hinaharap, "N-Nagtatanong lang naman ako" nauutal niyang tugon na animo'y natakot.
Muli akong tumingin kay Ziggy na nakatingin sa akin at nakatayo na siya ng maayos, "Nea" seryosong sambit niya.
Tumaas ang isang kilay ko, "Ano?" maangas kong tanong ngunit hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinila palayo sa maraming tao, "Hoy Ziggy, bitiwan mo ako" inis kong saad ngunit hindi siya nagsalita, "Bitiwan mo na ako kung ayaw mong masaktan" banta ko. Patuloy lang siya sa paghila sa akin, ako naman ay pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa aking kamay pero mas malakas siya sa akin kaya hindi ko magawang makawala mula sa pagkakahawak niya, "Ziggy" tawag ko sa kaniya pero hindi niya pa rin ako pinapansin, lumingon naman ako sa paligid, "Saan mo ba ako dadalhin?" nagtatakang tanong ko, "Ano ba, Ziggy?! Tinatanong kita" singhal ko.
Lumiko naman kami patungo sa kaliwa, "CR?" gulat kong tanong sa aking sarili at muli akong nagpumiglas "Bitiwan mo na ako," malapit na kami kaya patuloy ako sa paghila ng aking kamay mula sa pagkakahawak niya, "Ziggy, masakit na ang kamay ko"
Nang makarating kami sa tapat ng comfort room ay pumasok kami doon, isinara niya ang pinto at narinig ko ang paglock ng door knob. Nanlaki ang aking mga mata na tumingin sa kaniya, dahan-dahan niya akong nilingon, "A-Anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong ngunit dahan-dahan siyang lumapit sa akin at inihakbang ko naman paatras ang aking paa, "Z-Ziggy"
Nakatitig siya sa mga mata ko, "Alam mo bang mali ang ginawa mo?" seryosong tanong niya.
"Mali ang alin?" naguguluhan kong tanong.
"Sinipa mo ang junior ko"
Patuloy pa rin siya sa paglapit habang ako naman ay patuloy lang rin sa pag-atras, "Paano naging mali iyon? Eh, kung ano-ano ang sinasabi mo" masungit kong saad.
Humakbang pa ako hanggang sa napasandal ako sa pader, "Sinabi ko lang naman na girlfriend kita, mali ba iyon?"
"Kailan mo pa ako naging girlfriend, Ziggy Ymson?" kunot noong tanong ko. Isang dipa na lang ang layo niya sa akin kaya iniharang ko ang aking isang kamay na animo'y pinipigilan siyang lumapit, "Diyan ka lang!" ngunit humakbang pa siya, "Ang sabi ko, diyan ka lang" singhal ko at muli siyang humakbang, "Ano ba?!"
Humakbang pa siya hanggang sa isang dangkal na lang ang pagitan ng katawan namin. Ngumisi naman siya, "Bakit? Natatakot ka sa akin?"
Kumunot ang aking noo, "Sinong hindi matatakot sa ginagawa mo ngayon?" singhal ko, "Dinala mo ako rito at isinara ang pinto" hindi siya nagsalita dahil nanatili lang siyang nakatitig sa akin, "At.... Nakatayo ka sa harapan ko ng sobrang lapit"
Lumapit pa siya sa akin at itinapat niya ang kaniyang bibig sa bandang tainga ko, "Nea" bulong niya. Pakiramdam ko ay nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa init ng kaniyang hininga na dumampi sa aking balat, napalunok naman ako, "Ganito ang sinasabing sobrang lapit" muling bulong niya. Dahan-dahan siyang lumayo at tumitig sa mga mata ko, "Bakit nanigas ka na diyan?" natatawang tanong niya.
Kumunot ang aking noo sabay binatukan siya, "Nasisiraan ka na ba ng ulo?" inis kong tanong.
Napahawak naman siya sa kaniyang ulo, "Mapanakit ka talaga" reklamo niya.
"Saan mo natutunan iyan ha?" mataray kong tanong.
"Ang alin?" nagtatakang tanong niya.
"Iyong ginawa mong pagkulong mo sa ating dalawa dito at paglapit mo sa akin ng ganoon?!"
Nanlaki ang aking mata nang bigla niyang hinampas ang gilid ng pader pero nanatiling nakatitig sa aking mga mata, "Linnea Gallego"
"Ano na naman?" iritang tanong ko.
"Hanggang kailan mo ba ako itatanggi sa mga tao?"
"A-Anong pinagsasabi mo?"
"Alam mo ang ibig kong sabihin"
Bumaba siya ng bahagya upang magpantay ang mukha namin na isang dangkal na lang ang pagitan, "L-Lumayo ka"
"Paano kung ayaw ko?" panghahamon niya.
"Ayaw mo?" Umiling siya bilang tugon at ngumiti ng bahagya, "Ayaw mo huh?!" usal ko at umaktong sisipain siya pero nahawakan niya 'yon.
Kumunot naman ang aking noo, "Ang hilig mong sipain ang junior ko" saad niya sabay pout. Binitiwan niya ang binti ko at umatras upang dumistansya sa akin, "Walang klase ngayon dahil sa krimen na nangyari, kumain na lang tayo ng breakfast" wika niya na animo'y walang nangyari.
Naglakad siya patungo sa pinto, narinig kong pinihit niya ang lock ng door knob at binuksan ito sabay tumingin siya sa gawi ko, "Kinain mo ba ang ibinigay ko sa iyong pagkain?"
Lumapit naman ako sa kaniya "Oo," Huminto naman ako sa tapat niya at tumingin sa kaniyang mga mata sabay hinila ang neck tie ng polo niya hanggang sa magpantay ang mukha namin, "Next time dagdagan mo ang pagkain, nabibitin ako"
Gumuhit naman ang ngiti sa kaniyang labi, "Yes, Love" wika niya at hinila ko pa pababa ang kaniyang neck tie, "Aray!" reklamo niya.
"Love your ass"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro