✑ Unwritten Rule
"Lyka anong nangyari sa inyo ni George?" Tanong ng kaibigan 'kong si Wendy.
"Malabo pa sa tv na walang antena," sabi ko at kumagat sa burger.
"Malabo na? Makipag break ka na,"
"Hindi yun ganoon kadali, Wen."
"Lyka. Ilang beses mo na nahuli na may nilalandi yan. Di ka na natututo!" Napahinto ako sa pagkain nang biglang tumaas ang boses niya. Bigla na lang niya kinuha ang bag niya at iniwan ako dito mag-isa sa café.
Napabuntong hininga ako. I know na concern siya pero 'di yun ganoon kadali. Mahal ko yung tao. Oo, love is really blind. Nakikita ko na yung kamalian niya pero tanggap ko pa rin.
Noong natapos 'ko na ang report sa laptop, agad akong nag-log in sa facebook.
I m-message ko sana si Wendy to say sorry pero 'you can't reply to this conversation' ang nakalagay. Marahil galit talaga 'to dahil ngayon niya lang ginawa sa'kin 'to.
Ilang beses akong nag-isip kung gagawin ko ba o hindi. Pero I already made my mind this time. Tama nga si Wendy. This is too much.
I messaged George.
👩: George.
👨: Hm, why?
👩: I'm breaking up with you.
👨: Is this really what you want?
👩: I don't know. But I think this is the best way to do for now.
👨: Okay. Take care, Lyka.
Hindi ko alam kung mapapamura ba ko dahil parang di siya apektado. Tama nga. Wala na siyang pakialam sakin.
👩: Okay.
After that, I logged out. I searched for Wendy's name on the contact list and messaged her.
To: My girl Wends
Wends, nakipag-break na 'ko. Thank you. I realized na di na talaga magw-work yung relationship namin. Sorry for not listening to you. Bati na tayo Wends pls.
After several minutes, I received a reply.
From: My girl Wends
Okay. Sorry din sa inasal ko kanina. But please give me a time muna.
I sighed. Galit nga talaga siya. Ilang beses pa lang kami nag-away sa 8 taon naming pagkakaibigan at ganoon talaga siya pag magalit. Umaabot ng linggo para mawala 'yon.
It's been a month at sa chat na lang kami nakakapag-usap lately. Minsan ay di pa siya nagrereply.
Because of boredom, I opened my instagram account na sa loob ng six month, ngayon ko lang ulit ata binuksan.
I scrolled up and down until I saw her post.
A photo of Wendy with George. In our favorite cafe. So sweet, so clingy.
My anger filled my veins. I double tapped the picture. I couldn't help myself but to leave a comment.
"Sinuka ko na may balak ka pang kainin." I said.
You broke our rule, girl.
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
©ThornBlood♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro