Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✑ Trick or Treat !

;trick or treat

"Trick or treat!" sigaw ng mga bata sa labas ng bahay namin. Napangiti ako saka kumuha ng mga tsokolate sa mesa saka ito itinago patalikod.

Binuksan ko ang pinto saka ako binungad nang mga kyut ng mga batang nakacustome. May nakawitch, nakamummy tsaka ang isa zombie.

"Trick or treat."

"Ang kyut niyo naman, pakurot nga sa pisngi!"

"Ayaw! Candies muna."

Hindi ako nagdalawang isip at nilabas ang mga chocolates saka isa-isang nilagay sa mga dinadala nilang basket.

Umabot ng halos tatlong minuto ang pakikipagkulitan ko sa mga bata ngunit naputol ito ng tinawag na sila ng mga magulang nila.

Maingay sa labas, nagkakatuwaan ang mga tao dito sa village na bago kung nilipatan sa kung anong rason na ako lang ang nakakaalam. Kung gaano naman kaingay sa labas, kabaliktaran sa loob ng bahay. Bumuntong-hininga ako bago sinara ang pinto.

"You're alone again, Dunce."

Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa malambot na sofa. Iidlip nalang siguro ako.

Hindi pa umabot ng segundo simula ng pagpikit ko ng may narinig akong nagdoorbell. Dahil sa wala naman akong ginagawa, bumangon nalang ako saka kumuha ng mga chocolates uli.

"Happy hallo-"

Hindi ko natuloy ang pagbati ko nang wala akong madatnang tao sa labas. Luminga-linga pa ako pero wala talaga akong maaninag na kung sino man. Siguro napagtripan lang tong doorbell ko. Di naman na bago sakin lalo pa't kadalasan sa mga bata dito nasa labas, nagkukulitan.

Sinirado ko nalang ang pinto at babalik na sana sa pag-upo ng may narinig na naman akong nag-doorbell.

"Seriously? "

Walang ano-ano kung binuksan ang pinto pero gaya ng dati wala pa rin. Walang katao-tao, tanging malalamig na hampas na hangin lang ang bumungad sa akin kaya napayakap ako sa sarili ko. Kinabahan na ako kaya't mabilis pa sa alas kwatro kung sinara ulit ang pinto tsaka nilock pero ayon na naman, may nag-doorbell na naman.

*ding-dong

*ding-dong

*ding-dong

*ding-dong

*ding-dong

*ding-dong

Naglakas-loob akong hawakan ang pinto at damdamin kung may tao sa labas.

"Okay, okay chill Dunce."

Dahan-dahan kong nilapit ang mata ko sa peephole na labis kong pinagsisihan dahil binungad ako ng matang binalot ng puros puti at isang tuldok lang na itim.

"Trick or treat hihihihihihi,"

Natumba ako dahil sa pagkabigla. Hawak-hawak ang dibdib ko nagawa ko pang umatras.

"S-sino ka?! Hindi magandang biro yan?!"

Akala ko sasagutin lang ako ng kung sino man sa pinto na jinojoke time lang ako. Mas lalo akong natakot ng sabay-sabay na namatay ang mga ilaw sa bahay.

"Hindi magandang biro 'to! Kung sino ka man!"

Nanginginig ako sa takot dahil sa katotohanang ako lang mag-isa.

"s-sino ka?! Magpakita k-ka kung sino ka man!"

"Kapag nalaman ko kung sino ka ipapabanned k-kita dito sa v-village!"

"Hindi magandang biro 'to-"

Naestatwa ako ng may maramdamang malamig na kung ano sa likod ko. Sobrang lapit at lamig.

"Trick or treat hihihihihi,"

"AAAAAAAAAAAHHHHHHH!"

Nagimbal ako ng bumulong ang boses ngbabae na hinaluan ng boses ng lalaki sa tenga ko. Randam na randam ko na sobrang lapit lang nila sakin. Dahil sa takot nagawa kong makatayo ngunit andun pa rin ang pagpatay-sindi ng ilaw. Mas lumala pa nga ito sabayan pa ng tunog ng music box na hindi ko alam saan galing.

"Bumukas ka please! Fuck, bumukas ka!"

Halos dumugo na ang kamay ko sa higpit ng pagkakahawak ko sa doorknob. Gusto ko nang umalis at tumakbo!

"Trick or treat hihihihi,"

"Trick or treat hihihi,"

Hindi ko na kayang tumagal pa sa loob na ito!

Palapit na ng palapit ang boses at tanaw ko sa di kalayuan ang anino ng batang babae. Pasuray-suray siyang lumalapit sa akin habang sinasabi ang katagang 'trick or treat'. Bawat patay-sindi ng ilaw ay ang pag-unti unti niyang paglapit sa akin.

"Trick or treat."

Napahawak ako sa ulo ko ng matanaw ang itsura ng bata. No, hindi lang isa kundi maraming duguang bata ang palapit sa akin. Dumudugo ang mga bibig nila at nagkalapat pa ito sa mga damit nila. Nakakatakot ang galit nilang mga mata na nakatitig sa akin.

"Lubayan niyo ko! Aaaaaaah!"

Sa isang kisip-mata nakalapit ang babaeng nakabestida na naliligo sa sarili niyang dugo.

"Aaacchhhk b-bitawan m-moko."

Nakangiti ito sa akin ng sakalin niya ako. Ang dugo at laway na nanggagaling sa bibig niya ay pumapatak sa mukha ko.

"Acchhhckk!"

"Papatayin ka namin Dunce, papatayin ka namin!"

"aaaacchk w-waaag."

"Papatayin ka ng mga batang pinatay mo! Papatayin ka ng mga batang walang awa mong nilason sa mga lintek mong tsokolate! Isa kang demonyo! Demonyo!"

Napangisi ako ng marinig ang sinasabi nila tila ba nawawala na ako sa katinuan. Humalakhak ako kahit mahirap dahil sa pagkakasakal ng batang namumukhaan ko na. Si Lyssa pala, yung batang nakikila ko sa dati kong tinitirhan, isa sa mga batang nalason ko. Rason kung bakit ako palipat-lipat ng lugar.

"t-trick or t-treat."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro