Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✑ The One Man Hide and Seek

May nakita akong post sa facebook at napukaw talaga nito ang atensyon ko. Dahil mahilig ako sa paranormal, sinubukan ko itong gawin.

Hinanda ko na ang doll na kinuha ko lang sa nakababata kong kapatid. Pati na rin ang rice, flashlight, knife, tv namin na nasira na, pulang sinulid, basong may tubig at asin, at extrang asin.

Pumunta ako doon sa bahay ni lola dahil mala mansyon ito at mayroon itong bath tub na kakailanganin ko. Isang taon na rin mula noong mamatay si lola kaya wala ng nakatira dito.

Gabi na nang makarating ako. Pagpasok ko pa lang sa gate ay nakakapangilabot na pero 'di ko na lang pinansin.

Nilapag ko ang lahat ng gamit sa sahig. Tinaggal ko ang laman ng manika at pinalitan ito ng bigas. Nilagyan ko rin ito ng sarili kong kuko galing sa pinanggupitan ko kanina. Tinahi ko rin ito gamit ang sinulid.

Ewan kung para saan 'tong mga ito. Pinaniniwalaan daw kasi ng mga asians na ang bigas ay nakaka-attract ng spirit. And sinulid naman daw ang nagsisilbing dugo ng manika at ang kuko na nilagay ko ay ang nagsisilbing ugnayan naming dalawa.

Pumunta ako sa bath tub at nilagyan ito ng tubig. Inahanda ko na rin 'yong tv na sira. Iniwan ko dito ang manika. Pagkaalis ko pa lang, gusto kong lumingon dahil napaka-strange ng pakiramdam pero ayon sa binasa ko, 'wag daw lilingon.

Binigyan ko ng pangalan ang manika. At binanggit ko ito ng tatlong beses. Pagkatapos ay sinara ko lahat ng ilaw.

Sa sobrang dilim, nakakabakla man pakinggan ay halos hindi na ako makalakad pabalik sa cr dahil sa sobrang panginginig. Sobrang natatakot na ko. Sa oras na 'to gusto ko na magback-out.

Nakailang buntong hininga ako bago ako tuluyang pumasok ng cr. Putsa! napakadilim!

Kinapa ko pa kung nasaan ang kutsilyo at manika. Di ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob at sinasaksak ko na ang manika ng talong beses.

"Now it's your turn!" Sabi ko at agad iniwan ang kutsilyo at tumakbo agad palabas para magtago.

"Pakshet!!" Naisigaw ko lang bigla nang di ko alam kung saan ako magtatago.

Sa sobrang kaba ay doon agad ako pumunta sa kusina at dahil nakita ko ang isang kabinet na bukas, doon ako nagtago.

Hindi makalma ang puso ko at hingal na hingal ako. Tinakpan ko pa ang bibig ko para lang 'di makagawa ng ingay. Dahil alam ko sa mga oras na 'to, wala na sa cr ang manika.

Alam kong hinahanap na ako manika at kailangan ko na lumipat sa ibang lugar pero sobrang takot ako. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako lumabas sa cabinet at tumakbo paakyat sa taas ng bahay.

Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko at dahil sa sobrang kaba ay doon ako sumiksik sa ilalim ng kama dala dala ang flashlight.

"Shit! Shit!" Halos maiyak na ako kakamura nang nakalimutan ko ang baso ng tubig doon sa kusina. Kailangan ko inumin ang kalahati nito dahil ito ang ipangbubuga ko sakaling makita ko ang manika.

Habang nasa ilalim ng kama, ramdam ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto. Dinig ko rin ang paglaglag ng kutsilyo. At kitang kita ko ito! Yung kutsilyo na iniwan ko!

Ayokong tumingin sa gilid ko dahil alam kong nandun ang pares na paa ng manika.

"Psst!" Sabi pa niya.

Humigpit pa lalo ang hawak ko sa flashlight at nakailang dasal pa ng paulit-ulit.

"Ayoko na! Ayoko na!" Nasabi ko sa sarili ko.

"Hey, let's play!" Muli pang sabi niya.

Tinakpan ko ang bibig ko para di mag-ingay. Dahil sa panahon na iyon, iyak na ako nang iyak.

Ilang minuto pa ay wala na doon ang manika dahil rinig ko ang pag-alis nito.

Alam kong dapat na libutin ko ang bahay at hanapin ko siya. Dapat kong ipanalo 'tong laro pero naduwag na ako.

Ilang oras lang akong nandoon at 'di ko namalayang nakatulog ako.

Pagkadilat ko ay liwanag ang tumama sa'king mata. Alam kong nasa bakuran ako.

Tatayo na sana ako nang di ko iyon magawa dahil may nakapulupot palang tali sa buong katawan ko.

"Hi, I'm Kira! Your doll hihihi," halos maihi ako sa gulat nang may sumilip sa itaas. Ito ang manika!

Sht! Sht! Natalo ako! Nakalimutan kong bawal makatulog sa laro!

Tumalon siya sa hukay kung nasaan ako habang dala dala ang kutsilyo. Umupo siya sa may tiyan ko at ngumiti. Ngumiti siya. Nakakatakot na ngiti.

"I win! I win! I win!" 'Yan ang sinasabi niya habang pinagsasaksak ako nang paulit-ulit.

"Game over hihihi."


◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

©Thorn Blood

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro