✑ The Dream and The Dreamer
"I told you to take medicine sa college 'di ba? Bakit iba ang kinuha mo!?" Sigaw sa'kin ni Daddy matapos niyang malaman na hindi course na gusto niya ang kinuha ko.
"Ang tigas ng ulo mo Anne! Doktor ka dapat!"
Hindi ko magawang iangat ang ulo ko. Hindi ko alam.
Nakakalungkot dahil 'di nila alam simula pagkabata na ayaw kong tumulad sa kanila nila mommy na doktor.
Nag-ipon ako ng lakas. Naka-ilang buntong hininga ako bago ako makatingin ng diresto sa kanya.
"Dad, iyon ang gusto ko. Let me please."
"Wala kang future diyan! Magd-doktor ka sa ayaw at sa gusto mo!"
"Pero dad-"
"No buts-"
"No! Hindi ako magd-doktor!" Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko. Hindi ko akalaing kaya ko gawin 'to. Ang ipaglaban ang gusto ko.
"Then, leave." Walang pag-aalinlangang sabi ni daddy. Binuksan niya ang pintuan namin.
"Lumayas ka na sa pamamahay na 'to! At 'wag na 'wag kang babalik dito! At mas lalo na huwag kang babalik dito 'pag napagtanto mo na wala kang mapapala diyan sa pangarap mo!"
Pabigat nang pabigat ang hakbang ko habang papalayo sa aming tahanan. Bahay na lang pala kung tatawagin.
"I'll make you proud, dad." Bulong ko nang makalayo ako.
Nagsikap ako. Nagtrabaho kung saan saan para lang may pantustos sa sarili kong pag-aaral. Minsan 'di ko maiwasang malungkot na 'di man lang nila ako hinanap pagkatapos no'n.
----------------------------------
Nagpalakpakan at nagsitayuan pa ang mga tao sa loob ng sinehan pagtapos ng palabas.
Dahil nasa likuran ako, tanaw ko ang dalawang mag-asawang doktor sa harapan na mangiyak ngiyak pa katulad ng iilan. Sila ay inimbitahan namin para sa premier night ng panlimang pelikula ko.
Hindi lang basta pelikula para sa'kin 'to. Dahil ito ay sarili kong kwento.
Tumingin sa likuran ang aking kapatid. He gave me two thumbs up. As on cue, I made my way to the married couple.
"Dad, mom..." sabi ng kapatid ko at tumingin sa'kin ang dalawang matanda.
Hindi ko mapigilan ang umiyak. Ngayon ko na lang sila ulit nakita.
"D-dad, I am now a succesful director." nakangiti pang sabi ko.
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
©Thorn Blood♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro