Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✑ Tagaytay

Maaliwas. 'Yan ang una 'kong masasabi sa bahay na nasa harapan namin ngayon. Halatang sobrang luma na nito pero mahahalata mong inaalagaan talaga dahil ang mga parte ng bahay ay maayos pa.

Isang linggo kaming mananatili dito sa bahay nila Ivan sa Tagaytay. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko. Pagkapasok ko pa lang ng gate ay parang ang bigat sa pakiramdam.

"Ay guys, lola ko nga pala. Si Lola Ising." pakilala ni Ivan samin sa kanyang lola. Bilang paggalang, nagmano kami isa-isa. Ako ang huling nagmano. Natakot ako bigla dahil iba ang tingin sakin ni Lola Ising. Hindi 'ko na lang pinansin.

Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay di ko na mapigilan ang sarili ko na magtanong kay Ivan. Iba kasi talaga ang pakiramdam ko. Mas lalo na nang makita ko ang puno sa harap ng bintana mismo ng kwarto na tutulugan ko ngayon.

"Dito sa bahay na 'to nagpakamatay ang nanay ni Lola Ising. Wag ka na lang maingay sa iba at baka matakot sila. Hindi naman nagpaparamdam yun. Kaya i-enjoy na lang natin ang bakasyon."

Nagising ako bigla dahil sa isang panaginip. 'Y-yung puno...

Napatingin ako sa puno at kagaya sa aking panaginip, nakita ko ang sarili 'ko noon na nakabigti habang umiiyak ang batang Ising, tinatawag akong nanay.


◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

©Thorn Blood♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro