Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✑ Pwede ba Manligaw?

"Ang ganda talaga ni Marguax," wala sa sarili kong sabi habang nakatulala kay Margaux na kumakain mag-isa sa canteen.

"Nabaliw ka na naman, tsong." ani ng kaibigan ko.

Kating kati na akong lumapit sa kanya kaya ewan ko kung paano ako napunta sa tabi niya ngayon at dinadaldal siya.

"Margaux, pwede bang man—" 'di ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang lumingon. Para akong nalunod sa mga mata niya.

"Hmm?"

"A-ah w-wala hehe.. A-ang sabi ko ang ganda mo," parang naghugis puso ang mga mata ko noong sinabi ko 'yon.

"Ikaw din ang pogi mo. Ganda ng lahi niyo." nakangiti pa nitong sagot. Tae pare para akong nabakla sa sinabi niya. Yung puso ko lalabas na ata sa ribs para magparty kasama ng ilang organs.

Hindi ko alam kung paano ako naka-uwi sa bahay sa sobrang high. Parang mag-aaral na ko ng mabuti para sa future naming dalawa.

Pag-uwi chinat ko siya agad.

👨: Hi crush😍

Naka-online siya pero wala agad reply. Pero mamaya sana magreply siya.

Hinanap ko yung charger sa drawer dahil lowbat na ko pero wala 'yon dito. Piste talaga 'to si ate.

"Ateeeeeee!" Sabay katok ko ng ilang beses sa pintuan niya.

"Ano ba yun?!" Sagot niya.

"Yung charger ko kinuha mo na naman! Buksan mo yung pinto papasok ako!"

"Naka-bukas yan tukmol!" Pagkabukas ko nito ay agad ako pumunta sa drawer niya para kunin yung charger.

"Hoy ako muna! 2% na lang ako. Ka-chat ko pa jowa ko!" sabi niya sabay hatak sa charger.

"Wala akong pake! Jowa jowa! Akin na charger ko!" Hinablot ko ulit ito at lumabas na.

"Kaya wala kang girlfriend, tukmol ka!" Rinig ko pang sigaw niya.

Sinaksak ko yung charger. Gamit ko ang cellphone habang nagc-charge. Margaux ganoon kita kamahal.

Pagbukas ko ay may reply na siya.

👩: Hi

Kinilig ako bigla. Nagreply ako syempre.

👨: Hi. Lalakasan ko na loob ko. Pwede ba manligaw?
👩: Ligaw? hahaha.
👨: Oo.
👩: Sorry, Vince. Hindi pwede.
👨: Bakit? May boyfriend ka ba?
👩: Wala
👨: Edi manliligaw ako sa ayaw at sa gusto mo.
👩: Bawal. Maga-galit girlfriend ko.

Napamura talaga ako nang ilang beses nung nabasa ko yung reply niya.

👩: Vince pwede favor? Pakisabi sa ate mo wag siyang mal-late sa date namin bukas. Salamat.

Binato ko yung yakap kong unan sa pintuan dahil sa inis.

Pakshet ka ate sarap itago battery ng cellphone mo!


◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

© Thorn Blood

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro