Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✑ Parallel Lines

Mag-aalas dose na nang biglang tumunog ang telepono ni lola.

"Lola may tumatawag po!" Tawag 'ko kay lola ngunit wala naman akong natanggap na sagot. Kaya no choice ako kundi ang sagutin ito.

"Hello?"

"Magandang gabi. Nais ko lamang ipaalam na tapos ko na ang iyong ipinapapinta. Maari mo na itong kunin, binibini." sagot nito. Napakunot ako ng noo. 'Di ko ma-gets.

"P-po?"

"'Yong ipinapinta niyo po ay tapos 'ko na. Nawa'y ito ay magustuhan ninyo."

"A-ah s-sige po... hehe." pagtapos no'n ay agad kong ibinaba ang telepeno. Walang galang tignan pero 'di ko naman siya maintindihan. Si lola na lang ang tatanungin ko bukas.

Kinabukasan, habang nasa hapag kaming dalawa ni lola upang kumain ng agahan ay agad kong sinabi sa kanya ang tungkol doon.

"Lola, may tumawag nga po pala kagabi sa telepono niyo. Tapos na raw po yung ipinapinta niyo."

"Ano apo? Pinapinta? May pinapinta ba ako?" Kumunot ang aking noo sa sagot ni lola.

"Hindi ko po alam lola. Kakarating ko lang po kahapon 'di ba?" tanging nasagot 'ko.

"Ay, baka mayroon nga ngunit nalimutan ko lang. Alam mo naman ang lola mo, tumatanda na." kung sa bagay, makakalimutin na talaga si lola.

"Hintayin mo na lang na tumawag ulit at hingiin mo ang detalye." bilin niya sa akin.

Kinagabihan, muling tumunog ang telepono. Ako ulit ang sumagot dahil natutulog na si Lola.

"Hello?" Sabi ko.

"Binibini, pasensya pagka't maling numero pala ang aking natawagan kagabi. Ipagpasensya mo na. Umaasa ako na sana ako ay iyong mapatawad sa aking pang-iistorbo sa gitna ng gabi." hindi ko alam pero natawa ako sa sagot niya.

"Wala iyon, ginoo." hindi ko na rin mapigilan na patulan ang kanyang trip. Nakakatuwa dahil mayroon pa pala ang marunong magsalita ng ganito.

"Bakit ka tumatawa, binibini?" Napakagat ako ng labi. Shemay ang lamig ng boses niya at lalaking lalaki.

"Wala po, ginoo." palusot ko.

Dumaan ang ilang araw at buwan. Naging routine ko na ang pagsagot sa telepono tuwing papatak ang gabi.

Naging close kami sa isa't-isa at hindi ko maipagkakaila na nakakaramdam ako ng kilig sa t'wing magkausap kami.

Minsan ay nag-uusap kami gaya ng kung paano siya magsalita. Nakakatuwa dahil nasasanay na rin ako. Sabi rin niya ay ganoon talaga ang kanyang pananalita. Ganoon ka pormal.

Sa matagal na pag-uusap, napagdesisyunan namin na magkita na.

Agad akong nagpaalam kay lola na pupunta lang ako ng parke malapit samin. Pero ilang oras akong naghintay doon ngunit wala akong nakita na lalaking naka barong at may suot na sumbrero.

"Pumunta ako sa parke binibini. Tinupad ko ang ating napagkasunduan at ako'y pumunta sa lugar na ating napag-usapan." yan ang explain niya sakin. Siguro nga di kami nagkita dahil masyadong maraming tao noong oras na iyon.

Sunod naman ay napag-usapan namin na magkita na lang sa Intramuros. Maaga akong pumunta roon at katulad ng nangyari noong nakaraan, wala akong nadatnan na ginoo.

Napatingin ako sa petsa. Di ako mapakaling palakad lakad sa salas ng bahay habang hinihintay na tumunong ang telepono.

"Binibi bakit parang wala ka sa intramuros kanina? Naghintay ako ng ilang oras at halos kakauwi ko lang—" sabi niya sa pagsagot ko pa lang sa tawag.

"Anong petsa ngayon?" Aligagang tanong ko.

"Bakit ganyan ang iyong tanong?" Natatawa pa niyang sabi.

"Anong petsa ngayon?" Ulit ko.

"Ika-labing dalawa ng marso, binibi. Maari ko bang malaman kung bakit—"

"Taong ano? Anong taon ngayon?"

"1889. Baki—" agad kong binaba ang telepono at nanghihinang umupo.

Paano nangyari iyon? Siya'y galing sa taong 1889 at ako naman ay galing sa kasalukuyang panahon. Paano nangyari iyon?

Kaya pala hindi kami magkatagpo tagpo. Hindi kami nagkikita sa iisang lugar. Dahil hindi kami nabubuhay sa parehong panahon.

Itinadhana ngunit hindi pinagtagpo.


◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

© ThornBlood

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro