✑ Panget
"Guys, guys, parating na siya!"
"'Yan na pala siya. Aga pumasok ngayon ah."
"Saan ka planetang nanggaling? Bakit parang 'di ka dito taga sa amin? HAHAHA!"
"Sana man lang nagsuklay ka bago pumasok!"
"Bes, kahit magsuklay ganyan pa rin 'yan. Daig pa yung sinulid ng buhok niya sa pagkabuhol,"
"Aswang ata 'to e. HAHAHA!"
"Siguro noong nagpa-ulan ng kapangitan, siya lang ang gising!"
Ilan lang 'yan sa mga linya na naririnig 'ko dito sa eskwelahan. Araw araw na ganito. Nagmistulang impyerno ang lugar na ito dahil sa mga ganitong tao. Kantsaw dito, kantsaw doon, 'di naman mga perpekto.
Tinignan 'ko sila sa mata isa-isa. Tanda 'ko ang mga detalye na 'to.
Palihim akong napangisi. May nadagdag na naman sa listahan 'ko.
Agad 'kong sinulat ang pangalan ng dalawang magkaibigan na yun sa aking kwaderno. Inumpisahan nila ang laro.
Uwian na nang kunin ako ang isang garapon at mabilis na pumunta sa cr kung saan sila madalas pumunta bago umuwi.
"O panget, bakit nandito ka?" Sabi nung isa habang nananalamin at naglalagay ng lip tint sa labi.
Mabilis 'kong hinawakan ang kanyang leeg na tila ba siya'y nasasakal at inilabas ang isang maliit na kutsilyo.
Narinig ko ang kanyang pagsigaw nang unti unti kong dinudukot ang kanyang eye balls gamit ito.
Nang matapos kong makuha ang dalawa niyang mata ay agad ko itong inilagay sa garapon. May dagdag na naman sa aking koleksyon.
Simula ngayon, hindi mo na makikita ang kapangitan ko. Oo, panget ako. Wala ng bago.
So, sino mag-aadjust?
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
©Thorn Blood II♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro