✑ P Y S C H O
"Uy, sali ako." nakangiting sabi ko sa mga batang naglalaro.
"Ayaw namin sayo, epal ka."
"Oo nga, mas gusto namin si Ella!"
Agad na nagpantig ang tenga ko, si Ella na naman, si bunso na naman.
---
"Mommy! Anong pasalubong ko?" excited kong tanong ko kay mommy, kakauwi lang kasi nila galing Bicol.
"Nako Elle, masyado ka ng matanda para sa pasalubong, si bunso lang ang binilhan namin."
Agad namang sumama ang loob ko sa narinig, simula talaga nang dumating yang si Ella, siya na lang lagi.
---
"Ate Elle! Ate Elle!" tawag sakin ni ella gamit ang nakakairita nyang boses
"Bakit?"
"Crush ako ng crush ko, hihi!" nakangiti nyang sabi, crush? E 8 years old pa nga lang siya.
"Sino bang crush mo?"
"Si kuya Nan!"
Umakyat yata lahat ng dugo ko sa narinig, 12 years old na si Nan, kaklase ko siya at higit sa lahat. Crush ko din siya.
LAHAT NA LANG TALAGA!
---
Nagising ako ng hating gabi, hmm parang gusto ko ng tubig, ah.
Agad akong lumabas ng kwarto ko para sana kumuha ng tubig, pero natigil ako sa paglalakad ng makita ang kwarto ni Ella.
Sumilip ako doon at nakita siya, tulog na siya. Pinagmasdan ko sya habang natutulog.
Paano kaya kung hindi ka dumating? Ako pa din kaya ang paborito ng lahat? Ako pa din kaya ang gusto nilang kalaro? Ang may pasalubong kay mom at dad? Magiging crush din kaya ako ni Nan?
Agad na nandilim ang paningin ko sa naisip, dali dali akong bumaba sa kusina at kinuha ang kanina ko pa gustong mahawakan.
Kutsilyo.
Umakyat na ako sa taas at nagtungo sa kwarto ni Ella, pagkadating ko don ay agad akong sumampa sa ibabaw niya, nagising naman sya.
"Ate? An--AaaAaaacKkkN!" hindi pa man tapos ang sasabihin nya ay agad ko na syang sinaksaksak sa dibdib.
Pinagsasaksak ko iyon hanggang sa makita ko na ang puso nya, kinuha ko ito.
Dinilaan ko 'yon, tama nga ang nababasa ko, malansa ngunit masarap ang lasa ng dugo.
Pagkatapos tikman ang puso niya ay pinagmasdan ko siya " Sorry bunso, ikaw nalang kasi lagi e," sabi ko at tinuloy ang paghiwa sa katawan nya.
---
"Hmm," rinig kong sabi ni Mommy matapos nyang maamoy ang niluluto ko.
"Morning mom!" masiglang bati ko.
"Anong niluluto mo, baby?"
"Caldereta ala Elle Xyzeia!" nakangiti kong sabi.
Kasalukuyang kumakain si mommy nang bumaba si Daddy.
"Ang bango naman niyan, ano 'yan? " sabi ni dad at agad na kumuha ng niluto ko at tumikim.
"Hmm ang sarap! Asan si Ella? Siguradong magugustuhan niya 'to!"
Napangiti ako, Ella na naman.
"Natutulog pa." sagot ni Mommy.
"Huh? Wala na doon sa kwarto niya ah."
"Eh? Nakita mo ba si Ella ,anak? " tanong ni Mom at bumaling sa'kin.
Ngumiti naman muna ako bago sumagot.
"Kinakain nyo po."
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
©Conan Blake Lamporgue♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro