✑ May Paa !
Lance: Kate, ahm, alam mo ang ganda mo.
Kate: Ha? Anong nakain mo?
Lance: I love you, Kate.
Kate: (natigilan) I love you too, Lance.
Lance: (Nabuhayan ng dugo) Talaga?
Kate: As a friend HAHA! Ano ba? Diba mag-kaibigan tayo?
Lance: (sumimangot at napahinto, tila nagulat sa nakita at kinakabahan) Teka, ano yun? (sabay turo)
Kate: Ha? Saan? (Napalingon sa tinuturo ni Lance)
Lance: M-may p-paa..
Kate: Ha? Ano?
Lance: M-may p..p-paa. (umaatras na)
Kate: Ano ba?! Linawin mo nga!
Lance: May paa!
Kate: Ha? Saan?!
Lance: 'D-di mo m-makita?
Kate: L-lance na.. natatakot na 'ko..
Lance: May paa!!! Kate, merong paa!!!!
Kate: WAAAAHHHHH!!!!! (at nagtatakbo siya hawak ang kamay ni Lance. Huminto sila sa isang kanto at hinabol ang kanilang hininga.)
Lance: Bakit mo hawak k-kamay ko?
Kate: (Napatingin sa kamay ni Lance na Hawak hawak niya....) Kasi mahal kita..
Lance: Bilang Kaibigan?
Kate: Hindi.
Lance: (bumilis ang tibok ng puso) Eh a-ano?
Kate: Bilang kapatid..
Lance: (tiningnan ng masama si Kate) May paa ulit!
Kate: (Tumago sa likod ni Lance) ASAN?!
Lance: Nasa likod ko..
Kate: (Humarap kay Lance) Ano ba? Niloloko mo
yata ako eh. Wala naman talagang paa diba? (singhal nito kay Lance)
Lance: Meron..
Kate: Eh nasaan?
Lance: Nasa harap ko..
Kate: Ha? (nagpalinga-linga) Ako ba yung tinutukoy mo?
Lance: Yes.
Kate: MUKHA BA AKONG PAA? (Naiinis na sigaw kay Lance)
Lance: Hindi. Maganda ka sa paningin ko.
Kate: Oh, eh bakit mukha akong paa?
Lance: Paa,
Kate: Paa?
Lance: Paasa ka, Kate! PAASA!
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
© Cresia Gabad Nacional♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro