Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✑ Kalaro

"Wenvie, tawagin mo na nga 'yong kapatid mo doon. Kakain na. Sabihin mo tigil na ang kakalaro at gabi na." bilin sa'kin ni mama matapos tikman ang sabaw ng niluluto niyang sinigang.

"Opo ma," sagot ko.

Nasa hagdanan pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang ingay ng mga paa nila.

"Elle! Tigil na yang takbuhan!" Sigaw ko pero wala pa ring hinto ang takbuhan nila sa kwarto.

"Elle?" Tawag ko sa kanya bago pihitin ang door knob.

"Po, ate?" Sagot nito pero wala sa'kin ang atensyon. "Pagbilang kong sampu ay nakatago ka na. Isa, dalawa, tatlo, ...."

Napabunting hininga ako. Kita ko naman kung saan nagtago ang kalaro niya. Sa ilalim ng kama. Nilapitan ko ang kapatid ko.

"Elle, tama na ang laro. Gabi na. Sino ba ang kalaro mo? Si Lisa? Pauwiin mo na siya at baka hinahanap na 'yan ng mama niya."

"Ate kanina pa po umuwi si Lisa,"

"Eh sino ang kalaro mo?" Kita ko sa pheriperal view ko ang pag-alis ng kalaro niya sa ilalim ng kama. Mabuti na yun at dapat umuwi na siya.

"Si Emm po ang kalaro ko ate." nakangiting sagot nito sa'kin. Napatigil ako. Hinawakan ko siya ng maigi sa balikat at diretsang tumingin sa mga mata niya.

"Elle, matagal na patay ang kakambal mong si Emm."

"Hindi ate. Nandoon nga siya sa likod mo nagtatago o," turo pa nito sa bandang likuran ko.


◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

©Thorn Blood

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro