Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✑ Facebook Live

"Hello guyyyys! So live na naman po tayo ngayon kasi wala yung ermat ko." Sabi ko sa mga taong nanonood ng live ko ngayon sa facebook.

Inayos ko ang aking buhok at isa-isang shinout out yung mga fans ko.

Isa akong sikat na tiktok user at ang daming humahanga sa'kin.

"Shout out pala kay Aaron James na humihingi ng kiss. HAHAHA! Mahal yung kiss ko 'di mo mabibili." Natawa ako sa sinabi ko.

Isa si Aaron sa mga manliligaw ko kahit nireject ko na s'ya pero patuloy pa rin 'to sa pangungulit sa'kin.

"Ate Daisy, nakita ko po na dumaan yung nanay mo." basa ko sa isang nag comment.

Bigla akong nagtaka kasi wala naman akong narinig na bumukas yung pinto.

"Wala naman eh. Pinagti-tripan n'yo na naman ako." sabi ko sabay tawa.

Inilibot ko ang paningin kung nandito na nga si mama sa bahay. Pero wala talaga. Nag paalam muna ako saglit at hinayaang naka live pa rin 'to.

Tinignan ko ang kusina nagbabakasakaling nando'n si mama. Pero wala. Bumalik ako at ngumiti sa camera at bigla akong nagulat nung biglang dumami yung nanonood.

15k mahigit na ang nanonood ng live ko!

---------------------------

"Ate Daisy, nakita ko po na dumaan yung nanay mo." Comment ko nang nakita kong dumaan 'yong mama niya sa likod niya.

Tumawa lang siya sa video at sinabi na pinagt-tripan siya. Pero kitang kita ko talaga na dumaan 'yon.

Umalis siya saglit na parang may titignan at nang bigla naman dumating ang nanay niya.

Tumapat ito sa camera. Ang layo ng hitsura nila ni Ate Daisy. 'Di sa nilalait ko pero mukha siyang nakatira nang shabu ngayon. Magulo ang buhok, ang laki eyebags, kala mo pulubi dahil ang dungis.

"Shock!" Napatakip ako ng bibig at sabay pikit nang may nilabas siyang isang braso ng tao. Braso lang na nalalaglag pa ang ibang laman!

Pikit ang isang mata ko habang sinsilip ulit 'yon.

"Kadiriiii!" Ngayon nama'y tinakpan ko ang mga mata ko dahil sobrang gross na no'n. Kinakain niya 'yong duguang braso!

Bigla na lang ako nasuka. Pagsilip ko sa cellphone ay wala na siya doon. Bigla namang dumating si ate Daisy.

"Ate Daisy! 'Yung nanay mo psycho!!" Sigaw ko na para bang naririnig niya ko.

"Ate alis na diyaaaan! Ateee! Sa likod mo! Sa likod mo!" Sigaw ko sabay duro pa sa phone.

Natigil ako sa pag-iingay nang may sumirit na dugo at nalaglag ang kaliwang eyeball ni ate.

"Put...a" hindi ako makapaniwala. Pinagsasaksak niya si Ate Daisy kung saan niya ma-tripan. Chinop chop pa nito ang mga daliri.

-------------------------

"Haist," ani ko sa'king pagdilat. Naalala 'ko na naman 'yong live na 'yon. 1 buwan na ang nakakaraan at sa loob ng isang buwan na 'yon ay 'di talaga ako makatulog.

Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang live na 'yon sa fb. Pero ang huling balita ko ay nagsuicide raw ang mama niya.

Pinilit kong pumikit ulit at matulog pero 'di ko magawa. Binuksan ko na lang ang fb para magpaantok.

'Di ako makagalaw nang bumungad sa'kin ay facebook live ulit.

Kitang kita ko ang panlalaki ng mata ko sa screen at katawan 'kong balot ng kumot pati ang kwarto kong madilim.

Ang live ay galing sa account ko habang sa'kin nakaharap ang camera. At Kitang kita ko ang duguang si Ate Daisy na titig na titig sa camera habang nakatabi sa'kin.


◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

© Thorn Blood and JD Mainar♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro