Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✑ Ex and Present


"Sinong tinitignan mo diyan sa likod?" Tanong ko sa girlfriend ko dahil halos mabali na yung leeg kakalingon.

"Nandun yung ex mo ah."

"Si Cassie?"

"Sino pa ba?" 'Di ko maintindihan yung gusto iparating nito. Kung aawayin na naman ba ako nito mamaya o ano.

"Punta lang ako cr—" pinigilan ko siya bago makatayo.

"Anong gagawin mo dun? Aawayin mo si Cassie?"

"Tsk. Ba't ko naman aawayin yun 'no!" At di ko na siya napigilan. 'Wag naman sana mang-away tong girlfriend ko.

Nakita 'kong umilaw yung phone niya na nakapatong sa table. One missed call from Cassie. Napamura ako nang mahina. Gulo nga ata 'to.

Sinundan ko sila sa cr ng girls. Naghintay ako sa may labas. Tinignan ko silang mabuti. Wala namang galos. Ang weird lang dahil nginitian lang ako ni Cassie at bigla na lang akong hinila ng girlfriend ko.

"Anong pinag-usapan niyo?"

"Wala naman."

"Iza, ano nga?"

"Wala. Closure. Friends na nga kami." I just shrugged off my thoughts. Pero ang weird pala sa pakiramdam na ang ex mo ay friend na ni present.

The other day, nagpaalam si Iza na may lakad sila ng mga kaibigan niya kaya 'di niya ko masasamahan sa mall para mamili ng groceries namin sa condo.

Pagkatapos ko mamili ay dumiretso ako sa isang restaurant para kumain ng lunch. Suddenly, may nakita akong pamilyar na mga mukha.

I knew it. That's why she's getting cold to me lately.

Iza, my girlfriend, was hugging someone from behind. So close, so intimate.

I cussed.

She even kissed her. She kissed Cassie.

They both cheated on me.

Damn.


◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

© ThornBlood

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro