✑ Elevator
[September 18, 2018]
Mabilis akong tumakbo habang sapo ang aking dibdib patungo sa pasiradong elevator.
"Wait lang!"
Hindi na sana ako aabot kung hindi lang may humarang din na braso na pagmamay-ari ng matipunong katawan na nakatalikod sa akin.
"T-thank you."
Napayuko ako ng makapasok dahil ramdam ko ang tingin ng mga taong nasa loob sa akin or more like sa taong kasama ko.
"Good mornig po, Sir Anton."
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi ng nasa likod ko. Humigpit ang hawak ko sa shoulder bag na meron ako. Jusko naman, sana pala hindi na lang ako nagmadali. Kaya naman pala ramdam ko ang laser eyes ng mga kasama ko dito.
"G-good morning, s-sir."
Looking good sa kanyang suit, ang anak ng boss ng kompanyang pinagtatrabahoan ko na nakatayo sa gilid ko. Tinatapik ko ang aking mga paa sa sahig dahil sa kagustohang makalabas sa elevator nato. Ayos na sakin kung maghahagdan nalang basta di ko lang makasama sa maliit na espasyo ang isang Anton Lars. Wala akong issue sa kanya pero kalat kasi sa department namin o sa boung building man ang reputasyon niya bilang supladong boss.
"Stop that."
Napahinto ako sa aking iniisip ng magsalita ang katabi ko.
"P-po?"
Inayos ko ang eyeglasses ko bago napatingin ng diretso sa harap.
"You're fidgeting. If you are not comfortable then get out."
Napalunok ako sa malamig at seryosong tono ni Sir Anton. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para humingi ng paumanhin ng biglang—
"Fuck!"
Mabilis akong napakapit kay sir Anton ng biglang umalon ng malakas ang elevator saka ito gumalaw na parang nililindol. Nagpatay sindi ang ilaw sa loob at nagsimulang magpanic ang mga kasama ko sa loob.
"Hala jusko, anong nangyayari?!"
"Shit walang signal! Baka matrap tayo dito!"
Sumabay na rin ang aking mga mata sa pag-ikot dahil na rin sa pagkahilo dahil sa galaw ng elevator. Muntik na sana akong mabuwal kung di ko lang naramdaman ang mainit at matigas na brasong gumapos sa beywang ko.
"Stay still."
Hindi ko man kita ang mukha ni sir Anton , alam kong malapit lang ang mukha niya sa mukha ko. Pero hindi ko na inalintana ang senaryo kung kakabahan o mahihiya ba ako dahil umaatake na naman ang sakit ko. May claustrophobia ako. Kinakaya ko ang sumakay ng elevator sa pang-araw araw pero hindi ang makulong at sabayan pa ng madilim na paligid.
"S-sir."
Kinapalan ko ang sarili ko at kumapit kay sir habang hinahabol ang aking hininga. Alam kong nagkakagulo na rin sa loob ng elevator nato. Halos limang minutong ganun ang elevator at sunod-sunod na mura na ang narinig ko sa mga kasama ko. Sabayan pa ng pagkalampang nila sa metal na pinto at pauli-ulit nilang pagpindot sa emergency button. Napasubsob ako sa dibdib ni sir Anton habang napaiyak. Ramdam ko rin ang munting paghaplos niya sa buhok ko. Kung sa ibang pagkakataon lang ito nangyari, siguro mangingisay ako sa kilig.
"Hang on."
"S-sir— AAAAAAAHHHHHHH!"
Isang malakas na 'screeeeech' ang umalingawngaw sa paligid ng marinig ang mistulang pagkaputol ng lubid na nagsisilbing kapit sa elevator.
"Shit!"
"Ayoko pang mamatay!"
Akala ko katapusan ko na. Akala ko mamatay na ako. Akala ko ang susunod na mangyayari ay ang malakas na pagkasabog dulot ng pagbagsak ng elevator pero hindi. Iba ang narinig ko.
'TING! '
Bumukas ang elevator at bumungad sa amin ang looby ng ground floor. Sinubukan kong libutin ang aking paningin sa mga kasamahan ko dito sa loob at parang dinaanan ng delubyo ang mga itsura nila. May umiiyak, naliligo sa pawis at naghihisterikal. Ang iba kinapa-kapa pa ang sarili kung buo pa ba ito.
"ANONG TINITINGIN-TINGIN NIYO DIYAN?! TULUNGAN NIYO KAMI!"
Umalingawngaw ang malakas na boses ni Sir Anton pero imbes na tulungan kami ng mga taong nakaabang sa labas, nahintakutan pa silang nakatingin sa amin.
"Shit! Ano ba?! Move!"
Mabilis na hinila ni sir Anton ang kamay ko palabas. Hindi ko halos maramdaman ang tuhod ko dahil sa nerbyos kanina. Muntik na akong mamatay for Pete's sake!
"Ahm, wait, wait! Sir wait!"
Ang sunod na pangyayari ang hindi ko inaasahan dahil sa isang iglap, napalibutan kami ng mga guwardiya habang nakataas ang kanilang mga baril. A-anong?
Hindi ba nila alam na may malfunction kanina sa elevator o kung ano mang kababalaghan ang nangyari kanina na muntik na naming ikamatay?!
"T-teka po—"
"What the fuck is wrong with you?! Get out of my sight kung ayaw niyong sisantihin ko kayong lahat!"
Tanaw ko na ang paglabas ng ugat ni sir Anton sa kanyang leeg tanda na nagagalit na ito. Hawak pa rin niya ang kamay ko at medyo napaigik ako ng higpitan niya ang pagkahawak. Linibot ko ang aking paningin at saka ko lang napagtanto na nasa likod pa rin naman at pawang naguguluhan ang nakasama namin sa elevator kanina. Mga nasa anim din kaming katao natrap kanina sa elevator.
"Ano bang problema niyo?! Hindi niyo ba alam na may nangyaring malfunction kanina sa elevator?!"
"Ano bang ibig sabihin nito?"
Napakunot ang noo ko ng maikot ko ang paningin ko sa paligid. Parang may mali— ang dating kulay gintong kulay ng boung building ay napalitan ng puti. Saka ko lang rin napansin na iba ang disenyo at kulay ng mga unipormeng sinusuout ng mga tao dito kumpara sa amin. Nag-iba na rin ang ambiance ng building at kita mo talaga na parang mas gumanda at naging high-tech ang paligid.
Isang babaeng nakaformal suit na itim ang bumuwag sa nakapalibot na guwardiya sa amin. Tinitigan niya rin kami ng kakaiba na para bang tinubuan kami ng pangatlong ulo.
"Excuse me sir but, may I know your name? "
"What the fuck?! Anong kabaliwan to?! "
"Sir, your name please."
"Stop this nonsense or I swear I will—"
"He is Mr. Anton Siege Lars, the heir of this Lars company."
Ako na ang sumagot dahil ramdam ko na ang hindi pangkaraniwang pangyayari sa paligid. Hindi pa nga humuhupa ang kaba ko dahil kanina at ito na naman ngayon.
Nanlaki ang mata ng babae saka siya may ibinulong sa guwardiyang katabi niya.
"I'm sorry maam and sir, but the said Mr. Anton Lars is reported missing and never been found five years ago"
Nanlamig ako sa sinabi ng babae. Lumuwang din ang hawak ni sir Anton sa akin. Inilibot ko ulit ang paningin ko sa paligid at nagbabasakaling may makita akong hidden camera at baka jinojoke time or pinaprank lang kami ngunit ang sunod na sinabi ng babae ang nagpawala ng katinuan ko.
"He is missing together with his five employees, Ericka Suzane, Fredirick Brown, Jonah Wilson, Mae Ann Santiago and Anastasia Santillan."
Nagpanting ang tenga ko ng marinig ang pangalan ko sa huling taong binaggit. Like what the fuck?! Missing? Five years ago?! Ano bang nangyayari sa mundo? Sa mga taong ito?
"Sir, matanong lang po kita. Anong petsa ba ngayon?"
Halos mawasak na ang dibdib ko dahil sa malakas ng pagtambol ng nito dulot ng kaba.
"September 18, 2018."
Sabay-sabay naming sabi.
"Nagkakamali kayo. Ang petsa ngayon ay September 18, 2023. Kayo ang nga taong nawala ng parang bula limang taon nang nakakaraan at ito kayo ngayon biglang nagpakita."
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
© RedBud♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro