✑ Elevator 2
September 18, 2023
Binalot ng nakakamatay na katahimikan ang puting kwarto na kinaroroonan namin ngayon. Para kaming mga taong kinulong dahil na rin sa matatayog na gusali na namamagitan sa amin at sa mga taong iniobserbahan kami sa kabilang bahagi ng malaking salamin na nasa harap namin.
"This is bullshit!"
Nagulat ako at ng mga kasama ko sa sudden outburst ni sir Anton. Kanina pa siya tila nawawala sa sarili at kanina pa rin ako nagtitimpi na masapak siya. Hindi kasi nakakatulong ang oras-oras niyang pagrereklamo at minu-minuto niyang mura.
"Sir, huminahon po kayo."
"Huminahon? We've been locked here for hours! In my own fucking company! Pano ako hihinahon?!"
Magsisimula na naman si sir Anton sa pagwawala nang biglang bumukas ang pinto.
"I'm sorry for being delayed. Maam and sir, can we discuss what's happening right now? "
Wala kaming nagawa kundi tumango at kanya-kanyang umupo sa mga silya na nakapalibot sa munting lamesa dito. Pinapangunahan kami ni Sir Anton na pakalma na ata at bumalik ang strikto at seryoso nitong mukha.
"Can you tell us what the fuck is going on? " impatient na tanong ni Sir Anton.
"We don't have the scientific explanation of what happened sir but we are telling you the truth, nasa taong 2023 na kayo. You've been missing for the last five years. May nakapagsabi na baka nagtime travel kayo which is insane at kapani-paniwala naman dahil ni hindi nga kayo tumanda and some belief says na baka may napasukan kayong portal patungo sa future. No one knows what really happened, no explanation and it'll remain as mystery."
"And you expect us to believe it?" sabat naman ng kanina pang-nagpapanic na si Ericka.
"You have no choice but to believe it, welcome to 2023."
------------
Dalawang buwan na ang nakalipas at parang kahapon lang nangyari ang sinabi nilang pag- time travel namin sa taong 2023. Isang buwan din kaming naging mangmang at nangangapa para lang makaayon sa taong kinaroroonan namin.
"Breakfast is ready."
Nabalik ang isip ko sa reyalidad ng halikan ako ng kung sino sa pisngi.
"Anton,"
"Bumangon ka na Ana, let's eat,"
Siguro ang bagay na pinapasalamatan ko na nangyari sa nakalipas na buwan ay yung nagkalapit kami ni Sir Anton. Pagkatapos ng nangyari naging kaibigan ko ang mga taong nakasama ko sa elevator at naging manliligaw ko naman ang taong di ko lubos maisip na magkagusto sa akin. Isang buwan niya akong niligawan at isang buwan na rin simula ng nagsama kami bilang magnobyo't nobya. Singbilis pa ng time travel ang nangyaring pagmamahalan namin pero masasabi ko namang masaya ako ngayon. Si Sir Anton ang kahuli-huliang taong naisip ko na mapagmahal at based sa pagsasama namin, mali lahat ang unang impresyon ko sa kanya.
"Akala ko maaga kang aalis?"
"I'm about to but then, I can't risk to leave my beautiful girlfriend here all alone. The company can wait, love."
Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya. Kinikilig ako deep inside pero hindi ko lang pinapakita dahil alam ko na lalabas na naman ang kakulitang tinatago ni Anton.
Pinagsilbihan ako ni Anton which is unusual although sweet naman talaga siya sa akin pero iba ang pakikitungo niya sa aking ngayon. Inaalalayan niya ako na para bang babasaging bagay ako at kanina niya pa ako paulit-ulit na hinahalikan, sa labi, pisngi at noo ko. Siguro maganda lang talaga ang gising niya kaya nagiging malambing siya sa akin.
Maaga kaming lumabas ng penthouse ni Anton at gaya ng nakagawian, binabati na naman kami ng mga taong nakakasalubong namin. Hindi dahil sa Lars ang apelyedo ng kasama ko, kundi dahil sikat na rin kami bilang mga taong nakapag-time travel.
Nakarating kami sa company bilang ako, loyal na empleyado at si Anton bilang nagmamay-ari nito. Inayos ko ang shades ko pagkatapos makalabas sa kotse ni.Anton.
"Good morning, Mr. Lars and Miss Santillan."
Hindi pa rin ako ganun kasanay sa pagbabagong nangyayari sa paligid. Nagmimistulang mangmang ako sa unang buwan na pag-aadjust ko pero dahil sa laging nasa tabi ko si Anton, nagawa ko ngang humabol sa kung ano na ang panahon ngayon.
Pumasok kami sa private elevator na exclusive lang na para sa amin. Magkahawak ang kamay ni Anton at katahimikan ang namamagitan sa amin pero kalaunan ay nabasag ito ng magsalita siya.
"I love you,"
Kumunot ang noon ko sa sinabi niya. Sanay ako sa random na pinagsasabi niya, showing and saying how affectionate he is towards me but not this time. Kaninang umaga ko pa napapansin ang kakaibang kilos ni Anton. Kumalas ako sa pagkakahawak..iya sa akin saka siya hinarap.
"What is wrong with you? Okay ka lang ba? May problema ba?" nag-aalala kong sabi sa kanya.
Hindi niya ako sinagot. Nakikipagtitigan lang siya ng matiim sa akin at nababasa ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya sa akin. In the quick span of time, how lucky I am to have him.
Isang minuto din ang nakalipas bago siya ngumiti at niyakap ako ng sobrang mahigpit. Hinahalik-halikan niya ang buhok ko habang panay bulong ng 'I love you'. Naiiyak ako sa ginagawa niya dahil nagiging batang walang kaalam-alam na naman ako. Yayakapin ko na rin sana si Anton nang biglang maramdaman ko ang pag-alog ng elevator at ang paghigpit ng yakap ni Anton.
"Anton,"
No, I don't like this feeling. Tila ba isa tong deja vu. Kabisado ko na to. Ang pag-alog ng elevator, ang pagpatay sindi ng ilaw at ang nakakahilong paggalaw na para bang dinuduyan kami sa loob.
"Anton, a-anong.."
"Sshhhh stay still love, everything will be fine from now on. Just remember how much I love you. From the year 2018 until now 2023 and I promise that my love for you will last until the years stop counting."
Kaba at takot ang nangingibaw sa akin ngayon. Pinapangunahan ako ng sobrang takot sa kung ano na naman ang kahihinatnan nito. Bakit ganito? Pinaglalaruan ba talaga ako.ng panahon? Ganito niya ba ako kapaborito at hilig niyang ibahin ang takbo ng buhay ko?
Kumapit ako ng mahigpit kay Anton habang umiiyak. Isinubsub ko ang mukha ko dahil sa kanya nalang ako kumukuha ng lakas. Isang malakas na 'screeech' at sinabayan ng matinding liwanag ang sunod na nangyari, ngunit sa kabila nun, narinig ko pa rin ang huling katagang binigkas ni Anton bago niya ako halikan ng malalim sa labi.
"Wake up now, love."
-------------
November 18, 2018
[Third Person POV]
Isang malakas na sigaw ng babae ang bumulabog sa apat na sulok ng puting silid. Mga taong naka-lab gown ang tumakbo patungo sa kinaroroonan ng babae.
Iyak sa galak at tuwang di makapaniwala ang bumuhos sa kwarto habang pinagmamasdan ng mga taong naroon ang isang babaeng matamlay na nakahiga sa isang bed. Tila ba nagising ito sa isang malalim na bangungot dahil sa munting patak ng luha na lumalandas sa pisngi nito.
"Anastasia Santillan, the only survivor in the Lars Company explosion, rescued from being trapped inside an elevator but unfortunately declared in coma when arrived at the hospital is already awake. Miss Anastasia Santillan, welcome back."
[Sypnopsis: so yeah yeah, everything that happened from Part 1 is actually nasa utak lang ni Ana nangyari yun dahil in the first place coma na siya. She is the only survivor na nabuhay sa totoong nangyari which is ang pagsabog ng buong Lars Company building therefore, patay talaga si Anton and the rest of the characters.]
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
© RedBud♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro