✑ Bluetooth
"Uy Lesha, diba crush mo si Andrew?"
"Yup, bakit?"
"Narinig ko kasi nung sinabi niyang turn on siya sa mga babaeng maganda ang accent e."
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ng kaibigan kong si Ella. Mabuti pa tong friend ko successful ang lovelife, ako kaya? Well, sariling sikap ako nito para magkajowa. Watch me
Umubo ako kunyari saka pumunta sa harap. Vacant pa naman samin kaya ayos lang na mambolabog ako.
"Eheeeem!"
Ayon sa nasagap ni Ella turn on si bebe ko Andrew sa magandang accent kaya try ko yang mga French accent.
"Ur blewtot debays iz konektedow saksispuley!"
Confident na confident ako sa sinabi ko kung di lang ako nabasag sa malakas na hagalpak na tawa ni Ella at ng tatlo ko pang kaibigan. Tanaw ko rin na huminto sa pag-uusap ang mga boys sa likod including na dun si Andrew. Kunot-noong napatingin ito sakin.
"Tangina mo Lesha! Sige drugs pa!HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Ang sama mo sakin Jonah! Walang hiya kang biik kaaaaaa!"
"Yieeee ang ganda ng accent ng bespren ko, baka namaaaan!"
Kumaripas ako ng takbo palabas habang hawak ang mukha ko. Walanghiya ang mga barkada ko, nangunguna pa sa pagkantyaw sakin. Kahit na medyo malayo na ako rinig ko pa rin yung tawanan nila.
-----------
"Parang binagsakan ka naman ng langit diyan Lesha, ano na naman drama mo, teh?" tumabi sakin sa pag-upo si Jonah kasama si Cathy, Cammy at Ella na kagagaling lang sa canteen. Gaya ng dating nangyayari sa section namin, isolated na naman ang classroom. Mabibilang nga lang sa daliri ang estudyante dito eh.
"Malas ako sa lablayp, prend."
Napanguso ako at tumalikod sa kanila. Humarap ako sa bintana at kunyari nagso-shoot ako ng scene sa isang drama isama mo na rin ang malakas na hangin. Tumahimik saglit ang mga kaibigan ko pero nabasag ito dahil sa madaldal na bibig ni Ella.
"Parang mamatay ka naman niyan pag 'di ka nagka-jowa e, noh."
"Palibhasa kasi, may Nero ka na waaaaaaah!"
"Tutulungan ka nalang namin sa crush mo."
"Kung kaya niyo."
Malungkot na tono ang ginamit ko para maramdaman nila na nalulungkot ako kasi di naman nila kita ang mukha ko dahil nakatalikod nga ako. Yieee, pang award winning ang acting ko.
"Gwapo ba yang crush mo?" tukso ni Cammy.
"Alam mo naman na eh."
"Basta sagutin mo nalang." giit pa rin niya
Bumuntong hininga ako bago sumagot.
"Oo na, si crush ang pinakagwapo sa panangin ko. Si crush na dahilan ko kung bat ako pumapasok. Yieee, ang landot naman pero totoo yan. Si crush na ang cute ng dimples, si crush na gusto ng lahat, si crush na babaero. Hays, si crush ko na crush ko. Kaya nga nagawa kong ipahiya ang sarili ko nung nakaraang araw mapansin lang niya eh! Turn on daw kasi siya sa magandang accent. Kung sana totoo lang yung mga kwentong nababasa ko na yung mga crush nila, crush din pala sila. Hay naku, Andrew James, how to be yours po."
Para na akong timang dito sa harap ng bintana pero pake ko ba, may saltik ako eh, mana sa barkada ko.
"Parinig nga ulit ng accent mo?"
"Ur blewtot debays iz konektedow saksispul-"
Di ko na natapos ang sasabihin ko ng mapagtantong ibang boses na pala ang nakausap ko. Nanlaki akong humarap dito at muntik na akong mahulog kinauupuan ko nang nakangising mukha ni Andrew ang bumungad sakin.
"Your heart is not a bluetooth device but why is it it's connected to mine succefully? Hays Lesha Mae Dy, I can be yours."
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
© RedBud♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro