Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✑ Blood and Money

Asawa ko calling...

"Saan ka na?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Dito na po. Uuwi po ako ng maaga,"

Tanaw ko na ang anino ng mga hinihintay ko mula rito sa kinatatayuan ko.

"Uhm.. Ano mahal, baba ko muna. Dito na sila boss. Mahal ko kayo nila baby Jea." 'di ko hinintay ang kanyang sagot at agad kong binaba ang tawag.

"P're." bati sakin ni Anton, kumpare ko.

"Boss," tawag ko naman sa isa niyang kasama.

Inabot niya sakin ang isang makapal na sobre. "Kayo na ang bahala, ah."

"Opo, boss." sagot ni Anton.

Huminga ako nang malalim bago ibinulsa ang sobre. Para 'to sa anak ko na kalalabas lang ng hospital. Pasensya. Ginagawa ko 'to para sa kanya.

---

Nagkagulo nang biglang humandusay ang duguang alkalde sa sahig ng court sa barangay.

Itinapat ko sa bubong ng court ang baril at nagpaputok nang nagpaputok sa ere bago ako makasakay sa motor na dina-drive ni Anton.

---

Nakatanggap ako ng mensahe mula sa asawa ko. Kinabahan ako ng todo. Sinugod na naman sa hospital ang anak ko.

Pagkarating ko roon ay sumalubong sakin ang asawa ko na umiiyak. Agad niya akong niyakap.

"Anong nangyari kay Jea?"

"S-si Jea t-tinamaan ng ligaw na bala,"

Para akong nawalan ng kaluluwa noong oras na iyon. Kasalanan ko.

Nag-panic kaming lahat nang biglang nagsitakbuhan ang mga nurse at doktor sa loob ng kwarto ng anak ko.

"Time of death. 9:11 PM." saad ng doktor.


◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

©Thorn Blood♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro