✑ Anak
Tahimik na tinititigan ng anak na si Hayme ang kanyang ina. Parang kinukurot ang kanyang puso sa t'wing makikita niya itong nagpupunas ng pawis dahil sa paglalabada at sa t'wing makikita niya ang mga mata nito na sobrang pagod na.
Kinagabihan, bago ito makatulog ay dinig ng anak ang mga hikbi nito.
Nilapitan niya ang ina at marahang hinaplos ang buhok.
"Nanay, pahinga ka na po" sambit niya habang hinihila ang patalim na ibinaon niya sa dibdib ng ina.
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
©Thorn Blood II♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro