✑ Alamat ng Torpe
👧: Gustong gusto ko talaga siya, kaso baka hindi ako ang tipo niya.
👨: Gusto ko siyang kausapin pero baka ayaw niya ako.
👧: Tinignan niya ako, pero bakit bigla siyang umiwas?
👨: Tinignan ko siya pero baka mahuli niya ako kaya umiwas na lang ako.
👧: May kausap siyang ibang babae, at nagtatawanan pa sila.
👨: Kausap ko yung kaibigan niya at tumatawa ako dahil tungkol sa kanya ang topic.
👧: Aamin na ako. Sasabihin ko ng gusto ko siya.
👨: Aamin na ako, sasabihin kong gusto ko siya.
👧: Nilapitan ko yung kaibigan niya at kinausap siya tungkol sa mga hilig niya.
👨: Pero bakit, kasama niya ang kaibigan ko at mukhang masaya sila?
👧: Hindi na niya ako tinitignan o pinapansin.
👨: Baka iba yung gusto niya kaya hindi ko na siya guguluhin.
👧: Siguro nga, hindi talaga niya ako gusto.
👨: Hindi naman talaga niya ako gusto.
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
©Coristine Scumorius♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro