✑ 2 Truths, 1 Lie
“Okay class, let’s play a game,” biglang anunsiyo ng Philosophy teacher namin na siya namang nagpa-hype sa mga kaklase ko. Palibhasa pagdating sa laro ay game na game sila, siyempre more laro equals less aral.
Pinatahimik na muna kami ni Sir Matsunaga bago muling nag-salita upang ibigay ang instructions, “So you guys already know the drill ‘no? You’re going to tell 3 things about yourself then you’ll pick one person who’ll guess kung saan duon ang lie. Maliwanag ba?”
“Yes sir!”, we enthusiastically answered. Mukhang magiging masaya ang larong ito.
Kinuha niya ang index card na nasa desk niya at saka iyon binuklat-buklat, mukhang naghahanap ata siya ng unang manlalaro.
“Miss Rei Contawi. Stand up please,” tawag niya sa aking pangalan.
“P-pakiulit po sir.”
Nagtataka niya akong tinignan pero nang kalauna’y inulit niyang muli ang pagbigkas ng aking pangalan, “Miss Rei Contawi.”
I didn’t made him repeat dahil hindi ko naiintindihan. Ang hot lang kasing pakinggan kapag sa kanya nanggaling ‘yung pagbigkas ng name ko. Don’t get me wrong but this prof of ours is so freakin hot to the highest level, hindi rin naman nagkakalayo ang age namin so why uncrush him.
Tumayo ako at saka nakipagtitigan kay sir.
“What now? are you just going to stand there and stare at me?” aniya na siyang nagpatawa sa aking mga kaklase.
I glared at my classmates lalo na nang bigla silang nang-asar. Alam kasi nilang ultimate crush ko ‘tong si sir, well ‘di naman ako nagi-isa dahil pati iba kong classmates ay may gusto rin sa kanya.
“I love my mom,
I love our cats..” I trailed off.
Huminga ako ng malalim bago sabihin ang huling bagay patungkol sa akin, “I love you.”
“Ikaw ‘yung manghula sir.”
Sir Matsunaga is taken aback pero mabilis ding naka-recover, ang mga classmate ko naman ay mapang-asar na gumawa ng ingay.
“Hmm,” humawak siya sa baba niya na tila ba nagi-isip, “The lie there is you love cats, while the 2 truths are; you love your mom,” natawa muna siya before he jokingly uttered, “and you love me.”
“Hindi po sir...”
“Sabi na e. Nagbibiro lang naman ako Ms. Contawi,” he chuckled.
“Hindi ka nagkakamali.”
I smirked then ngumiti na parang nagwagi sa isang competition. Nagtiliian nanaman ang aking mga kaklase habang si sir? Ayun hindi yata maka-get over.
Pasensya na sir, maharot lang.
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
© Luna Louche♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro