Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✑ 1 Lie, 1 Slap

"Love..." sabi ko sabay yakap sa bewang niya.

"Hmm? Ba't love?"

"Laro tayo," may halong pagp-pacute ko pang sabi para lang pumayag siya.

"Anong laro? Nanay tatay? Chinese garter? Ml? Ros? Lol? O gusto mo bahay bahayan?" Natawa naman ako sa huling sinabi niya at kinurot ko siya sa tagiliran. Minsan talaga lumalabas ang pagkamanyak e.

"Hindi love. Laro tayo ng 1 lie, 1 slap."

"Ha? Ano yan? Bagong laro ba 'yan?"

"Hindi love. Gawa gawa ko lang. Please." pagmamaka-awa ko dahil sa tono ng boses niya ay parang 'di siya papayag.

Humarap siya sa'kin.

"Paano ba 'yan laruin?"

"Madali lang love. Magsasabi ka ng 2 o 3 katotohanan o kaya facts about sa'yo tapos aalamin ko kung may lie doon o wala. Kung sa tingin ko ay meron, I'll slap you. Kung hula ko naman ay wala, I'll kiss you,"

"So it depends on me kung maglalagay ako ng lie doon o hindi?"

"Yessy, love."

"Eh paano kung mali ka? Kung wala namang lie doon tapos sinampal mo 'ko." natutuwa ako dahil interesado na rin siya sa lalaruin namin.

"Uhm, dare na lang pag natalo?" Suggest ko. Ilang minuto siyang nakatingin lang sakin na para bang nag-iisip.

"Okay deal."

We started the game. Siya ang naunang magsasabi at ako ang manghuhula.

"I smoke. I hate clowns. I love books." he said while looking at me. I smiled and gave him a peck on cheeks. On of the reason kung ba't kami nagkakasundo ay dahil we both love books.

My turn.

"I can't sleep without a blanket. I have a scar on my neck. I love watching movies." I closed my eyes when he kissed me on my forehead.

His turn.

"My favorite food is sinigang. I have a shoe collection. I can sing."

"Sorry HAHAHA!" I said before I slapped him on cheeks. Mahina lang naman.

"Why did you slap me? HAHAHA!" he asked.

"You love sinigang but you're favorite food is adobo." I said confidently. 'Yon ang sabi sa'kin ni tita -- his mom.

"You know me so well." He seemed to be really happy for what I've said dahil pinangigilan na naman niya ang pisngi ko na pisil pisilin.

"Your turn, my love." sabi niya at tinigil na ang pagpisil sa pisngi ko. Humawak siya sa aking bewang at inilapit niya pa ako sa kanya ng kaunti.

"Nangupit ako sa wallet ni mommy noong elementary ako. I have an asthma. I hate haunted house." He kissed me on cheeks.

"Alam mo nakakapansin na 'ko. Gusto mo lang tsumansing sa'kin. Puro katotohanan naman sinasabi mo para lang i-kiss kita." pang-aasar niya sa'kin. Grabe 'tong lalaking 'to!

"Hoy hindi a! Ang kapal mo!" Nagmamaktol 'kong sabi. Hindi naman kasi talaga totoo.

"Sus, hindi raw. Nako nako, love." pailing-iling pa niyang saad. Tinawanan niya lang ako nang ramdam niyang inis na ako.

"Ako naman. Uhm, You're the one that I'm going to marry. I love you. I can't cheat on you." He said those words while looking at my eyes. Para akong nalunod sa mga mata niya.

Inilapit ko ang kanang kamay ko sa kanyang pisngi. Sunod naman ang kaliwa kong kamay at hinawakan ang kanyang mukha nang gawaran ko siya ng isang halik sa labi.

Napabitaw kami sa halik nang biglang nag vibrate ang phone niya.

"Love, mauna na ko. I'll be back before dinner. May training nga pala kami ng basketball ngayon." paalam niya at hinalikan ako sa pisngi bago umalis.

Sa pagsara ng pintuan, agad kong sinampal ng malakas ang aking sarili. Naramdaman ko pa ang hapdi dito dahil gumasgas ang bato sa singsing na bigay niya noong panahon na siya ay nag-propose.

I lied. I hate myself for lying.

I know, I know that he's cheating.

Wala silang practice dahil 'yon ang sinabi niya sa'kin kagabi. And I've read some messages on his phone from someone named Savanna. The name of his ex girlfriend.


◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

©Thorn Blood♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro