Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

"WE WILL just call you back."

"We will call you if you make it into the cut."

"Tatawagan ka nalang po namin."

Napabuntong hininga nalang ako dahil paulit ulit ko nalang naririnig 'yan sa lahat ng ina-applyan kong trabaho. Parating "tatawagan ka nalang po namin", pero miski isa ay wala akong natanggap na tawag mula sa mga in-apply-an kong trabaho sa nakaraang dalawang linggo. Nag-apply ako sa fast food bilang kahera, sa restaurants bilang waitress o kahit na anong makita kong pwedeng applyan, pero wala talaga.

Hindi ko naman sila masisisi. Sino nga ba ang tatanggap sa isang 17 years old na kagaya ko... Syempre, mas gusto nila 'yong may natapos at experience na.

Hindi ko alam. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil nakakapagod...

Nakakapagod mabigo.

Nakakapagod umasa.

Bukod tanging high school lang ang natapos ko bago mawala ang lahat sakin... samin ng pamilya ko. Before that man stole everything from my father, from us... and he didn't even have a heart to leave us a single penny! He literally took everything away from my family!

They were best friends, and yet he was able to do that to my father.

Dahil sa pagod, naisipan ko munang bumili ng tinapay sa isang bakery dahil gutom na gutom na talaga ako. Pagod na ako, pero alam kong hindi ako pwedeng sumuko sa paghahanap ng trabaho. Dahil kapag pati ako ay sumuko, ano nalang ang mangyayari sa pamilya ko? Ano nalang ang mangyayari kay Papa? Hindi ko kayang makitang mamatay kaming lahat sa gutom... Ang bata pa ng kapatid ko. Ni wala siyang kamalay-malay sa lahat ng nangyayari ngayon sa pamilya namin.

Naupo ako sa gilid ng kalsada habang kinakain 'yung isang pirasong monay na binili ko. Hanggang mamaya ko na 'to pagkain. Hindi ko alam kung aabutin pa ba hanggang sa susunod na buwan ang natitirang pera na naitabi ni Papa at Mama para samin. Naibenta na din namin lahat ng pwede naming ibenta para lang magka-pera. Yong ibang pera naman na naitabi nila Mama at Papa ay napunta lang sa pang-hulog ng apartment na tinitirhan namin ngayon.

Ang sabi ni Papa, kaya niyang mag tiis nang gutom, basta h'wag lang niya kaming makikitang nagugutom.

Kaya kailangang kailangan ko ng makahanap ng trabaho, dahil ayaw kong gutumin ni Papa ang sarili niya para lang samin.

"Hi." nagulat ako nang may biglang lumapit sa pwesto ko na isang may edad na lalaki. Nakangiti siya habang nakatingin sakin. Nakasuot siya nang puting long sleeve at itim na dress pants siya. Mukha naman siyang disenteng tignan sa itsura at pananamit niya.

Agad akong napatayo sa pagkaka-upo. Mukha siyang mabait, pero hindi pa rin ako nakakasigurado lalo na sa panahon ngayon.

"Hello po," alangan na bati ko pabalik. Tipid lang akong ngumiti sakaniya.

"Are you looking for a job, Miss?" he asked, eyeing my outfit.

I'm wearing formal clothes and holding a bunch of resumes, kaya mahahalata mo talagang naghahanap ako ng trabaho.

I reluctantly nodded my head. "Bakit po?"

Nakangiti pa din siya habang may kinukuha siya sa wallet niya. Madami namang tao sa paligid at kung kikidnapin man ako e madali lang akong makakasigaw para humingi ng tulong.

"Here." inabot ko 'yong business card na iniabot niya sakin. "We're hiring, and the minimum wage that we pay is 15 thousand pesos a day. It depends on your work performance. Kung mas magaling ka sa trabaho mo, mas malaki pa ang kikitain mo."

Btch Valley

0900-0123-456.

Madam Sweety

"Think about the money that you will earn. You have a beautiful face and body. Just give her a call and tell her your name." Sabi ng lalaki. Magsasalita pa sana ako, pero agad na siyang naglakad paalis habang naiwan ako dito na nakatayo at hawak 'yong card na binigay niya.

Hindi maganda iyong kutob ko sa trabahong 'to, pero hindi rin maalis sa isipan ko iyong halaga ng pera na posible kong kitain.

***

Ilang araw na ang lumipas, pero wala pa din akong natatanggap na tawag mula sa mga inapplyan ko. Palagi kong hawak ang cellphone ko para pag may tumawag sakin ay masasagot ko ito agad.

"Lindsey, hindi ka pa ba kakain?" tanong ni Mama ng pumasok siya sa kwarto ko. Itinabi ko muna iyong hawak kong cellphone.

Tipid kong nginitian si Mama. "Mamaya nalang po ako kakain, Ma."

"Hindi ka ba nagugutom anak? Hindi ka din nag-almusal kanina," nag-aalalang tanong ni Mama kaya nilapitan ko siya at niyakap.

"Okay lang po ako, Ma. Hindi pa naman po ako gutom. Mauna na po kayong kumain nila Papa."

Walang nagawa si Mama kaya lumabas na din siya ng kwarto ko para kumain. Gutom ako, pero kailangan namin magtipid. Mas importante kasi na makakain muna sila Mama at Papa pati na din si Jella bago ako. Kakainin ko nalang mamaya kung ano 'yung natira nilang ulam at kanin.

I'm just lucky that our parents didn't spoil us, kahit na noong may kaya at pera pa kami. They made sure that we were humble in everything we did. Kapag may gusto naman kaming ipabili o makuha, pinaghihirapan namin 'yun. Dapat mataas ang grades namin para magka-premyo kami.

Kahit na mahirap maging mahirap, kakayanin pa din namin... Kakayanin ko para sa pamilya ko.

Papa sacrificed everything for us.

Papa did everything for us to have a comfortable life... He always makes sure to give us everything that we need.

At ngayon... siya naman ang may kailangan samin kaya gagawin ko ang lahat para bumalik sa dati ang buhay namin. I will make sure to get back everything that got stolen from us.

I will make sure to avenge my father against that horrible man.

***

Naghintay pa ako ng ilang araw sa mga tawag, pero wala talaga. Kailangan ko na ulit bumili ng gamot ni Papa. Walang-wala na kaming pera. Hindi ko alam na dadating ako sa puntong 'to na nakikita kong nahihirapan iyong mga magulang ko. Sobrang sakit na makita silang nahihirapan.

Simula ng nakawin kay Papa ang kumpanyang pinaghirapan niya ay sobra siyang na-stress at halos hindi na siya nakakatulog ng mayos, hindi na rin siya makakain ng tama dahil sa kakaisip kung pano mababawi ang pinaghirapan niyang kumpanya. Pero wala talaga... hindi ko alam kung paanong nangyari ang lahat dahil wala naman akong alam sa ganong bagay. Pero nalaman ko na niloko siya ng best friend niya na ka-partner niya sa kumpanya at kinuha lahat kay Papa ang shares kaya hindi na siya ang may ari at napaalis si Papa.

Pati 'yung company car ni Papa kinuha samin. Pati 'yung bahay namin ay kinuha ng bangko dahil wala na kaming pangbayad.

Everything is gone in a blink of an eye.

"Ate! Si Papa inatake na naman!"

Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko ng marinig ko 'yung malakas na pag-sigaw ni Jella. Sobrang bilis ng pangyayari... Kanina lang maayos pa si Papa, tapos ngayon sinusugod na namin siya sa hospital dahil inatake na naman siya sa puso.

Halos maghapon kaming nasa hospital. Si Mama at Jella ay walang tigil sa pag-iyak, habang ako naman ay nakatulala nalang dahil sa mga nangyayari.

Maya-maya pa at lumabas na din 'yung doctor. Agad namin siyang nilapitan ni Mama, nakahinga lang kami nang maluwag nang sabihin niya na stable na ulit ang lagay ni Papa. Madami pa siyang sinabi at hinabilin, pero parang 'yung isip ko ayaw na tanggapin lahat ng sinasabi niya. Bayad sa hospital bills, mga gamot na kailangang bilhin para sa maintenance ni Papa.

I'm panicking... so hard. Na parang natutulala nalang ako sa mga nangyayari samin.

Nilapitan ko sila Mama at Jella at saka agad na niyakap. Alam mo 'yung pakiramdam na sa sobrang lungkot mo sa mga nangyayari, pero hindi mo magawang umiyak. Para akong nawalan ng emosyon.

"Saan tayo kukuha ng pera pang gamot sa Papa niyo... Hindi sapat 'yung pera na kinikita ko sa paglalabada ko," Mama said, sobbing. I caressed her back while hugging her.

"Ako na pong bahala, Ma..." paulit ulit kong bulong kay Mama habang patuloy lang siya sa pag iyak.

Hindi pa pwedeng lumabas si Papa sa hospital kahit na stable na ulit siya, kaya umuwi muna kami ni Jella para kumuha ng mga kailangan namin para sa hospital. Ako muna ang magbabantay kay Papa sa hospital ngayong gabi dahil kailangang magpahinga ni Mama dahil kanina pa siya hindi kumakain dahil sa sobrang pag-aalala kay Papa.

Pag uwi namin sa bahay ay agad akong nag-ayos ng mga gamit ko. Nilalagay ko sa isang bag 'yung mga toiletries at iba pang gamit nang makita ko 'yung business card na binigay sakin nung lalaki dati.

Hindi ko tinawagan 'yung number na nasa business card kahit pa sinabi niya na hiring sila. I was still feeling skeptical dahil bigla nalang niya akong nilapitan pero... dahil sa nangyari ngayon, kailangan ko ng makahanap ng trabaho.

ASAP.

Sabi noong lalaki na 15 thousand ang pwede kong kitain kada araw. Sobrang laki na non! Mabibili ko na lahat ng gamot na kailangan ni Papa. Hindi ako sigurado kung anong trabaho ba 'to, pero wala na akong pakealam kahit maging janitress pa ako ng isang malaking company basta kumita lang ako ng pera ay gagawin ko! Hindi ako sigurado kung anong trabaho ang papasukin ko, pero sigurado akong kailangan ko 'tong trabahong to kahit na anong mangyari!

I can do everything for my family... even if I have to sell my soul to the devil!

I am so desperate to earn money that I can do any type of job... Wala na akong tatanggihan na kahit na anong oportunidad o trabaho...

Huminga muna ako nang malalim bago ko kinuha 'yung cellphone ko at saka tinawagan 'yung numero na nasa business card. Sobrang lakas nang tibok ng puso ko habang naghihintay na may sumagot sa tawag ko. At makalipas ang ilang ring ay may sumagot agad na babae sa kabilang linya.

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro