Chapter 40
"YES, MICKO! I will marry you!" I replied with all my heart. He slowly put the ring on my finger before he immediately closed the gap between us and sealed my lips with his.
My tears were continuously pouring down my cheeks because of so much happiness. Mabuti nalang pala nagpa-manicure kami kanina ni Lara!
His forehead was still resting on mine when he said, "I love you so much.
"I love you too, my fiancé," I said, smiling widely.
Naghiwalay lang kami ng marinig ko sila Papa sa likuran ko na pinapanood kami. Agad ko silang nilapitan at niyakap. Umiiyak si Jella at Mama habang si Papa naman ay nagpipigil ng luha pero kitang-kita ko sa mga mata niya iyong mga luhang pinipigilan niyang lumabas.
"Congratulations, anak," sabi ni Papa ng yakapin ko siya.
"Salamat, Pa."
"Mama did you like our surprise?" tanong ni Chale, at natawa ako bago siya binuhat at hinalikan sa pisngi.
"Yes, sweetheart. You two did a great job, " I replied, at saka siya nag-thumbs up sa Papa niya. Eto pala ang pinag-bubulungan nilang dalawa kanina.
Hindi ko na pinauwi si Micko at sinabi kong dito na siya matulog dahil gusto kong magkatabi kami sa unang gabi namin bilang mag-fiancé. Halos maya't maya ko tinitignan iyong singsing sa kamay ko.
Sobrang ganda.
Alam kong pinag-pagurang ipunin 'to ni Micko. Hindi na ako makapag hintay na maging asawa niya. Buong buhay ko isang lalaki lang ang minahal ko. Si Micko lang iyon at walang iba. He was the first man who invaded my heart and made my heartbeat so fast. He was the first man who liked me despite my job being a stripper. He was the first man who made me feel warm and safe.
I will never regret the day that I met him. I will not regret that I accepted his offer of being his personal stripper despite his initial plan to break my heart. If it weren't for that, I would not have met him. I will not love him. I won't have Chale.
Oo galit ako sa planong ginawa ni Miss Sweety sakin pero kung hindi dahil doon ay hindi ko makikilala si Micko. Kung hindi dahil sakaniya ay hindi ko magagawang mahalin si Micko.
She served as a link in our love story. Regardless of the evil schemes she concocted against me.
"Are you going to bed?" Micko said as he wrapped his arms around my back. He inhales my scent as he nestles his head in the crook of my neck.
"I'm super happy to be able to sleep. I'm afraid I'm going to wake up from this dream."
"This isn't a dream, baby. You'll wake up tomorrow as my fiancé, and every day after that, week after week, month after month, until the day you'll be my wife."
I reached for his face while he was back hugging me. "Hindi na ako makapag-hintay na maging asawa mo," I said. He spun me around and hugged me tighter, as if our bodies weren't close enough. My head rested on his chest, and I could hear the beating of his heart. I looked up to see his face.
"Hindi na ako makapag-hintay na maging Mrs. Kristella Lindsey Sanchez," sabi ko, a smile crept on his face.
"And I look forward to seeing your face every morning. I can't wait to kiss you goodnight every night before I go to bed, and I can't wait to spend the rest of my days with you." He said this before lowering his face and capturing my lips.
I've never been happier with my life.
I'm feeling so complete. I couldn't have asked for anything better.
What I have right now is everything I desire in my life.
When I first saw Chale, the first thing that came to mind was that I could do it on my own. I can take on the roles of his mother and father, and I am capable of doing everything on my own. And I thought I had reached the peak of my happiness, but I was wrong. Something was still missing in my heart, and I knew it.
I knew deep down that I always wanted him by my side.
What makes me the happiest is having a complete family. For four years, I've been denying it to myself, but I've always known that I still want to be with him.
***
"Miss Lindsey today's the final fitting for your wedding gown. Also, everything's looking good. Everything's prepared for your wedding this weekend," Miss Haira said, my wedding coordinator.
"Thank you, Miss Haira." I replied.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng fitting room at isinukat ang wedding gown na isusuot ko sa kasal ko. It's a spaghetti strap trumpet dress with an all-over lace design, and it is so beautiful. Kasama ko sila Mama noong namimili ako and this gown easily caught my attention as soon my eyes landed on it.
And I can't wait for Micko to see me wearing this.
At dahil sa susunod na araw na ang kasal namin kaya hindi na muna kami nagkikita masyado. Pero minsan para kaming mga teenager dahil tumatakas kami sa gabi para makapag-kita. Hindi kasi namin matiis na hindi kami magkitang dalawa.
Halos isang taon na simula ng mag propose siya sakin and within in less than 48 hours ay ikakasal na rin kami. Natagalan bago kami nag set ng date dahil hinantay muna namin na matapos iyong bahay na ipinagawa ni Micko para samin. Nagulat ako ng bigla nalang niya akong dalhin doon at sinabing ang tagal na pala niyang pinapagawa iyong bahay. Nahihinto lang raw minsan dahil hindi pa sapat iyong pera niya.
At noong nakaraang buwan lang natapos iyong bahay, bago kami ikasal. Hindi pa kami lumilipat doon pero may mga ibang gamit na kaming nailipat pero after na ng kasal namin bago kami doon tityra. As of now, nakilala Mama pa rin ako nakatira at si Micko naman ay nakikituloy muna sa bahay nila Jayden dahil naibenta na niya iyong bahay niya.
After kong isukat iyong gown ay umuwi na ako para makapag pahinga. Nagpasalamat ako kay Miss Haira at sinabing mag kita nalang kami sa kasal. Kahit na may wedding coordinator ako ay hands on pa rin ako sa kasal ko. Gusto ko alam ko iyong bawat detalye ng lahat dahil minsan lang akong ikakasal at wala akong balak ikasal ulit.
Chale turned 4 years old just a few months ago, and he will be our ring bearer. Tapos flower girl naman namin si Aria na anak nila Jayden at Ara na kaka-isang taon lang rin.
Ang bilis ng panahon.
Tama nga iyong sinasabi nila na kapag masaya ka ay hindi mo napapansin kung gaano kabilis lumilipas ang panahon at araw.
***
"Lindsey gising na! Magpapa-spa pa tayo at facial,"
"Inaantok pa ako!" I groaned before burying my face on my pillow. Anong oras na kasi ako natulog kagabi dahil dumaan ulit dito si Micko ng 11 PM at halos ala una na siyang umuwi. Pero napansin ko rin na parang napapadalas iyong pagiging antukin ko nitong mga nakaraang araw tapos parang ang bigat ng katawan ko. Masyado yata akong napapagod dahil sa dami ng inaasikaso ko.
Niyugyog ni Lara iyong balikat ko kaya wala akong nagawa. I glared at her when I sat up.
"Pwede naman mamayang hapon tayo magpa-facial at spa,"
"Hindi pwede naka-book na tayo ngayong umaga,"
Inirapan ko siya, "Bakit kasi sa umaga ka nagpa book! Pwede namang sa hapon! Inaantok pa iyong tao, e!" Inis na sabi ko.
"Magkaka-period ka na ba? Bakit ang sungit mo. Bawal ang stress sayo malapit ka ng ikasal mars,"
"Hindi pa ako—" sandali akong natigilan dahil sa sinabi ni Lara.
Bakit ngayon ko lang napansin na hindi pa ako dinadatnan. Dapat noong last week pa ako nagkaroon dapat pero dahil sa sobrang busy ko ay hindi ko na namalayan. Regular rin ang period ko. Napatakip ako sa bibig ko at napatingin kay Lara.
Nanlaki iyong mata niya. "Oh, my gosh..."
"Change of plans. Hindi ko na kailangan ng facial, sa hospital na tayo dumiretso." sabi ko at agad na bumangon sa kama para maligo. Si Lara naman ay sinabihan ko na tumawag para makapag-pa appointment ako.
"Huwag mo munang sasabihin kahit kila Mama. Gusto ko silang i-surprise kung talagang buntis nga ako," sabi ko sakaniya pagkatapos kong maligo at magbihis.
Kung hindi pa ako binwisit ni Lara ay hindi ko pa mamamalayang baka buntis ako. Kaya pala parang palagi mabigat ang katawan ko nitong nakaraang araw. Akala ko dahil lang sa pagod sa pag-aayos ng kasal ko at sa resto.
Si Lara ang nag-dadrive. Huminto muna sandali si Lara sa isang convenience store para bumili ng pregnancy kit para raw habang naghahantay kami ng result mamaya ay mai-check ko na rin. Hindi na ako nagreklamo dahil excited nalang rin ako malaman kung masusundan na ba si Chale.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at sobra-sobrang excitement ang nararamdaman ko. Excited na rin akong sabihin kay Micko na magiging Daddy na siya ulit! Alam kong sobrang matutuwa siya kapag nalaman niya ito.
Mabilis naman akong naasikaso at nakunan ng dugo pag dating namin doon.
"Dali ihian mo na rin 'tong PT! Excited na akong maging ninang ulit," sabi ni Lara. Napailing nalang ako bago pumasok sa loob ng isang cubicle.
My heart is pounding so fast from excitement. Dalawang stick agad ang inihian ko para mas sigurado ako. Naghantay ako ng ilang minuto sa loob ng cubicle at agad na tumulo iyong luha sa mata ko ng makita ko na parehas may dalawang guhit.
Agad akong lumabas at niyakap si Lara. "Buntis ako," bulong ko habang naiiyak ako sa tuwa.
"I'm going to be a mother again!" I said when we broke the hug.
"And I'm going to be a ninang again!" masayang sigaw ni Lara. Mabuti nalang at kami lang ang tao dito sa washroom.
Nagyakapan lang kami ni Lara bago kami bumalik sa waiting room para hantayin iyong blood test ko kahit na alam ko naman na buntis ako. Kaya after ilang minutes ng tawagin ako ay hindi na ako nagulat na positive nga na buntis ako. Agad akong nagpa-schedule ng appointment sa OB-GYN.
Hindi ko maipaliwanag iyong nararamdaman ko. Bukas na ako ikakasal at ngayon nalaman kong magkakaroon kami ulit ng anak ni Micko. Excited na akong sabihin sakaniya kaya kahit na bawal na kaming magkita ngayong araw ay agad ko siyang tinext at sinabing magkita kami mamayang 9 PM sa labas ng bahay.
Dumiretso kami ng mall ni Lara para tumingin agad ng mga damit pang-baby. Sobrang iba iyong pakiramdam ko noong pinagbubuntis ko si Chale dahil puro lungkot lang iyong nararamdaman ko noon pero ngayon, alam kong nandiyan si Micko kaya wala akong lungkot na nararamdaman.
Nagkulong ako sa kwarto pag uwi ko sa bahay at sinabi ko kila Mama na magpapahinga lang ako pero ang totoo ayaw ko lang na mahalata nilang may tinatago ako. Lalo na si Mama dahil ang lakas talaga ng instincts niya.
When the clock struck 9 PM, agad akong kumuha ng hoodie bago ako bumaba at lumabas ng bahay. Agad kong nakita si Micko na naghahantay sakin sa labas ng sasakyan niya. Mabilis siyang naglakad palapit sakin at niyakap.
"Na-miss kita," sabi ko.
"I've missed you too. How was your day? Did you rest well?"
"Oo, nakapag pahinga na ako." sabi ko at nginitian siya ng maghiwalay kami ng yakap.
Huminga muna ako ng malalim habang hawak ko iyong PT na nasa loob ng bulsa ng hoodie ko.
"Close your eyes" utos ko sakaniya. Bahagyang kumunot iyong noo niya.
"Why?"
"Basta. Dali na. Pikit mo na iyong mata mo," sabi ko. He looked a bit hesitant, but he still closed his eyes anyway.
I pulled the PT from my pocket. "Okay, then. Please, open your eyes "I ordered him.
He slowly opened his eyes, and his gaze was drawn to the PT I was holding, which had two lines on it. His jaw dropped and his gaze was fixed on the PT I was holding.
"I-I'm going to be a father again?" nanginginig na tanong niya. Nagsimula ng mag tubig iyong mga mata niya.
"Yes Micko. Magiging tatay ka na ulit," sagot ko sakaniya at mabilis niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit habang umiiyak.
"Thank you, Lindsey... Thank you so much for giving me the family that I've always wanted to have," he said while his face was buried in my neck, and he was crying in tears of joy.
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro