Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

"NAG-TEXT SI Jayden. Nagtatanong kung gusto ko raw ba mag-dinner kasama sila para na rin makilala ko ang asawa niya," sabi ko kay Micko, habang busy siya sa pagda-drive.

Pauwi na kami at kahit na ayaw pa naming umuwi ay kailangan dahil may pasok pa si Micko at sabi niya ay mahigpit daw sa kumpanyang pinag-tatrabahuan niya. Mabilis niya akong nilingon para tignan sandali bago ibinalik ang mata sa daan.

"Hindi pa niya alam na nagka-ayos na tayong dalawa, e. Surprise nalang natin siya?" dagdag ko pa na medyo natatawa at saka siya napangiti.

He nodded without leaving his eyes on the road. "Okay. We can do it tomorrow night," he suggested.

"Sige sabihan ko si Jayden,"

Ilang oras pa at nakauwi na rin kami. Hindi umuwi si Micko at sumama siya sa bahay namin dahil gusto niya raw makausap ulit sila Mama at Papa para formal na makahingi ng tawad sa nagawa ng tatay niya. Hindi ko na siya pinigilan dahil alam kong gusto niya talagang mabawasan iyong guilt na nararamdaman niya dahil sa tatay niya.

Kahit hindi niya sabihin sakin ay nararamdaman ko iyong guilt na nasa dibdib niya. Kahit na ilang beses ko nang sinabi sakaniya na wala naman siyang kasalanan ay paulit-ulit pa rin siyang humihingi ng sorry sakin.

"Lolo, Lola!" Chale immediately yelled while running towards them, pag dating namin sa bahay. Agad naman siyang sinalubong ng Lolo't Lola niya at mabilis na niyakap.

Tinulungan ko si Micko sa pagbaba ng mga gamit namin. Hinawakan ko iyong kamay niya bago kami makapasok sa loob kaya napatigil siya.

"Nandito lang ako sa tabi mo, hmm..." I assured him and gave him a small smile.

He smiled back kahit na halata iyong kaba sa mukha niya. "Thank you," he said before we walked inside while holding hands.

He left his father to be with me. He left his only family just to help me and my family. I don't think I can ever find someone this selfless like him.

He is the one for me and I am the one for him.

Agad na napatingin sila Papa sa kamay namin ni Micko na magkahawak at napangiti sila.

"Ma, Pa... gusto raw po kayong makausap ni Micko," sabi ko at agad naman silang tumangong at pumayag. Kinuha ni Jella si Chale at dinala sa playroom at kami naman ay lumipat sa sala para makapag-usap.

I gently squeezed Micko's hand. "I love you. Nandito lang ako sa tabi mo," bulong ko sakaniya bago siya huminga ng malalim at saka hinarap sila Mama at Papa at nagsimulang magpaliwanag ng lahat.

***

Naintindihan nila Mama at Papa iyong sinabi ni Micko. Hindi rin sila nagalit sakaniya at sinabi nilang wala siyang kasalanan kung ano man ang nagawa ng tatay niya samin. Niyakap ni Papa si Micko habang si Mama naman ay tahimik na umiiyak sa gilid.

Everything is falling back to its place.

I am happy and contented with what I have right now. I couldn't ask for anything else, as long as I have my family with me. They're the most important thing in my life and I wouldn't trade them for anything.

We left Chale with my parents because we were having dinner with Jayden and his wife. I baked a carrot cake for our dessert, even though Jayden said that I didn't have to worry about the food. Nakakahiya kasi na wala akong dalang kahit na ano. Hindi rin alam ni Jayden na kasama ko si Micko.

And tonight, we're going to surprise him...

Micko drives to Jayden's house. It was a two-story house that had a beautiful garden and landscaping in front of the house. It was a simple modern house design. Natutuwa talaga ako na may sariling pamilya na rin si Jayden. Sobrang laki talaga ng pinagbago niya.

Pinindot ni Micko iyong doorbell ng bahay at maya-maya lang at bumukas ang pinto at bumugad sa harapan namin si Jayden.

Magkahawak ang kamay namin ni Micko habang nakangiti sakaniya. Bahagyang nanlaki iyong mata niya pero agad ring napalitan iyon ng ngiti at mabilis na niyakap si Micko.

"Congrats, bro!" Jayden cheerfully said to Micko.

"Surprise!" sabi ko ng maghiwalay sila sa yakap. Tumingin si Jayden sakin at parang gusto niya rin akong yakapin pero naiilang lang siya kaya naman ako na mismo ang lumapit at yumakap sakaniya.

"I'm so happy for both of you," he muttered.

"Thank you, Jayden," I replied.

Eksaktong pag hiwalay namin ng yakap ni Jayden ay lumapit ang asawa ni Jayden. She's very pregnant and she's really beautiful! Sabi ni Jayden ay kabuwanan na ng asawa niya.

"Love, this is Lindsey, my friend. This is my beautiful wife, Ava."

"Hi, Ava, nice meeting you." I greeted her, smiling. I handed her the carrot cake. "Para sa desert natin," sabi ko.

"Thank you and I'm really glad to finally meet you, Lindsey." bati niya sakin. "I've heard a lot of great things about you from Micko. Halos ikaw lang ang bukambibig niya," dagdag niya at mahinang tumawa.

Micko placed his hand on the small of my back and kissed the side of my head.

"Patay na patay ka pala sakin," pagbibiro ko at natawa si Jayden at Ava.

"I'm not going to deny that." Micko replied.

"Teka nilalanggam na kami dito," Ava said while laughing.

We went to dining area and continued our conversation while eating. Ang galing rin magluto ni Ava! Nalaman kong isa pala siyang professional chef sa isang 5-star hotel.

"Are you two finally back together? When's the wedding?" Jayden asked. Napahinto ako sa pagkain at pasimpleng sinilip si Micko na nakaupo sa tabi ko.

"'Yang bibig mo talaga, Love." saway ni Ava sa asawa.

"Soon... I haven't proposed yet. Lindsey deserves a proper proposal after all," Micko said while staring at me. My heart is beating so fast.

I smiled at him before nodding my head. Napa-palakpak naman si Ava habang nakatingin samin kaya agad na namula iyong pisngi ko dahil sa hiya. Grabe naman kasi iyong mga sinasabi ni Micko. Walang tigil magpakilig sakin!

The dinner went well. Ang dami naming napagkwentuhan. Sobrang bait rin ni Ava at nagulat ako na nagkasundo kami agad. Hindi ko rin inaasahan na napatino niya si Jayden base sa mga kwentong sinabi niya samin kanina.

We planned to have another dinner date if hindi pa manganganak si Ava pero duda ako dahil ang laki at ang baba na ng tiyan na kaya alam kong malapit na siyang manganak. Sinabihan na rin nila kami na kami ni Micko ang ninong at ninang ng baby girl nila.

Super nakaka-excite makita ang baby girl nila! For sure sobrang ganda ng anak nila dahil ang ganda ni Ava at ang gwapo pa ni Jayden! I'm excited for them to meet Chale too. Sabi ko sakanila na sa susunod sila naman ang pumunta sa bahay at sila ang ipagluluto ko.

***

Months have passed and everything seems to be going really well between Micko and me.

But I can't seem to get my mind off the proposal that he told us about when we had dinner with Jayden and Ava. Araw-araw kasi siyang mas sweet sakin at hindi ko alam pero pakiramdam ko any minute ay pwede nalang siyang mag-propose sakin.

"Tara nga't magpa-manicure tayo para kumalma ka ng konti," sabi ni Lara ng ayain niya ako sa mall para raw malibang ako dahil kanina pa ako distracted sa pag-iisip habang nasa resto.

I sighed before following Lara. Wala akong nagawa at hindi na rin naman masama dahil medyo na-relax nga ako kaya nagpa-footspa at pedicure pa kami.

"Tara nood tayong movie gusto mo?" yaya ni Lara.

"Sige na nga," sagot ko. Mukhang busy rin naman si Micko sa trabaho niya kaya hindi ko siya tine-text simula kanina pa.

Halos mag-gagabi na ng matapos iyong pinanood naming movie sa cinema. Nakapag-shopping na rin kami ni Lara at pinilit niya akong bumili ng bagong dress at kung ano-ano pa.

At around 8 PM, I went to the resto to check on things. Si Lara ang naiwan para mag close ng resto kaya dumiretso na ako sa bahay para umuwi.

I miss Micko.

Balak ko sanang sabihin sakaniya na kung gusto niyang matulog sa bahay namin dahil alam kong gusto niya ring makasama parati ang anak niya. Maghapon kasi siya sa trabaho niya tapos after work lang niya makikita si Chale tapos uuwi na rin siya para matulog at may pasok pa siya kinabukasan.

Alam kong nakakapagod iyong pag byahe niya mula samin pabalik sa bahay niya. Hindi naman kalayuan pero maghapon na siyang nagtrabaho tapos magda-drive pa siya kaya nag-aalala ako dahil baka bigla siyang makatulog sa byahe.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong naligo at agad kong pinuntahan si Chale kasama ang mga lolo at lola niya sa sala habang nanonood ng cartoon. Agad siyang tumakbo palapit sakin ng makita niya ako.

"Where's Papa?" Chale asked.

"Papa's busy. I'm not sure if he's coming tonight, anak," sagot ko at agad naman siyang napalabi at yumakap nalang siya sakin.

Napatingin ako kila Mama at Papa. Alam kong iniisip nila na hindi maganda para sa anak namin na masyadong kaming busy pareho at halos sa gabi nalang namin siya nakakasama.

Kinuha ko iyong cellphone ko at agad kong tinext si Micko para itanong kung makakapunta pa ba siya dahil hinahanap siya ng anak namin. Mabilis namang nagreply si Micko at sinabing papunta na raw siya.

"Papa's on his way na daw," sabi ko at agad na napangiti si Chale.

"Come, Mama. Let's wait for Papa outside." sabi niya habang hinawakan ang kamay ko at hinihila ako palabas ng bahay. Bahagya lang akong tinanungan nila Papa, kaya hinayaan kong hatakin ako ni Chale palabas ng bahay.

Mabuti nalang at maraming poste ng ilaw sa street namin at safe naman sa lugar na 'to, kaya okay lang kahit nasa labas pa kami kahit gabi na.

Maya-maya lang at nakita ko iyong paparating na sasakyan ni Micko at agad namang nagtatatalon sa tuwa si Chale.

"Papa!" sabi niya ng makitang bumaba si Micko sa sasakyan nito at mabilis na tumakbo papunta sa ama niya. Agad siyang binuhat ni Micko.

"Why are you outside? Are you waiting for Papa?" Micko asked and Chale quickly nodded his head. Tapos may binulong na naman si Chale sa Papa niya. Sobrang napapadalas na iyong bulungan nilang mag-ama. Minsan feeling ko pinagkakaisahan nila ako. Ang dami nilang sikretong dalawa.

"Nakakatampo kayong dalawa. Ang dami niyong sikreto sakin," I frowned at them and they both just laughed at me, tapos nag "shh" pa si Chale.

May binulong rin si Micko sa tenga ng anak niya at agad na tumawa si Chale habang nakatakip pa iyong dalawang kamay niya sa bibig niya na parang nagpipigil na madulas sa pinag-uusapan nila ng Papa niya.

Lalapitan ko sana sila pero hindi pa man ako nakaka-dalawang hakbang ay agad na akong pinahinto ng anak ko.

"Mama, please don't move!" Chale yelled. I pouted at him.

"I want to know your secrets too. Magtatampo si Mama," sabi ko at parang nalungkot si Chale dahil sa sinabi ko.

"Don't tampo na, Mama. I don't want you to be sad," sabi niya tapos ibinaba siya ni Micko at tumakbo siya palapit sakin at sinalubong ko siya ng yakap.

"I love you, sweetheart,"

"I love you, Mama." sabi niya habang nakayakap sakin.

He's growing up really fast. Nakaka-miss rin pala noong baby pa siya.

"Mama close your eyes." bulong niya sakin at natuwa ako dahil malalaman ko na rin iyong pinag-uusapan nilang mag-ama. I followed what Chale said.

"Mama stand up, please," utos niya kaya sinunod ko rin agad.

Ilang minuto ang lumipas simula ng bitawan ni Chale iyong pagkakahawak sakin.

"Micko?" I called because I'm worried, they're playing a prank on me.

"Baby, open your eyes," Micko said.

I slowly open my eyes, only to be taken aback by Micko's car trunk, which was filled with flowers and balloons. And then my gaze was drawn to him...

He was on one knee in front of me, holding a stunning ring.

I let a tear fall from my eye. It was a happy tear...

"Will you do me the honor of being my wife, Kristella Lindsey Samson?"

WHATYASEY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro