Chapter 37
"SWEETHEART, SAY bye to your Lolo't Lola, and Tita na," I told my son, and he waved them goodbye before I put him in his car seat.
Binalikan ko sila Mama at Papa at hinalikan sila sa pisngi bago umalis.
"Mag-iingat kayo doon ha," Mama said.
"Opo Ma. Ingat rin po kayo dito. Pa, iyong gamot mo ha huwag kalimutang uminom," paalala ko.
"Ate baka masundan bigla si Chale," Jella said, at agad siyang hinampas sa balikat!
"Iyang bibig mo, Jella!" saway ko at tinawanan lang niya ako.
Nagulat ako ng yakapin ako ni Papa. "Gawin mo kung anong magpapasaya sayo anak. Basta nandito lang kami parati sa tabi at susuportahan ka namin sa gusto mo, Iyon lang ang hiling ko para sayo. Gusto kong maging masaya ka."bulong ni Papa sakin.
Nag-drive na ako paalis after kong magpaalam sakanila. Ngayon kami pupunta sa Beach. Itong sasakyan ko ang gagamitin para mas malaki kaysa sa kotse ni Micko kaya ako ang susundo sakaniya. Binigay niya sakin iyong address kung saan siya nakatira ngayon at nagulat ako ng sa isang maliit na bahay ako dinala ng address.
Nagtaka ako at dinouble check ko iyong address sa GPS app ko at tama naman iyong nilagay ko. Tatawagan ko na sana si Micko para itanong sakaniya kung tama ba 'tong address na binigay niya ng makita ko siyang lumabas sa pintuan ng bahay kung saan ako naka-park.
I went outside my vehicle. "Hello," I said to him.Napatingin ako sa bahay kung saan siya lumabas.
He gave me a small smile. "This is where I live now," he said.
I don't know what to say to him. Sobrang liit ng bahay na tinitirhan niya kumpara sa mala-mansyong bahay ng magulang niya at sa condo na tinitirhan niya noon. Anong nangyari kay Micko at sa pamilya niya? Wala ring nabanggit si Jayden sakin tungkol sa pamilya nila dahil mas pinag-usapan namin iyong tungkol sa asawa niya.
Napansin ata ni Micko iyong nagtatakang itsura ko. Mahina siyang tumawa.
"I will explain everything to you later," he just said before he put his bag on the back of my vehicle. Kaya ba naging iba na rin iyong kotse niya? Dati Range Rover pa iyong sasakyan niya na alam kong mahal.
Si Micko na ang nag-drive papunta sa Beach na pupuntahan namin. Sabi niya sa Batangas kami pupunta.
Hindi sumagot sila Mama at Papa sa tanong ni Micko noong isang araw kung pwede raw ba niya akong ligawan ulit ang dahil sagot ni Mama ay nasa sakin na ang desisyon kung magpapaligaw ba ako ulit.
Nagulat ako dahil sa sinabi ni Micko pero mas nagulat ako sa sinabi ni Mama. Pero tama naman si Mama. Matatanda na kami at hindi na kami kagaya noon. Parehas na kaming nag mature at alam na namin kung ano ang tama at mali.
At alam kong kahit apat na taon na ang lumipas, si Micko pa rin naman ang gusto ko kaya pumayag ako na ligawan niya ako ulit. Kaya ngayon, sa Batangas kami mag-spend ng weekends para na rin masabi na sakin ni Micko lahat ng dahilan niya noon.
Pag dating namin doon ay nakatulog si Chale sa byahe. Sa isang villa kami nag-stay. Si Micko ang nag-book ng lahat ng 'to. Hindi kalakihan iyong villa pero sakto lang para saming tatlo. May two bedrooms and 1-bathroom tapos may balcony rin at katapat lang mismo ng villa namin iyong beach kaya ang ganda ng view.
"I can carry him," Micko volunteered when he saw me taking Chale out of his car seat.
I smiled at him and just let him carry his child to put him in bed. Maaga pa naman kaya okay lang na matulog muna si Chale dahil siguradong mapapagod iyan mamaya kalalangoy sa beach.
Kinuha ko nalang iyong mga gamit namin sa sasakyan at pinasok sa loob. Wala akong dinalang pagkain dahil sabi ni Micko ay wag na raw akong mag-abala at mag-relax lang daw ako dahil siya na ang bahala sa lahat kaya tanging damit lang namin ni Chale ang bitbit ko.
"Do you want to take a nap first?" Micko said when he got back.
"Okay lang. Hindi naman ako pagod. Ikaw, baka napagod ka sa pagdrive?"
"Okay lang rin ako. Hindi naman ako napagod mag drive," sagot niya.
Nagpaalam muna si Micko at sinabing may pupuntahan lang siya sandali kaya nag-ikot-ikot muna ako sa loob ng villa pagkatapos kong ayusin iyong mga gamit namin. Ang himbing pa rin ng tulog ni Chale. Napuyat kasi siya kagabi dahil sobrang excited siya na pupunta kaming Beach.
Medyo matagal bago bumalik si Micko at eksaktong kagigising lang rin ni Chale.
"Papa!" Chale yelled as soon as he saw Micko. Mabilis siyang tumakbo at yumakap sa tatay niya.
"How was your sleep, little guy?" Binuhat agad ni Micko si Chale.
"Good!"
"Are you hungry?" Chale nodded immediately kaya natawa si Micko.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinapanood ko ang mag-ama ko habang nag-uusap sila. Walang duda na anak talaga ni Micko si Chale. Kahit pa siguro itago ko si Chale sakaniya noon ay hindi maipagkakailang mag-ama talaga sila kapag nakita niya ito.
Sobrang kinakabahan si Micko noong pinakilala ko siya kay Chale dahill ang sabi niya ay natatakot siya dahil baka hindi siya magustuhan ng sarili niyang anak. Hindi ko rin naman masisisi si Micko kung bakit ganon ang naramdaman at naiisip niya noon dahil apat na taon siyang nawala at wala siya sa tabi ng anak niya habang lumalaki ito.
Pero laking gulat niya ng mabilis siyang niyakap ni Chale noong dinala ko siya sa playroom pagkatapos namin makausap sila Mama at Papa. Madalas nang magtanong si Chale noong bata pa lamang siya at hindi ko naman itinago ang tungkol sa ama niya. Ang madalas ko lang sabihin noon sakaniya ay busy pa ito kaya hindi pa sila pwedeng magkita.
Minsan alam kong nagtataka siya dahil wala siyang tatay kaya nga madalas ring sabihin ni Papa sakaniya ay siya na muna ang tawagin nitong Lolo Papa para daw may Lolo na siya at may Papa pa siya. Tapos magtatawanan lang silang mag lolo.
Pero ngayon... iba iyong saya sa mukha nilang dalawa. Parehas silang masaya na nakilala na nila ang isa't isa pagkatapos ng apat na taon.
At masaya rin ako dahil pakiramdam ko ay tinutupad ko rin iyong matagal ng pangarap ni Micko noon pa man. Pero gusto ko munang marinig ang paliwanag niya bago kami makapag-simulang dalawa muli.
***
"Mama, let's go swimming!" pag-yaya sakin ng anak ko pero hindi pa ako nakakapag palit.
"Can you wait for Mama to get change?" I told him and he nodded.
"Papa can come with you," Micko suddenly said. Agad namang lumapit si Chale sakaniya.
"Okay!" my son cheerfully exclaimed.
Napatingin si Micko sakin at bahagyang ngumiti. Nakapag-bihis na rin pala siya at tanging board shorts lang ang suot niya kaya kitang-kita ko ang katawan niya! I tried not to look too much at his body, especially at his chest and abs, even though it was really tempting because he is really hot!
"Mama, we will wait for you at the beach. Right, son?" Micko said, that made me blush. I could feel my face heating up.
Did he just call me Mama?!
"O-Okay..." was all I could say before I left to get change.
Nagpalit ako ng one piece bikini para hindi makita ang tiyan ko dahil nahihiya ako sa stretch marks sa katawan ko. Hindi na ganon kaganda ang katawan ko hindi gaya dati pero never ko paring pinagsisihan na nabuntis ako kay Chale. He was worth it. Really worth it.
Paglabas ko ay nakita ko agad sila Micko at Chale na masayang lumalangoy sa beach. Wala gaanong tao ngayon kahit na weekends. Naupo ako sa may bandang may puno habang nakangiting nakatanaw sa mag-ama ko.
"Mama! Come!" Chale said when he saw me sitting.
"I'm okay here sweetheart, just swim with your Papa," sagot ko at nakita kong sumimangot ang anak ko. Nakita kong binuhat ni Micko si Chale at may binulong si Chale sa Papa niya bago sila naglakad palapit sa pwesto ko. Nagbubulungan silang dalawa at nagtatawanan kaya napakunot ang noo ko.
"Okay lang ako dito, Micko. Mag-bonding muna kayo ng anak mo," sabi ko pag lapit nila sa pwesto ko pero nagulat ako ng bigla nalang akong buhatin ni Micko na pa-bridal style. Narinig ko iyong malakas na pagtawa ng anak ko.
I frowned at Chale and he just laughed at me. "I told Papa to carry you!" proud pa na sabi niya.
Napahawak ako sa leeg ni Micko dahil baka mahulog ako kahit na alam ko namang kaya niya akong buhatin. His face is so close to me. I could feel my body reacting on his bare skin touching mine. I felt the familiar electricity that tingles all over my body. My heart is pounding is fast inside my chest that I'm afraid he'll hear how fast my heart is beating right now.
"M-Micko, baba mo nalang ako. Maglalakad nalang ako." I stutter. I couldn't look at his face.
"I can't. Utos 'to ng anak mo. I must follow him," sagot niya kaya napitingin ako sa kaniya at nakita kong nakangisi siya.
"You don't have to,"
"But I also want to hold you," I swallowed because of the intensity of his gaze. Naputol lang iyong pagtititigan namin ng magsalita ang anak namin.
"Let's swim again, Mama, Papa." Chale said, kaya naman wala akong nagawa kung hindi pabayaan si Micko na buhatin ako hanggang makabalik kami sa tubig.
Maligamgam ang tubig kaya naman nag-enjoy talaga kami sa paglalaro sa beach at hindi namin namalayan na tanghali na at nagreklamo na rin si Chale na nagugutom na raw siya kaya umahon na kami sa tubig.
Napansin ko na nakatitig sakin si Micko habang naglalakad kami pabalik sa villa namin. Medyo na-conscious ako dahil sa katawan ko. Ngayon lang ulit ako nagsuot ng bikini dahil pagkatapos kong manganak kay Chale ay nawalan na ako ng lakas ng loob ng mag suot ng ganitong mga damit.
"Wag mo akong tignan. Naiilang ako," sabi ko sakaniya. Bahagyang kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"Bakit?"
"Kasi may stretch marks na ako. Hindi na kagaya ng dati iyong katawan ko," I honestly told him. Niyakap ko ang sarili ko para itago ang mga stretchmarks sa katawan. Nakita kong nagbago ang expression sa mukha ni Micko at napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Naglakad siya palapit sakin. Buhat niya si Chale na tahimik dahil napagod.
"Lindsey, you are beautiful. Don't be ashamed of your body because of those marks. Those are the signs that you gave birth to our son. You delivered a beautiful baby into this world and those marks that you're trying to hide were the signs of it. So, don't ever hide those marks from me or to anyone ever again."
"You are very beautiful then, and you are still very beautiful now." diretsong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. He held my face and gently caressed it.
My heart melts because of what he said. He has a gift for saying the right thing at the right time. He's the only man who has the ability to make me feel this way.
Even though he was gone for four years, I know he never left my heart.
"You have no idea how grateful I am to you, baby. You made my dreams come true. You gave me the family I'd always wanted."
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro