Chapter 35
HINDI AKO makagalaw sa kinatatayuan ko. Anong ginagawa niya dito?! Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at nanlalamig iyong mga kamay ko.
"S-Sige ho manang salamat po," sabi ko kay Manang Yolly. "Pwede niyo po bang pakibantayan muna si Chale sandali?" sabi ko at pilit na ngumiti bago ako naglakad palabas ng kusina para puntahan si Micko.
Nakailang inhale at exhale ako bago ako lumabas ng bahay at nakitang nakasandal siya sa sasakyan niya na naka-park sa tapat ng bahay namin. Mabuti nalang at nagpapahinga sila Mama at Papa.
Agad siyang napaayos ng tayo ng makita niya akong lumabas. Sinarado ko iyong gate pag labas ko para walang makakita samin. I clenched my fist, trying to control myself. Bakit ba kasi mas lalo siyang gumwapo?! Ano bang ginawa niya sa apat na taong nawala siya at mas naging gwapo at matured sya. Gwapo na siya noong college kami, but damn, he looks freaking sexier right now!
"Lindsey pwede—"
"Bakit ka pumunta dito?" I bit my lower lip and frowned at him, even though I was getting distracted by his Greek-like body. He became more buff and those arms... It's not helping that he's wearing a fitted white t-shirt that defines his well-toned body more. It was as if that t-shirt was made for him.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Nag-uusap na tayo,"
"I want to talk to you properly,"
"Hindi ba matino 'tong pag-uusap natin?"
"Lindsey, you know what I mean..." parang naiinis na sabi niya bago siya bumuntong-hininga. "Just give me a few minutes to talk to you,"
"Micko busy ako at wala akong panahon makipag-usap sayo. Ni hindi mo nga ako nabigyan kahit isang minuto noon para makausap ka, kaya anong karapatan mong mag-demand sakin ng maayos na usapan." He briefly closed his eyes before caressing the side of his head.
"I'm so sorry Lindsey... I know I hurt you and I can't change that anymore, but please let me explain,"
I arched one brow at him and crossed my arms against my chest.
"You want to explain to me? Earn my time, Micko. I'm not the naïve Lindsey that you've met before. Nagbago na ako at hindi mo na ako madadaan sa mga ganyang salita mo." sabi ko bago ako mabilis na pumasok sa loob at ni-lock iyong gate.
"Lindsey please! Just let me explain!" Micko yelled while he kept banging at our gate, but I ignored him. Nakita kong tumatakbo papunta sakin si Chale kaya mabilis kong sinarado pati iyong pintuan ng bahay namin.
Sometimes, you must burn bridges to stop yourself from crossing them again.
He was the one who left us first... He was the first one who didn't give me a chance to talk to him, so why would I easily let him talk to me? He must earn my time if he really is desperate to explain his side to me.
"Who's that, Mama?" curious na tanong ni Chale at pilit na sumisilip sa labas. Mabuti nalang at tumigil na si Micko sa pagkatok sa gate ng bahay namin. Dahil konti nalang at tatawag na ako sa security guard's ng village namin para paalisin siya.
"That's nobody, sweetheart..." I replied before kissing his cheeks.
"Did you finish your food?" tanong ko at mabilis siyang tumango. Dinala ko siya sa second-floor para hilamusan dahil nadungisan siya sa pagkain nung sandwich niya.
I spend my whole day with Chale. I read him some of his favourite books and we played in his playroom. So basically, I spend my day off with my son. I always make sure that my day off will be spent with Chale dahil madalas busy ako sa work at mas palagi niyang kasama ang Lolo't Lola niya.
He's getting bigger each day. Sometimes I wish that he would stop growing up so fast. He used to be my little bean, but now he's getting taller every day. Pati tangkad ni Micko ay nakuha niya. Hays
Ako ang nagdala ng 9 months. Ako ang nagpakahirap manganak tapos kamukha lang niya ang tatay niya na iniwan naman kami!
Sometimes, ang unfair lang rin talaga, e. Kaya siguro hirap na hirap akong kalimutan si Micko dahil tuwing makikita ko ang anak ko ay maaalala ko agad siya dahil sobrang magkamukha sila.
***
A week had passed, and I was glad that Micko hadn't shown up at our house again. See? Sobrang dali niyang sumuko. Kung talagang gusto niyang makita ang anak niya, hindi dapat sya sumusuko agad... Pinatunayan lang niya na hindi niya ganon kagustong makilala ang anak niya kagaya ng pag-sayang niya sa apat na taon na dapat nasa tabi siya ng anak niya.
Mga bandang tanghali ay pumasok ako para makapag-order ng meat and vegetable supplies. Hindi ako pumapasok ng maaga dahil mas madalas si Lara ang pumupunta sa restaurant namin ng umaga.
Agad akong nag-check ng mga stock sa freezer at naglista ng mga kailangan namin i-order ng bigla akong lapitan ni Elena.
"Ma'am Lindsey may pumunta po palang lalaki dito kanina at hinahanap kayo." napatigil ako sa pagsusulat at dahan-dahang nilingon si Elena. May kutob na ako kung sino pero mas minabuti ko pa ring itanong kung sino.
"S-Sino raw?"
"Jayden daw po, Ma'am. Ang gwapo nga po, e! Parang model! Kaibigan niyo ba iyon Ma'am? Beke nemen..." Nanlaki iyong mata ko. Akala ko si Micko iyong nagpunta dito.
Parang gusto kong sabunutan iyong sarili ko dahil nag-expect ako na si Micko iyong pumunta dito! Bakit ba kasi siya agad naisip ko! Hindi lang naman siya iyong pwedeng puntahan ako dito.
Pero pinuntahan ako ni Jayden dito! Simula ng magkausap kami sa labas ng hospital noon, apat na taon na rin ang lumipas ay hindi ko na rin siya nakita. Ni hindi ako nakapagpasalamat sa tulong na ginawa niya para sa operation ni Papa.
"May iniwan ba siyang contact number?" tanong ko para sana matawagan ko si Jayden para makausap.
"Wala po, e. Ang sabi niya babalik nalang raw po siya ulit bukas."
"Ah, ganon ba. Sige salamat, Elena." sabi ko sakaniya at bahagya siyang nginitian.
Apat na taon na iyong lumipas at napatawad ko na si Jayden sa nagawa niya sakin. Simula ng huling beses kaming magkausap ay nakita ko namang sincere talaga sya. Alam naman niya na mali iyong nagawa niya at pinagsisihan na niya iyon. Sana lang kapag nagkita kami ay makita kong nag bagong buhay na talaga sya at natutunan na niyang maging masaya sa kung anong meron siya.
Kinabukasan ay inagahan ko ang pasok dahil sabi ni Elena ay bukas nalang ulit babalik si Jayden. Wala naman siyang sinabi kung umaga ba sya dadating o hapon kaya naman inagahan ko nalang para sure na nandito ako kapag dumating siya. Si Lara naman ay hindi pumasok ngayon dahil nagka sinat raw si Gisel kaya binabantayan niya.
"Ma'am, may jowa ba iyong kaibigan niyo?"
"Nako Elena, hindi ko kaibigan iyon at saka ang tagal ko siyang hindi nakita kaya hindi ako sigurado kung may girlfriend ba siya o wala." Sagot ko at napalabi siya. Siguro kung noong college pa kami ay hindi ko talaga ipapakilala si Elena kay Jayden.
"Sayang naman... Ganon pa naman mga type ko,"
Natawa ako dahil parang nalungkot talaga sya sa sinabi ko. "Don't worry. Ipapakilala kita mamaya at babalitaan kita kung may girlfriend na ba siya," sabi ko kaya agad naman siyang ngumiti bago nagpatuloy sa pagtatrabaho sa kusina. Mamaya pang 11 AM ang bukas ng restaurant at 9 AM palang.
I was helping Elena prepare the vegetables when Joel came into the kitchen, saying that someone was looking for me. Mabilis na napatili si Elena sa gilid ko at napailing nalang ako.
That must be Jayden.
Naghugas muna ako ng kamay bago ko tinanggal iyong apron ko at saka ako lumabas ng kitchen. Pero nagulat ako ng hindi si Jayden ang nasa labas kung hindi si Micko.
He was looking around as if he was an inspector. He stopped when his eyes landed on mine. A smile appears on his lips. Parang nanuyo iyong lalamunan ko dahil sa paraan ng pag-ngiti niya sakin. Agad siyang naglakad papalapit sakin.
"For you," he said while handing me the bouquet of white roses – my favourite flower.
I chewed on my lower lip before getting the flowers from him. I maintain a poker face even though my heart is pounding so fast. Bakit ba ang gwapo nitong lalaking 'to! Simpleng plaine t-shirt at pants lang naman ang suot niya pero napaka-gwapo talaga!
I cleared my throat. "S-Salamat. Nag-abala ka pa," sabi ko sakaniya. Hindi nawala iyong ngiti sa labi niya habang nakitingin sakin.
"Congratulations on your restaurant. I am so proud of you, Lindsey. Your dream restaurant came true." he said while staring straight into my eyes. I could feel the sincerity in his voice.
I swallowed.
"Thank you, Micko." I smiled at him.
There's a silence between us. It was so awkward.
I don't know what to say to him. Hindi ko siya magawang pagtabuyan dahil sa mga sinabi niya. He looks really proud of me. He knows how much I've dreamt for this restaurant. Palagi ko sinasabi sakaniya noon iyong pangarap kong restaurant at ngayon natupad ko na iyon, pero ayun nga lang, hindi niya nakita kung paano ko naabot iyong mga pangarap ko.
He wasn't beside me when I was slowly accomplishing my dreams...
"Ma'am Lindsey baka nakalimutan niyo na—" hindi na natuloy ni Elena iyong sasabihin niya ng makitang hindi si Jayden iyong kaharap ko. Pinanlakihan ko siya ng mata bago siya dahan-dahan naglakad paatras habang nakatakip sa bibig niya.
Micko cleared his throat. "Uhm, alis na ako. Baka busy ka," sabi niya.
"Ito lang ba ang pinunta mo dito?" tanong ko bago ako tumingin sa bouquet na hawak ko.
Lumawak iyong ngiti niya dahil sa sinabi ko. "Actually, no..." sabi at mabilis siyang naglakad palapit sakin at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
Hindi ako agad nakagalaw dahil nagulat ako sa ginawa niya. He hugged me even more tightly. I didn't push him away, instead allowing him to hug me. I haven't felt this warm in such a long time. And I had no idea how much I yearned for his warmth.
He's the only person who could make me feel this way after four years.
I know my unyielding heart is still beating for him.
He gently patted my head before kissing the side of my head with his lips.
"I came to do this to you as well," he mumbles. He was hugging me so tightly that I felt as if he was sucking the life out of me. "I've been wanting to hug you like this for a long period of time, Lindsey."
Hinayaan ko lang sya na yakapin ako, dahil alam ko rin naman sa sarili ko na gustong-gusto ko siyang mayakap ulit ng ganito.
I'm thinking about a lot of what-if scenarios right now. What if he hadn't abandoned me four years ago? Would he still leave me if I told him I was pregnant with our child earlier?
"Thank you for caring for our child on your own. And I'm sorry I couldn't be there with you. It must have been difficult for you, and I'm very proud of you for doing everything on your own."
My eyes start to water. Parang bumalik lahat sakin iyong paghihirap ko noon mag-isa ng ipanganak ko si Chale. Yes, my family was there all the time, pero iba pa rin kapag iyong alam mong nandyan rin iyong ama ng anak mo.
All those sleepless nights that I spent solely feeding Chale. All those times when Chale gets a fever, and no one is there to tell me that our baby will be fine. All the times I've cried myself to sleep because I miss him and wish he was here with me.
All those nights when I wish I hadn't met him because it hurts so much.
My tears streamed down my cheeks. He drew back and cupped my face, wiping away my tears with his thumbs.
I locked my gaze on his. Those eyes made me fall even more in love with him.
"Lindsey, please give me another chance... Please give me the opportunity to be a father to our son." His eyes were the same bloodshot red as mine.
Our son...
Ang sarap pakinggan.
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro