Chapter 34
"M-MICKO..." I stutter. My eyes were shaking. Parang natuyo iyong lalamunan ko habang nakatingin sa mga mata.
He became more... matured. His hair has grown a little longer. I could see manly stubbles under his chin, his jaw became more defined, and those pitch-black eyes that made my knees weak stared at me intently. I haven't seen him in 4 years, and he's just gotten more... manly and sexy in his own way.
I bit my lower lip while looking at him subtly. Anong ginawa niya sa apat na taong nawala siya? Tumambay ba siya sa gym?!
He cleared his throat, and that brought me back to my senses.
"I came back for my son, Lindsey." He said this in his deep and sexy voice. My breath hitched. And my eyes widened. Mas lalong bumilis iyong pagtibok ng puso ko.
"I want to meet my son." I clenched my jaw and slapped him on the face before turning my back on him.
Ang kapal ng mukha niyang bumalik pagkatapos ng apat na taon!
Alam kong sinabi kong hindi ko ipagkakait kay Chale ang ama niya pero iba pala kapag nasa mismong sitwasyon kana! Hindi ko maiwasang hindi magalit ng todo sakaniya.
All the pain....
All the tears...
All the unanswered questions came back to me.
How can he say that after he left me 4 years ago?
Hindi pa ako nakakalayo ng bigla niya akong hatakin sa kamay.
"Bitiwan mo ako, Micko!" I yelled at him, but he just held me tighter.
I glared at him. Mukhang galit rin siya kagaya ko.
"He is my son too, Lindsey! And you can't hide him away from me,"
"Sana naisip mo 'yan bago ka nagdesisyon na iwanan ako ng ganon-ganon lang!" I yelled back. Mabuti nalang at walang masyadong tao kung nasan kami at kahit magsigawan kami ay walang makakarinig dahil sa lakas ng tugtog sa loob.
My eyes became watery while I kept glaring at him. Ang lakas loob niyang sigawan ako pagkatapos ng ginawa niya sakin!
His face softens and his grip on my arm slowly loosens up. Mabilis kong hinila iyong kamay ko.
"Apat na taon, Micko... Apat na taon kang nawala ng walang maayos na dahilan! Apat na taon kong pinalaki mag-isa ang anak ko tapos ngayon sisigawan mo ako na parang kasalanan ko pang tinago ko sayo ang anak ko!" I clenched my jaw and quickly wiped the tears that fell from my eyes.
He shifted his gaze away from me. He couldn't look me in the eyes because he knew what I was saying was correct. It was his fault that he couldn't spend 4 years with his son...
I turned my heels and walked away from him before he could even say anything. The tears I'd been holding back were pouring down my cheeks in torrents.
Dumiretso ako sa washroom para ayusin iyong itsura ko bago ako bumalik sa table namin.
"Ma'am Lindsey saan kayo galing? Nakita ko kayong may kasayaw na gwapo kanina. Sya na ba ang magpapatibok ng puso niyo?" sabi ni Elena kaya lahat sila ay sabay-sabay nag-ayieee habang may mapang-asar na ngiti sa labi nila.
"H-ha, hindi. Lumabas lang ako para magpahangin," kinakabahang sagot ko pero parang hindi sila naniniwala dahil may mga ngisi sa labi nila habang nakatingin sakin.
"Uminom nalang kayo dyan. Last party niyo na 'to sige kayo," pananakot ko sakanila.
"Hindi naman kayo mabiro ma'am!" Joel, one of my waiters immediately said. Nagtawanan lang kami at nagpatuloy na sila ulit sa pag-iinom.
Nagulat ako ng bigla akong siniko ng mahina ni Lara "Ayos ka lang? Sino iyong lalaking sinasabi ni Elena?"
I exhaled deeply and briefly closed my eyes. "Nandito si Micko..." mahinang sabi ko. Agad na nanlaki iyong mga mata niya.
"Dito sa club?! Nakausap mo ba? Alam ba niyang may anak kayo?!" sunod-sunod na tanong ni Lara. Inabot ko muna iyong alak sa lamesa at uminom.
"Oo nandito rin sya at nagkausap kami at alam rin niyang may anak kami..." nanghihinang sagot ko.
Napabuntong-hininga si Lara dahil sa sinagot ko. "Anong plano mong gawin?"
"Hindi ko alam... gusto niyang makita si Chale,"
"Ipapakilala mo ba siya kay Chale?"
I sighed. "Gusto kong ipakilala siya sa anak ko dahil nagsisimula na ring magtanong si Chale tungkol sa tatay niya, pero bumalik lahat ng galit ko sakaniya kanina at nagdadalawang-isip ako sa dapat kong gawin,"
Pareho kaming natahimik ni Lara. Sandali niya akong niyakap at sinabihan na kaya ko ulit lagpasan 'to.
Hindi ako mapalagay sa upuan ko dahil alam kong nasa paligid lang si Micko at siguradong pinapanood ako. At hindiko alam, kung kailan niya maiisipang lumapit sakin ulit. Ang tanga ko lang na hindi ko man lang napansin na siya iyong kasayaw ko sa dancefloor! I already smelled his familiar scent when we were dancing on the dance floor, peropinagwalang bahala ko lang iyon dahil akala ko parehas lang sila ng pabango, pero mali pala ako. Dahil si Mickomismo iyon.
Maya-maya lang at dumating na rin si Aero na halatang dumiretso dito galing office dahil sa suot niya. Kilala na ng mga empleyado namin si Aero dahil madalas naman siyang bumisita sa restaurant namin ni Lara kasama ang anak nilang si Gisel.
My head started getting heavier when I excused myself to the washroom. Mabuti nalang at hindi na ako pinuntahan ni Micko dahil ayaw kong gumawa ng eksena dito lalo pa't andito lahat ng empleyado ko. Paglabas ko ng washroom ay nagulat ako ng nakatayo si Micko sa harap ng pintuan at halatang hinantay ako. Mabilis niya akong hinawakan at hinatak palabas ng club.
"Micko bitawan mo nga ako!" I yelled at him, but he just ignored me. I'm drunk and weaker than him and I couldn't get away from him.
Dinala niya ako sa parking lot at umilaw ang isang sasakyan.
"Get in," utos niya ng tumigil kami sa tapat ng isang sasakyan.
"No!"
"Don't make me force you to get inside,"
"Ano bang kailangan mo sakin?! Bakit ba ayaw mo akong tigilan kagaya ng ginawa mo noon! Just leave me alone, Micko!" sigaw ko sakaniya. I glared at him.
Hindi ba niya nakikita na galit ako sakaniya! Ano bang ine-expect niyang gagawin ko sakaniya pag nakita ko siyang bumalik? Yayakapin? Hell no! After niya akong iwanan ng ganon-ganon lang!
Napasabunot siya sa buhok niya bago tumingin ng diretso sakin. "I just want to talk with you,"
"Ayaw kitang makausap." diretsong sagot ko sakanya at mabilis ko siyang tinalikuran, pero nakakailang hakbang palang ako ay nahawakan niya ulit ako sa braso.
"Lindsey please..." he begged. Gusto ko sanang maawa sa itsura niya ngayon pero naisip ko. Naawa ba siya sakin noong iniwan niya ako at ayaw niya akong kausapin? Hindi...
I took a deep breath. "Ayaw kitang makausap o makita. Kaya please lang, bitawan mo na ako at baka hinahanap na ako ng mga kasama ko." Mahinahong sabi ko sakaniya, pero hindi niya pa rin ako binibitawan.
Hinawakan ko iyong kamay niyang nakahawak sa braso ko at sapilitan kong inalis iyong pagkakahawak niya sakin. I look straight at his eyes.
"Micko wala ka nang babalikan pa... Ikaw ang unang bumitaw at umalis, remember?" A pain shot crossed his eyes while I remained emotionless. Hindi niya pwedeng malaman na may epekto pa rin siya sa katawan ko kahit na ilang taon na ang nakalipas.
After him, I've never loved anyone else...
I was angry at him, but I can't deny that he's still in my heart, despite what he did to me... but he doesn't have to know that. The only thing he should know is that I am still angry with him.
"Bigyan mo muna ako ng oras bago kita ipakilala kay Chale," I firmly said before I left him.
***
After seeing Micko again after 4 years, parang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Bumalik lahat ng paghihirap ko para kalimutan siya. Lahat ng luhang iniyak ko gabi-gabi hanggang sa makatulog ako. Ilang araw na simula ng makita ko siya sa club pero hindi pa rin ako mapalagay.
Kinaya kong magbuntis mag-isa kahit na wala siya sa tabi ko. Kinaya ko lahat ng sakit para lang sa anak ko... Sobrang hirap, pero nalagpasan ko lahat iyon. Kaya hindi madali iyong hinihingi niya sakin dahil sa apat na taon, ako ang nag-alaga sa anak kong mag-isa.
Kung alam niyang may anak kami bakit ngayon lang siya bumalik... Bakit kung kailan nagiging maayos na ako ulit tsaka sya babalik para sirain na naman iyong mundong binuo ko ng matagal na panahon.
"May problema ka ba anak? Hindi mo ba gusto iyang ulam na niluto ko?" Mama said that made me come back to my senses. I smiled a little.
"Hindi po, Ma! Masarap po 'tong ulam. May iniisip lang po ako," sagot ko bago ako nagpatuloy sa pagkain ko.
Mama was staring at me suspiciously. "Si Micko na naman ba ang iniisip mo?" sabi ni Mama, at mabilis akong nabulunan dahil sa sinabi niya. Agad akong inabutan ng tubig ni Mama at saka hinagod ang likod ko.
"Salamat, Ma." sabi ko at nakatingin lang si Mama sakin na parang hinahantay niya na ako mismo ang magsabi sakaniya.
Sobrang lakas ng mother instinct ni Mama. Alam na alam niya tuwing may problema ako o kahit sino samin. Alam niya rin kapag may nililihim kami sakaniya. Kagaya nalang noong sabihin ko sakanila na buntis ako. Hindi na nagulat si Mama noong sinabi ko sakanila iyon dahil ang sabi niya ay alam na raw niya at naramdaman niya na may iba sa kinikilos ko.
Iba talaga iyong pagmamahal ng isang ina sa anak nila...
Mother's love is the purest form of love. It's unconditional love, and no one loves you more than your mother.
And I know this because of how much I love Chale. I'm willing to put everything on the line for him in the blink of an eye. He is now my entire life, and I absolutely love him. He is now the center of my universe, and I am willing to go to any length to ensure his happiness.
Bumuntong-hininga ako. Hinawakan ni Mama iyong kamay ko at bahagyang ngumiti sakin na parang sinasabi niya na nandiyan lang sya parati sa tabi ko kahit na anong mangyari.
"B-Bumalik siya, Ma..." I stutter. Parang naninikip iyong dibdib ko tuwing iisipin ko siya.
"Bumalik na siya at gusto niyang makita si Chale. Hindi ko po alam ang gagawin ko, Ma... Galit pa rin ako sakaniya, pero alam kong matutuwa si Chale kapag pinakilala ko sakaniya ang tatay niya,"
"Gawin mo kung anong bukal sa kalooban mo anak. Pagisipan mong mabuti kung anong gusto mong gawin. Nasa sayo ang desisyon anak, pero tandaan mo na nandito lang kami palagi ng Papa at kapatid mo."
"Salamat Ma," sabi ko bago ko ihilig ang ulo ko sa balikat ni Mama at saka siya niyakap.
Ano nga bang gusto kong gawin?
Hindi ko rin alam... Hindi pa ako sigurado.
Basta ang sigurado lang ako ay gusto kong maging masaya ang anak ko.
Pagkatapos naming mag-usap ni Mama ay pumunta ako sa kwarto ni Chale na mahimbing na natutulog. Napagod kasi kalalaro kanina kasama si Gisel dahil dumiretso sila Lara dito after bumisita sa restaurant namin.
Hinalikan ko si Chale sa pisngi habang mahimbing na natutulog. Walang duda na si Micko ang tatay niya dahil magkamukha talaga sila. Simula sa kapal ng kilay, sa haba ng pilikmata pati ang tangos ng ilong ay nakuha niya kay Micko. Pati iyong manipis na labi ni Micko ay namana niya.
Chale stirred a little before he slowly opened his eyes. A smile automatically appeared on his lips when he saw me. Agad ko siyang niyakap at pinupog ng halik sa mukha.
"Mama! You're tickling me,"
"No, I'm not. I'm just kissing my baby," sabi ko at patuloy na hinalikan sya hanggang leeg at tawa siya ng tawa dahil alam kong may kiliti siya doon.
Tuwing naririnig kong tumatawa ang anak ko agad na nawawala ang pagod sa katawan ko kahit na gaano pa ako ka-busy at kapagod sa pagtatrabaho. Marinig ko lang iyong pagtawa niya ay okay na ulit ako.
"Let's get you some water," sabi ko dahil napagod siya katatawa at agad syang kumapit sakin para bumaba kami sa kusina.
"Mama, I'm starving." sabi niya habang pababa kami sa kusina. Mag a-apat na taon palang si Chale, pero diretsong-diretso na siyang magsalita. Sobrang talino rin niyang bata at sigurado akong kay Micko rin niya iyon namana.
Pagbaba naman sa kusina ay agad ko siyang pinainom ng tubig tapos ginawan ko siyang favorite niyang banana and Nutella sandwich.
"Sarap?" tanong ko habang pinapanood ko siyang sarap na sarap sa pagkain ng sandwich niya.
"Mama's the best!" sabi pa niya habang naka-thumbs up sakin at natawa ako kahit na puro chocolate na iyong pisngi niya.
Maya-maya lang at pumasok si Manang Yolly sa kusina.
"Ma'am, may naghahanap po sainyo sa labas." sabi niya.
"Sino raw po?"
"Micko raw po, Ma'am." sagot ni Manang Yolly at para akong binuhusan ng malamig na tubig at agad akong napatingin kay Chale na busy pa rin sa pagkain ng sandwich niya.
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro