Chapter 32
LINDSEY,
Thank you for listening to me last night. I really appreciate everything that you've said to me. Again, I'm really, really sorry for what I did to you, and I regret everything that I did and said to you...
I'm not expecting anything in return, and I sincerely just wanted to help you and your family in any way.
I hope that your dad will recover soon. Your family is very lucky to have you, Lindsey... and I hope you'll be able to forgive me the next time we'll see each other again.
-Jayden
He was the one who paid Papa's hospital bills.
Wow.
I didn't expect him to do that... Kaya ba sya nandito kagabi?
Agad kong kinuha iyong cellphone ko at agad syang tinawagan pero hindi siya sumasagot. Gusto ko siyang makausap at mapasalamat ng personal. Sobrang laki ng tulong na ginawa niya para sa pamilya ko.
Ilang araw ko pa siyang sinubukan tawagan pero hindi talaga sya sumasagot. Hindi ko pa ulit nakakausap si Micko at hindi naman niya alam na nakapag-usap kami ni Jayden.
Mabilis na gumaling si Papa at mukhang bumabalik na ulit iyong lakas niya kagaya dati. Ilang araw na rin at madi-discharge na siya. Ako naman nag focus na ulit sa mga dapat kong ayusin bago maka-graduate. Si Mama ang madalas na kasama ni Papa sa hospital tutal maganda ang kwarto ni Papa kaya komportable ring nakakatulog si Mama doon. Si Jella at ako naman ay binibisita sila after school kapag hindi kami busy. Malayo rin kasi iyong Manila Hospital mula sa bahay.
"Grabe, sobrang lapit na talaga nating gumraduate!" Lara exclaimed while we were walking side by side in the hallway.
"Kaya nga, e. Parang kailan lang hindi pa natin alam kung saan tayo kukuha ng pambayad sa tuition fee natin," sabi ko at natawa kami habang nagre-reminisce lahat ng hirap na ginawa namin para lang kumita ng pera pampa-aral sa sarili namin.
"Parang dati lang din wala kang panahong mag boyfriend, tapos ngayon may Micko Rae Sanchez kana!" pang-aasar niya at agad ko siyang hinampas sa balikat dahil napatingin iyong ibang students samin sa lakas ng pagkakasabi niya sa pangalan ni Micko.
"Ang lakas ng boses mo!"
"Bakit? Kinahihiya mo ba?"
"Hindi, a! Grabe ka," sabi ko at binilisan ko sa paglalakad at iniwan siya. Tawa naman ng tawa si Lara bago ako habulin. She clings her arm around mine.
"Nag-LQ ba kayo bat' ganyan itsura mo?" kunot-noo na tanong niya. I frowned at her.
"Masakit lang iyong ulo ko at nahihilo ako tapos ang ingay mo pa," masungit na sabi ko.
"Sungit mo naman! May period ka ba ngayon?" Lara said while laughing. Sandali akong napahinto sa paglalakad dahil sa sinabi niya. I bit my lower and my heart starts beating so hard.
Kailan nga ba ako huling nagkaroon?
My eyes widened when I realized that I didn't get my period this month!
"Uy, ayos ka lang? Bat' bigla kang namumutla? Tara dalhin kita sa clinic," nagpa-panic na sabi ni Lara, pero ako parang naestatwa lang sa kinatatayuan ko.
"O-Okay lang ako..." nabubulol na sabi ko.
"Sure ka? Ang putla mo kaya!"
"Pagod lang siguro ako. Uwi nalang tayo." pumayag naman kaagad si Lara sa sinabi ko at mabilis niya akong hinatid pauwi sa bahay.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Gusto kong makasiguro bago ko kausapin si Micko tungkol dito. I'm not taking any birth control pills at minsan hindi kami gumagamit ng condom ni Micko tuwing may mangyayari samin.
At dahil hindi ako mapakali ay naghanap ako ng OBGYNE. Nag book ako sa isang hospital kung saan walang makakakita sakin. Mabuti nalang at nakakuha ako agad ng appointment kaya umalis ako agad para doon nalang ako mismo maghantay keysa mag-isa ako dito sa bahay namin at baka mabaliw ako sa sobrang kaba.
Pagdating ko roon ay isang oras pa bago ang appointment ko kaya naghantay muna ako sa waiting area.
Hindi ko maipaliwanag iyong nararamdaman ko. Masaya ako na kinakabahan na nae-excite. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Habang naghahantay ako ay nakatanggap ako ng text galing kay Micko. Sobrang dalang nalang namin magkita dahil parehas kaming busy. Ayaw ko naman siyang abalahin para lang makita sya.
From: Micko
Hey baby, where are you? I went to the hospital and Tita said you haven't been there today. I miss you :(
I bit my lower lip when I read his text.
My hands were trembling while I was typing a reply to him.
To: Micko
Sorry kasama ko si Lara at may tinatapos lang kami.
From: Micko
Okay, Call me when you're free. I love you :)
Nagreply lang ako ng 'I love you too' sakaniya bago ko itinago ang cellphone ko at eksaktong tinawag nung nurse iyong pangalan ko.
***
"Welcome home, Papa!" Jella and I exclaimed simultaneously.
Agad kaming lumapit kay Papa at niyakap siya.
"Salamat mga prinsesa ko," Papa said before kissing the top of our head.
Nagluto ako ng mga paboritong pagkain ni Papa. Si Jella naman nag linis ng bahay at si Micko ang sumundo kila Mama at Papa sa hospital.
"Salamat sa pagsundo kila Mama at Papa," sabi ko kay Micko ng lapitan ko siya. Mabilis niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
"Anything for you," sabi niya at niyakap ko rin siya pabalik.
"Na-miss kita,"
"I've missed you too. I'm sorry that I'm always busy,"
"Okay lang, excited na ako sa graduation natin sa susunod na linggo," I smiled at him.
"Me too,"
Kumain kami ng sabay-sabay at sarap na sarap sila sa niluto ko.
"Anak gusto mo ba ng bagoong para sa kare-kare?" alok ni Mama at mabilis akong umiling. Naramdaman ko na maduduwal na naman ako dahil naaamoy ko iyong bagoong. Dapat pala hindi nalang ako nagluto ng kare-kare!
"Sandali lang po," sabi ko bago ako agad tumayo at tumakbo papuntang CR at doon sumuka. I threw out all the food that I had just eaten. I brushed my teeth after I threw up.
Yes, I am 9 weeks pregnant.
At ako pa lang ang may alam. Balak kong sabihin kay Micko after ng graduation namin sa susunod na linggo. Sa totoo lang kinakabahaan akong sabihin sakaniya pero alam ko namang hindi niya kami papabayaan dahil alam ko kung gaano niya gustong magkaroon ng sariling pamilya.
Alam kong hindi 'to planado, pero never sumagi sa isipan ko na hindi ituloy 'tong pagbubuntis ko. Nasa sinapupunan ko palang ang anak ko pero mahal na mahal ko na siya. At alam kong mamahalin rin siya ng mga lolo at lola niya ng sobra.
After kong magpa-blood test ay nalaman ko rin kinabukasan na positive na buntis ako. Sabi ng OBGYNE ko ay magpa-ultra sound raw ako pero sinabi kong kakausapin ko muna si Micko dahil gusto kong kasama ko siya sa unang ultrasound ako.
Pagbalik ko sa dining ay nakatingin silang lahat sakin. Bahagya akong ngumiti at bumalik sa upuan ko na katabi ni Micko. Agad niyang hinawakan iyong kamay ko.
"Are you okay? You don't look good," Micko said. His face looks worried.
I gave him a small smile. "Okay lang ako," sabi ko at mabuti nalang hindi na siya nagtanong pa pero si Mama ay maya't maya nakatingin sakin na parang nagtataka siya sa mga kinikilos ko.
Nagpaalam si Micko na kailangan na niyang umalis dahil may dinner party raw sa bahay nila mamaya at kailangang nandoon siya. Niyaya niya akong sumama pero sabi ko gusto ko munang makasama sila Papa dahil kauuwi lang niya. I wanted to spend time with my family after everything we've been through.
"Are you sure you don't want to come with me?"
I sadly smiled at him, "Sorry talaga... Huwag ka sanang magtampo,"
"Hindi naman ako magtatampo. I understand," he chuckled before caressing my cheek.
He planted a soft kiss on my lips before he left. Bumalik ako sa loob para puntahan sila Mama na nanonood ng movie.
Maya't maya pa ring sumusulyap si Mama sakin. Hindi ko alam kung nakakahalata na ba siya pero wala pa namang umbok iyong tyan ko at madalas puro maluluwag na damit ang suot ko.
When I found out that I was pregnant, I will admit that it made me a little bit anxious. Lalo na sa estado ng buhay na meron kami. At pa-graduate palang ako at hindi pa ako nagsisimula sa pag tupad ng mga pangarap ko. Pero alam kong blessing 'tong baby ko at hinding-hindi ko naisipang gumawa ng masama.
I made this with love. Micko and I created this baby, and I will love him/her with all my heart. I will take responsibility for my baby and I will make sure she/he will never experience what I experienced. I promise that I will give my baby all the greatest things in this world.
***
After that day hindi ko na nakita pa ulit si Micko hanggang dumating ang araw ng graduation. Nag-aalala na ako dahil madalas hindi siya nagre-reply o sumasagot sa tawag ko at kung sasagot man siya ay parang problemado at iwas siya sakin.
Madalas akong nagtatago sa CR para umiyak dahil kinakabahan ako. Galit ba si Micko dahil hindi ako sumama sa dinner party last week? Pero sabi niya naiintindihan naman niya ako kung bakit hindi ako sumama...
I sighed deeply while fixing my makeup. Today's our graduation day and I'm really anxious because I still haven't seen Micko. He's acting really weird, and I am so bothered if he has a problem.
Nalaman kaya niya na buntis ako at ayaw pa niyang bumuo ng pamilya? O hindi kaya, hindi naman ako ang gusto niyang makasama sa pag buo ng pamilya? Para akong mababaliw sa mga naiisip ko... May tumulong luha sa mata ko dahil hindi ko na mapigilang maging emosyonal at nasaktuhan pa na buntis ako kaya sobrang iyakin at emosyonal ko talaga.
"Bakit umiiyak ka ate?" nag-aalalang tanong ni Jella ng pumasok siya sa kwarto namin. Kagaya ko naka todo ayos rin si Jella. Nakasuot siya ng salmon pink skater dress at white sneakers. Kinulot ko rin ang buhok niya kanina at naglagay siya ng konting makeup.
I nervously chuckled. "W-Wala... masaya lang ako dahil sa wakas at makakapagtapos na ako," sabi ko. Agad siyang lumapit sakin at niyakap ako sa gilid.
"Ate sobrang deserve mo 'yan. Alam mo namang hindi ako vocal na tao pero gusto ko lang sabihin na sobrang swerte ko at ikaw ang ate ko. Sobrang salamat sa lahat ng ginawa mo para samin... Alam kong hindi biro ang ginawa mong trabaho bilang stripper pero kinaya mo lahat iyon para samin. Gusto ko rin na malaman mo ate na sobrang proud na proud ako sayo. Mahal na mahal ka namin Ate." Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha sa mata ko dahil sa sinabi ni Jella. Mahigpit ko siyang niyakap at sinabing mahal na mahal ko rin sila.
Mabuti nalang at maaga pa dahil nasira iyong makeup ko dahil sa pag-iyak ko. Tinulungan ako ni Jella para mas mapabilis. 6 PM ang start ng graduate at 5 PM na kaya medyo nagmamadali na kami dahil ayaw naming mahuli. Nakasuot ako ng white floral maxi dress at high heels. Tapos kinulot ko rin iyong mahabang buhok ko.
Nakailang tawag ako kay Micko pero hindi siya sumasagot. Nada-direct agad ang tawag ko sa voicemail niya. Nakailang text na rin ako sakaniya. Dapat sya ang susundo samin ngayon dahil iyon ang napag-usapan namin pero dahil mukhang wala siyang balak na sunduin kami kaya nag book nalang ako ng cab para samin. Ayaw ko namang sumakay ng jeep na naka-ayos ng ganito at isa pa, masyadong matagtag sa jeep at delikado kay Papa na wala pang isang buwan simula ng maoperahan.
Pagdating namin sa Leweis University ay sobrang daming tao! Punong-puno iyong school grounds. Lahat ng students ay nakangiti at halatang excited nang maka-graduate. Kinuha ko muna iyong cap and gown ko at isinuot kaya mas naramdaman ko iyong excitement na gagraduate na nga talaga ako.
"Lindsey!" rinig kong pagtawag ni Lara kaya nilapitan namin siya. Kasama niya si Lady at Aero.
"Kamusta na po kayo Tito?" tanong ni Lara kay Papa.
"Ayos naman ako, salamat." sabi ni Papa. "Jella kuhaan mo ng picture ang Ate mo at si Lara para may remembrance tayo," sabi ni Papa kaya pinicturan kami ni Jella gamit iyong camera na binili ni Papa na para talaga ngayon sa graduation ko. Sabi kasi niya gusto niya ng maraming picture na remembrance ngayong graduation ko.
We took a lot of pictures, pero ako hindi mapakali kakatingin sa paligid para hanapin si Micko. Usapan kasi namin ay ipapakilala namin ang pamilya namin sa isa't isa bago mag start ang ceremony, pero 15 minutes nalang bago mag start, pero hindi ko pa rin siya nakikita. Nagsimulang mag tubig iyong mata ko.
"Wala pa rin ba si Micko anak?" tanong ni Papa ng mapansin niyang balisa ako sa kahahanap kay Micko sa dagat ng tao.
Malungkot na umiling ako kay Papa. "Baka po na-traffic sila," pagsisinungaling ko.
Nagpaalam na sila Lara para ihatid si Aero at Lady sa upuan nila at ganon rin ang ginawa ko kila Mama. Dinala ko sila sa pwesto nila bago ako naglakad papunta sa likod ng stage kung nasaan lahat ng students na gagraduate.
I tried calling Micko one more time but to no avail. I sighed sadly and unconsciously caressed my tummy. But as I was walking my way to the backstage (where all the students are), my eyes caught Micko. He was already wearing his cap and gown while fidgeting on his phone.
A smile appeared on my lips and I immediately called him. "Micko!"
Agad siyang napatingin sakin. Nakangiti ako habang nakatingin sakaniya habang wala namang emosyon iyong mukha niya. Maglalakad na sana ako palapit sakaniya ng bigla siyang mag-salita.
"Stop!" sabi niya, kaya agad akong napatigil sa paglapit sakaniya.
"Micko—"
"Let's break up. I don't want to see you anymore," he said, and my heart sank. Tears were flowing down to my cheeks. Hindi siya makatingin ng diretso sa mata ko.
Wala na akong pakealam kung may makakita man sakin na umiiyak dito.
"B-Bakit mo 'to ginagawa..."
"I'm... just done with you. Don't look for me anymore. Goodbye, Lindsey." he said, before leaving me behind with a broken heart.
Just when I thought that everything was going right...
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro