Chapter 31
"MAGIGING MAAYOS din po si Papa, Ma..." I said to Mama even though I know myself that I can't stop worrying about Papa.
Papa's getting the Coronary Bypass Surgery at nandito kami ngayon sa Manila Hospital dahil dito ginawa ang operation ni Papa. Mas malaki 'to kumpara sa hospital na malapit lang sa barangay namin. Sabi ni Micko na magagaling raw ang mga surgeons dito kaya magiging maayos rin si Papa.
Pero ang isa ko pang pino-problema ay wala pa akong nakahandang pera pero hindi ko naman pwedeng pabayaan si Papa. Dahil sa halos sunod-sunod niyang atake ay nagamit ko na haos iyong naipon kong pera.
Napabuntong-hininga nalang ako.
Bahala na...
Gagawan ko nalang ng paraan para makahanap ng pambayad. Kung kailangan kong magtrabaho maghapon ay gagawin ko para kay Papa.
Sabi ng doctor ay 3-6 hours daw ang operation. Dalawang oras palang kami dito pero parang ang tagal ng oras.
Yakap ko lang si Mama simula pa kanina habang si Jella naman ay pinapatahan ni Micko. Nagkatitigan kami at bahagya akong ngumiti sakaniya para magpasalamat sa pag-stay niya kasama kami. Alam kong marami pa siyang kailangang gawin at tapusin dahil less than one-month nalang at graduation na pero mas pinili niyang samahan kami dito.
Ilang oras pa kaming naghantay bago lumabas iyong doctor sa operating room. Mabilis kaming lumapit ni Mama at nakahinga lang kami ng maluwag ng sabihin ng doctor na tapos na at naging successful ang operation ni Papa.
"Micko, pwede mo bang ihatid muna sila Mama at Jella sa bahay para makapagpahinga sila?"
"Of course," Micko immediately replied.
"Paano ka anak? Maiiwan ka rito mag-isa," nag aalalang sabi ni Mama. Bahagya ko siyang nginitian.
"Ayos lang po ako dito, Ma. Kayo muna ang dapat magpahinga dahil baka kayo naman ang magkasakit niyan," I assured her.
"I'll accompany her Tita," Micko added, smiling at me.
Umalis na rin sila pagkatapos. Dinala naman si Papa sa ICU after ng operation niya. Doon muna daw siya for 12-24 hours, para i-monitor siya. Naka breathing tube pa din kasi si Papa at after 24 hours pa raw bago pwedeng alisin iyon sabi ng doctor.
At dahil nasa ICU si Papa ay hindi namin siya pwedeng samahan. At kapag bibisitahin naman namin si Papa ay dapat sandali lang.
Tumayo muna ako para bumili ng kape. Madaling araw na at ramdam ko na iyong pananakit ng katawan ko dahil anim na oras kaming naghantay sa operation ni Papa kanina pero ang mahalaga ay ligtas at maayos na siya.
Lumabas muna ako sa hospital para magpahangin habang hawak iyong mainit na kape sa kamay ko. I hugged myself while staring at the clear sky. Walang masyadong star sa langit. Hindi na rin masyadong maingay hindi kagaya kanina.
Hinahantay kong makabalik si Micko ng magulat ako ng makita ko si Jayden na naglalakad palapit sakin. Agad na kumunot ang noo ko. Nakasuot siya ng white fitted shirt, dark jeans at baseball cap.
"L-Lindsey, can we talk?" agad na sabi niya paglapit niya sakin.
I exhaled deeply before nodding my head. Naglakad ako papunta sa isang bench na nasa gilid lang rin ng hospital. Tahimik na nakasunod lang sakin si Jayden at naupo siya sa tabi ko.
I didn't utter a word because I don't really have anything to say to him... Actually, no. I do have a lot of questions to ask him, but I just kept my mum. I wanted to hear him first.
Nakailang buntong-hininga siya bago siya tuluyang magsalita.
"I-I'm sorry..." he said, almost a whisper. "I'm really, really sorry for what I did to you and I don't expect that you'll easily forgive me." he sighed deeply.
My eyes were glued in front of me. I couldn't look him in the eye.
I despised him after what he did to me. I swore to myself that I would never forgive him because what he did to me was unforgivable... But hearing him sincerely apologize to me makes me breathe a lot better.
Even when I first met him, I already hated him and his guts, but I still gave him numerous chances because I knew he could do better... I gave him the benefit of the doubt, because I believe that there's a slight chance that he can change for a better person.
"B-Bakit mo ginawa iyon, Jayden..." tanong ko sakaniya. Paulit-ulit kong iniisip kung anong dahilan ni Jayden para gawin sakin iyon pero wala akong maisip na sapat na dahilan. Wala naman akong masamang ginawa sakaniya. Binayaran ko naman siya sa nabangga ko sa sasakyan niya.
"I'm an asshole, that's why," he answered. "I'm an asshole because I envy Micko. He has everything I wanted for myself. I wanted to take everything from him because I'm an asshole stepbrother."
Nilingon ko siya. I stared at his solemnly sad eyes.
"Mom likes him better than me. He has good grades. Great friends and classmates. He has a nice girlfriend. Everyone admires and praises him for his good looks. He got everything that I wanted. "
Hindi ko alam ang sasabihin ko sakaniya. Tahimik lang akong nakinig sa lahat ng problema niya. I will let him vent out on me if that will make him feel better. At dahil sa mga sinabi niya, mas naiintindihan ko na kung bakit niya nagawa sakin iyon. Gusto niyang kunin lahat ng meron si Micko dahil sa inggit.
Greed makes a person think of evil things. Once you feel that what you have is not enough or that you could have better. Or that you don't feel contented with what you have. That's when you start seeing other people and their success. You will feel this kind of desire that you want to take other people's success to make yourself feel better.
And that's what happened to Jayden... Naiinggit sya sa kung anong meron si Micko na hindi niya nakikita na masama na iyong ginagawa niya. Na nakakasakit na siya ng ibang tao...
He got blinded by his greed.
"Masyado kang nabubulag sa inggit na hindi mo nakikita kung anong meron ka..." sabi ko. Napatingin siya sakin. Our eyes met.
"Naiinggit ka sa lahat ng meron si Micko, pero alam mo ba kung ano ang pinaka-magpapasaya lang sakaniya?" Tanong ko at umiling siya.
"Pamilya... Iyon ang pinaka-magpapasaya sakaniya dahil simula bata siya wala siyang magulang na kasamang lumaki. Pangarap niyang magkaroon ng sariling pamilya dahil iyon ang wala siya. Kaya sobrang saya niya ng dumating kayo sa buhay niya. Nagkaroon siya ng pangalawang nanay at kapatid..."
Natahimik si Jayden dahil sa sinabi ko. Agad siyang yumuko ng may pumatak na luha sa mata niya. Nag-iwas ako ng tingin bago ako tumayo.
Mahina ko siyang tinapik sa balikat habang patuloy lang syang nakayuko.
"You can buy anything with money, but you can never buy the love of a family," I said before walking away from him.
I sighed deeply when I got back inside the hospital. I sat back on the chair that I was sitting on a while ago.
I closed my eyes and wished that Jayden would find peace in his heart...
I can't still forgive him, but I know in my heart that I don't despise him anymore...
***
Micko came back and stayed with me until the sun shone again. Ang sakit ng katawan at likod ko dahil natulog lang kami sa upuan. Hindi ko sinabi kay Micko iyong pag punta ni Jayden sa hospital... Gusto ko munang bigyan ng time para ayusin ni Jayden ang sarili niya dahil alam kong siya naman mismo ang lalapit kay Micko kapag naging maayos na siya.
He just needs time to fix himself.
"I'll just buy us some breakfast. I'll be back," Micko said. I nodded at him. He gave me a quick peck on my lips before he went out.
Lumabas ako sandali para maghanap ng tindahan para magpa-load dahil gusto kong maghanap ng trabaho na pwede kong pasukan. Iyong trabaho kasi sa kaibigan ni Tita Jade ay after graduation pa ako makakapag-simula doon. Nag-email na rin ako kay Mr. Garcia at nagbabaka sakaling i-hire niya ako sa Marble Creek Hotel dahil naging maganda naman ang performance ko sakanila noong naging intern ako pero wala pa rin akong natatanggap na reply mula sakaniya.
Hindi pa rin nakakabalik si Micko kaya pumunta muna ako sa may nurse station para itanong kung saan ko pwedeng itanong kung magiging magkano iyong bill ni Papa sa operation niya. Gusto ko kasi malaman para alam ko kung magkano iyong pera na dapat kong ipunin.
"Uhm, Ma'am, wala na po kayong dapat bayaran." sabi noong babae sakin ng itanong ko iyong bill ni Papa. Agad na kumunot iyong noo ko dahil sa sinabi niya.
"P-Po?" nagtatakang tanong ko. May inabot na papel sakin iyong babae at nakalagay nga doon na bayad na lahat ng bills ni Papa.
"Hindi niyo po ba alam na bayad na iyong bill ni Mr. Samson?"
Agad akong umiling. Panaginip ba 'to? Mahigit isang million iyong bill ni Papa tapos bayad na lahat!
"H-Hindi po. Pwede ko po bang malaman kung sinong nagbayad?"
"Uhm, sige po, sandali lang po." sabi noong babae bago nagtype sa keyboard ng computer niya.
"Sorry Ma'am, pero hindi ko po mahanap kung sinong nagbayad, e. Nakalagay lang po sa name ng nagbayad ay anonymous." Paliwanag noong babae. Nakatulala lang ako after kong makausap iyong babae at hawak ko iyong resibo na nagsasabing bayad na lahat ng hospital bills ni Papa pati na rin iyong VIP room na naka-reserve sakaniya after niya sa ICU.
Si Micko ba ang nagbayad? Siya lang naman ang posibleng magbayad ng ganong kalaking halaga para kay Papa. Wala naman akong ibang kakilala na tutulong samin ng ganito.
Para akong maluluha sa saya. Hindi ko na kailangan pang problemahin kung saan ako kukuha ng pera para pambayad sa hospital bills ni Papa. Pero sana man lang nag-iwan ng note or number iyong nangbayad para makapag-pasalamat ako sakaniya ng todo.
That's more than a million! Sobrang laking halaga noon.
Kinausap ko si Micko pagbalik niya at agad kong tinanong kung siya ba ang nagbayad at sinabi niyang hindi raw siya... Mas lalo lang akong na-curious na makilala kung sino iyong anonymous person na nagbayad.
Agad ko ring ibinalita kila Mama at Jella iyong nangyari at naiyak rin sila sa saya. Nailipat na rin si Papa sa VIP room after 24 hours. Nagising na rin siya after 24 hours bago siya ilipat kaya sobrang nakahinga kami ng maluwag.
Nagulat ako na mas malaki pa iyong VIP room kaysa sa kwarto namin ni Jella sa bahay. Sobrang spacious at pwede kaming matulog ng maayos kasama si Papa. Mayroon ring sariling TV at washroom si Papa sa loob. Kaya kahit na nagkasabay sa pagdalaw sila Lara at Tita Jade dito kanina ay kasyang kasya kaming lahat sa loob.
Mahigit isang linggo raw kailangang mag stay pa ni Papa dito sabi ng doctor niya. Maayos naman daw lahat pero kailangan pa rin siyang i-monitor palagi. Binilhan ko na rin ng mga gamot si Papa. Iniisip ko palang kung magkano ang per day dito sa VIP room ay para akong mahihilo sa mahal. Syempre malaking hospital 'to at siguradong mahal ang bayad per room dito.
Nagpaalam ako kila Mama na lalabas lang ako sandali para bumili ng maiinom namin ng may makita akong isang basket ng prutas sa tapat ng kwarto ni Papa. Agad ko iyong kinuha at nagtataka kung sinong nag-iwan nito dito.
Agad kong nakita iyong isang sobre na may lamang sulat sa loob. Agad kong binuksan iyon para malaman kung sinong nag-iwan nito at laking gulat ko ng maisip ko kung kanino ito galing at kung sino ang nagbayad lahat ng hospital bills ni Papa.
I read the letter and my heart instantly melted while I had tears in my eyes.
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro