Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

"ARE YOU still nervous?"

I inhale sharply, "Medyo," sagot ko.

Micko took my hand and gently squeezed it. Ang lakas ng tibok ng puso ko at para akong masusuka na ewan dahil sa kaba. Kanina pa kami naka-park sa tapat ng bahay ng magulang niya pero hindi pa kami bumababa dahil kinakabahan ako.

I am meeting his parents and I'm really, really nervous.

Paano kung hindi nila ako magustuhan? Paano kung alam pala nila iyong dating trabaho ko at humadlang sila samin ni Micko?

Nababaliw na ako sa daming pumapasok sa isipan ko...

Iniharap ako ni Micko sakaniya at nakahawak siya sa magkabilang balikat ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"You don't have anything to worry about. Just be yourself and I'm sure they'll love you." seryosong sabi niya at dahan-dahan akong tumango. "You don't have to make them like you; I will still love you regardless of what they think of you. The only thing that matters to me is you. I will always stay by your side no matter what happens."

Dahil sa sinabi ni Micko kaya mas gumaan iyong pakiramdam ko. Paglabas namin ng sasakyan niya ay bumungad sakin ang napakalaking bahay. Sa harapan palang alam mo nang mayaman ang nakatira sa loob. May malaking garden at landscape sila na mas lalong nagpaganda ng bahay. Iba't ibang bulaklak ang tanim at halatang alagang-alaga ang mga ito.

Hinawakan ni Micko iyong kamay ko, at sabay kaming naglakad papunta sa bahay. Lumakas na naman ang tibok ng puso ko peor hindi na kagaya kanina dahil alam kong kasama ko naman si Micko. Hindi na kumatok si Micko at diretso kaming pumasok sa loob. Sinalubong kami ng isa sa mga kasambahay nila

"Sir Micko! Mabuti napadalaw kayo rito. Ang tagal ko na kayong hindi nakikita," bati noong kasambahay kay Micko. Agad naman siyang nilapitan ni Micko at niyakap. Totoo nga iyong sinabi niya na mas malapit pa siya sa mga kasambahay nila dahil mas madalas pa niya silang kasama noon kaysa sa sarili niyang Tatay.

"Manang Beth, kamusta na po kayo?" Nakangiting bati ni Micko.

"Maayos naman kami rito. Siguradong matutuwa sila Roger at Imelda kapag nalaman nilang bumisita ka dito."

"Manang Beth, girlfriend ko nga po pala, si Lindsey." nginitian ko si Manang Beth at ganon rin siya.

"Hello po." bati ko.

"Aba'y napaka-ganda naman naman ng girlfriend mo, Sir!" sabi ni Manang Beth kaya natawa ako. Nilapitan ako ni Micko at hinapit palapit sakaniya.

"Sobra po," pagsang-ayon ni Micko na nakatingin sakin. I could feel my face burning up. I didn't expect that Micko would be this cheesy! But I'm not complaining though.

"O'sya at puntahan niyo na si Ma'am Jade sa kusina, kanina pa siya abala sa pagluluto. Hindi ko alam na ikaw pala ang bisita, kaya pala nagprisinta siya na magluto," Manang Beth said. Nagpaalam na siya at saka kami naglakad patungo sa kusina nila.

Napaka-laki ng bahay nila Micko. Pakiramdam ko ay maliligaw ako sa sobrang laki. I can't believe that I'm inside the house where Micko grew up. It feels like we have taken another step forward in our relationship.

"Micko!" A woman exclaimed when she saw us entering the spacious kitchen.

"Hi Mom," Micko said.

This must be Micko's stepmom. She looks so beautiful and elegant at her age. Her brown almond-shaped eyes sparkled in euphoria as soon as she saw us. She's wearing an apron over her expensive-looking clothes and her hair is in a messy bun. She looks like she's been busy cooking.

Hinalikan ni Micko sa pisngi iyong stepmom niya ng lapitan niya kami. Mas maganda siya sa malapitan! Sobrang ganda niya at hindi halata na may anak na siya. Kamukhang-kamukha rin niya si Jayden. Hindi na ako nagtataka na gwapo si Jayden dahil ang ganda talaga ng nanay niya.

"You must be Lindsey! I'm so excited about meeting you. You can call me Tita Jade," sabi niya at mabilis akong nilapitan at niyakap.

"Sobrang ganda niyo po," I abruptly blurted out when she pulled away. Natawa sila ni Micko dahil sa sinabi ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa hiya.

"I like you already!" Tita Jade said before clinging to my arm. I glanced at Micko and he slightly gave me a nod and I let Tita Jade take me away.

Apparently, Tita Jade just got done cooking our lunch, so she gave me a mini-tour of their house. The house was very beautiful and huge! She also loves reading books and showed me her library that contains thousands of books.

I was in awe the whole time while I was looking around her own library.

"You can come in here anytime you want," Tita Jade said.

I smiled at her, "Thank you po." I replied.

Pangarap kong magkaroon ng sariling library room sa bahay namin. Parang mas na-motivate ako habang namamangha sa dami ng libro meron si Tita Jade.

After our tour, bumalik na rin kami sa dining area nila. Micko was talking to some of their helpers. Ipinakilala rin niya ako kila Manong Roger at Manang Imelda.

"How was the tour?" he said when their helpers left us.

"Ang laki ng bahay niyo!" I beamed and he chuckled.

"I'm glad you're having fun,"

"Ang bait ni Tita Jade. Kanino kaya nagmana si Jayden?" I mumble and we both laugh.

"That's a great question,"

"Mabuti nalang at wala siya rito,"

"I know. I haven't really seen him since that... incident," he said before sighing.

Mukhang mabait naman si Jayden noon base sa mga kwento ni Micko na close sila dati. Sayang lang kung sigurong hindi nagbago ang ugali ni Jayden, siguradong magkakasundo kami.

Pagdating namin sa dining ay nakahapag na lahat ng pagkaing niluto ni Tita Jade. Naramdaman ko iyong pag tunog ng tyan ko dahil sa bango ng mga niluto niya.

"By the way, Mom, where is Dad?" Micko asked when we sat down.

Tita Jade let out a deep sigh. "He left this morning in a rush and said there was a problem at one of our hotels," she explained, before sighing in disappointment again.

Kita sa mga mata ni Micko iyong disappointment dahil sa narinig niya. Mukhang mas inuuna talaga ng tatay niya ang business nila kaysa kay Micko.

"Let's eat," Micko announced.

Tita Jade gave me a small smile before we started to eat.

Tita Jade is a great cook! Ang dami kong nakain dahil ang sarap ng mga niluto niya. Hindi na nila ulit binanggit ang tatay ni Micko. Tita Jade even told me some recipes sa ibang pagkaing niluto niya.

We were busy eating when we suddenly heard Jayden's voice.

"Mom, are you in the kitchen cooking—" Jayden stopped midsentence when he saw us. His eyes widened in shock when his eyes met mine. Micko automatically held my hand.

He swallowed hard before immediately averting his gaze away from mine. Agad na tumayo si Tita Jade mula sa pagkakaupo at agad na nilapitan si Jayden at niyakap.

"You're right on time, Jayden!" Tita Jade excitedly said.

"Mom, I'm actually—" Hindi natapos ni Jayden iyong sasabihin niya dahil agad siyang hinila ni Tita Jade at pinaupo sa katapat na upuan ko.

"Jayden, this is Lindsey and she's your brother's girlfriend," pakilala ni Tita Jade sakin kay Jayden. Micko gently squeezed my hand.

"H-Hi," I said to Jayden, and awkwardly smiled at him.

"N-Nice meeting you, Lindsey." Jayden greeted me back. Tipid niya akong nginitian bago mabilis na nag-iwas ng tingin.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain kahit na medyo nailang ako dahil katapat ko mismo si Jayden. Si Micko naman maya't maya akong tinitignan dahil siguro nag-aalala siya. Mabuti nalang at hindi napansin ni Tita Jade iyong awkwardness sa table simula ng dumating iyong anak niya.

"Excuse me. I'll just have to take this call," Tita Jade excused herself when her phone rang. Naiwan kaming tatlo sa table. Tinignan ulit ako ni Micko at tipid ko siyang nginitian.

"I'm leaving. Just tell Mom," sabi bigla ni Jayden at agad na tumayo sa upuan niya.

"Aren't you even going to apologize for what you did?" Micko said, clenching his jaw. Napatigil si Jayden sa pag-alis.

"Micko..." sabi ko at hinawakan siya sa braso para pigilan. Ayaw kong mag-away silang dalawa ngayon. Nakakahiya kay Tita Jade kung mag-aaway pa sila ngayon dito.

Ayaw ko na ring ungkatin pa iyong nangyari noon. Kinalimutan ko na lahat iyon dahil gusto ko nalang mag move on sa lahat ng nangyari noon.

Micko scoffed exasperatedly when Jayden didn't say anything, and he just walked away.

"Okay lang, Micko. Kung gusto niya talagang humingi ng tawad sa nagawa niya sakin, siya mismo ang hihingi ng tawad sakin."

"I'm sorry. I didn't expect that he'd show up in here, "

I gave him a small smile, "Okay lang, Micko. Hayaan nalang natin siya,"

***

Sinabi namin kay Tita Jade na umalis si Jayden. Hindi naman siya nagtanong kung anong nangyari at nagpatuloy lang kami sa pagkain. Nagbake rin pala si Tita Jade ng cake kaya iyon ang kinain namin for dessert.

Nabanggit ko kay Tita Jade tungkol sa plano kong magtrabaho sa restaurant after kong gumraduate. Natanong kasi niyakung anong course ko.

"I can recommend you to my friend who owns restaurants just around the city." Tita Jade said cheerfully. My heart leaped in excitement.

"Talaga po?"

"Yes! I can call them tomorrow... wait, you know what? I can give them a call right now. I'll be back," sunod-sunod na sabi ni Tita Jade at agad syang umalis para tawagan ang kaibigan na sinasabi niya.

Tuwang-tuwa ako ng agad ring nakabalik si Tita Jade at sinabing pumayag iyong isang kaibigan niya na magtrabaho ako sakanila pagka-graduate ko.

"Thank you so much po talaga, Tita!" I exclaimed in excitement. Niyakap ko si Tita Jade dahil sa tuwa.

She slightly patted my back, "I'm really glad I could help." She replied and hugged me back.

Nag-kwentuhan pa kami bago kami nagpaalam ni Micko para umuwi na. Alam kong gusto pang maghantay ni Micko dahil baka sakaling bumalik agad iyong tatay niya pero halos pagabi na at hindi pa rin bumabalik iyong tatay niya kaya umalis na kami.

Nagpasalamat ulit ako kay Tita Jade dahil sa tulong niya. Ibinigay ko na rin iyong contact ko sakaniya at ifo-forward nalang raw niya sa kaibigan niya para kontakin ako.

Hindi mawala-wala iyong ngiti sa labi ko habang nasa byahe na kami pauwi ni Micko.

"Did you have fun?" Micko threw me a quick glance.

I smiled widely, "Sobra!" masayang sagot ko. Bahagya siyang natawa. Naninibago siguro siya dahil kanina pa ako energetic. "Sobrang bait ni Tita Jade! Sobrang laki ng pasalamat ko sakaniya dahil tinulungan niya ako na makahanap agad ng trabaho kahit hindi pa ako nakaka-graduate," sabi ko pa.

"You'll graduate in less than a month and I am so proud of you, Lindsey. You worked so hard for this..." he said and smiled at me when he stopped driving because the light turned red.

Mabilis kong inabot iyong pisngi niya para halikan siya sa labi. Sandali siyang nagulat dahil sa ginawa ko. Madalang lang kasi akong mag-initiate saming dalawa. Mas madalas kasing si Micko ang nauunang manghalik saming dalawa.

"Date tayo sa EK pagka-graduate natin."

"Okay..." nakangiting sagot niya.

"Tapos sasakyan ulit natin lahat ng sinakyan natin noon. Tapos, kakain tayo ng ice cream habang magka-holding hands at nagiikot sa EK."

Nakangiti at puro oo lang ang sagot ni Micko sa lahat ng sinabi ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin.

This is the first time that I'm planning the future with someone else. Kahit na simpleng date lang 'to para sa iba perosakin, sobrang big deal nito dahil ngayon lang ako nagmahal ng ganito.

He just makes me so, so happy...

"I love you so much, Micko. Ikaw lang ang nakapag-pasaya sakin ng ganito bukod sa pamilya ko," seryosong sabi ko sakaniya habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Naka-park kami sa tapat ng bahay namin.

At dahil hapon palang, marami na namang tambay sa labas ang nakatingin samin. Mabuti nalang at tinted 'tong sasakyan ni Micko at hindi kami nakikita sa loob.

"You don't know how much you make me happy too, Lindsey. I don't think I can ever love someone, anyone like this," he replied. His eyes never left mine.

Dahan-dahan niyang inilapit iyong mukha niya sakin para halikan ako pero agad syang natigilan ng marinig namin iyong malakas na pagkatok sa bintana ng sasakyan niya. Ibinaba ni Micko iyong bintana sa driver's side at nakita ko si Jella na nagpapanic at umiiyak.

"Jella bakit—"

"Ate! Si Papa hindi na humihinga!" sigaw niya at para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya!

No...

WHATYASEY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro