Chapter 28
"LINDSEY, PLEASE let me explain..." Micko kept on knocking at our door. Sigurado akong pinagtitinginan na siya ng mga kapitbahay namin.
Tinignan ako nila Mama at Papa, "Ayaw ko pong makipag-usap sakaniya." madiin na sabi ko bago ako pumasok sa kwarto ko.
Ilang linggo na bang ginagawa iyan ni Micko? Halos araw-araw siyang pumupunta dito sa bahay para kausapin ako pero ni minsan hindi ko siya nilabasan para kausapin.
Ano pa nga bang pag-uusapan namin? Malinaw naman na plano nila 'to ni Miss Sweety simula umpisa palang... Pinlano nila na magkagusto ako sakaniya tapos iiwanan at sasaktan lang niya ako.
Nahiga ako sa kama at niyakap iyong unan ko at doon umiyak.
Ganito pala ang pakiramdam ng heartbreak... Ganito pala kasakit kapag niloko ka ng taong mahal mo. Mas masakit pa 'to sa pagsampal sakin ni Scarlet.
Sana sinaktan nalang niya ako physically kaysa ganito ang ginawa niya sakin. Totoong minahal ko siya pero totoo bang minahal niya ako? Totoo ba lahat ng sinabi niya sakin o lahat ng iyon ay kasinungalingan lang rin?
Hindi ko na alam kung ano pa ang paniniwalaan ko...
Nagdaan ang buwan. Hindi ko pa rin kinakausap si Micko kahit na sinusundo niya ako sa Hotel at pinupuntahan dito sa bahay halos araw-araw... Ayaw ko pa siyang kausapin. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang maniwala sa lahat ng sasabihin niya sakin.
Patapos na rin iyong internship ko at gustong-gusto ko nalang maka-graduate para makalayo na ako sakanilang lahat. Dapat isang buwan lang halos ang internship pero dahil sa mga nangyari sakin ay tumagal iyong internship ko ng ilang buwan para makuha iyong 140 hours. Madalas kasi ay hindi ako nakakapasok at sobrang laking pasasalamat ko dahil ni minsan hindi nagalit si Mr. Garcia o si Sir Mark sakin.
Nabalitaan rin ni Lara sa ibang students na nagtransfer si Scarlet sa ibang University. Si Jayden naman, hindi ko alam... At wala akong panahon para isipin pa siya.
"Anong balak mong gawin ngayon?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Gusto ko nalang maka-graduate," sagot ko bago ako bumuntong-hininga.
Mahina niyang tinapik iyong balikat ko bago ako inabutan ng shot ng tequila. Nandito ako kila Lara ngayon dahil ayaw kong makita si Micko na walang tigil na naman sa pagkatok sa pintuan ng bahay namin para kausapin ako.
"Same," pagsang-ayon rin ni Lara.
"Ano palang sinabi sayo ni Miss Sweety nang mag-resign ka rin?"
Napatawa sya ng bahagya. "Sobrang priceless ng mukha niya! Halatang hindi niya in-expect na aalis rin ako dahil lang umalis ka. Aba, syempre naman sa'yo ako kakampi, no! Hindi ko inakala na kaya niyang gawin saiyo iyon. Sobrang bait niya kaya pagdating sayo, tapos iyon pala may ibang balak." sabi niya at sabay napailing.
Miski naman ako, hindi ko inakala na kaya akong ganunin ni Miss Sweety dahil mabait naman talaga sya sakin simula ng magtrabaho ako sa Btch Valley. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit niya ginawa sakin iyon. Anong motibo niya?
"Gusto kong malaman kung anong motibo ni Miss Sweety para saktan ako."
"Gusto mo ba magtanong-tanong ako sa ibang staff? Puwede kong kausapin si Marv, baka matulungan niya tayo." she suggested.
I nodded, "Curious talaga ako anong goal ni Miss Sweety para pag-planuhan niya ako ng ganon. Malakas rin ang kutob ko na baka may kinalaman siya sa ginawa nila Scarlet at Jayden sakin,"
Sabay kaming napa-buntong hininga ni Lara bago kami uminom ng another shot ng tequila.
"I have an idea!" she suddenly exclaimed. Sobrang lawak ng ngisi sa labi niya habang nakatingin sakin.
"Ano iyon?"
"Kausapin natin si Veena. Sigurado akong may alam siya,"
Sandali akong napaisip. Si Veena ang naging kasabwat nila Jayden at siguradong may nalaman o narinig siya sa dalawa habang nagpa-plano.
"Okay... Let's do that," I agreed.
***
Kinabukasan pagkatapos ng internship namin ay agad kaming dumiretso sa bahay ni Veena. Mabuti nalang at natatandaan ko pa kung saan namin siya inihatid noong nag-inom kami. Tinuro ko kay Lara iyong bahay na may pulang gate at nag-park kami sa tapat.
Maraming batang naglalaro sa kalsada. May mangilan-ngilan na kapitbahay na nakatingin samin ni Lara. Maingay at maraming sasakyan na dumadaan sa street nila. Parang sa barangay lang namin pero mas maraming tambay na tao dito kumpara samin.
I exhaled deeply before starting to knock at the door.
"Tao po," pag tawag ko at agad namang may lumabas na tao galing sa loob.
"Sino po sila?" sabi noong babae na lumabas. Mukhang nakababatang kapatid siya ni Veena dahil magkamukha sila.
"Kaibigan kami ni Veena. Pwede ba siyang makausap?" si Lara ang sumagot ng hindi ko alam ang isasagot ko.
Ngumiti iyong babae bago magpaalam sandali para tawagin daw si Ate Veena niya. Maya-maya lang at bumukas ulit iyong pintuan ng bahay nila at lumabas si Veena. Agad siyang nagulat ng makita kami ni Lara na nakatayo sa labas ng gate nila.
"Pwede ka bang makausap sandali?" tanong ko. Hindi agad siya nakasagot dahil sa gulat.
"S-Sige... sandali lang,"
Pinagbuksan niya kami ng gate at saka pinapasok sa loob ng bahay nila. Nagulat ako ng makitang marami bata sa loob. Mga kapatid sila ni Veena dahil iisa ang mukha nila. Ang dami pala niyang nakababatang kapatid. Pinalabas niya muna iyong mga kapatid niya ng dalin niya kami sa sala nila.
I quickly scanned the inside and my heart sunk at the state of their house. Akala ko maliit na iyong bahay namin kahit na apat lang kami pero sila Veena, ang dami niyang kapatid pero mas maliit ang loob ng bahay nila. Hindi ko alam kung awa ba 'tong nararamdaman ko. Napatingin ako kay Veena at napansin ko iyong pag-lamlam ng mga mata niya. Nakapusod ang mahaba niyang buhok at nakasuot siya ng bistida. Panay rin ang pagtulo ng pawis sa gilid ng noo niya at halatang naglalaba siya dahil may konting sabon pa sya sa kamay niya.
"Pasensya na at may mga labada kasi kami ni Nanay," sabi niya at ipinunas iyong kamay niya sa bistidang suot niya nang mapansin niyang napatingin ako sa kamay.
"Uhm, may gusto ba kayong inumin?" alok niya samin.
Umiling kami ni Lara. "Hindi na. Okay lang, salamat." sagot ko.
Naupo siya sa katapat na upuan namin. I exhaled sharply. "Veena hindi na ako magpapaligot-ligoy pa. Gusto kitang tanungin kung may alam ka ba sa mga plano sakin ni Miss Sweety,"
Sandali siyang nagulat dahil sa itinanong ko. Agad siyang nag-iwas ng tingin sakin bago ikinagat iyong pang-ibabang labi niya.
"W-Wala akong alam, Lindsey."
"Veena tignan mo ako ng diretso. Alam kong may alam ka!" Hindi ko naiwasang hindi magtaas ng boses.
"Hihintayin mo pa bang may mangyari saking masama ba ka magsisisi ulit? Ganyan ka ba talaga? Ano bang gusto mo? Aalukan rin kita ng pera para lang sabihin mo sakin iyong nalalaman mo?"
Agad na nagtubig iyong mga mata niya. Hinawakan ako ni Lara sa balikat para huminahon ako... Sobrang dami ko ng iniisip at gusto ko nalang matapos lahat 'to. Pagod na ako at gusto ko nalang matahimik. Pino-problema ko pa iyong perang pang-surgery ni Papa, iyong pag-aaral ko, si Micko at ngayon pati si Miss Sweety na pinagkatiwalaan ko ay niloloko lang pala ako.
"W-Wala akong alam sa mga plano ni Miss Sweety sayo, pero may narinig ako noong napadaan ako sa opisina ni Miss Sweety habang may kausap siya sa loob ng opisina niya..." sandali siyang napapikit na parang hirap na hirap dahil sa mga sinasabi niya.
"Wala akong balak na makinig sa usapan nila pero napatigil ako sa paglalakad noong banggitin niya iyong pangalan mo. Narinig ko na sinabi noong lalaki na pinuntahan niya raw iyong pamilya mo at sinabi sakanila iyong tungkol sa trabaho mo bilang stripper at alam kong sinabi mo sakin noon na walang alam iyong pamilya mo sa tunay na trabaho mo." Napasinghap ako dahil sa sinabi ni Veena.
Bumilis iyong pag tibok ng puso ko...
"Nagtaka ako ng marinig ko iyon, pero hindi ko na sinabi sayo, dahil alam kong galit ka sakin dahil sa nagawa ko sayo. Sana mapatawad mo ako dahil sa ginawa ko sayo... Sobrang pinagsisisihan ko iyong nagawa ko." sabi niya habang umiiyak.
"Sobrang na-gi-guilty ako dahil sa nangyari, kaya hindi ko tinanggap iyong perang ibinayad sakin ni Jayden. Ibinalik ko rin sakaniya iyong 50 thousand pesos dahil hindi ko kayang tanggapin iyon."
Aaminin ko na nagulat ako dahil sa sinabi ni Veena. At nasiyahan ako dahil ngayon, alam kong itinuring niya rin akong kaibigan niya kahit na may nagawa siyang masama sakin.
Pinunasan ko iyong mga luha sa mata ko. "N-Narinig mo ba kung anong pangalan ng lalaking kausap ni Miss Sweety?" tanong ko kahit na alam ko naman kung sino iyong kausap ni Miss Sweety, gusto ko pa ring makasigurado.
"Kristoffer. Iyon ang narinig kong tinawag ni Miss Sweety sakaniya noong umalis iyong lalaki,"
Para akong binagsakan ng malaking bato sa dibdib... Siya rin ba ang may dahilan kung bakit ako nakapasok sa Btch Valley? Kasabwat rin ba nila iyong matandang lumapit sakin noon 4 years ago para alukan ako ng trabaho?
Nagpasalamat ako kay Veena dahil sa mga sinabi niya sakin. Sinabi ko ring pinapatawad ko na siya sa mga nagawa nya sakin at handa akong tulungan siya kapag napagdesisyonan na niyang pumasok ulit sa university.
Hanggang maihatid ako pabalik ni Lara sa bahay ay tahimik at nakatulala lang ako. Mabuti nalang at wala si Micko sa labas ng bahay namin dahil wala na akong lakas para makipag-usap sakaniya. Sobrang daming pumapasok sa isip ko...
Sobrang dami kong tanong... at alam kong isang tao lang ang makakasagot nito.
Gusto ko siyang harapin at kausapin para itanong kung ano bang nagawa ng pamilya ko sakaniya para gawin niya samin 'to. Nananahimik kami ng apat na taon kahit na niloko niya si Papa. Kahit na ninakaw niya iyong buhay na mayroon kami noon.
I am so mad... actually, I am shaking in anger.
***
Natapos na iyong internship ko at may ilang buwan nalang kami bago maka-graduate. Sinubukan kong tanggalin muna sa isipan ko si Kristoffer at mas nag focus ako sa pagre-review para sa huling exam namin.
Konti nalang... malapit na akong makapag tapos. At konti nalang at maaabot ko na iyong pangarap ko at alam kong magiging proud ang pamilya ko sakin.
Hindi ko pa rin kinakausap si Micko. Nagpupunta pa rin siya sa bahay namin, pero hindi na kagaya ng dati na halos araw-araw. Oo, nami-miss ko siya at nalulungkot ako kasi napag-usapan namin noon na after ng last day ng internship ko ay babalik kami sa EK para mag-date.
Nasasaktan pa rin ako at tuwing pupunta siya sa bahay ay nagkukulong ako sa kwarto para umiyak... Hindi ko alam kung kaya ko naba siyang harapin para kausapin. Sobrang daming nangyari samin at hindi ko alam kung kaya ko pa rin ba siyang paniwalaan sa lahat ng sasabihin niya sakin.
"Anak, hindi mo pa rin ba kakausapin si Micko?" tanong ni Mama ng puntahan niya ako sa kwarto.
Nasa labas ulit si Micko.
Naupo si Mama sa gilid ng kama ko. Hindi ko sinabi kila Mama kung ano ba ang nangyari pero siguradong alam nilang naging kami ni Micko dahil sa paulit-ulit na pagsigaw ni Micko kung gaano niya ako kamahal.
Naupo ako sa kama. Pinunasan ko iyong luha sa mata ko. Ang sakit pa rin pala kahit ilang linggo at buwan na ang lumipas...
"Hindi ko po alam, Ma... hindi ko pa siya kayang kausapin," sagot ko kay Mama.
Hinawakan ni Mama iyong kamay ko. "Hindi ko alam kung anong nangyari sainyong dalawa pero mas mabuting pag-usapan niyo kung ano man ang naging problema niyong dalawa. Hindi mo naman siya pwedeng takbuhan nalang parati anak... Kung gusto mo talagang makipaghiwalay sakaniya, kausapin mo siya ng harapan anak... Huwag mong takbuhan at taguan si Micko." sabi ni Mama. Nagbuntong hininga siya bago tumayo.
"Ilang buwan na iyang pumupunta gabi-gabi rito... Kawawa naman at halatang pagod at wala pang maayos na tulog ang batang iyon," dagdag ni Mama bago siya lumabas ng kwarto ko.
I was debating with myself if I should talk to Micko. Hindi ko alam kung kino-konsensya ba ako ni Mama dahil sa sinabi niya pero nagtagumpay siya dahil nakita ko nalang ang sarili ko na binubuksan ang pintuan ng bahay namin.
"Mag-usap tayo sa loob," sabi ko sakaniya ng buksan iyong pintuan para makapasok siya.
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro