Chapter 26
I FROWNED at him. "Dahan-dahan naman," I said. He lowly chuckled.
"Sorry," he replied before resuming putting ointment on the side of my lips.
I stared at his face. He looks so focused on treating the bruises on my face. I didn't know that I was smiling while fascinatedly staring at him.
We postponed meeting my parents today because of my condition. Ayaw kong mag-alala pa sila sakin. Micko also called Mr. Garcia to say that he was sick and couldn't work today. Mabuti nalang Mr. Garcia didn't get mad and he just told Micko that I should just rest well. Hindi rin pumasok si Micko ngayon para samahan ako. Sinabi ko naman sakaniya na kaya kong mag-isa, pero mapilit talaga siya.
"Done," he announced.
"Salamat, ha." sabi ko sakaniya habang inaayos iyong medical bag. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka,"
He gave me a small smile before holding my hand. "I will always be by your side. I promise you that," he assured me. I smiled at him.
Sumandal ako sa dibdib niya habang naka-akbay siya sakin at pinaglalaruan niya ang mga daliri ko gamit ang isa niyang kamay.
I sighed when I remembered what happened yesterday.
Kung ako ang papapiliin mas gugustuhin kong layuan nalang sila at hindi sila makita ulit pero si Micko... gusto niyang magbayad sila sa ginawa nila sakin.
"S-Si Jayden... muntik na niya akong gahasain," mahinang sabi ko. I felt Micko stiffen because of what I said. He inhaled deeply.
"Mabuti nalang at dumating ka bago siya may gawing masama sakin... Sobrang takot na takot ako. Akala ko walang tutulong sakin," A tear fell from my eye. Micko hugged me tighter.
I told him everything that happened that night. Simula sa pag-betray sakin ni Veena at sa pagtulong niya sa mga plano ni Scarlet at Jayden para sa pera. Sinabi ko lahat kay Micko, lahat ng ginawa nila sakin. Sa pananakit ni Scarlet sakin at sa paghalik at paghawak ni Jayden sakin.
Mabuti nalang rin at nakuha ni Micko iyong camera na may lamang video ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag kumalat iyong video na iyon.
That video will ruin my life... My family's life.
Niyakap lang ako ni Micko habang pinapatahan. He didn't say a word, but I could feel how angry he was after knowing everything that happened to me yesterday.
I'm scared... I'm scared to see them again and they'll harm me again. What if they involve my family? or Lara and the people that are close to me. What if they do something evil to me?
Buong maghapon na nakayakap lang sakin si Micko at para akong isang mamahaling babasagin na ayaw niyang bitawan. He was so gentle while holding me in his arms.
"I'll talk to Tita Jade... She has to know what Jayden did and I'm sure she will not tolerate him," Micko said. I nodded my head.
Ayaw ko na sanang idamay iyong mga magulang nila sa gulo namin pero wala akong magagawa dahil si Micko na mismo ang nag-decide. And for Scarlet... Hindi ko alam. Sana hindi ko na siya makita ulit. But Micko insists on filing a restraining order against Scarlet, para hindi na niya ako masaktan ulit.
"I don't hurt women, but if Scarlet assaults you again, I swear I have no idea what I'm going to do to her..." Micko's exact words, so I just let him file a restraining order for Scarlet. As much as I like him protecting me, mali pa rin kapag humantong sa punto na siya mismo ang manakit kay Scarlet.
Micko and I stayed at his place all day. We watched movies and cuddled. We kissed and made love. I cooked; we ate. It was a perfect date for me. I could settle like this with him all day.
When night came, I had to go home. Alam kong nag-aalala na sila Mama sakin kahit na hindi nila sabihin sakin. Mabuti nalang at konti nalang iyong sugat sa mukha ko. Micko had to buy concealer at the nearest store so I could cover up the other bruises.
"Salamat sa pag-alaga sakin," sabi ko sakaniya ng huminto ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin. Kitang-kita ko mula sa passenger side iyong mga chismosa naming kapitbahay.
Micko smiled at me. "Anything for you, Lindsey," he replied. I reached for his face and gave him a soft kiss on the lips before I got out of his car.
I waved at him as he drove away.
Pagpasok ko sa bahay ay sobrang dilim. Nagtataka ako dahil nakapatay lahat ng ilaw sa loob ng bahay.
"Ma? Pa?" pagtawag ko pero walang sumasagot.
Tinignan ko iyong buong bahay pero wala sila Mama at Papa, pati na rin si Jella. Mabilis na tumibok iyong puso ko. Agad kong kinuha iyong cellphone ko, at tinawagan si Jella.
"Hello, Jella? Nasaan kayo?" agad na tanong ko ng sagutin niya ang tawag ko.
"A-Ate... Si Papa..." unti-unting nanigas iyong katawan ko. Umiiyak si Jella at alam ko na agad ang kasunod na sasabihin niya. Agad akong lumabas ng bahay at tumawag ng tricycle para pumunta sa hospital kung saan dinala si Papa.
I was shaking...
Tears kept on falling on my face...
My chest tightens...
I keep on praying that Papa will be okay... I know that he will be okay.
Halos tumakbo ako papasok ng hospital pagkarating ko doon. Agad kong nakita si Jella at Mama sa harap ng emergency room. Parehas silang umiiyak habang magkayakap sa upuan.
"Ma..." pagtawag ko at agad ko silang nilapitan at niyakap. Hindi ko alam kung gaano katagal umiyak si Mama. Pinabili ko muna ng tubig at pagkain si Jella. Hindi pa pala sila kumakain simula kanina.
Maya-maya lang at lumabas na iyong doctor at sinabing wala na sa critical state si Papa pero ka-kailanganin niya ng Bypass Surgery. Marami pang sinabi iyong doctor sa mga mangyayari sa operation.
"D-Doc, magkano po iyong surgery?" tanong ni Mama. Nagbuntong-hininga iyong doctor.
The doctor said, "More than a million for the whole operation," May mga sinabi pa siya samin pero ang tanging nasa isip ko lang ay kung gaano kalaking halaga ang kailangan namin para sa operation ni Papa.
Saan ako makakakuha ng isang million?
Sobrang laking halaga non at kahit kumayod ako sa pagtatrabaho ay hindi ko basta-basta makukuha iyon.
"Magiging maayos rin po si Papa, Ma..."
"Saan tayo makakakuha ng isang million anak?" sabi ni Mama habang nakatingin sakin. Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.
"Gagawan ko po ng paraan, Ma. Basta ang importante gumaling si Papa," sabi ko at saka siya niyakap.
Nilipat sa isang recovery room si Papa at agad siyang pinuntahan ni Mama.
"Anong nangyari Jella? Bakit biglang inatake si Papa?"
Bumuntong hininga si Jella bago sumandal sa upuan. Nasa labas kami ng kwarto ni Papa at nakaupo sa gilid. Hinayaan muna namin si Mama na mapag-isa kasama si Papa.
"H-Hindi ko rin alam, Ate..." pagsisimula ni Jella. "May dumating na lalaki kanina sa bahay. Pinaalis kasi ako nila Mama at Papa at sinabing iwanan ko muna sila kaya sinunod ko iyong sinabi nila at nagkulong ako sa kwarto natin."
Agad na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Jella. Sinong lalaki? Anong ginawa niya kay Papa?
"Tapos sinubukan ko silang pakinggan, pero hindi ko sila masyadong marinig hanggang sa marinig ko nalang na nagsisigawan na sila. Gusto kong lumabas, pero sinabi kasi nila Mama na huwag akong lalabas kahit na anong mangyari," Jella sighed.
"Tapos narinig ko nalang na sumisigaw si Mama at tinatawag ako kaya agad akong lumabas, tapos nakita ko nalang si Papa na inaatake na kaya agad kaming nagpunta sa hospital para isugod siya. Ayun ang nangyari, Ate..."
Gusto kong tanungin si Mama kung sino iyong pumuntang lalaki sa bahay kahit na may ideya na ako kung sino... Siya lang naman ang kayang gumawa nito kay Papa. He made Papa's life miserable! He betrayed Papa, his own best friend.
***
Kinabukasan ay kinailangan ko ng pumasok ulit sa internship ko kahit na ayaw kong iwan si Mama mag-isa sa hospital para bantayan si Papa.
"This is Mark, Lindsey. You most likely met him when I introduced you around. He's the manager here, and he'll be overseeing your internship." Mr. Garcia said.Nakipagkamay ako sakaniya. Pinakilala na siya dati noong ipinakilala ako ni Mr. Garcia sa mga staffs.
Mabuti nalang at kusang umalis na si Jayden. Dahil hindi ko alam kung kaya ko bang masikmura na makita at makatrabaho siya. Mukhang wala namang alam si Mr. Garcia sa ginawa ng sarili niyang pamangkin sakin at sa hotel na 'to. Basta kinausap lang niya ako pag-pasok ko na hindi na raw si Jayden ang supervisor ko.
I stopped thinking about what happened yesterday, and I just focused on my internship. I've learned a lot from Sir Mark. Madami siyang tinuro sakin. He even taught me how to properly manage a hotel.
Nagtext sakin si Micko at sinabing susunduin niya raw ako pero sabi ko hindi na dahil didiretso pa ako sa hospital para ako naman ang magbantay kay Papa. At alam kong busy siya ngayon dahil hindi sya nakapasok kahapon kaya ayaw ko na siyang abalahin pa. He has already helped me a lot. Ayaw kong pabayaan niya iyong internship niya dahil sakin.
Pagdating ko sa hospital, tulog si Papa. Si Mama naman nakayuko sa gilid ng kama ni Papa habang nakahawak sa kamay ni Papa. Papa gained conscious this morning kaya medyo nakahinga kami ng maluwag pero kailangan pa rin niyang ma-surgery para talagang gumaling na siya.
Nagising si Mama ng maramdaman niya iyong pag-upo ko sa tabi niya.
"Kanina ka pa dyan anak?"
"Hindi po Ma. Kararating ko lang po, kumain na po ba kayo?" tanong ko.
Mama nodded. Niyakap ko si Mama. Sobrang payat na ni Mama at ang lalim na ng mata niya dahil sa pagod. Wala pa siyang maayos na tulog simula kahapon.
"Magiging maayos rin po si Papa, Ma... Malakas si Papa, e. Hindi basta-basta sumusuko iyan," sabi ko at tumango si Mama habang nakayakap pa rin sakin.
Maya-maya dumating na rin si Jella galing school niya. Malapit lang naman 'tong hospital sa barangay namin, kaya madali lang puntahan. Si Jella muna ang pinagbantay ko kay Papa at umuwi muna kami ni Mama sa bahay para makaligo at pahinga si Mama.
Nagluto ako ng pagkain namin. Alam kong hindi kumain si Mama, kahit na sinabi niyang kumain na sila. She's too busy worrying about Papa that she tends to forget to take care of herself. I really admire how much Mama loves Papa and vice versa. I admire how they didn't change even after what happened to our family. I never once heard Mama get mad at Papa because of what happened to our company.
Gusto ko ng ganitong relasyon kapag tumanda ako. I want to become like my parents. They trust each other so much. They always talk out their problems and they never once showed us that they fight. Kung may hindi sila pagkakasunduan, palagi silang mag-uusap sa kwarto para pag-usapan. Hindi nila pinapakita samin ni Jella tuwing mag-aaway sila.
And I really admire that...
"Kain na tayo, Ma. Dalhan nalang natin si Papa at Jella mamaya," sabi ko kay Mama pag pasok niya sa kusina pagkatapos niyang maligo.
Napangiti si Mama ng makita niyang nagluto ako ng paborito niyang chicken adobo. Nilagyan ko ng kanin at ulam iyong plato ni Mama at saka kami kumain.
Gusto kong tanungin si Mama kung ano bang nangyari kahapon. Gusto kong malaman kung anong ginawa ng lalaking iyon kay Papa. Apat na taon na ang lumipas tapos bigla nalang siya pupunta dito sa bahay namin!
"Dumating dito si Kristoffer..." biglang sinabi ni Mama habang nagliligpit kami ng pinagkainan. Napatigil ako sa ginagawa ko. Nakayuko sya habang nakatingin ako sakaniya.
She exhaled deeply.
"A-At... sinabi niya samin ng Papa mo kung ano ang tunay na trabaho mo," agad na pumatak ang luha sa mata ko dahil sa narinig ko. Nanginginig iyong mga kamay ko at agad akong napahawak sa lamesa para hindi ako matumba.
Nag-angat ng tingin si Mama at diretsong tumingin sa mga mata ko. The pain was evident in her eyes. Tears were falling on her face.
"A-Anak... bakit hindi mo sinabi samin ng tatay mo ang totoo,"
My chest tightens and I feel like my heart has been stabbed a thousand times. Sobrang sakit makita iyong disappointment sa mukha ng magulang mo.
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro