Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

"HOW WAS your first day as an intern?" Micko asked, smiling. He was leaning against the hood of his car handsomely! He looks so fine wearing a white button-down dress shirt, black chino pants and dress shoes. Sobrang linis niyang tignan dahil sa suot niya.

I smiled back. "Okay naman..." simpleng sagot ko. Agad na kumunot iyong noo niya.

"Is there something wrong?"

I sighed.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakaniya o hindi. Alam kong hindi sila magkasundo ni Jayden at ayaw ko ng dagdagan pa iyong hindi nila pagkakasunduan, pero... baka mabaliw ako kapag hindi ko sinabi sakaniya. At siguradong malalaman at malalaman rin ni Micko sa susunod na si Jayden ang supervisor ko as an intern.

I sighed again.

Micko walked closer to me. He held both my shoulders. "Tell me what's bothering you, Lindsey." sabi niya.

"Ano kasi, uhm... Si Jayden iyong supervisor ko," sagot ko.

"What?"

"Nagulat rin ako. Nalaman ko lang kaninang umaga,"

"Damn it!" sabi niya at napahilot sa gilid ng ulo niya habang nakapikit.

"Okay lang naman ako, Micko. Wala naman siyang ginawa sakin," sabi ko bago ko siya nilapitan at hawakan sa braso para kumalma. He was clenching his jaw and looked furious.

Huminga siya ng malalim bago ako tinignan ng diretso sa mata. "Please, sabihin mo kaagad sakinkapag may ginawa siya sayo okay?" seryosong sabi niya at agad naman akong tumango at bahagyang ngumiti.

Halatang bothered si Micko dahil sa sinabi ko. Nagsisisi tuloy ako na sinabi ko pa sakaniya dahil mukhang hindi siya matigil sa pag-iisip. Sobrang seryoso ng mukha niya hanggang sa makasakay kami ng sasakyan niya. Tahimik lang rin siya habang nagmamaneho kaya hindi nalang rin ako nagsasalita at nakamasid lang ako sa labas ng bintana.

"Mr. Garcia is his uncle. Jayden's mom is the sister of Mr. Garcia – the owner of the Marble Creek Hotel. I don't know what's he planning to do but I want you to be careful around him." Micko said, while his eyes were focused on the road. Sandali siyang lumingon sakin.

"Huwag kang mag-alala. Kaya ko naman iyong sarili ko. At wala namang siyang ginagawang masama sakin." sagot ko sakaniya.

Micko invited me to dinner, and I agreed. Gusto ko pang mas makilala ng todo si Micko. Gusto ko malaman kung anong paborito niyang pagkain. Kung anong paborito niyang movie at kung anong music ang pinapakinggan niya. I want to know everything about him.

I've never been this interested in anyone before...

I was too busy working for my family that I never had a chance to meet or date a guy. I don't know anything about relationships because I've never had one. Sabi ko sa sarili ko noon na hindi ako makikipag-date dahil mas focus ako sa pamilya ko. Pero... ang hirap palang pigilan kapag alam mo ng may gusto ka na sa isang tao.

And it's impossible not to like Micko. He is nice. He is thoughtful and, despite knowing what my job is, he didn't judge me. He was nice to my parents and respected my decisions. Hindi bumaba ang tingin niya sakin ni minsan. Kahit noong unang araw na magkakilala kami. He didn't treat me like garbage for being a stripper.

Pumasok kami ni Micko sa isang mamahaling restaurant. Iyong itsura palang sa labas namamangha na ako. Mabuti nalang at maayos ang suot kong light blue button-down collared shirt at pencil skirt na hiniram ko kay Jella.

"Salamat," sabi ko sa waiter nang abutan niya kao ng menu.

Nalaglag iyong panga ko ng makita ko iyong presyo sa menu. Ang mahal naman dito! Sana pala pinangluto ko nalang si Micko ng pagkain at mas makakamura pa kami.

Napansin yata ni Micko iyong reaksyon ko habang nakatingin sa menu.

"Don't worry. I'm paying for our dinner." sabi niya bago ako nginitian.

"Dapat pala nagluto nalang ako," bulong ko. Narinig ko iyong mahinang pagtawa niya.

"I would love that, Lindsey. Really. But for now, don't look at the prices and just pick whatever you like." He said, "You deserve a great meal after doing a good job on your first day as an intern. And this is my treat for you," He added before flashing his perfect set of white teeth at me.

I smiled back at him before looking at the menu again to choose what I'd get for dinner.

Pangarap kong magkaroon ng sariling restaurant, pero mas gusto ko iyong hindi masyadong mahal iyong pagkain na ibebenta ko. Gusto ko iyong mga pagkaing pang-pamilya at siguradong ma-eenjoy at ma-aafford ng madaming tao. Gusto ko iyong chill lang iyong ambiance at babalik-balikan ng buong pamilya.

"Pangarap kong magkaroon ng sariling restaurant." sabi ko sakaniya pagkatapos kunin ng waiter iyong order namin.

Micko rested both his arms on the table while intently listening to me. His gaze was focused on mine.

"I'm sure you'll achieve your dream. There's no doubt about that,"

"Thank you..." bahagya akong ngumiti sakaniya. "Hindi na ako makapaghintay na abutin isa-isa lahat ng pangarap ko at pangarap ng pamilya ko. Gusto kong patayuan ng isang hotel si Papa at makakapag-trabaho na ulit siya. Tapos kami naman ni Mama ang magma-manage ng restaurant. Tapos si Jella naman makakapagtapos ng pag-aaral." nakangiti lang ako habang sinasabi ko isa-isa iyong mga pangarap ko kay Micko. Nakangiti rin siya habang nakikinig sakin.

"Ikaw... Anong pangarap mo?" tanong ko sakaniya.

Napabuntong-hininga sya at sandaling napatigil at taimting na nag-iisip.

"Pangarap kong bumuo ng sariling pamilya." sagot niya.

Hindi ko inaasahan iyong sagot niya at bakas sa mukha niya na iyon talaga ang gusto niya dahil sa lawak ng ngiti sa mga labi niya.

"I want my own family. When I get home from work, I want a wife who will greet me with a kiss. I want to have a large number of children playing in our backyard, and when they see me coming home, they will rush to hug me. At night, I'd like to tuck my kids into bed and read them bedtime stories until they fall asleep. And I want to sleep next to my wife so that she'll be the first person I see when I wake up the next day."

Wow.

I was staring at Micko intently as he told me about his dream.

"I grew up without my mother, you know. Because my father was always working, I grew up with our housemaids. I rarely see my father at home because he is always at work. When it's Family Day at school, I always envy my classmates who have their entire family with them. I admire children who have their parents by their sides as they grow up."

"As a result, I promised myself that when I grew up, I would have my own family. Lindsey, that is my dream."

"Sigurado akong magiging best husband at best dad ka sa magiging pamilya mo, Micko. Sobrang swerte nila na ikaw ang asawa at tatay nila..." sabi ko sakaniya. Hinawakan ko iyong kamay niya na nakapatong sa lamesa at marahan na pinisil at saka siya nginitian.

Kung wala lang kami sa restaurant baka nilapitan ko na siya at niyakap. Hindi ko alam na ganon pala ang pinagdaanan niya simula bata siya.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit parang belewala lang sakaniya na mamigay ng pera dahil mas mahalaga sakanya ang pamilya at taong malalapit sakaniya. Totoo nga na hindi lahat mabibili ng pera. Oo, kailangan natin ng pera para mabuhay, pero mas mahalaga pa rin satin ang pamilya natin kahit na anong mangyari.

At dahil sa nalaman ko, parang mas lalo lang akong nahuhulog sakaniya.

He deserves to have the best family.

Nag-usap pa kami ni Micko habang kumakain kami. Nagtatanungan lang kami ng kung ano-ano at mas gumaan pa lalo iyong pakiramdam ko sakaniya.

"Sa susunod, ipang-luluto nalang kita ha," natatawang sabi ko paglabas namin ng restaurant. Ang mahal kasi ng binayaran niya tapos hindi naman ganon karami iyong servings kaya hindi rin kami nabusog ng todo.

Tumawa lang sya bago tumango. "Promise?"

"Promise!" I told him.

"Do you have to go to work, or do you have time to walk around the park?" tanong niya. I shrug at him.

"Sure," I replied.

May park kasi na malapit dito na nadaanan namin kanina. Maaga pa naman at saka ang presko ng hangin ngayon kaya nag sarap maglakad-lakad sa labas. Marami-rami ring tao na nag-gagala sa park. May mga batang nagtatakbuhan habang tumatawa at may mga magkasintahan rin na nag-dedate sa park.

"I want to formally talk to your parents," Micko said out of nowhere. Napalingon ako sakaniya.

"Gusto kong magpaalam sa magulang mo para ligawan ka, Lindsey." sabi niya bago ako nilingon. Napatigil ako sa paglalakad kaya tumigil rin siya bago humarap sakin.

"S-Seryoso ka ba?" Nauutal na tanong ko.

"I am serious about you, Lindsey."

Mas lalong bumilis iyong pagtibok ng puso ko. Para akong natutunaw sa bawat pagtitig niya sakin. Humakbang siya palapit sakin bago niya ako hinawakan sa bewang. Dahan-dahan siyang yumuko at marahan akong hinalikan sa noo.

Posible bang mas mahulog at magkagusto pa ako sakaniya... He knew the right words to say that could make my heart go wild.

"Gusto kita... Gustong-gusto," A smile appears on my lips.

"Gusto rin kita, Micko... Gustong-gusto," sagot ko sakaniya bago ko hawakan iyong mukha niya at marahan siyang hinalikan sa labi.

***

Hinatid ako ni Micko pagkatapos naming mag-ikot-ikot sa park. Gusto niya pa sana akong hintayin para maihatid niya ako sa Btch Valley, pero sinabi ko na magpahinga nalang sya at umuwi dahil susunduin naman ako ni Lara.

Hindi ko pa mai-kwento iyong kay Lara iyong samin ni Micko dahil problemado pa siya kay Aero. Balak kong sabihin sakaniya kapag medyo maayos na siya.

Mama and Papa were both looking at me weirdly. Pansin siguro nila na kanina pa ako nakangiti simula ng makauwi ako, pero hindi naman sila nagtanong. Bukod tanging si Jella lang naman ang nambubulabog sakin at nang-aasar.

Naligo lang ako at nagpalit ng damit tapos nagkwento lang ako kila Mama at Papa sa nangyari sa internship ko bago ako sunduin ni Lara para pumasok.

Pagdating namin ni Lara sa Btch Valley agad kaming kinausap ni Veena tungkol raw sa may bachelor's party na gagawin namin sa susunod na linggo.

"Anong meron?" tanong ko nang yayain kami ni Veena sa isang vacant vip room.

"Kinausap ako ni Miss Sweety kanina tapos sinabi niya na ako at si Lindsey na raw ang magkasama para sa bachelor's party sa susunod na linggo," sabi niya. Nagulat si Lara at agad na kumunot ang noo.

"Ha? Bakit hindi na ako ang kasama? Kami ang naka-book para dun, e." Medyo inis na sabi ni Lara. Bahagyang kumunot iyong noo ni Veena dahil sa tono ng pananalita ni Lara.

"E-Ewan ko rin, e. Basta kinausap niya lang ako kanina at sinabi niyang ako na raw ang kasama ni Lindsey." Veena shrugged.

Nakakapagtaka dahil usually naman kinakausap kami mismo ni Miss Sweety kapag may ganitong pagbabago sa mga bookings. Bakas sa mukha ni Lara ang pagkainis dahil sa sinabi ni Veena. Malaki kasi ang bayad doon at nakapag-plano na rin kaming dalawa sa gagawin namin. Sinabi niya rin kasi sakin na ilalaan niya iyong pera na iyon para sa pag-aaral ni Lady sa susunod na sem.

Agad na tumayo si Lara, "Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Kakausapin ko lang si Miss Sweety." sagot niya.

"Wala si Miss Sweety, umalis na siya kanina pa," Veena said, and that made Lara stop leaving.

My forehead creased. "Saan siya nagpunta?" I asked.

"I heard that she's going to Singapore for a week,"

Napaupo pabalik sa tabi ko si Lara. Niyakap ko nalang siya. "Gagawan natin ng paraan. Huwag ka ng umiyak," sabi ko sakaniya habang pinapatahan siya.

WHATYASEY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro