Chapter 19
I SLOWLY lifted his arm that was wrapped around me and got off the bed. I checked the time and it's already 9 PM!
Aalis na sana ako dahil may trabaho pa ako mamaya pero narinig kong nagsalita si Micko.
"Aalis ka?"
Napalingon ako sakaniya.
"May pasok pa ako, e." sagot ko at nakita kong nalungkot iyong expression sa mukha niya.
"I'll drive you."
"Huwag na, Micko. May lagnat ka pa. Magpahinga ka nalang diyan. Kaya ko namang bumyahe mag-isa," Pag-pigil ko sakaniya ng umalis siya sa kama niya.
"It's already dark outside. It's not safe."
Nagbuntong-hininga ako, "Kaya ko naman na. Sanay akong bumyahe kahit gabi na,"
"Not for me, Lindsey. I'm driving you back." sabi niya bago siya dumiretso palabas ng kwarto niya. Sumunod ako sakaniya at nakita kong kinuha niya iyong susi ng sasakyan niya.
"Micko naman... May lagnat ka, e." sabi ko. Naglakad siya palapit sakin at kinuha iyong kamay ko at inilagay sa noo nya.
"See?" sabi niya, dahil totoo nga na hindi na siya mainit, pero may sinat pa rin siya. Nakita niya na hindi pa rin ako palagay kaya hinawakan niya iyong magkabilang balikat ko at saka ako tinitigan sa mata.
"I'll just quickly drive you back home, then I will rest when I get back. I promise." he sincerely said while staring intently into my eyes.
Wala akong nagawa kaya hinayaan ko nalang siya dahil alam kong hindi rin naman magpapatalo si Micko.
Sa kanto lang ulit ako nagpahatid kay Micko. Kitang-kita ko kung paano isa-isang nagtinginan iyong mga tao sa labas sa sasakyan ni Micko.
"Salamat sa paghatid. Magpahinga ka pag-uwi mot apos iyong gamot mo huwag mong kalimutang inumin, ha." Paalala ko sakaniya, pero nakangiti lang si Micko sakin habang nakatingin.
Kinunotan ko siya ng noo. "I like it when you're bossing me around," sabi niya habang diretsong nakatingin sakin.
"Pagaling ka agad." sabi ko nalang bago ko tanggalin iyong seatbelt ko at saka bumaba ng sasakyan niya.
Akala ko aalis na siya pag-alis ko pero nagulat ako ng maramdaman kong niyakap niya ako sa likuran ko kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Thank you for taking care of me, Lindsey. I really appreciate that you stayed," he whispered before I felt him kissing the top of my head.
Parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang pabilis ng pabilis iyong pagtibok ng puso ko. Sigurado akong pinagpe-pyestahan na kami ng mga tao sa labas at siguradong kalat na naman 'to sa buong barangay namin bukas pero... mas nangingibabaw iyong saya na nararamdaman ko ngayon na wala akong pakialam kung magiging sentro na naman ako ng chismis bukas.
I slowly turned and faced Micko. I cupped his face and tiptoed to give him a kiss on the lips.
This is so wrong and yet it feels so right...
It was just a 5-second kiss, but it felt like a lifetime.
He rested his forehead on mine while we were staring at each other's eyes.
"Uhm... Ingat ka pag-uwi," sabi ko dahil ang tagal na namin na nakatayo sa kalsada.
Aalis na sana ako pero mabilis niya akong hinawakan sa bewang. "You can't just kiss me like that and then leave me," he said, there's a hint of amusement in his voice.
Hindi pa ako nakakasagot ng hawakan niya ako sa pisngi at halikan ulit sa labi. This time, however, it wasn't just a casual kiss. His lips began to brush against mine, and before I knew it, I was responding with the same intensity as each of his lip strokes.
His arms were encircled around my waist as I wrapped mine around his nape.
And for the first time, I forgot about the other people who are watching me – right now, it's us...
I just kissed him with such hunger in my heart... I kissed him as if he were mine.
I know it's wrong, but I went ahead and did it anyway...
We just took a step back to catch our breath.
"Goodnight, Micko," I said with a big smile.
"Goodnight, Lindsey," he said as he returned to his car and drove away.
I could feel the hundreds of eyes on me right now, but it didn't bother me in the least. Before walking back home, I softly touched my lips and grinned from ear to ear.
***
"Grabe iyong ngiti mo mars, baka mapunit iyang labi mo!" Pang-aasar ni Lara pagdating namin sa Btch Valley.
Napatingin si Marv at Veena sakin pero hindi pa rin nawawala iyong ngiti sa labi ko.
"Bakit masama bang maging masaya?" tanong ko pabalik sakaniya.
Siniko ako ni Veena paglapit namin sakanila sa bar counter. Tinaas baba pa niya iyong kilay niya sakin. "May jowa ka na?" tanong niya.
"Wala, ah! Grabe daig niyo pa iyong mga chismosa sa barangay namin,"
"Tigilan mo nga ako, Lindsey. Ang tagal na nating magkakilala. Alam ko iyang mga ganyang ngiti mo," pagpilit ni Lara at hindi ko nalang siya pinansin kaya inirapan niya ako. Tumawa naman si Veena at Marv.
Aalis na sana ako para makapag-handa na para mamaya ng makita kong naglalakad si Miss Sweety papunta sa pwesto namin.
Binati namin siyang lahat nang makalapit siya samin.
"Lindsey, Lara. In my office. I will talk to you two," Miss Sweety said. Sandali kaming nagkatinginan ni Lara bago kami sumunod kay Miss Sweety.
Hindi ko alam kung galit pa rin ba si Miss Sweety sakin pero simula kasi noong makausap niya ako e parang palagi nalang siyang seryoso. Hindi kagaya dati na ngumingiti siya kapag nakakasalubong ko siya.
Naupo kami sa tapat ng desk ni Miss Sweety. Nagse-senyasan kami ni Lara habang hinahantay iyong sasabihin ni Miss Sweety.
"I've got work for both of you." Miss Sweety said, before handing us a folder. "They hired a stripper from us for their bachelor party. And you'll be the only ones left. That file contains all of the information. You can contact me if you have any further questions. Understood?"
Lara and I nodded our heads. Wala ng sinabi si Miss Sweety after non kaya lumabas na kami ng opisina niya.
Binasa namin ni Lara iyong nakasulat sa folder. Para sa susunod na linggo pa iyong party.
Hindi na bago samin 'to ni Lara dahil madalas kaming dalawa ang kinukuha kapag may stag or bachelor parties. Nag-usap lang kami ni Lara kung paano ang setup namin sa susunod na linggo bago kami nagsimulang mag-trabaho.
Miss Sweety still doesn't have any bookings for me, that's why I just served drinks and helped Marv at the bar counter just like the other nights.
My phone vibrated and it was Micko. A smile automatically dawned on my lips.
From: Micko
I wish you were here... :(
I bit my lower lip to stop myself from smiling, but I couldn't help it.
Micko is very sweet, and I hate myself for liking what he was saying to me. But... He still has Scarlet. I need to talk to him about Scarlet first, dahil ayaw kong maipit sa gitna nila. At lalong-lalo na ayaw kong mag-cheat si Micko kay Scarlet para sakin.
I know that kissing him is wrong and I'm not going to deny that. He cheated and I made him cheat because I initiated the kiss.
And I'm going to face the consequences of whatever Scarlet's going to do to me.
Hindi ko nalang nireplyan si Micko at tinago koiyong cellphone ko bago ako bumalik sa pagtatrabaho.
The next day, it was Sunday and I wanted to spend this day with my family. I asked Jella to come with me to buy groceries and food for us. Itinabi ko iyong 50 thousand sa banko dahil naka laan na iyon para kay Papa kaya iyong mga sinasahod at tip na nakukuha ko iyong ginagamit ko sa pag-gastos sa bahay. Balak ko na ring kausapin si Mama na tumigil na sa paglalabada.
I just want her to rest and be with Papa instead. Nakita ko iyong kamay niya noong nakaraang araw at puno na ng sugat dahil sa paglalaba.
"May nakuha ka bang bonus, Ate? Ang dami yata ng bibilhin natin," Jella said while pushing our cart. Nasa grocery store kami na malapit lang rin mula sa bahay namin.
Ang lawak ng ngiti niya dahil sinabihan ko siya na kunin lang lahat ng gusto niya.
I put some fresh milk and fruits on our cart before looking at Jella.
"Oo, may bonus na binigay samin. Kaya kunin mo na lahat ng gusto mo, ha." sabi ko sakaniya at agad siyang tumango bago kumuha ng mga cookies at chips na paborito niya.
Nakangiti ako habang nakatingin sakaniya na parang hindi alam kung anong uunahin niyang kunin.
Sa sobrang dami naming binili pinalagay nalang namin sa boxes iyong mga pinamili. Pinagtawag ko muna si Jella ng tricycle para matulungan kami sa pag buhat ng mga box.
Pagdating namin sa bahay, may mga naka-matyag na namang mga mata samin habang binababa namin isa-isa iyong mga box ng groceries. Nakita ko sa gilid ko iyong dalawang magkapatid na naglalakad palapit samin at agad na umirap iyong mata ko.
Hindi ko talaga maintindihan dahil ang dami nilang time maki-chismis sa buhay ng iba.
"Dami naman niyan... Laki ba ng binigay sayo?" Joana commented while gazing inside the tricycle.
I took a deep breath. Sigurado akong nakarating na sakanila iyong balita tungkol sa paghahalikan namin ni Micko. I just ignored her comment. Kapag mas lalo ko kasi siyang pinansin e mas lalo lang syang maraming sasabihin pa kaya mas mabuting h'wag nalang pansinin.
"Akala ko ba 'di mo jowa iyong si Micko? E, bakit balita ko naghalikan kayo kagabi sa gitna ng kalsada?" Jena said, and I stared at her. Magsasalita na sana ako ng marinig ko iyong boses ni Papa.
"Anak totoo ba ang sinasabi ni Jena?" sabi ni Papa kaya napalingon ako sakanila at katabi niya si Mama na gulat rin dahil sa narinig mula kay Jena. Si Jella rin nasa gilid at ang sama ng tingin kay Jena at Joana.
Binayaran ko muna si Manong tricycle dahil eksaktong tapos na siya sa pagpasok sa bahay namin ng mga boxes.
"Sa loob nalang po tayo mag-usap Pa, Ma..." sabi ko dahil iyong mga tenga nila Jena at Joana ay nanlalaki na naman.
I glared at Joana and Jena before we went inside the house.
Nakatingin si Papa at Mama sakin at hinahantay iyong sasabihin ko. Hindi naman sila mukhang galit pero mukhang disappointed iyong itsura nila habang nakatingin sakin. Si Jella naman ay tahimik lang na nakaupo sa gilid.
"Anong sinasabi ni Jena na may kahalikan ka anak?" Mama asked.
I exhale deeply. My heart is beating erratically inside my chest.
"T-Totoo po iyong sinasabi ni Jena, Ma, Pa..." Nanginginig na sagot ko. Nakayuko lang ako dahil ayaw kong makita iyong disappointment sa mukha nila Mama at Papa.
"Boyfriend mo ba iyon anak?" tanong ulit ni Mama.
Umiling ako agad. "Hindi po, Ma... Kaibigan ko lang po si Micko."
"Papuntahin mo iyang kaibigan mo rito sa bahay, Kristella Lindsey." sabi ni Papa kaya agad akong napa-angat ng ulo. Diretsong nakatingin si Papa sakin.
"Pa naman," pagtutol ko, pero agad na umalis si Papa. Napatingin ako kay Mama para humingi ng tulong.
"Ma?"
"Sundin mo nalang ang tatay mo, Lindsey. Siguradong gusto lang niyang makilala ang kaibigan na sinasabi mo," sabi ni Mama, bago sundan si Papa sa kwarto nila.
Napaupo ako sa sofa at agad akong tinabihan ni Jella at niyakap sa gilid.
"Hindi naman mukhang galit si Papa, Ate... Baka gusto lang niyang makilala si Kuya Micko." Jella said, "Ako rin Ate, curious akong makilala kung sinong nagpatibok diyan." Dagdag pa niya, bago ngumuso sa dibdib ko. Napatawa nalang ako dahil sa sinabi niya bago ko kinuha iyong cellphone ko para tawagan si Micko.
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro