Chapter 18
I WAS panting when I got back to the lobby.
Scarlet's with Micko. My chest tightened. Probably because I got so nervous that I might see Scarlet. Ayaw ko ng gulo kaya mas mabuti pang ako nalang ang umiwas.
I went home and just rested. I feel so tired. Sobrang daming nangyayari ngayon. I feel really, really drained—emotionally and physically.
Jella woke me up to eat dinner before I went to work. Sumabay ako sakanila sa pagkain ng hapunan. Papa looked so happy when I joined them because it's been so long since we all ate together at the dining table.
"May pasok ka ulit ngayong gabi, Anak?" Mama asked while we were eating.
I nodded while chewing my food. "Opo, Ma," I replied before drinking water. "Sabi ko naman po sainyo huwag niyo na po akong hintayin. Napupuyat lang po kayo tapos maaga pa kayong gumigising kinabukasan para mag laba," dagdag ko.
Papa reached for Mama's hand at the top of the table, gently squeezing it. "Makinig ka nalang sa Anak mo, Ely. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan. Kawawa naman ang anak mo at pag-aalalahanin mo pa," Papa said to Mama.
Mama sighed before nodding her head. She smiled a little and said, "Basta mag-iingat ka palagi anak, ha." paalala ni Mama sakin.
I smiled at Papa and Mama. "Opo. Palagi po akong mag-iingat," I assured them.
Nagkwentuhan pa kami dahil minsan lang kami magka-sabay-sabay sa pagkain kaya hind mawala iyong ngiti sa mukha nila Papa at Mama. Alam kong nami-miss rin nila akong kasama sa bahay dahil madalas nasa labas ako at ganon rin naman ako. Pero kinakailangan ko talagang kumayod para saming lahat.
Ako nalang ang pwede nilang asahan, e.
Binalita ko kay Papa iyong tungkol sa internship ko at sobrang tuwang-tuwa siya para sakin. I saw the look in my parents' eyes, and they both looked so proud of me. Papa even cried a little because I told him that I was doing this for him.
Sa susunod na linggo ako magsisimula sa internship ko at sobrang excited na ako.
Sinundo ako ni Lara at sabay kaming pumasok.
Pag dating namin ni Lara ay wala pang gaanong customer sa loob. Nakipagkwentuhan lang kami kay Veena at Marv nang bigla akong tawagin ni Miss Sweety sa loob ng opisina niya. Nagkatinginan kami sandali ni Lara bago ako sumunod kay Miss Sweety.
Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Seryoso lang kasi iyong mukha ni Miss Sweety. Mabait naman siyang boss pero minsan kasi nakakatakot talaga siya. Iniisip ko pa rin kung magka-mag-anak ba sila ni Micko dahil 'Tita' ang tawag ni Micko sakaniya.
"Sit." utos ni Miss Sweety, kaya umupo ako sa upuan sa tapat ng desk niya.
I took a deep breath while waiting for her to say something. Nagpapawis na iyong mga palad ko dahil sa kaba. I already have an idea why she called me and that made me nervous even more.
She stared at me intently. I bit my lower lip from nervousness.
"Did you agree to cancel the contract with Micko?" she asked,
Napalunok ako bago dahan-dahang tumango. "Opo, Miss Sweety." sagot ko.
Sandaling siyang napapikit dahil sa sinagot ko. "Pasensya na po—"
"You can now leave." She cut me off before I could even explain my side.
Nagbuntong-hininga ako bago sinunod iyong sinabi niya na lumabas ng opisina niya. Natatakot ako dahil baka magalit si Miss Sweety sakin at bigla nalang niya akong tanggalin dito.
Nilapitan ako agad ni Lara ng makita niyang parang maiiyak na ako.
"Okay ka lang? Anong nangyari?"
"Nagalit ata si Miss Sweety sakin dahil kinancel ni Micko iyong contract namin sa pagiging personal stripper ko sakaniya." malungkot na sagot ko. Nilapitan rin ako ni Veena at hinagod iyong likod ko.
"May maitutulong ba kami sayo?" Veena asked. I just gave her a small smile and shook my head.
"Okay lang Veena. Ayaw kong madamay pa kayo. Salamat ha." I replied.
Nagsimula na kaming magtrabaho. At dahil kababalik ko lang sa pagiging regular stripper sa Btch Valley kaya wala pa akong bookings. Sinabihan ako ni Miss Sweety na floater sa bar. Nag serve nalang ako ng drinks bilang waitress tapos tumutulong rin ako kay Marv sa bar counter kapag sobrang dami niyang customer.
Dumami iyong customers ng magsimula nang mag-perform si Veena sa stage. Ang galing talaga niyang sumayaw at mag pole dancing. Tuwang-tuwa lahat ng manonood sakaniya habang nagpe-perform siya sa gitna ng stage.
"Ang galing mo talaga!" sabi ko sakanya after niyang matapos sa performance niya.
Mahina niya akong hinampas sa balikat. "Grabe ang bolero mo, Lindsey." sabi niya ng natatawa. Umiling ako agad.
"Totoo kaya! Hindi kasi ako magaling mag pole dancing. Kaya madalas si Lara ang gumagawa non pag magkasama kami sa booking. Alam mo na, 2 in 1 kami." Sabi ko tapos tumawa kaming dalawa.
***
Ilang araw pa ang nagdaan na nag focus lang ako sa pagtatrabaho ko dahil gusto kong bumawi kay Miss Sweety dahil mukhang galit pa rin siya sakin.
Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Micko. Ilang beses ko siyang sinubukang tawagan pero hindi siya sumasagot. Hindi ko rin siya nakita noong mga nakaraang araw sa school.
Today's Saturday and I can't stop thinking about him. Naba-bother ako dahil alam kong galit siya sakin noong huli kaming magkita sa coffee shop at hindi ako sumama sakaniya.
I texted him as soon as I woke up. Simpleng 'Hi, kamusta ka?' lang ang text ko sakaniya. Buong umaga ako maya't maya tumitingin sa cellphone ko kung nagreply na ba siya pero wala pa rin. Kaya noong mag tanghali ay nagpaalam ako kila Mama na aalis ako at may pupuntahan lang.
Paglabas ko ng bahay namin nakasalubong ko si Joana at Jena. Agad akong napabuntong-hininga ng maglakad iyong magkapatid papalapit sakin. Parehas silang may hawak na pamaypay at nagpapaypay dahil tirik na tirik ang araw.
Mabuti nalang at nag-suot lang ako ng denim shorts and loose white t-shirt dahil hindi pa man ako nakakaalis ay tumutulo na iyong pawis sa gilid ng noo ko dahil sa init.
"Saan lakad mo girl?" Tanong ni Joana.
"Hindi mo pa ba kami ipapakilala doon sa mayamang kaibigan mo?" Tanong naman ni Jena habang mataray na nakataas iyong kilay sakin.
Gusto kong umirap kaya lang pinigilan ko iyong sarili ko dahil ayaw kong dagdagan pa iyong sakit ng ulo ko.
"Busy kasi iyon, e. Sa susunod nalang siguro," sagot ko sakanila. "Mauna na ako sainyo. Dyan na kayo," Mabilis na paalam ko at naglakad ako ng mabilis palayo sakanila.
"Mas maganda pa ako sa Lindsey na iyan... Siguradong mas magugustuhan ako noong Micko na iyon," rinig kong sabi ni Jena, bago pa ako makalayo. Napapailing nalang talaga ako sa mga sinasabi nila.
Nag-jeep ako papunta sa condo ni Micko. Pag dating ko sa tapat ng condo niya ay pawis na pawis na ako dahil siksikan pa sa jeep tapos sobrang init pa.
Ang haggard ko na tuloy!
Nagpunas muna ako ng pawis bago ako sumakay ng elevator at pumunta sa unit niya. Pag dating ko doon ay agad akong kumatok.
'Bahala na! Mas hindi ako mapapakali kung alam kong galit siya sakin,' paalala ko sa sarili ko.
Makalipas ang ilang segundo ay hindi pa rin lumalabas si Micko kaya kumatok ulit ako. Halos 15 minutes na akong naghahantay sa labas pero parang wala yata siya sa unit niya.
Aalis na sana ako ng may marinig akong malakas na pagbagsak galing sa loob ng unit niya tapos narinig ko iyong boses ni Micko. Kumatok ako ulit at sinubukang buksan iyong pintuan at nagulat ako ng hindi naka-lock iyong pintuan niya.
"Micko?" Pagtawag ko ng pumasok na ako sa loob.
I heard him grumbling and went straight to his bedroom. I knocked first dahil ayaw kong mangyari na naman iyong nakita ko siyang naka-hubot-hubad!
I waited for 3 seconds before opening the door to his bedroom, and my eyes widened as I immediately ran towards him while he was lying on the floor.
"Micko, gising... Anong nangyari sayo?" sabi ko at mahinang tinapik siya sa pisngi pero hindi siya nagmumulat ng mata.
Pawis na pawis siya at saka ko hinipo iyong noo niya at sobrang init niya! Hindi ko alam ang gagawin ko at medyo nagpa-panic ako.
"L-Lindsey?" he whispered while I was trying to pull him up to put him back on his bed.
"Kapit ka lang sakin, Micko. Ihihiga kita pabalik sa kama mo," sabi ko sakaniya, bago ko siya inalalayan patayo para makahiga siya pabalik sa kama niya.
Ang bigat pa naman niya kaya hirap na hirap akong itayo siya. Halos sumakit iyong likod ko pagkatapos ko siyang maihiga pabalik sa kama niya.
"Dyan ka lang, ha. Babalik din ako agad," sabi ko bago ako lumabas ng kwarto niya para kumuha ng bimpo at tubig para mahilamusan siya. Hinanap ko rin iyong medical kit niya at kumuha ng gamot para sa lagnat.
Hindi naman siguro siya magagalit kung pinapakealaman ko iyong mga gamit niya no?
Bumalik ako sa kwarto niya ng makuha ko lahat ng kailangan ko. Dahan-dahan kong pinunasan iyong mukha niya hanggang sa leeg niya kaya lang nakita kong basa na ng pawis iyong t-shirt niya kaya pinaupo ko muna siya para mapalitan siya ng damit.
"Papalitan lang kita ng damit, ha." paalam ko kahit na alam kong hindi naman niya ako naiintindihan dahil parang wala siya sa wisyo.
I went out and got him a new t-shirt. I removed his shirt and wiped the sweat from his chest, and I swear I was holding my breath the entire time.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng masuotan ko siya ng bagong t-shirt.
Kinapa ko ulit iyong noo niya at sobrang init pa rin niya.
"Ipagluluto lang kita ng soup, ha. Para makakain ka muna bago ka uminom ng gamot. Mangi-ngialam lang ako sa kusina mo," sabi ko sakaniya bago ako umalis para ipag luto siya ng soup.
Mabuti nalang at may mga stocks siya sa fridge kaya nilutuan ko siya ng chicken noodle soup.
I brought a bowl of soup to his room. I gently tapped his shoulder to wake him up.
He stirred a little before slowly opening his eyes. "Kain ka muna. Para makainom ka na ng gamot," sabi ko sakaniya.
"Lindsey?" Parang hindi makapaniwalang sabi niya. Nginitian ko siya bago tumango.
"Kain kana," sabi ko at saka ko siya inalalayang umupo sa kama niya.
Sinubuan ko si Micko ng soup. Nakatitig lang siya sakin the whole time na pinapakain ko siya hanggang maubos niya iyong isang bowl ng soup.
"Inumin mo na 'tong gamot mo," sabi ko at inabot ko iyong gamot at baso ng tubig sakaniya.
Wala siyang imik at nakatingin lang sya sakin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at medyo naiilang ako sa paraan ng pag titig niya sakin.
Ibinalik ko na iyong bowl at baso sa tray at aalis na sana ako ng hawakan niya iyong kamay ko kaya napatigil ako sa pag-alis.
"Don't leave..." he mumbled.
My heart automatically starts beating wildly inside my chest.
I smiled at him. "Hindi ako aalis, Micko." sagot ko kaya tumaas iyong sulok ng labi niya.
"Aayusin ko lang 'tong pinagkainan mo. Babalik rin ako agad," Paalam ko kaya binitiwan na niya iyong kamay ko.
Paglabas ko ng kwarto niya ay parang ako naman ang magkakasakit dahil nagwawala na naman iyong puso ko! Para akong masusuka na ewan dahil sa nararamdaman ko.
I've been trying to force myself not to like him, but I feel like I'm failing...
I like him...
Without even realizing it, I like him.
Before returning to his room, I cleaned up the mess in his kitchen.
Pagbalik ko ay nakita kong mahimbing na siyang natutulog. Naupo ako sa upuan na katabi ng kama niya at saka hinawakan iyong kamay niya.
"I'm sorry..." I muttered under my breath.
While holding his hand, I rested my head on the side of his bed. I didn't realize I'd fallen asleep until I woke up to find myself sleeping on the bed beside him, his arms wrapped around me.
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro