Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

"THANK YOU, Lindsey." Veena smiled at me after we broke the hug. "Balik na muna ako don. May susunod na performance pa ako, e." paalam niya bago siya umalis.

"Siya ba iyong nag-perform kanina?" Marv asked pag alis ni Veena.

I nodded, "Oo siya nga. Nagkausap kami sa washroom kanina," sagot ko.

"Anong pangalan? Parang kasing edad niyo rin ni Lara iyon,"

"Veena pangalan niya. Mukha nga," pag-sang ayon ko.

I wonder what she'd been going through to get this kind of job...

Marv and I just talked while working. Pinipilit pa rin niya akong huwag ng bumalik sa pagiging stripper para raw may kadaldalan siya at kasama sa pagiging bartender pero tinawanan ko lang sya.

"Hi." nabigla ako ng umupo sa tapat ng bar counter si Micko.

"Hi." bati ko ng nakangiti.

"Busy?"

I nodded, "Oo kanina pa. Daming customer, e. May gusto ka bang inumin?" sabi ko. He just nodded.

"Same drink that you gave me last time," sagot niya kaya hinanda ko na iyong alak niya at saka ko inabot sakaniya.

"Ano nga palang pinunta mo dito?" tanong ko habang nililigpit iyong mga ginamit ko. Si Marv naman pasulyap-sulyap samin ni Micko.

I gave Marv a stop-gawking-around look dahil parang binibigyan niya ng malisya iyong pag-uusap namin ni Micko – which is hindi naman dapat dahil wala namang malisya saming dalawa.

"I came to see you." straightforward na sagot ni Micko. Napatigil ako sa ginagawa ko. Seryoso lang siyang nakatingin sakin, hinihintay kong magsabi siya ng joke pero wala na siyang sinabing kasunod.

"Ahh..." bukod tanging nasabi ko at pilit na tumawa dahil sa sinabi niya.

Mukhang narinig ata ni Marv iyong sinabi ni Micko kaya narinig ko siyang tumikhim sa tabi.

"N-Nakausap mo na ba si Miss Sweety?" pag-iiba ko ng usapan at saka ko nalang pinagpatuloy iyong pag-aayos.

"I'll talk to her later. Why? Do you want me to leave now?"

I bit my lower lip. I can't read him. His face looks serious, but he has a playful smile on his lips. Hindi ko tuloy alam kung seseryosohin ko ba iyong mga sinasabi niya o hindi.

"Wala naman akong sinabing umalis ka. Para kang sira!" natatawang sagot ko. Tinalikuran ko muna siya para ilagay iyong ibang lalagyan sa kabilang side ng counter.

Pakiramdam ko namumula na iyong mukha ko dahil sa mga lumalabas sa bibig ni Micko. Hindi ko alam kung bakit ganyan iyong mga sinasabi niya sakin na parang nilalandi niya ako e may girlfriend siya.

Gusto ko sanang pagbawalan si Micko sa mga sinasabi niya sakin dahil hindi tama. May girlfriend siya tapos nanlalandi siya ng ibang babae... Maling-mali iyon.

Kahit pa ganon ang ugali ni Scarlet e hindi pa rin na tamang magloko si Micko. Kung ayaw na niya kay Scarlet dapat makipag-hiwalay nalang siya kaysa niloloko niya si Scarlet.

No one deserves to get cheated on...

No matter how ugly a person's personality is, still, he/she doesn't deserve to get cheated on.

That's why I will not tolerate Micko's flirting with me... Hindi tama. At hinding-hindi magiging tama iyong pagloloko.

I composed myself first before walking back to Micko's spot, but he was already gone when I got there.

"Kakaalis lang. Pumunta sa office ni Miss Sweety," sabi ni Marv.

"Uh... Ganon ba?" sabi ko nalang bago siya ngitian.

"Nililigawan ka ba non? 'Di ba nagtatrabaho ka sakaniya?"

"Ha? Hindi, a! Bat' naman ako liligawan ni Micko. May jowa iyon," sagot ko kay Marv. Nabigla ako sa tanong niya. Mabuti nalang wala si Micko dahil nakakahiya!

Marv just laughed at me and gave me a skeptical look while shaking his head. "Mukhang may tama sayo iyong si Micko, e. Pansin ko lang sa mga tingin niya."

"Hay nako, Marv! Kung ano-anong napapansin mo. Dyan ka na nga!" I dismissed him. Agad akong naglakad paalis habang si Marv e tawa pa rin ng tawa.

Parang sira talaga!

I checked the time at saktong tapos na iyong booking ni Lara. Naglakad ako papunta sa room kung saan siya naka-assign para sana kausapin siya pero napatigil ako nang madaanan ko iyong office ni Miss Sweety.

I could hear Micko and Miss Sweety talking inside through the open door.

"What exactly are you talking about when you say you're terminating your contract with Lindsey?" Miss Sweety remarked. I could tell she was baffled and annoyed by her tone.

I'm not supposed to listen in on their conversation. I was about to walk away when Micko said something that made me stop dead in my tracks.

"Auntie, I'm sorry, but I just can't... I'm not going to do it anymore because it's not right. Lindsey is a friend of mine."

"Lindsey is a stripper, Micko! And you can't just turn around and abandon me like that!" Miss Sweety yelled again, and this time I know she's outraged.

Auntie?

Magkakilala ba si Micko at Miss Sweety? Bakit hindi niya sinabi sakin na Auntie niya si Miss Sweety?

Kanina nalaman kong may girlfriend siya tapos ngayon naman, nalaman kong Tita niya si Miss Sweety...

Narinig ko iyong mga yabag ng paa ni Micko na papalapit sakin kaya agad na akong tumakbo paalis.

Sumasakit iyong ulo ko dahil sa mga nalalaman ko. Akala ko kilala ko na si Micko pero hindi pa rin pala... Parang maya't maya mas marami pa akong natutuklasan tungkol sakaniya.

Ano kayang mangyayari sa usapan namin ni Micko na magiging PA nalang niya ako instead na stripper niya dahil halata namang hindi natutuwa si Miss Sweety sa pag-cancel ni Micko sa contract namin.

I just sighed deeply while caressing my temple. Nagkatotoo pa iyong pagsisinungaling ko kay Lara na sumakit ulo ko kanina.

"Anong ginagawa mo dyan Lindsey?" Lara said, looking puzzled when she saw me standing alone in front of her VIP room.

"Uhm... Wala naman. Tapos ka na?"

Nakakunot pa rin iyong noo niya habang nagdududang nakatingin sakin. "Oo tapos na ako. Hindi na kayo busy ni Marv?"

Umiling ako. "Hindi na gaano." sagot ko sakaniya.

She still gives me a skeptical look. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi lang niya masabi.

"Tara na. Shot nalang tayo!" sabi ni Lara at pumayag ako.

I think I needed a drink tonight.

Sobrang dami kong natutuklasan at parang puputok na iyong ulo ko sa mga revelations na nalalaman ko.

Nagbihis lang si Lara bago kami bumalik sa counter bar. Wala na si Micko at Miss Sweety noong dumaan kami sa office ni Miss Sweety. Tinanong ko si Marv kung nakita ba niya si Micko pero ang sabi niya hindi raw niya nakita. Kaya naisip ko na baka umalis na siya after niyang makipag-usap kay Miss Sweety.

Mukhang nag-away pa silang mag-Tita ng dahil sakin. Siguro kakausapin ko nalang si Micko na ituloy iyong contract namin hanggang sa matapos talaga iyon. Pwede ko naman kasi siyang mabayaran sa ganong paraan dahil iyong naman talaga ang trabaho ko. Ang maging stripper...

Nag-inom lang kami ni Lara tapos noong natapos iyong lahat ng performances sa stage niyaya rin namin si Veena na uminom kasama namin.

Kaunti nalang ang customer sa Btch Valley tapos kami nalang nila Lara, Veena at Marv ang nasa bar counter at nag-iinuman.

"Nag-aaral ka ba, Veena?" Lara asked.

"Gusto ko sana kaya lang wala pa akong naiipon na pera," sagot naman ni Veena at saka siya tipid na ngumiti samin.

I patted her shoulder, "Kung may kailangan ka. Huwag kang mahihiyang magsabi samin," sabi ko sakaniya kaya mas lumawak iyong ngiti sa labi niya.

"Oo nga! Isang pamilya tayo dito. Tayo-tayo lang naman ang nakakaintindi sa bawat isa," Lara added.

"Ako rin! Naiintindihan ko kayo kahit hindi ako stripper," Marv said that made us all laugh.

"Try mo mag sabi kay Miss Sweety kung pwede kang Macho Dancer, dali!" pang-asar ni Lara kay Marv kaya tinaasan tuloy siya ng middle finger ni Marv.

Napailing nalang ako dahil sakanilang dalawa.

Tinawagan ni Lara si Aero para sunduin kami dahil lahat kami nakainom at walang magda-drive para samin. Sinabay na rin namin si Veena dahil dadaanan rin naman namin iyong bahay niya.

Pagkahatid namin kay Veena ay sunod naman nila akong hinatid.

"Ingat kayong dalawa! Aero ikaw na bahala sa best friend ko, ha!" paalala ko tapos nag roger sign si Aero bago siya nag-drive paalis.

After I took a bath, I grabbed my phone and composed a text message for Jayden.

To: Jayden

Pwede ba tayong mag-kita bukas 8 ng umaga sa back building kung saan tayo nag-usap noon. Thank you.

After kong i-text iyon kay Jayden ay natulog na ako.

Tomorrow is another day and I need to spend a lot of energy dealing with Jayden.

***

Kahit na may hangover pa ako kinabukasan ay maaga akong gumising para makapunta ako agad sa school. Gusto ko nalang mabayaran si Jayden para hindi ko na siya iniisip pa. I already deposited the cheque sa bank account ko.

Wala akong natanggap na reply mula kay Jayden pero pumunta pa rin ako sa school.

Eksaktong 8 ay nasa likod na ako ng building kung saan ko siya dinala noon. Pero makalipas ang 15 minutes, wala pa ring Jayden na dumadating. Okay lang naman sakin na maghintay dahil mamaya pang 10 AM ang start ng klase ko.

I tried to call him but he's not answering. Ang dami ko na ring text sakaniya at sinabi kong may pera na ako at pwede ko na siyang bayaran sa nasira ko sa sasakyan niya.

Halos isang oras na akong naghihintay ay wala pa rin siya. Dumadami na rin ang mga students na pumapasok.

Hanggang sa 10 minutes nalang bago mag simula ang unang klase ko ay hindi dumating si Jayden. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang hindi ako siputin pero naiinis ako kasi gusto ko nalang matapos iyong problema ko sakaniya.

"Kanina ka pa nakabusangot diyan," Lara said after our first subject. Our prof announced that we should start looking for some companies that we wanted to take an internship.

I'm excited about the announcement, but I couldn't be a hundred percent happy because I'm still upset with Jayden for not meeting me this morning.

I sighed deeply before I told Lara about what happened.

"Gago pala talaga iyang lalaking iyan, e! Isa't kalahating may sapak sa ulo," galit na sabi ni Lara.

Sinubukan ko ulit na tawagan si Jayden pero hindi talaga siya sumasagot sa tawag ko. Natapos na iyong mga sumunod na subjects namin hanggang sa mag uwian pero wala pa rin siyang reply.

Naiinis na ako dahil gusto ko nalang mag-focus sa plano ko para sa internship, pero sumasabay pa 'tong si Jayden!

Nauna nang umalis si Lara after our last class dahil magkikita pa raw sila ni Aero. Paglabas ko ng room nagulat ako ng makita ko si Micko na nakatayo sa labas ng room namin.

Agad akong kinabahan at parang instinct na napatingin ako sa paligid dahil baka nandiyan si Scarlet at kung ano na namang gawin sakin.

"Hi," Micko said when I got outside our room.

"Hi." bati ko at tipid na ngumiti sakaniya.

"Are you done with your classes?"

I nodded, "Oo. Bakit? May kailangan ka ba?" I asked, then he chuckled. Kumunot iyong noo ko bigla dahil sa pagtawa niya.

"Meron... Ikaw," he replied.

May ibang tumitingin samin ni Micko kaya naiilang ako tapos ganito pa iyong mga sinasabi ni Micko sakin!

"Ha?"

"I said, I need you. You're my PA starting today, right?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na narinig ko silang nag-uusap ni Miss Sweety kagabi at narinig kong galit sakaniya si Miss Sweety dahil kinancel niya iyong kontrata namin.

I got startled when he suddenly grabbed my hand. "Let's go," he said.

I tried to pull my hand back because there were a lot of eyes gawking at us.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta. Just come with me and you'll see," he replied, without letting go of my hand.

The next thing I knew, I was already inside his car and we were on our way to somewhere I don't know.

Tumigil si Micko sa tapat ng Marble Creek Hotel. Isa 'to sa mga gusto kong pag-apply-an for internship dahil isa 'to sa mga sikat na 5-star hotel sa Manila.

Bumaba si Micko ng sasakyan kaya sumunod ako sakaniya hanggang sa pumasok kami sa loob ng hotel. Nakangiti lang si Micko at walang sinasabi kahit na tanungin ko siya hanggang makarating kami sa tapat ng isang opisina.

Kumatok si Micko sa pintuan at may lumabas na isang matandang lalaki. Agad na ngumiti iyong matandang lalaki ng makita niya si Micko.

"Nice seeing you, Micko." the man said while shaking Micko's hand.

"How are you doing, Mr. Garcia?" Micko greeted me, smiling.

"I'm doing good. How's your Dad?" The man asked.

Nagkamustahan muna silang dalawa habang nakatayo lang ako sa gilid at nakatingin sakanilang dalawa. Mukhang kaibigan ng magulang ni Micko 'tong si Mr. Garcia.

"By the way Sir, this is my good friend Lindsey that I talked to you about," Micko introduced me. to Mr. Garcia.

I smiled at him and shook his hand. "Hello po." bati ko.

Mr. Garcia smiled at me. "Hello Lindsey, are you excited to do your internship here at Marble Creek Hotel?"

WHATYASEY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro