Chapter 14
"LINDSEY, WAIT!" sigaw ni Micko. Nasaktuhan pa na wala man lang jeep o tricycle na puwede kong sakyan para makaalis ako.
Hindi ko siya pinansin at nagsimula nalang akong maglakad palayo.
"What are you running away from?" sabi niya nang abutan niya ako at hawakan sa braso para pigilan ako sa paglakad paalis.
Hindi ako humarap sakaniya. I bit my lower lip as hard as I could to suppress the unwanted tears that wanted to come out of my eyes.
"Galit ka ba?" tanong niya, pero hindi ko pa rin siya hinaharap. I tried to pull my hand from his grasp, but he wouldn't budge.
"Bitiwan mo ako, Micko. Kailangan ko nang umalis," I beg.
Hindi ko alam kung naiiyak ba ako dahil sa sakit nang katawan at mukha ko... o naiiyak ako dahil akala ko maayos na lahat pero hindi pa rin pala.
Ayaw ko nang gulo.
Gusto ko lang naman mamuhay ng payapa pero parang ang hirap-hirap gawin.
"Did I do something wrong? Tell me, Lindsey."
"Wala Micko... Wala. Gusto ko lang mapag-isa," I said, almost in a whisper. I feel so tired and weak.
May kumawalang hikbi sa labi ko at agad na pinunasan iyong tumulong luha sa mata ko.
"Aalis na ako." mariin na sabi ko bago ko hilain pabalik iyong braso ko sa pagkakahawak niya.
Para akong tanga na umiiyak habang naglalakad sa kalsada. May ibang napapatingin sakin kapag nakakasalubong nila ako pero ni isa walang nagtanong kung okay lang ba ako.
Hindi ko na alam kung saan ako papunta. Basta lakad lang ako nang lakad at hindi ko alam kung saan ako tutungo.
I can't help but question life. Bakit sakin pa? Bakit sa pamilya ko pa?
Hindi ko hinangad na mangyari sa iba iyong nangyayari sakin at sa pamilya ko ngayon, pero hindi ko rin maiwasang tanungin kung bakit ako... bakit pamilya ko?
Wala namang akong ginawang mali simula pagkabata ko. Sinunod ko lahat nang utos nang magulang ko. Hindi ako sumaway sakanila at sa gusto nila.
Naging mabuting kapatid at anak naman ako pero bakit...
Akala ko hindi na ako sinundan ni Micko pero narinig ko nalang na may malakas na bumusina sa likuran ko at paglingon ko nakita kong si Micko iyon.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Narinig ko nalang iyong pagbukas at sara nang pintuan nang sasakyan niya at mabilis niya akong hinatak papunta sa sasakyan niya.
"Micko ano ba!" sigaw ko sakaniya. Alam kong may kontrata kami na kailangan kong sundin lahat ng gusto niya pero wala pa naman kami sa trabaho ko. Hindi parte nang trabaho ko na sundin siya sa labas nang trabaho ko.
Parang walang narinig si Micko dahil hinila lang niya ako at pilit na pinapasok sa loob ng sasakyan niya. I just gave up because it's futile. He is much stronger than I am, and we're already causing too many scenes in the middle of the street.
Ayaw ko namang ipahamak si Micko at sumigaw pa dahil baka isipin ng iba e kini-kidnap niya ako – which is technically true dahil labag sa kalooban ko na sumakay sa sasakyan niya pero wala na akong lakas pa para lumaban.
Pagsakay ni Micko sa sasakyan niya ay agad siyang nag-drive. Tahimik lang ako, hindi nagsasalita buong byahe. Pilit kong tinatago iyong mukha ko sakaniya at nakatagilid lang ako dahil maya't maya siyang lumilingon sa pwesto ko.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Micko, pero sana h'wag niya akong ihatid sa bahay dahil ayaw kong makita ako ng pamilya ko na putok ang labi at puro kalmot ang mukha.
Pumasok kami sa underground parking ng isang malaking building. Nagpark si Micko doon bago patayin ang makina ng sasakyan niya. Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi rin ako gumagalaw sa pagkaka-upo ko.
"Lindsey..." he softly said. Sobrang lambing ng boses niya, sobrang kabaliktaran ng boses ng girlfriend niya.
Hinawakan niya ako sa balikat at para akong nakuryente. Bakit ba niya ginagawa sakin 'to kung may girlfriend naman siya... Kapag nalaman 'to ni Scarlet, siguradong ako na naman ang aawayin niya.
Kaya mas mabuti pang ako nalang ang umiwas para walang gulo.
"Uuwi na ako." I firmly said before taking off my seatbelt and going outside of his car. I started walking away when he grabbed my arm again, stopping me from running away.
"Lindsey ano ba!" sigaw niya na parang naiinis na dahil kanina ko pa siya tinatakbuhan.
Nakayuko lang ako at nagpapasalamat sa mahabang buhok ko na humaharang sa mukha ko para hindi niya makita iyong pananakit na ginawa nang girlfriend niya sakin.
I swallowed.
"Micko please... hayaan mo nalang—"
"I'm not letting you go until you tell me what's happening!" he exclaimed before pulling me towards him. He turned me around and cupped my face so he could look me in the eye.
His eye widened when he saw my face covered in scratches and bruises.
A tear fell from my eye... Napapagod na ako sa pag-iyak pero wala akong magawa kung hindi ang umiyak lang.
"W-What... What happened to you?" He looked so worried while staring at my face. Gulat na gulat iyong itsura niya at halos hindi siya makapagsalita habang nakatingin lang sakin.
Tinanggal ko iyong pagkakahawak niya sa mukha ko at tinalikuran siya.
"Who did that to you?" He speaks with a tone of rage in his voice. He rested his hand on my shoulder, allowing me to turn around and face him once more. "Please tell me who did this to you, Lindsey!" His jaw was clenched, and his eyes were red with rage.
Umiling ako.
He gently cups my face. Lumambot iyong expression niya sa mukha habang nakatingin sakin.
"Let's go," sabi niya. He held my hand and pulled me inside the building.
We got inside the elevator and then the next thing I knew we were inside his unit.
"Upo ka muna. I'll be back," sabi niya, bago ako iwang mag-isa sa sala niya.
I took a look around and noticed that his apartment is exquisitely kept. The interior has a black and white color scheme. Pati iyong mga gamit niya ay puro halos black and white ang kulay kaya ang linis tignan. Napaka-linis sa loob at parang hindi nadudumihan iyong unit niya.
Kung hindi siguro ako binugbog ng girlfriend niya ay mas ma-aappreciate ko pa 'tong unit niya, pero iniisip ko palang na malalaman ni Scarlet na dinala ako ni Micko dito ay alam ko na ang susunod na gagawin niya sakin.
Micko came back holding a medical kit.
He sat across from me before taking a cotton bud and an antibiotic cream from the kit. I winced when he started putting some cream on the corner of my lips.
He looked so serious while doing that. His face is so close to me, and I couldn't help but inhale his scent.
Nilagyan niya nang cream lahat ng pasa at sugat sa mukha ko. Walang nagsasalita saming dalawa hanggang sa matapos siya. Inayos niya iyong medical kit niya bago ito itabi.
He sighs deeply.
"Lindsey—"
"Ayaw kong pag-usapan Micko..." pag putol ko sakaniya. Sandali siyang napapikit dahil sa sinabi ko bago siya tumango at nagbuntong-hininga ulit.
"Okay..." he replied.
He stood up from his seat. "Kain nalang tayo," sabi niya bago nagsimulang maglakad. Alanganin akong sumunod sakaniya.
Pagpasok ko sa kusina niya ay nagsisimula na siyang kumuha nang mga gulay sa loob ng ref niya.
"Do you have any allergies?" he asked. Stopping for a second to look at me.
I shook my head. "Wala naman," I answered.
He slightly nodded before proceeding with what he was doing. Gusto ko sanang tumulong kaya lang mukhang seryoso si Micko sa ginagawa niya kaya naupo nalang ako sa island counter at pinanood siya sa ginagawa niya.
He cuts the vegetables perfectly na parang sanay na sanay na siya sa ginagawa niya. Manghang-mangha ako habang pinapanood ko sya sa ginagawa niya. Gumagalaw iyong mga muscles sa likod niya sa bawat pagkilos niya.
Nagutom ako dahil sa amoy palang nang niluluto niya. Sobrang bango.
He looks very attractive while cooking. Iba iyong dating para sakin ng mga lalaking marunong magluto.
Tahimik lang sya sa pagluluto hangang sa matapos siya.
"Let's eat," sabi niya pagkatapos niyang maghapag sa lamesa.
He cooked a vegetable stir fry and a grilled chicken breast.
Agad kong tinikman iyong niluto niya at halos mapa-wow ako sa sarap.
"Masarap ba?" tanong niya.
I immediately nodded. "Sobra!" sagot ko. He laughed before taking a spoonful of rice and veggies.
"Magaling ka palang magluto," sabi ko habang kumakain kami.
He chuckled, "Hindi ba halata?" tanong niya.
"Hindi naman. Nagulat lang ako,"
"You should cook for me next time," He gave me a small smile.
Gusto ko sanang sabihin na malabong mangyari dahil may girlfriend na siya pero parang ayaw kong mapalitan ng lungkot iyong ngiti sa labi niya kaya dahan-dahan nalang ako tumango sakaniya.
Hindi ko maintindihan kung bakit nag-hire si Micko ng personal stripper niya kung may girlfriend naman pala siya... Maganda at sobrang sexy naman ni Scarlet – except sa ugali niya, kaya nakakapagtaka na gusto pang magbayad ni Micko ng stripper.
At mukhang walang ka-alam-alam si Scarlet sa ginagawa ni Micko... hindi ko na alam. Ayaw kong nalang makialam at magtanong pa dahil ayaw kong makisali sa relasyon nilang dalawa kahit huli na.
Nakarami ako ng kain kaya naman tuwang tuwa iyong itsura ni Micko. Ngayon lang kasi ako nakakain ulit ng hindi ko iniintindi iyong pamilya ko. Iyong hindi ko iniisip kung may matiira pa bang ulam o kanin para sakanila. Dahil madalas palaging eksakto lang iyong ulam namin para sa lahat.
Madami akong katrabaho na stripper din kagaya ko na palaging sinasabi sakin na naiinggit sila sa katawan ko dahil hindi raw ako tumataba at ang sexy-sexy ko pero hindi nila alam kaya lang naman ako hindi tumataba dahil mas palagi kong pinapauna kumain iyong magulang at kapatid ko... Mas priority ko sila lalo na si Papa dahil may maintenance siyang mga gamot at kailangan niyang kumain ng tama.
"Salamat sa pagkain Micko." sabi ko sakaniya ng makalipat kami sa sala pagkatapos kumain.
Nag volunteer ako para maghugas pero hindi siya pumayag dahil bisita raw niya ako.
Ngumiti lang sya sakin. "I'm really glad you liked it," sabi niya.
"Oo naman! Ang sarap kaya ng niluto mo."
Tumawa lang siya dahil sa sinabi ko.
Natahimik ulit kaming dalawa pagkatapos nun. Ngayon ko dapat sya kakausapin tungkol sa paghingi ng advance payment sakaniya kaya lang parang wrong timing...
I sighed deeply.
Sa susunod nalang siguro... O hindi kaya, kakausapin ko nalang si Miss Sweety kung pwede niya akong bigyan ng iba pang customer kahit na may on-going contract ako kay Micko.
Tatayo na sana ako para magpaalam umalis nang magsalita si Micko.
"You can always tell me what's bothering you... I told you, I always got your back." he genuinely said. His eyes were piercing deeply into mine.
I stared at him intently.
Paano ko sasabihin sakaniya na mismong girlfriend niya ang nanakit sakin?
Parang ang hirap naman sakin isumbong sakaniya iyong ginawa ni Scarlet tapos magkakaway lang sila lalo ng dahil sakin... tapos ako na naman ang pag-iinitan ni Scarlet kapag nalaman niyang nagsumbong ako kay Micko.
Umayos ng pagkakaupo si Micko at mas lumapit pa sa tabi ko.
"Lindsey..." he called before placing his hand on top of mine, gently squeezing it.
"Micko... Pwede ko bang makuha ng advance iyong ibabayad mo sakin?" diretso kong saad. Wala akong choice dahil wala talaga akong balak na sabihin sakaniya iyong ginawa ng girlfriend niya sakin.
Gusto ko nalang matapos iyong kontrata ko kay Micko para hindi na ako maipit sakanila ni Scarlet. Ilang linggo nalang naman ang titiisin ko.
Lalayuan ko nalang sya sa school at kakausapin ko siya na sa Btch Valley nalang kami pwedeng mag-usap.
"Of course." mabilis na sagot ni Micko, pero halata sa mukha niya na nagulat sya sa sinabi ko. Agad siyang tumayo atumalis.
Pagbalik niya may hawak siyang isang blank cheque at ballpen. Tumingin muna siya sakin bago siya mag sulat sa cheque na hawak niya.
"Do you mind if I ask you why you need the money in advance?" he asked. I averted my gaze.
"May kailangan lang akong bayaran na utang..." nakayukong sabi ko. Hindi na nagtanong pa ulit si Micko. Lumapit nalang sya sakin at iniabot iyong cheque pero nagulat ako ng one hundred thousand ang nakasulat na halaga ng cheque na binigay niya.
"Tell me if you need more," he said, as if he hadn't just handed me a cheque worth a hundred thousand pesos!
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro