Chapter 13
AFTER THE day when Micko kissed me at the back building, he often came to visit or talk to me at school. He even comes to Btch Valley, just to hang out with me. Madaming napapatingin – dahil nagtataka siguro sila dahil mas madalas ko nang nakakasama si Micko.
I was just a loner at school at tanggap ko iyon, but now that I've become friends with him. I get a lot of attention from everyone. Ayaw ko talaga nang attention pero anong magagawa ko? Nalaman ko lang na sikat pala itong si Micko sa department nila.
Kaya ang bilis kumalat sa lahat na magkaibigan na kami.
Tinotoo nga nya iyong sinabi niya na palagi siyang nandyan para sakin. Although, I haven't told him about my problem with Jayden.
But today, I've decided to ask for his help. I've decided to finally trust Micko at alam kong tutulungan niya ako.
I trust his words...
"Hindi ba dadating si Micko?" tanong ni Lara, mayroon kaming two-hour break. Mamaya pa kasi iyong susunod na subject namin.
I really can't wait to start our internship.
Gusto ko nang gawin mismo lahat nang pinag-aaralan ko on an actual job. Gusto kong mas matuto pa. Sigurado akong mas marami pa akong malalaman at matututuhan kapag nagsimula na iyong OJT or internship namin.
Umiling ako habang kinakain iyong cupcake na binili namin kanina.
"Baka hindi... Alam ko may major subject sila ngayon, e." sagot ko kay Lara at tumango-tango lang siya.
Mas napapadalas na rin iyong pag-tambay namin ni Lara sa school kapag may break kami at hindi gaya noon na mas pinipili nalang namin na lumabas dahil wala rin naman kaming nakakausap na iba dito. May mangilan-ngilan na rin kasing kumakausap sakin. Hindi ko alam kung dahil ba alam nilang kaibigan ko si Micko kaya lang nila ako kinakausap, but I admit... Masarap sa pakiramdam na may iba nang kumakausap sakin.
I feel like they're finally acknowledging my presence.
It's weird at first because I'm not used to it yet, but I know that I'll get used to it soon...
It's like finally, I'm experiencing a normal teen life... Kahit na it's late, dahil almost 21 years old na ako, but still. Ang sarap lang sa pakiramdam to have a normal life kahit na ilang oras lang. Because right after the class ends, I have to go back to become the breadwinner of my family.
Nagpaalam sandali si Lara dahil tumawag si Aero at gustong makipag-kita sakaniya. Naiwan akong mag-isa sa lamesa namin. Marami-rami ring tao sa cafeteria at iyong iba kumakain at iyong iba nakikipag-kwentuhan lang sa mga kaibigan nila.
After I finished eating my cupcakes, umalis ako sa cafetiria dahil medyo dumadami na iyong dumadating na tao at medyo maingay na. Hindi naman masyadong mainit ngayon sa labas kaya mas pinili ko nalang na tumambay sa field at umupo ako sa bleacher kung saan malapit sa building nila Micko.
Mula sa pwesto ko, tanaw na tanaw ko iyong building nila Micko. I pursed my lips together to suppress the smile that was coming out of my lips.
He's too good to be true, honestly... I doubted his nice gestures towards me dahil akala ko may iba siyang goal sakin, but it turns out, na mabait lang talaga sya.
Nag-advance reading nalang ako habang nagpapalipas oras at hinahantay si Lara dahil wala naman akong ibang pwedeng gawin. Ayaw ko namang lumabas dahil wala sakin iyong sasakyan namin ni Lara dahil dala niya iyon noong umalis siya kanina.
I was busy reading my lectures nang biglang may lumapit sa pwesto ko. Agad akong napatingin sa harapan ko. There are 3 girls standing right in front of me with a wide grin on their lips.
"May kailangan kayo?" tanong ko habang nakangiti sakanila. Sobrang ganda nilang tatlo lalo na iyong nasa gitna.
Her long golden-brown hair is perfectly curled at the end. Her face is so small and beautiful. Her skin looks radiant and smooth. She looks like a model from a fashion magazine!
Hindi ko napansin na masyado na pala akong nakatulala sakaniya dahil na-amaze talaga ako sa ganda niya. Ngayon ko lang sya nakita at sobrang ganda niya talaga.
"Honey, you've been staring at me too much... I know, I'm pretty, but you don't have to be so obvious na sobra kang nagaganda sakin," she said in between her sarcastic laugh and the two girls at her back snickering.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Kumunot lang iyong noo ko habang nakatingin sakanila.
Tumaas iyong isa niyang kilay habang mataray na nakatingin sakin. Nasa magkabilang beywang niya ang kamay niya habang nakatayo sa harapan ko.
"Why are you leeching on Micko? What's your purpose?" She scoffed. "Alam na alam ko 'yang takbo nang utak nang mga babaeng kagaya mo. You just want to get close to him because you want his money and power... If I were you, I would stop talking to Micko and just back off." pang-iinsulto niya sakin at agad na sumang-ayon iyong dalawang babaeng kasama niya habang tumatawa nang nakakainis.
I heaved a deep breath.
Ayaw kong nakikipag-away, pero sobra na iyong pang-iinsulto niya sakin lalo pa't hindi naman niya ako kilala.
Tinignan ko siya nang diretso sa mata bago ngumisi. I saw how her brows furrowed and got annoyed at what I did.
"Alam na alam mo? Bakit? Gawain mo siguro iyon kaya alam mo." I scoffed, and I saw her nose flare in annoyance.
"What the hell did you just say?! Do you even know me, bitch?" sigaw niya sakin kaya napatingin iyong ibang istudyante na malapit samin. She took another step forward to taunt me.
Nag-buntong hininga nalang ako bago sandaling napapikit. Tatayo na sana ako para umalis nalang pero tinulak niya ako sa noo gamit ang hintuturo niya kaya napaupo ako ulit.
"Don't you dare mess with me... Hindi mo alam kung sinong kinakalaban mo." She hissed. Her face turns red in anger.
Iyong kaninang ina-admire ko ay nawala. She's pretty on the outside, but she's rotten on the inside.
Maganda nga siya pero iyong ugali niya sobrang panget. Wala naman akong ginagawa sakaniya pero kung maka-asta siya akal mo kilalang kilala na niya ako.
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Kaibigan ko si Micko at wala akong ibang balak sakaniya." paliwanag ko para matapos na 'to. Akala ko titigil na siya pero tumawa lang sya dahil sa sinabi ko.
Maraming napapatigil sa paglalakad at tumitingin sa bleacher kung nasaan kami...
Am I really getting bullied during my last year in school? Seriously... I just want to graduate and live my life.
"Hindi basta-basta nakikipag kaibigan si Micko. Lalo na sa mga kagaya mo na low-class..." sabi niya at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na parang na-judge na niya iyong buong pagkatao ko.
I just let her blabber anything that she wanted to say. Hindi ako makapaniwala na kaibigan siya ni Micko. Micko is just too nice, and I can't imagine him being friends with this woman.
"Tapos ka na ba? Pwede na ba akong umalis?" I sarcastically said. Her eyes widened and her lips parted because of what I just uttered.
Mas mabuti pang umalis nalang ako at hayaan siya. Ayaw ko nang gulo kaya mas mabuti pang ako nalang ang umiwas.
Kinuha ko iyong mga gamit ko at saka tumayo. Tinalikuran ko na sila para umalis, pero nagulat ako nang hilain niya iyong buhok ko, kaya muntik na akong matumba.
"I'm not done with you, bitch!" she screamed while pulling my hair.
"Bitawan mo nga ako! Ano ba!" sigaw ko at pilit na tinatanggal iyong pagkasabunot niya sakin. Iyong dalawang babaeng kasama niya ay nakatingin lang sakin habang tumatawa at ine-enjoy ang panonood habang sinasabunutan ako nang kaibigan nila.
"This is what you get for turning your back at me when I'm not done with you!" she exclaimed while continuing to pull my hair. Pakiramdam ko matatanggal iyong buhok ko sa lakas nang pagkakasabunot niya sakin.
Madaming nakakakita sa ginagawa niya sakin pero ni isa walang lumapit samin para umawat. Naiiyak na ako sa sakit.
Iniharap niya ako sakaniya at sinampal nang malakas. Naramdaman ko iyong mahahabang kuko niya na kumalmot sa pisngi ko. Tinulak niya ako nang malakas kaya napahiga ako sa sahig at agad siyang pumaibabaw sakin.
"Sino ka ba at ano bang ginawa ko sayo! Bitawan mo ako sabi!" sigaw ko pero paulit-ulit lang niya akong pinagsasampal hanggang sa maramdaman ko iyong lasang metal sa labi ko. Dumudugo na iyong labi ko at pulang pula na iyong pisngi ko dahil sa kalmot.
Pinisil niya iyong mukha ko bago tinignan nang diretso sa mata. Sobrang sakit nang pisngi ko dahil sa pagkakapisil niya.
"I'm Scarlet and I am Micko's girlfriend. So, take my advice while I'm being nice and don't show your face in front of us again!" She shouted at me.
Binitiwan na niya iyong pagkakahawak niya sa pisngi ko bago umalis sa ibabaw ko. She glared at me one more time before leaving me lying on the ground.
Kusang tumulo iyong mga luha sa mata ko.
Things like this will happen whenever I think I'm starting to feel happier again. Everything went downhill fast.
I had just begun to enjoy my life when it was abruptly ruined by someone or something. I no longer believe I am deserving of a happy life...
It's just so depressing...
Parang ang hirap-hirap maging masaya sa buhay na mayroon ako.
Kinuha ko iyong mga nagkalat na gamit ko sa sahig at naglakad palayo. Maraming nakatingin sakin pero ni isa walang tumulong sakin... Ganito ba talaga dito? Harap-harapan na akong sinasaktan pero parang wala silang mga puso at pinanood lang nila akong mabugbog ni Scarlet?
Dumiretso ako sa washroom at inayos iyong mukha at buhok ko. Gulo-gulo iyong buong buhok ko at sobrang pula nang pisngi ko. Nagdudugo pa iyong labi ko.
Nagkulong ako sa isang cubicle at saka umiyak nang umiyak.
Wala namang akong magagawa dahil ano bang laban ko? Halata naman sa itsura ni Scarlet na nanggaling siya sa makapangyarihang pamilya. At isa pa... girlfriend siya ni Micko.
Kaya mas doble iyong sakit na nararamdaman ko.
Sana sinabi sakin ni Micko na may girlfriend pala siya para dumistansya ako sakaniya.
Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang itago sakin iyon... E'di sana naiwasan ko pang makaaway si Scarlet.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak sa loob nang cubicle. Naramdaman ko nalang na nagba-vibrate iyong cellphone ko at nakita kong tumatawag si Lara.
I rejected her call and composed a message for her that I went home.
Hindi ako pwedeng humarap sakaniya nang ganito iyong itsura ko. Sigurado akong susugurin noon si Scarlet. Wala kasing inuurungan iyong si Lara. Lahat aawayin non lalo na kapag inaaway iyong mga malalapit sakaniya.
I fixed myself before I went outside. Sobrang sakit nang pisngi ko at ramdam ko na magpapasa ito bukas. Hihiramin ko nalang iyong concealer ni Jella para takpan iyong mga pasa ko.
May ibang tumitingin pa rin sakin. Parang dati lang kahit isa walang pumapansin sakin pero ngayon parang lahat ng attention nila nakatuon sakin...
Mali ba na nakipag-kaibigan ako kay Micko?
Malapit na akong makalabas sa gate ng school nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Sandali akong tumigil sa paglalakad at nakita ko si Micko na tumatakbo palapit sakin.
Automatic na bumilis iyong tibok nang puso ko.
Agad kong naisip iyong sinabi ni Scarlet. I know she will bully me again if she finds out that I am still talking to Micko. Pero anong gagawin ko? May kontrata ako kay Micko at hindi ko naman siya pwedeng taguan nalang dahil kailangan ko iyong pera na ibabayad niya sakin.
Baka tama nga si Scarlet... Pera lang ang habol ko kay Micko.
Baka nga ginagamit ko lang si Micko... pero bakit ganito iyong nararamdaman ko? Bakit parang ang sakit na isipin na lalayuan ko si Micko.
Nakangiti si Micko habang tumatakbo papunta sakin. Nagsimulang mag-tubig iyong mata ko kaya bago pa siya makalapit sakin ay agad na akong naglakad paalis.
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro