Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

KINAUMAGAHAN AY tirik na tirik na ulit ang araw na parang hindi umulan buong magdamag. Nag-check out kami agad ni Micko sa Motel para umuwi na. Siguradong nag-aalala na sila Mama sakin, pero nai-text ko pa naman sila kagabi at sinabing okay naman ako at h'wag na silang mag-alala pa sakin.

Dumaan rin muna si Micko sa drive thru para bumili nang breakfast at coffee namin. Sa parking lot nalang ulit kami kumain para hindi na kami matagalan sa pag-uwi.

Ayaw ko nga ring masyadong lumapit sakanya simula pagka-gising ko dahil naco-conscious ako at hindi pa ako nakakapag-toothbrush simula kahapon. Hindi pa rin ako nakakaligo kaya pakiramdam ko ang baho at dumi ko na. Mabuti nalang at natuyo na iyong bra at dress ko kahapon kaya iyon na ang suot ko ngayon at mukha na ulit akong disenteng tignan. Samantalang siya, parang kahit isang liggo hindi maligo e mukha pa rin siyang fresh.

Ang unfair lang!

Wala naman nangyari samin kagabi – hindi sa nag-eexpect ako or what, pero natulog lang kaming magkatabi paglipat namin sa kwarto niya and he spooned me until the morning shines... And when I open my eyes, I am back in my reality.

This is the second time that I stayed with him from dusk to dawn... but I also know that I'm only with him because of my job and nothing else more.

I shouldn't expect more. Because this is nothing but a stripper–customer relationship. I am getting paid to do everything that he wants, and I should know that there is a line between us that separates his world from my world.

He is out of my league and he is unreachable...

Hindi dapat ako umasa sa bawat kilos na ginagawa niya sakin. Hindi ko dapat bigyan nang ibang kahulugan iyong mga sinasabi niya sakin.

"Salamat ulit sa paghatid, Micko." sabi ko sakaniya nang tumigil siya sa kanto.

Kitang-kita ko ulit iyong mga mata nang mga kapitbahay namin na nakamasid at tanaw samin. Minsan nagtataka ako kung wala ba silang pinagkaka-abalahan sa buhay kaya ang dami nilang time para maki-chismis sa buhay nang iba.

"No problem. I really had fun yesterday," he replied. I gave him one last smile before taking off my seatbelt.

I was going to open my door when he stopped me by grabbing my arm. Napalingon ako ulit sakaniya.

Ilang beses bumukas iyong bibig niya na parang may sasabihin pa siya sakin pero hindi niya matuloy-tuloy.

"Ingat ka sa pag-uwi." sabi ko nalang bago ako tuluyang lumabas nang sasakyan niya. Hindi ko na siya hinintay na makaalis at naglakad na ako pauwi ng bahay.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad kahit na ramdam ko iyong mga mapanghusga nilang tingin sakin.

"Hoy Lindsey! Jowa mo ba 'yon? Mukhang naka-bingwit ka nang mayaman, ha!" sigaw ni Joana – isa sa mga chismosa naming kapitbahay.

"Oo nga! Ang gara nang sasakyan, e! Halatang mamahalin," dagdag pa ni Jena – kapatid niya na dakilang chismosa rin sa barangay namin.

Hindi ko na sana sila papansin kaya lang ay nilapitan nila ako at hinawakan sa braso para pigilan sa paglalakad.

"May kapatid ba iyon? Pakilala mo naman ako! Para naman hindi lang kayo ang makaahon sa hirap. Share your blessing kumbaga," sabi ni Joana at saka sila tumawang magkapatid.

Ang daming time maki-chismis nang magkapatid na 'to. 'E, kung nag-hahanap nalang sana sila nang trabaho at hindi palaging tambay para chumismi sa labas e'di sana natutulungan pa nila iyong nanay nila na nagpapakapagod maglako nang kakanin.

Napabuntong hininga ako bago sila nginitian at tinanggal iyong pagkakahawak sa braso ko.

"Hindi ko boyfriend si Micko. Magkaibigan lang kami." sagot ko sakanila. Tatalikod na sana ako kaya lang hinawakan nila ako ulit sa braso at humarang pa si Jena sa harapan ko.

"Micko pala ang pangalan non... Pakilala mo naman ako. Ako nalang ang jojowa don! Pangalan palang yummy na,"sabi ni Joana at sabay hagikgik na parang kinikilig na agad sa naiisip niya.

"Hoy Ate! Ako nalang ang jojowa kay Micko! May ka videochat ka nang taga America, e!" pag-kontra ni Jena sa kapatid niya at nagsimula na silang magbangayan na dalawa kaya kinuha ko na iyong chance para makaalis at iwan sila doon.

Napailing nalang ako dahil sa mga sinasabi nila.

Pagpasok ko sa bahay ay agad akong nilapitan ni Mama at niyakap.

"Kumain ka na ba?" Mama asked after she hugged me. Hinalikan ko siya sa pisngi at tumango.

"Opo, Ma. Kumain na po ako." sagot ko. Pinuntahan ko si Papa at hinalikan rin sa pisngi.

"Sino iyong kasama mo kahapon at bakit napadpad kayo sa Laguna?" tanong ni Papa. Napalingon ako kay Jella. Hindi pala sianbi ni Jella kila Mama kung bakit ako umalis kahapon.

Nagpawis iyong palad ko dahil sa tanong ni Papa at bumilis iyong tibok nang puso ko dahil sa kaba. I bit my lower lip.

"A-Ahh... Si Lara po kasama ko Pa. May pinuntahan lang po kami roon," pagsisinungaling ko kay Papa.

"Magpapahinga po muna ako sandali," mabilis na paalam ko bago ako pumasok ng kwarto.

Ang lakas nang tibok nang puso ko dahil sa kaba. Nakita kong pumasok si Jella sa kwarto namin habang kumukuha ako nang pamalit na damit para makaligo ako.

"Bakit hindi mo sinabi kila Papa na nakipag-date ka kahapon Ate?"

"Hindi na kailangan... Hindi naman date iyong kahapon." sagot ko sakaniya at bahagya siyang nginitian.

Tinignan lang ako ni Jella at alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Hindi na ako nagsalita ulit at lumabas na ako nang kwarto para maligo.

Buong maghapon kong iniwasan si Jella dahil alam kong nagdududa na siya dahil sa sinabi ko at ayaw kong magtanong siya sakin dahil baka masabi ko pa sakaniya ang tungkol kay Micko tapos malalaman niya iyong tunay na trabaho ko at ayaw kong mangyari iyon...

Ayaw kong malaman niya kung anong klaseng trabaho meron ang Ate niya... Kilala ko si Jella, at alam kong kapag nalaman niya ang pagiging stripper ko ay sasabihin niya agad iyon kay Mama para patigilin ako at hindi pwede mangyari iyon.

Hindi pa siya nakakapag tapos nang college at hindi pa magaling na magaling si Papa kaya hindi ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho.

Hindi ko pa nababalik ang buhay na meron kami kaya hindi ako pwedeng tumigil...

***

"Lindsey," pagtawag ni Miss Sweety sakin.

"Yes po, Miss Sweety?"

"Just help Marv with the drinks tonight." sabi ni Miss Sweety sakin.

Gusto ko sanang hilingin kung pwede ba akong sumama sa booking ni Lara mamaya dahil kailangan ko nang extra kita para sa pambayad ko kay Jayden.

Hindi ko naman natanong si Micko kahapon dahil unang-una nahihiya ako at pangalawa, nawala sa isip ko iyong tungkol sa utang ko kay Jayden dahil masyado akong nag-enjoy sa EK kahapon.

Nginitian ko nalang si Miss Sweety bago tumango. Simula nang magka-kontrata ako kay Micko ay hindi na ako binibigyan nang ibang customer ni Miss Sweety. Hindi ko alam kung request ba iyon ni Micko o talagang ganon lang kapag nagiging Personal Stripper ka nang isang customer.

"Ano na? Natanong mo na ba si Micko?" tanong ni Lara habang nakaupo sa isang stool sa tapat ng bar counter.

I sighed deeply. "Hindi pa," sagot ko.

I saw her rolled her eyes at me – sana lang talaga hindi mamana nang anak niya iyong madalas na pag-irap niya.

"Puro ka irap dyan. Pag ikaw nahipan nang masamang hangin tignan mo," sabi ko sakaniya nang natatawa. Inirapan lang niya ulit ako habang naka-crossed arms.

"Ang arte mo naman kasi! Hihingin mo lang naman nang advance iyong bayad sayo at hindi ka naman mangungutang," mataray na sabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit kami nagkakasundo ni Lara kahit na puro pagtataray ang ginagawa sakin.

"Hindi naman kasi ganon kadali iyon..."

"Gusto mo ba samahan pa kita na kausapin si Micko? Kaysa naman maya't maya ka namomroblema dyan kung pano mo babayaran iyong 50 thousand na utang mo kay Jayden,"

Agad akong umiling. "Hindi na... Kaya ko naman mag-isa. Ayaw ko lang na isipin niya na masyado kong inaabuso porket mabait iyong pakikitungo niya sakin," sabi ko.

Umirap ulit si Lara bago ininom iyong alak na nasa harapan niya. "Hay nako, Lindsey! Ikaw ang bahala. Basta sinasabi ko sayo na may mahigit dalawang linggo ka nalang para bayaran iyang Jayden na iyan." sabi niya bago umalis.

Alam ko namang concern lang si Lara para sakin dahil sakaniya ko sinasabi lahat ng problema ko at alam niyang nai-stress na rin ako sa kaiisip kung saan ako kukuha nang pera.

Natapos ang gabi na nag-serve lang ako nang mga drinks sa bar counter. Mabuti nalang may iba na nagbigay nang tip sakin dahil nagustuhan nila iyong mga alak na ni-recommend ko.

Ilang araw pa ang nagdaan na puro ganon lang ang ginawa kong trabaho. Hindi naman ako nagre-reklamo, dahil kung ako ang tatanungin mas gusto ko nalang magtrabaho kasama si Marv kaysa maging stripper pero alam kong hindi sapat iyong sahod ko roon para sa pampagamot ni Papa.

Mas malaki pa rin kasi talaga ang kinikita ko sa pagiging stripper kumpara sa pag ba-bartender.

After namin mag EK ni Micko ay hindi ko pa siya nakita ulit. Hanggang sa matapos ang sem-break at start na ulit nang pasukan ay hindi ko na siya nakita o nakausap.

Hindi rin naman niya ako tinawagan kung may gusto siyang ipagawa sakin kahit na may kontrata pa rin ako sakaniya. Iniisip ko lang na sana huwag nyang bawasan iyong ibabayad niya sakin dahil isang beses palang ako nagtrabaho para sakaniya.

"Kamusta na kayo ni Aero?" tanong ko kay Lara habang nagda-drive siya.

"Okay naman kami. Kaya lang minsan bigla nalang hindi nagpaparamdam," sagot niya.

Papasok na kami sa school at excited na akong gumraduate para maabot ko na iyong pangarap ko para sa sarili ko!

Pareho kaming HRM student ni Lara. At ngayong last semester na namin ay kailangan na naming mag-OJT or internship sa Hotel, Restaurants, Resorts or Event management companies.

Hindi pa nga lang ako makapag-decide kung sa Restaurant ba ako mago-OJT o sa Hotel. Kung para sa sarili ko lang ang iintindihin ko ay siguradong sa Restaurant ko pipiliin dahil pangarap kong magkaroon nang sariling Restaurant. Pero... gusto ko rin sana sa Hotel mag internship dahil iyon ang ninakaw kay Papa at gustong-gusto kong maibalik iyong pinaghirapan ni Papa. Siguradong matutuwa siya kapag nalaman niyang sa isang 5-star Hotel ako pumapasok.

Pagdating namin ni Lara ay dire-diretso lang kami hanggang makarating kami sa classroom. Kami-kami pa rin naman ang magkaka-klase. And as usual, wala namang kumakausap samin kung anong ginawa namin sa 2 weeks na bakasyon namin.

Para lang kaming hangin ni Lara sa paningin nila... Hindi pinapansin at hindi kinakausap.

Maaga pa naman bago magsimula ang klase kaya lumabas muna ako para mag-washroom sandali.

Habang naglalakad ako papuntang washroom ay hindi ko maiwasang hindi tumingin-tingin sa paligid ko at umaasang makita si Micko kahit na malabong mangyari dahil sa kabila pa iyong building nila.

Hanggang makarating ako sa washroom ay hindi ko nakita si Micko. Naglalakad na ako pabalik nang classroom nang mag-vibrate iyong cellphone ko. Agad kong kinuha iyong cellphone ko para tignan kung sinong tumatawag, pero agad akong sumimangot nang makitang si Jayden lang pala.

Nakatitig lang ako sa screen nang cellphone ko hanggang sa matapos iyong pagtawag niya. Napabuntong-hininga ako bago ibinalik sa bulsa iyong cellphone ko.

"Why are you ignoring my text, my sweet Lindsey? Are you planning on running away from me?" para akong na-estatwa nang marinig ko iyong boses ni Jayden sa likuran ko.

Dahan-dahan akong lumingon para siguraduhin kung si Jayden nga ba iyong narinig ko at tama nga ako nang makita ko sya sa likuran ko.

He really is here at our school! And he is standing in front of me with a smug look on his face while both his hands are inside his pocket.

WHATYASEY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro