Chapter 10
"TIGIL MUNA kaya tayo sa tabi. Sobrang lakas na ng ulan, e." nag-aalalang sabi ko kay Micko.
Bigla bumuhos iyong ulan habang papauwi na kami. Hindi ko na masyadong makita iyong kalsada sa labas sa sobrang lakas ng ulan at hangin. Nag-aalala ako, madilim na at delikadong buma-byahe pa kami ni Micko ng ganito.
"Are you sure? Aren't your parents going to be worried that you're not home yet?" sabi niya habang diretso lang ang tingin sa kalsada. Hindi ko alam kung nasaan na ba kami banda.
"Ite-text ko nalang sila. Mas mabuti pang tumigil muna tayo dahil delikadong bumyahe pa tayo ng ganito kalakas ang ulan." sagot ko sakaniya, kaya nang may madaanan kaming convenient store ay doon muna pumasok si Micko para mag-park.
Rinig na rinig iyong bawat pag-patak ng ulan sa bubong ng sasakyan ni Micko. Sobrang lakas at walang tigil. Tapos may kaunting kidlat pa, kaya mas nakakatakot bumyahe.
Hindi naman ako takot sa kulog at kidlat, pero natatakot ako dahil baka ma-aksidente pa kami kapag nag patuloy pa kami sa pagbyahe.
Umalis sandali si Micko para bumili ng makakain namin. Hindi kasi kami nakakain sa EK kanina, mas gusto naming sumakay sa mga rides kaya ngayon gutom na gutom kami.
Pagbalik niya ay may bitbit siyang dalawang plastic bag. Agad ko siyang inabutan ng towel dahil nabasa siya ng ulan. Tumakbo lang kasi siya palabas dahil wala naman kaming dalang payong.
"Thanks," sabi niya nang abutin niya iyong towel at nagpunas ng katawan.
Ang dami nyang biniling pagkain. May sandwich, tubig, snacks at kung ano-ano pa.
"Sana tumigil na iyong ulan," sabi ko habang kinakain iyong ham and cheese sandwich na binili niya.
"I really hope so... Your parents might be really worried about you," sagot niya kaya napalingon ako sa gawi niya at bahagya siyang nginitian.
Natapos na kaming kumain ni Micko, hindi pa rin tumitigil iyong ulan. Parang mas lumakas pa nga lalo dahil maya't-maya na rin ang pagkidlat at malakas na kulog.
Micko lend me his phone, dahil wala na akong load at hindi ko matext sila Mama. He made me call my parents, kaya wala akong nagawa, mukhang mas nag-aalala pa siya kaysa kila Mama.
"Hello, Ma? Si Lindsey po 'to," I said when Mama answered my call. Halos 10 PM na ng gabi at alam kong nag-aalala na sila Mama. Alam rin kasi nila na wala akong pasok ngayon. Hindi ko rin alam kung sinabi ba ni Jella iyong tungkol sa "date" ko with Micko – gaya nang nasa isip niya kanina.
"Lindsey anak hindi ka pa ba uuwi? Ang lakas ng ulan," Mama said worriedly.
"Pauwi na po kami Ma, pero sobrang lakas po nang ulan kaya tumigil muna kami sandali dahil hindi na rin po namin makita iyong daan," paliwanag ko. Narinig ko iyong pag-buntong hininga niya.
"Basta mag-iingat ka at tawagan mo kami kung nasaan na kayo, ha. Mas mabuti pa na h'wag na kayong bumyahe dahil delikado ang daan." Mama said. Mabuti nalang at hindi na rin siya nagtanong kung sino ang kasama ko dahil parang hindi ko rin masasagot kung magtatanong si Mama sakin tungkol kay Micko dahil kanina pa nakamasid sakin si Micko.
Nagpaalam na rin ako kay Mama at sinabing babalitaan ko sila mamaya kapag medyo tumila na ang ulan.
Ibinalik ko na iyong cellphone ni Micko at nagpasalamat sakaniya. Sinabi ko rin iyong sinabi ni Mama na hintayin muna naming tumila iyong ulan bago kami bumyahe pauwi.
Micko was engrossed in his phone while I gazed out the window of his car. We've been here for an hour and the rain still won't stop.
"Lindsey?" tawag ni Micko sakin kaya napaayos ako nang upo bago humarap sakaniya.
"Bakit?"
"Gusto mo bang mag-motel nalang tayo?" sabi niya at agad na nanuyo iyong lalamunan ko dahil sa narinig ko. Napansin yata niya iyong reaksyon ko kaya agad siyang nagpaliwanag.
"I mean, it's better to stay in a motel than here, right? Baka rin kasi maubusan tayo ng gas kakahintay sa pagtila nang ulan. I've searched on the internet and the nearest motel here is just 10 minutes away." Tuloy-tuloy na paliwanag niya. Pinakita rin niya sakin iyong motel na nahanap niya na malapit lang sa lugar kung nasaan kami ngayon.
"Okay..." sagot ko sakaniya. Delikado rin na nandito lang kami sa sasakyan at baka maubusan rin siya ng gas at baka mas lalo kaming ma-stuck dito.
"Okay?" pag-ulit niya nang may ngiti sa labi. Nginitian ko siya bago tumango.
Nag-GPS nalang kami ni Micko para hindi kami maligaw lalo pa't hindi namin gaanong makita ang daan. Sobrang bagal lang mag-drive ni Micko dahil iyong 10 minutes na layo ay naging 20 minutes dahil sobrang ingat niya sa pagmamaneho.
Pag dating namin sa Motel ay para akong nakahinga nang maluwag. Hindi ko lang pinapahalata kay Micko, pero kanina pa ako kinakabahan kapag kumikidlat at kumukulog nang malakas.
"Uhm..." alangan na sabi ko nang mag-park si Micko. Naka-tshirt at boxers lang ako at nahihiya akong lumabas nang ganito lang ang suot ko.
Basa pa rin kasi iyong bra at dress ko.
Kung siguro sa Btch Valley ay nagagawa kong mag-strip na parang walang pakealam pero nagagawa ko lang iyon dahil trabaho ko iyon at kailangan... Pero kapag ganito na papasok pa kami nang Motel parang hindi ko kayang lumabas nang ganito lang ang suot ko.
"You can wear this," Micko said nang hubarin niya iyong suot niyang hoodie kanina nang bumili siya nang pagkain namin.
"Paano ka?"
"I'm good. Don't worry about me," sabi niya at saka iniabot iyong hoodie niya sakin.
Parang nanliliit ako habang suot ko iyong damit ni Micko. Iyong hoodie niya parang naging dress ulit sakin dahil sa laki. O talagang malaki lang kasi iyong built nang katawan niya. His chest and biceps were well-developed, and I know that he has a six pack abs dahil nahawakan ko na rin iyon noon.
Tumakbo lang kami pag-pasok ng Motel. Wala naman masyadong tao sa lobby at may dalawang staff lang sa reception area. Hindi kalakihan itong Motel at parang luma na rin pero okay na ito kaysa naman nasa labas lang kami buong gabi.
"Good evening Sir, Ma'am." The female receptionist greeted us with a smile. Iyong lalaking kasama nya ay napatingin sa suot ko kaya napayuko ako habang hinahatak iyong hoodie na parang matatakpan ko pa lalo iyong binti ko.
Naiilang ako sa paraan nang pagtitig niya sakin kaya nagtago ako sa likuran ni Micko. Hindi na bago sakin iyong mga ganitong lalaki na akala mo ngayon lang nakakita nang binti nang babae kung makatingin. Marami-rami na rin akong na-encounter na manyak at bastos sa Btch Valley pero mabuti nalang at agad na pinapalis ni Miss Sweety kapag nagsumbong ka sakaniya.
"Hi. Can we have two rooms please..." Micko said to the woman.
Marami-rami kasing nakapark sa parking lot kanina. Marami sigurong tumigil rin dito dahil sa lakas nang ulan.
I noticed how the woman's grin widened as she flirted with Micko. She even batted her lashes and stroked her well-combed hair. May ginawa siya sa computer niya bago humarap kay Micko at sinabing may dalawang room pa na available kaya mas lumawak pa lalo iyong ngisi niya.
"Thank you," Micko simply said to the woman before taking our room keys. Nginitian ko lang nang tipid iyong babae bago sumunod kay Micko.
Tahimik lang ako hanggang sa makasakay kami nang elevator at makarating sa kwarto namin.
Micko handed me the key to my room, he inquired. "Are you sure you'll be fine there by yourself?"
I smiled and nodded. "Oo naman..."
Hindi naman ako natatakot o naniniwala sa mga multo kahit pa sobrang dilim at luma na nitong Motel na pinuntahan namin. At saka kapag sumigaw naman ako ay maririnig naman ako agad ni Micko dahil nasa kabilang kwarto lang naman siya.
"You can knock at my door if you need something,"
"Okay..." I replied. I smiled at him before going into my room.
The room is small. As in pagka-pasok mo ay kama agad at may maliit na washroom lang sa sulok. May TV at maliit na lamesa rin sa gilid.
Hindi ko alam, pero bigla akong nilamig. Dahil siguro sa suot ko kaya nagtataasan iyong mga balahibo sa katawan ko.
Humiga nalang ako sa kama at saka nagkumot dahil nilalamig ako. Wala naman kasi akong pamalit na damit. Kung alam ko lang san ana dadalhin ako ni Micko sa EK ngayon e'di sana nagdala ako nang extrang mga damit. Pero sobrang nag-enjoy talaga ako ngayong araw... Kahit pa umulan nang malakas, pero mas nangingibabaw pa rin iyong saya na nararamdaman ko.
Gusto ko sanang katukin si Micko para hiramin iyong cellphone niya kaya lang naisip ko baka natutulog na siya. Maghapon kasi siyang nagdrive.
I tried to sleep but I couldn't... Para akong namamahay bigla o masyado lang akong napa-praning sa paligid ko. Ang dilim kasi tapos ang lamig pa kahit na wala namang aircon.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal bumabalikwas sa kama, pero hindi pa rin ako inaantok. Nakatanggap ako nang text kay Jella kanina at sinabing mag-ingat ako at mas mabuti pang huwag bumyahe kapag malakas pa rin ang ulan. Hindi ko nga lang siya mareplyan dahil wala akong load.
Bumangon ako sa kama at binuksan ko iyong tv para manood kaya lang wala rin akong magustuhan na palabas.
Mag-aalas dose na, pero gising na gising pa rin ako.
Humiga nalang ako sa kama ulit, pero halos mapasigaw ako sa gulat nang may narinig akong ingay galing sa Cr. Sobrang lakas nang kabog nang dibdib ko dahil sa gulat!
Nagtalukbong ako nang kumot, pero para pa rin akong aatakihin sa puso dahil sa lakas nang tibok nng puso ko! Hindi ako naniniwala sa multo o kung ano man, pero bakit naman kasi biglang may ganong ingay doon!
I was praying under my blanket when I heard a loud knock at my door, which caused me to scream. I was trembling with fear.
Sino ba iyong biglang kumakatok nang ganitong oras?!
"Lindsey! Are you okay?!" I heard Micko while knocking. Agad akong tumayo at halos patakbong binuksan iyong pintuan.
I immediately hugged Micko.
"Hey, what's going on?" He said softly as he hugged me back.
Hindi ako makapagsalita dahil sa takot! Akala ko talaga kung sino na iyong biglang kumatok sa pintuan ko! Bakit naman kasi gising pa si Micko tapos ngayon lang ako pinuntahan kung kailan alas dose na!
Natakot ako akala ko iyong lalaki kanina iyong biglang kumatok, e!
"S-Sorry..." sabi ko nang humiwalay ako nang yakap sakaniya.
He cupped my face in his hands and forced me to look at him. "Tell me what's wrong, Lindsey," he worriedly asked. His brows furrowed together as he looked at me softly.
Umiling ako. "Akala ko kasi kung sino iyong kumatok..."
"Then why are you shaking in fear? Did someone barge into your room? Tell me." madiin na sabi niya.
"Hindi... May bigla kasi akong narinig na ingay galing sa washroom kanina kaya natakot ako tapos saktong kumatok ka kaya akala ko kung ano na," paliwanag ko at nakita kong medyo kumalma na iyong itsura niya.
Micko went to my bathroom to check kung ano iyong ingay na narinig ko, sabi niya, wala naman raw nahulog or anything.
"Doon ka nalang sa kwarto ko matulog," sabi niya.
"Hindi na. Okay lang ako dito. Baka namali lang ako nang rinig," sabi ko at bahagya siyang nginitian.
Micko sighed deeply before holding my hand. "You don't look okay to me. Let's go," sabi niya bago ako hinila papunta sa kwarto niya.
Iisa lang iyong kama at single bed pa kaya imposibleng magkasya kami doon.
"Micko okay lang—"
"Just think of this as part of your job for me, okay?" Seryosong sabi niya. Hindi na ako nagsalita pa ulit.
And just like that... I was brought back to reality, realizing that everything that had happened today had been a dream. A fantasy that will never come true.
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro