Chapter 09
"PASOK NA tayo sa loob ng sasakyan mo," sabi ko. Sandaling kumunot iyong noo niya bago niya napansin iyong mga tao sa paligid namin. Ang lakas nilang mag bulungan na parang wala silang pakealam na naririnig namin sila ni Micko.
Sabagay... noong nalaman nila na may kaya kami noon e halos buong barangay kami ang pinag-uusapan nila sa araw-araw. Mabuti na nga lang at makalipas ng apat na taon ay tumigil na rin sila. Kaso mukhang ako na naman ang magiging chismis sa barangay dahil kay Micko.
He smiled before nodding his head. "Let's get out of here," he said.
"Saan tayo pupunta?" I asked when he started driving.
He threw me a quick glance. "Enchanted Kingdom," he said, grinning.
"Ha? Bakit doon?" Gulat na tanong ko. Hindi pa ba sya nakakapunta sa Enchanted?
Nawala iyong ngiti sa labi niya at napalitan iyon ng pag-aalala. "You don't like to go to the Enchanted Kingdom?" sabi nya nang mag-pula iyong traffic lights.
"Gusto..." sabi ko at napangiti ulit siya. "Nagtataka lang ako kasi hindi ko in-expect na doon pala tayo pupunta ngayon,"
"I just noticed that you are always too busy working and studying that you needed to do something fun," he uttered before he starts driving again when the light turns green.
I was just quiet the whole ride while looking outside the window. Nahihiya kasi akong lumingon sa gawi ni Micko dahil naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya sakin. Ayaw kong bigyan nang kahulugan iyong mga sinasabi niya at pagtingin niya pero hindi ko maiwasan.
I like what I'm feeling when I'm with him.
It's like I'm inside my own bubble of happiness and I don't want it to stop...
"You are quiet today," Micko commented while we were in the middle of traffic. Inabutan kasi kami ng rush hours.
I turned around to face him, and I saw him staring intently at me. I automatically bit my lower lip – it became my mannerism every time Micko's staring at me. Every time he stares at me, I feel like he is staring at my soul. It is very deep and intense.
"A-Ahh... Wala naman kasi akong sasabihin sayo," sabi ko at pilit na ngumiti. Hindi ako makatingin ng diretso sakaniya dahil para akong matutunaw.
I heard him chuckle. "Aren't you interested in knowing me?" he said, making me look him in the eye in a panic.
"Hindi, a!" mabilis na sagot ko kaya tumawa siya ulit bago marahang pinisil iyong ilong ko. Naipit kasi kami sa traffic kaya ang daming time ni Micko na kausapin ako.
"You're cute," he said before tousling my hair. "And I like to get to know you more, Lindsey," he added while smiling at me.
Umusad na iyong traffic, kaya nagsimula na ulit mag maneho si Micko. I was fidgeting with my fingers. I have never been this nervous! The last time I felt this kind of nervousness was when I first started working as a stripper in Btch Valley.
Pasimple akong sumulyap kay Micko na diretso ang tingin sa daan. How can someone be this good-looking? How come I haven't noticed him at our school when he's this attractive?
Did we ever cross paths in the hallway?
Did he ever notice me in school before?
My mind was flooded with questions that I already knew the answer to. Alam ko namang malabo na napansin na niya ako dati dahil hindi naman ako tumatambay sa school. Niloloko ko lang iyong sarili ko dahil sa mga naiisip ko."
Gusto rin kitang mas makilala pa..." sabi ko pero parang halos pabulong iyong pagkakasabi ko dahil kinakabahan talaga ako.
Sandaling lumingon si Micko sakin. "I didn't get what you said. What was that?" sabi niya.
Huminga muna ako ng malalim bago tumingin ng diretso sakaniya habang seryoso siya sa pagmamaneho.
"Sabi ko gusto rin kitang mas makilala pa, Micko." dire-diretsong saad ko. Napalingon siya ulit sakin at eksaktong nag pula iyong traffic light kaya tumigil siya sa pagmamaneho.
A grin appears on his lips. "Do you really mean that?" he said as he rested his right arm on my seat and moved closer towards me.
I gulped because he was getting closer to me. Tumango ako habang diretso pa rin iyong tingin sakaniya. Mas lumawak iyong ngisi sa labi niya."You just made my day because of what you said." he honestly said, our
faces were just a few inches away from each other. I gulped for the nth time. Parang natuyo na iyong lalamunan ko sa kakalunok dahil sa intense nang pag tingin ni Micko.
Totoo palang nangyayari iyong parang tumigil lahat nang nasa paligid namin at nakatuon lang ang buong atensyon ko kay Micko.
He cupped my face with his free hand. His warm thumb caressed my flushed cheeks. One more move and his lips will touch mine.
I immediately closed my eyes, anticipating his lips to touch mine, but then I felt him kiss me on my forehead instead. I heard his soft chuckle before opening my eyes.
"Let's enjoy the rest of the day, Lindsey." he just said before driving our way to the Enchanted Kingdom.
***
Pag dating namin doon ay medyo madilim na. Mayroon pa kaming mahigit dalawang oras para makapag-ikot-ikot bago magsara ang EK. Medyo marami-raming tao at bata dahil Sabado ngayon.
Kumuha ng map si Micko kanina sa entrance para raw hindi kami maligaw.
Nauna kaming pumila sa Flying Fiesta na akala namin hindi nakakatakot pero parang sumakit agad iyong lalamunan ko dahil sigaw ako nang sigaw habang si Micko naman tinatawanan lang ako. Tapos nanood rin kami sa Rialto tapos sumakay kami Ekstreme Tower Ride at Anchors Away! Mabuti nalang at umikli na ang pila dahil gabi na dahil iyong iba nagsisi-uwian na.
"Drink some water first," Micko said before handing me bottled water.
"Salamat." sabi ko bago uminom ng tubig.
"Do you want to ride the Rio Grande Rapids?" tanong nya at agad akong tumango. He chuckled before holding my hand as we went to the Rio Grande.
Hindi ko mapigilang hindi kiligin dahil nakahawak siya sa kamay ko. Actually, kanina pa niya hinahawakan iyong kamay ko kapag nakasakay na kami sa rides at alam niyang matatakot ako. Noong nakasakay kami sa Anchors Away kanina ay napayakap ako sa braso niya dahil hindi ko naman inakala na nakakatakot pala doon.
Ang tagal na simula nang huling beses akong makapunta dito sa EK. Ang huling natatandaan kong punta namin dito ay kasama ko pa sila Papa dahil nag top 1 ako sa klase namin. Nilibre niya kami at dinala dito para daw premyo dahil mataas iyong mga grado ko.
"Pagod ka na ba? Do you want to rest first?" Micko asked when he noticed that I'm quiet again.
"Ha? Hindi! Okay lang ako. Naalala ko lang dati nang pumunta kami dito nila Papa," sabi ko at mabilis siyang nginitian.
Nakapila na kami sa Rio Grande. Medyo mahaba iyong pila at baka ito na ang huling rides na masakyan namin dahil malapit nang magsara ang EK.
"When was the last time you went out with your family?"
Sandali akong napaisip. "Hmm... Two years ago?" sagot ko at kita ko iyong pagkagulat sa mukha ni Micko. "May naging booking ako noon na anak ng isang mayor at malaki iyong binigay na bayad sakin kaya nilibre ko sila Papa at kumain kami sa labas at binilhan sila ng mga bagong damit." I said with a smile on my lips as I was reminiscing that day.
I could still remember how Papa smiled while watching us eating in an expensive restaurant after years. I bought Mama and Jella new clothes and makeup. Tapos binilhan ko rin si Papa nang bagong damit at sapatos.
The happiness on their faces is something I'll never forget... For the first time in my life, I didn't feel ashamed of my job since I knew I could provide for my family with the money I made as a stripper.
Ang mahalaga sakin ay maayos ang kalagayan nila, hindi man alam ng pamilya ko ang tunay na trabaho ko. I don't give a damn about myself because my first and foremost priority is my family.
Micko didn't say anything else before pulling me in for a hug and planting a kiss on top of my head. Being wrapped around his arms gave me a sense of warmth and satisfaction. I feel safe and... at ease.
I put my head on his chest and listened to his heartbeat.
It was the loveliest sound I'd ever heard.
Naghiwalay lang kami sa pagkakayakap nang tawagin na kami ng staff dahil turn na namin para sumakay.
"Hold on tight," Micko warned while he was holding my hand tightly as if he really didn't want me to let go.
The ride was very fast and bumpy. Halos sakin lahat sumakto nang waterfalls, kaya basang basa ako. But despite being soaked, I had so much fun, and I really enjoyed the ride!
Kung hindi pa siguro magsasarado ang EK baka yayain ko ulit si Micko na sumakay pa ulit sa Rio Grande kaya lang pasarado na ang EK kaya kailangan naming umalis.
Micko and I were both laughing because we were soaking wet – pero mas basang basa ako kumpara sakaniya."
Wala akong pamalit," sabi ko kay Micko pagkarating namin sa parking lot.
Pinagtitinginan kami ng mga taong kasabay namin na naglalakad palabas pero wala kaming pakealam. Mabuti nalang naiwan ko iyong cellphone ko sa sasakyan ni Micko at hindi nabasa dahil baka masira pa. Ang mahal pa naman bumili ng bagong cellphone ngayon.
Pumunta si Micko sa likod ng sasakyan niya at doon kumuha ng mga t-shirt at towel.
"Thank you," sabi ko nang iabot niya sakin iyong isang towel at saka ko tinuyo iyong sarili ko pero basang basa pa rin ako.
"You can wear this." He handed me an oversized white t-shirt and a boxer. "That's a brand-new boxer, don't worry," he said while grinning. Mabuti nalang at madilim na at hindi na halata iyong pag-init nang mga pisngi ko.
"You can change at the back seat." sabi pa niya at sinunod ko iyong sinabi niya.
Pumasok ako sa loob nang sasakyan at doon nag palit ng damit. Basang basa iyong dress na suot ko. Pati bra at panty ko ay basa rin. Sinuot ko iyong binigay na oversized t-shirt ni Micko at boxers. Hindi ko na sinuot iyong bra, dahil basa rin naman. Mabuti nalang at malaki at maluwag naman 'tong t-shirt.
Ang bango nitong t-shirt. Amoy Micko. Para tuloy nakayakap siya sakin dahil naaamoy ko iyong pabango niya sa katawan ko.
Binuksan ko iyong pintuan at tinawag si Micko.
"Tapos na ako. Ikaw naman ang magpalit ng damit." sabi ko pag lingon niya sakin. Bababa na sana ako ng sasakyan niya ng itulak niya ako pabalik sa loob. Medyo nagulat ako dahil sa ginawa niya.
"S-Sorry..." Muntik pa akong maumpog dahil sa pagkakatulak niya. "You can't go outside... wearing that," sabi niya habang pinagmamasdan iyong suot kong t-shirt niya at boxer. Para lang rin naman akong naka-dress dahil malaki talaga iyong t-shirt na binigay niya.
"B-bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Basta. You can now move to the passenger side, but don't go outside the car," utos niya at wala akong nagawa at sundin siya. Dumaan ako sa pagitan ng upuan para makalipat sa pwesto ko sa harapan.
Pumasok si Micko sa backseat para magpalit ng t-shirt dahil iyon lang naman ang nabasa sakaniya.
Sobrang dilim na sa labas kaya kinuha ko muna iyong cellphone ko para i-text si Jella na gagabihin ako at pinaalala ko iyong gamot ni Papa sakaniya.
"Kain muna tayo," sabi ko kay Micko pagsakay niya sa driver's side.
"Aren't your family looking for you now?"
"Bakit gusto mo na ba akong iuwi sa bahay namin?"
"I didn't say that!" mabilis na sagot niya kaya natawa ako.
"Okay... kain muna tayo. Nagutom ako sa ginawa natin, e." I said and he nodded with a smile on his lips before starting to drive.
I can't stop grinning because I'm having so much fun that I feel as if I'm simply dreaming today, and I don't want to wake up...
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro