Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 05

"DIDN'T I told you that I hate people who come in late?" gigil na sabi niya. Parang umurong 'yung dila ko at hindi ako makasagot sakaniya.

Ano bang ira-rason ko sakaniya? Na may gago akong nabangga at gusto niyang bayaran ko sya gamit ang katawan ko – kagaya ng trabaho ko? Pero baka tawanan lang nya ako dahil siya rin mismo binabayaran ako para sa katawan ako... Ano pa nga bang bago.

Ganon naman ang tingin ng lahat sakin dahil sa trabaho ko.

Ramdam ko 'yung pag tutubig ng mga mata ko, pero kinagat ko nalang 'yung pang ibabang labi ko para pigilan 'yung luhang nagbabadyang tumulo.

"I-I'm sorry..." nangininig na sabi ko.

He was clenching his jaw while glaring at me. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatayo lang ako sa harapan niya habang sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Para na akong maiiyak sa sobrang kaba.

Sandali siyang napapikit at napasuklay sya sa kanyang buhok bago siya naglakad papalapit sakin. Tumaas 'yung kanang kamay niya at akala ko ay sasaktan niya ako kaya napapikit ako at hinahantay na dumapo 'yung kamay niya sakin.

Maiintindihan ko kung sasaktan niya ako dahil sa nagawa ko... kasalanan ko naman, e. Alam kong ayaw niyang late akong dadating. He told me that a while ago – repeatedly.

I had my eyes closed, anticipating the impact of his hand on my face, but I was surprised to feel his soft thumb on my cheeks instead. When I opened my eyes, the angry expression on his face had vanished. And I didn't realize I was crying.

"I... I didn't mean to scare you," he said softly, his eyes gentle. His enraged expression has vanished.

Nakatingin lang ako sakaniya na parang hindi makapaniwala. Parang kanina lang galit na galit siya sakin dahil 30 minutes late ako tapos ngayon sobrang amo na ng itsura niya.

"Did you expect me to strike you?" He asked, his voice laced with pain, because I suspected he was about to hit me.

Dahan-dahan akong tumango sakaniya. "A-akala ko sasampalin mo 'ko," sagot ko sakaniya. Sandaling nanlaki 'yung mga mata niya dahil sa sinabi ko, pero agad din 'tong nawala.

"I would never do that,"

Sobrang lapit ng mukha niya sakin kaya kitang kita ko kung gaano siya kagwapo. His chiseled jaw and perfectly sculpted face. His dark eyes were peering into mine. His thick brows and long lashes, his turned-up nose, and those soft, pinkish lips...

"S-sorry..." nahihiyang sagot ko kaya napatungo ako.

Hinawakan niya 'yung baba ko para iangat at tignan ako sa mata. He looks like he regretted how he acted a while ago. He stared at me for a second before he pulled me for a hug.

"M-micko..." I mumbled. While I was wrapped in his arms, I was frozen and couldn't move a muscle.

We didn't do anything after he hugged me. Mabuti nalang at hindi na rin siya nag tanong pa kung bakit ako na-late dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

"Coruba Dark please," sabi ko kay Marv – bartender sa Btch Valley. Pumunta nalang kami sa bar ni Micko. Okay lang naman sakin kung itutuloy ko 'yung trabaho ko sakaniya. I'm professional and I don't put my personal problems sa trabaho ko.

Nag-order rin si Micko ng inumin niya. Wala pa naman gaanong tao dahil maaga-aga pa. May mangilan-ngilan na customer sa loob at nagi-inom lang. Mamaya pa magdadatingan ang ibang customer panigurado.

Mukhang regular bar lang ang Btch Valley kung titignan mo sa labas. Hindi mo aakalain na strip club 'to. Nagsisimulan lang naman ang palabas ng mga strippers pag sapit ng alos dose. Pero kapag mga ganitong oras, regular bar lang talaga 'to. Every weekend, between 12 and 3 AM, ang show ng mga strippers. During the week, the strippers are only available for private bookings and there is no stage performance.

Kagaya ko, private bookings lang ang ginagawa ko, pati na rin si Lara. Kaya minsan nagse-serve nalang kami ng mga drinks kapag wala kaming booking. Minsan, tumutulong rin ako sa bar kasama si Marv.

"Do you like this job?" Micko asked after a few minutes of silence.

Napalingon ako sakanya at nakatingin rin siya sakin. I let out a small sigh and gave him a small smile before shaking my head.

"Hindi..." sagot ko sakaniya. "Hindi ko gusto yung trabaho ko, pero kailangan kong 'tong gawin..."

"Are you still studying?"

I nodded, "Oo, graduating na ako this year."

"Ikaw? Bakit mo 'ko pinili?" Tanong ko pabalik. Mukhang mabait naman pala si Micko. Akala ko talaga isa sya sa mga gagong mayayaman na akala mo pwede ka nilang mabili dahil lang may pera sila.

Mukha naman siyang matino. Wala pa naman akong naririnig na bakas nang pang huhusga sa boses nya dahil sa trabaho ko. Baka nga ako pa 'yung unang nanghusga sakaniya dahil lang mayaman siya.

Nakita kong tumaas 'yung isang sulok ng labi niya, pero agad ring nawala 'yon.

He gave me a shrug, "I don't know actually... You just look interesting to me. That's why I chose you."

Mabilis na tumibok 'yong puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag 'yong nararamdaman ko. Natuwa lang siguro ako dahil parang ang tagal na simula ng may taong nagka-interes sakin kahit na ganito 'yong trabaho ko...

I just feel really happy because of what Micko said...

Kahit kasi sa school ay walang nagkaka-interes para kaibiganin ako. Wala naman akong nakakahawang sakit o ano pero parang ayaw nila akong lapitan. Mabuti nalang talaga at nandyan si Lara kaya may nakakasama ako. Kaya gusto ko nalang makapag-tapos ng pag aaral para mas magiging focus ako sa pagtatrabaho.

Nag-usap lang kami ni Micko ng gabing 'yon. Mas naging magaan 'yung loob ko sakaniya kaya pakiramdam ko mas magiging komportable na ako kapag natuloy na 'yung dapat na trabaho ko sakaniya.

Ang sabi niya ay tatawagan nalang daw niya ako, pero halos isang linggo na simula ng araw na 'yon, pero hindi pa rin ako nakakatanggap ng tawag sakaniya.

Hindi ko alam kung nag-back out na ba siya, pero wala namang nababanggit si Miss Sweety sakin kaya medyo panatag pa rin 'yong loob ko. Kailangan ko rin kasi 'yong trabahong 'yon, sayang 'yong 50 thousand na ibabayad niya sakin. Tapos idagdag mo pa 'yung problema ko dahil doon sa nabangga ko.

Noong ikalimang araw, tinawagan ko si Jayden – 'yong lalaking may ari ng mamahaling sasakyan na nabangga ko at sinabi ko sakaniyang babayaran ko nalang sya pero kailangan ko ng at least dalawang buwan para makapag-ipon. Pero mukhang hindi siya natuwa dahil sa naging desisyon ko kaya binigyan lang niya ako ng tatlong linggo.

Wala akong choice kung hindi mag-agree sa gusto niya kaysa ipilit niya na ibenta ko ang katawan ko. Apat na taon na akong stripper pero never pa akong pumayag na makipag-sex sa isang customer.

I'm saving my virginity for the man that I'm going to love... Heto nalang ang natitira sakin. Nabenta ko na ang dignidad at katawan ko pero hinding-hindi ko kayang ibenta ang virginity at puso ko kung kanino lang.

Naniniwala pa rin ako na may lalaking dadating na kaya akong tanggapin at mahalin kahit na ganito ang naging trabaho ko.

"So..." sabi ni Lara habang wini-wiggle pa niya ang dalawang kilay niya at nakatingin sakin.

Nasa cafeteria kami ngayon dahil wala kaming choice kung hindi tumambay muna dito dahil may exam pa kami maya-maya. Hindi kasi kami tumatambay sa school dahil wala rin naman kaming ibang kaibigan kaya madalas after dismissal ay dumi-diretso agad kami ng uwi o hindi kaya sa Btch Valley kami tumatambay.

Talagang pumapasok lang kami ni Lara para mag-aral kaya atat na atat na rin kaming maka-graduate para makalayas na kami dito. Ni hindi nga namin kilala lahat ng classmates namin dahil hindi talaga kami nakikipag-usap sa iba. Ginawa nila kaming loner kaya pinanindigan nalang namin 'yon tutal ayaw rin naman namin ng attention.

"Wala nga... Wala namang nangyari kaya wala akong iku-kuwento sayo," sagot ko sakaniya at inirapan lang niya ako. Kanina pa niya ako pinipilit na mag-kuwento sa nangyari samin ni Micko e sinabi ko na sakaniya na hindi naman kami natuloy pero ayaw niyang maniwala.

Ang kulit rin nitong si Lara, e!

"'Di ako naniniwalang hindi natuloy," sabi niya kaya ako naman ang napairap. Mabuti nalang konti lang ang mga students na nandito sa cafeteria. Nasa pinakasulok na table kami ni Lara nakapwesto.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala,"

"Ang damot mo naman!" sabi niya habang nakanguso. Inabot ko 'yung muffin na binili ko kanina at saka ko binigay sakaniya.

"Kumain ka nalang dyan. 'Wag kang makulit," sabi ko bago ko kinuha 'yung notebook at libro ko para mag-aral nalang.

Huling exam na namin 'to ngayong sem. At isang sem nalang at makaka-graduate na kami!

Nag-aral nalang rin si Lara after niyang ubusin 'yung muffin na binigay ko kanina sakaniya. Nagpaalam muna ako sakaniya sandali para makapag-washroom bago kami mag-take ng exam mamaya.

Naglalakad ako papunta sa washroom ng mapatigil ako bigla sa paglalakad ng makita si Micko sa harapan ko. My mouth parted and my eyes widened. Dito rin siya nag-aaral?!

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko habang nakatingin sakaniya. Hindi pa niya ako napapansin dahil kausap niya 'yung mga classmates o kaibigan niya.

Babatiin ko ba siya?

Lalapitan ko ba siya?

Alam kaya niyang dito rin ako nag-aaral?

Sobrang gulong-gulo ng isipan ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko at ramdam ko 'yung pagpapawis ng mga palad ko. Hanggang sa magtama 'yung mga mata namin at mas dumoble 'yung pag tibok ng puso ko.

"Hi, Lindsey." bati niya sakin habang nakangiti at nakatingin sakin. Walang bakas ng pagka-gulat sa mukha niya na para bang alam niyang dito rin ako nag-aaral.

WHATYASEY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro