Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 03

"OH, MY GOD!" Lara exclaimed at muntik ko ng maibuga 'yung ininom ko dahil sa biglang pagsigaw niya.

"Guess what!" excited na sabi niya habang ginagalaw galaw 'yung eyebrow niya sakin.

"What?"

"I got myself a date!" sigaw nya and this time naibuga ko na talaga 'yung iniinom ko.

"Kadiri ka naman, Lindsey! Sa mukha ko pa talaga," sabi niya at agad ko siyang inabutan ng pamunas at ngumiti nalang sakaniya. Nasa coffee shop kami ngayon na katapat lang ng Btch Valley. Dito muna kami tumambay ni Lara after kong kausapin si Miss Sweety kanina.

"Sino naman 'yan? At saan mo nakilala? Kailan kayo magde-date?" sunod-sunod na tanong ko sakaniya. Hindi naman kasi bago sakin na may dine-date si Lara. Kung ako ay walang panahon makipag date, kabaliktaran ko naman si Lara na lahat ng pwedeng i-date ay ide-date niya.

Ayaw daw niya kasing tumanda ng dalaga at walang kasama sa pagtanda... Pangarap kasi niyang bumuo ng sariling pamilya dahil lumaki sila ng walang kasamang magulang.

"Aiden Roqx Gomez." sabi ni Lara. "Pero mas kilala siya bilang Aero. Inaya lang naman niya akong makipag date sakaniya at may bonus tip pa na 15 thousand!" pagmamalaki niya.

Medyo nainggit ako kasi buti pa si Lara totoong date 'yung kaniya at least hindi siya magpe-perform o kung ano man. 'Di gaya ng sakin na natatakot ako kasi baka kung anong kapalit ng 50 thousand na ibabayad sakin nung Micko na 'yun.

"Sigurado ka ba dyan, Lara? I'm happy for you dahil best friend kita, pero natatakot ako baka masaktan ka na naman ulit. Ayaw ko ng maulit 'yung dating nangyari sayo na halos hindi kita makausap ng matino, ha." Matapang si Lara pero alam kong sobrang soft at vulnerable din niyang tao.

Nginitian niya ako at hinawakan 'yung kamay kong nakapatong sa lamesa at mahinang pinisil.

"Don't worry Lindsey. Natuto na ako and I know I can handle myself this time. Alam ko na kung ano 'yung mga pagkakamali ko at wala akong balak ulitin 'yon," sabi niya sakin kaya hindi na ulit ako nagsalita pa.

Nag usap pa kami ng ilang minuto ni Lara sa coffee shop bago siya umalis. Kailangan pa daw kasi niyang mag-ayos para sa date nila ni Aero mamaya. Pinaalalahan ko siyang muli bago siya umalis at sinabi kong tawagan lang niya ako anytime.

Pag-alis ni Lara ay kinuha ko na 'yung cellphone ko at saka ko tinawagan 'yung number ni Micko na nasa papel. Nakailang ring lang bago nya sinagot 'yung tawag ko.

"Hello?" he said upon answering my call. Hindi agad ako nakapagsalita.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan e wala pa naman siya sa harapan ko. Kausap ko palang naman siya sa cellphone... At alam kong hindi na ako pwedeng mag-back out dito. Naka-oo na ako kay Miss Sweety at iniisip ko din 'yung 50 thousand na ibabayad sakin. Sobrang laking halaga nun!

"H-hello," I said after a few seconds. Parang nanuyo 'yung lalamunan ko.

"Who is this?" his cold and sexy voice gives a shiver down my spine. Sobrang cold ng boses niya na parang kinilabutan ako. Nakaramdam ako ng takot...

"I'm Lindsey at sinabi—"

"Meet me at the coffee house near the Valley at 2 in the afternoon. Sharp!" pagputol niya sakin at dire-diretsong sabi niya. "Make sure you come in at exactly 2 PM because I hate people who come in late." dagdag pa niya at bago pa ako makapagsalita ay agad na niyang pinatay 'yung tawag.

Napabuntung hininga ako dahil sa inis! Grabe... hindi man lang nya ako binigyan ng pagkakataong makapag salita! Napaka-bastos niyang kausap! Hindi pa man kami nakakapag-kita e ganyan na siya... Pwede pa kaya akong mag-back out?!

***

May 30 minutes pa ako bago kami magkita. Mabuti nalang at malapit lang din dito 'yung coffee house na sinasabi niya. Ilang kanto lang ang lalakarin ko dahil wala sakin 'yung sasakyan namin ni Lara dahil siya ang mas may kailangan ngayon nun.

Sampung minuto lang akong naglakad. Pag pasok ko sa loob nag-order ako ng Caramel Frapp dahil tirik na tirik ang araw sa labas at pinagpawisan ako agad. Idagdag mo pa 'yung pagkainis ko dahil sa pambabastos na ginawa sakin ni Micko kanina.

I sat at the table where I could easily see the people who came into the coffee house. I just scroll through my FB feed while waiting for him. 10 minutes nalang bago mag 2 PM.

Tsk.

Tignan mo 'yun makapag banta sakin na h'wag akong ma-late, pero siya din naman pala hindi maaga kung dumating. Pag talaga sya late dumating, makakatikim siya ng sermon sakin. Lalo na sa ginawa niya kanina sakin. Ang kapal ng mukha niya para patayan ako ng tawag!

I was preparing my speech dahil akala ko talaga late siyang dadating pero at exactly 2 PM, nakita ko siyang pumasok sa loob ng coffee house. Hindi naman siya mahirap hindi makilala. He easily got everyone's attention the moment he got inside the coffee house. He looks refined and charming. He is definitely a head-turner.

I was eyeing him until he met my gaze. He walked towards my table. Parang umurong bigla 'yung dila ko. Mas gwapo siya sa malapitan! Kung hindi ko lang alam na he's just a student like me, baka isipin kong model siya na lumabas sa magazine. He's wearing a white fitted shirt and denim pants, yet he looks so fine.

"Miss Samson?" tanong niya habang nakatayo at nakatingin sakin. Tumango ako habang parang tanga na pinagmamasdan siya.

I can't even utter a single word.

"Are you done checking me out?" he said, at saka lang ako bumalik sa wisyo.

"H-ha?" sabi ko pero nakita ko nalang syang umiling bago umupo sa katapat na upuan ko.

Nakakahiya! Para akong tanga na nakatulala sakaniya.

"Micko Rae Sanchez," sabi niya offering his hand.

"Nice to meet you, Micko." sabi ko bago ako nakipag-kamay sakaniya.

"I assume that you already knew about the deal?" he said, and I nodded.

I couldn't keep staring at his agonizing eyes. I feel like I'm getting hypnotized. Napansin niya 'yung pagtitig ko sakaniya kaya mabilis kong inabot 'yung Caramel Frapp ko dahil sa kaba.

"I'm sorry," I muttered.

Tumaas 'yung isang sulok ng labi niya. "You have some cream here," sabi niya at saka tinuro 'yung gilid ng labi niya. Agad kong pinunasan 'yung gilid ng labi ko pero nagulat ako ng kumuha sya ng tissue at sya na mismo ang nagpunas ng cream.

"T-thanks," sabi ko habang ramdam ko 'yung pamumula ng pisngi ko.

"I will be at the Btch Valley at exactly 8 PM and I want you to be there when I come. All you have to do is to lie down on the bed while you're tied up."

"What?!" I exclaimed. Nanlaki 'yung mata ko dahil sa sinabi niya.

Sa pagkakasabi niya nun parang normal lang na may tinatali siyang babae sa kama.

"Bakit kailangang nakatali pa 'ko?" nagtatakang tanong ko. I lowered my voice dahil baka marinig kami ng ibang customer. Ang dami pa namang nakatingin sa pwesto namin dahil pinagtitinginan si Micko.

"Why? Do you have a problem with that?" he said, and I felt a shiver down my spine. Kinilabutan ako sa pagtitig niya sakin.

I cleared my throat at saka ako umayos ng upo. "No, Sir." sabi ko nalang. Bawal nga pala akong magreklamo sa lahat ng gusto niya. Sobrang laking pera ang ibabayad niya sakin kaya wala akong karapatang mag-inarte at dapat sundin ko nalang lahat ng gusto niya tutal ganon naman ang trabaho ko. Isang bayarang babae... masakit pero 'yun ang totoo.

"Are we clear here?"

I nodded, "Yes, Sir." sagot ko while biting my lips to stop myself from trembling.

Tumayo na sya sa pagkakaupo. "I'll see you later, Lindsey," he said before walking away.

Napahawak ako sa lamesa pag-alis niya. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Binanggit lang naman niya 'yung pangalan ko, pero sobrang lakas na ng tibok ng puso ko!

Ilang minuto lang at lumabas na din ako ng coffee house at nagulat ako na nakatayo si Micko sa labas.

"Akala ko—" hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko ng mabilis nya akong hinila palapit at mabilis na halikan sa labi. Hindi ko na napikit 'yung mga mata ko dahil sa gulat.

"Bye, Lindsey..." sabi niya pagkatapos niya akong halikan. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko hanggang sa makita ko nalang syang sumakay sa sasakyan niya na nakapark sa tapat ng coffee shop at mabilis na nagdrive paalis.

Oh, gosh. What did I get myself into?

WHATYASEY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro