Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27

CHAPTER 27

After I left my father, dumeretso ako sa kung saan ko naalalang nakatira ang mga kaibigan ko. I can't remember everything what happened in the past, I remembered a few but not that totally everything.

Pili lang ata ang mga naaalala ko sa ngayon, hindi padin kase ako masyadong magaling at mukhang may talab pa ang gamot na pinapainom sa 'kin ng tatay ko. Siguro dahil ilang taon din akong umiinom no'n ng walang mintis, ngayong taon lang dahil hindi ako nakapag-stay sa bahay ng ilang buwan at dahil na rin hindi ako umuuwi sa bahay dahil may sarili na akong tinitirhan.

After minutes of travelling, nakarating ako sa isang village sa kung saan ko naalalang nakatira ang mga pamilya ng mga kaibigan ko. I first visit Kryza's house dahil 'yon ang unang naalala ko na bahay.

Pinindot ko ng door bell at ilang segundo lang rin ang pag-aantay ko nang bumukas ang pintuan at sumalubong sa akin ang may katandaan na babae. Her face was full with shock and wasn't be able to move for a minute, mabuti na lang at mukhang nasa wisyo ako ngayon.

"Uhm. . . dito po ba ang bahay ni Kryza Marie Sajorne?"

Parang natatarantang tumingin ang babae sa lalaking paparating.

"Mahal, sino 'yan?" dinig kong ani ng matandang boses.

"S-si s-s-si. . . mahal s-s-si. . ."

"Ha? Anong si si si si?" may pagtatakang tanong ng lalaki.

Nakita ko kaagad ang pamilyar na mukha ng lalaki at mukhang tama nga ng bahay na pinuntahan ko.

"Magandang hapon po, nandito ba si Kryza?"

Kita rin sa mukha ng lalaki ang gulat pero ako iyong nagulat nang biglang nawalan ng malay ang babae, mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko at nasalo kaagad. Mukhang nagising din 'yong papa ni Kryza at tinulungan akong ipasok siya sa loob ng kanilang bahay. Hindi ko na sinugod sa ospital dahil alam kong dahil lang 'yon sa gulat.

"Salamat." ani papa ni Kryza.

Inayos namin ang pagkakahiga ng ina ni Kryza saka niya ako tiningnan. "Ikaw nga ba 'yan, Aizhalie? Ang anak ng heneral?"

Hindi ko man gusto na tinatawag na anak ng heneral ay tumango na lamang ako at umupo sa upuan.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang akala namin ay matagal ka ng wala, kung gayon, sino ang bangkay na nasa loob ng kabaong na inilibing namin noon?" may pagtataka sa boses niya.

"Kamukha ko lang po 'yon, may mga rason din ako pero hindi ko pa gustong sabihin dahil masyadong personal ang mga bagay na iyon."

Tumango siya at kinuha ang telepono niya. "Mabuti naman at buhay ka, alam na ba ito ni Kryza?"

Tumango ako ng ilang beses, ang akala ko nga alam na ng lahat na konektado sa 'kin noon na buhay ako. Matagal na din kaseng napabalita na buhay ako kaya sinisigurado kong halos alam na ng lahat. "Opo, alam niyang buhay ako."

Isa din kase si Kry sa mga nagbantay sa 'kin habang nasa ospital ako kahit medyo ilag ako sa kanila.

"Sige, tatawagan ko na lang siya na andito ka at magpapabili na rin ako ng gamot. Mukhang nagulat mo ng malala ang tita mo, pagpasensyahan mo na."

Umiling ako sa kaniya. "Kasalanan ko naman po 'yon, hindi ako nag-isip kaagad sa mga ginagawa ko. Kailangan ko lang silang makausap eh, may kailangan lang akong itanong sa kanila."

Tumango siya sa mga sinabi ko at saka tinawagan si Kryza na agad sinagot ang telepono, nag-usap sila sandali at sinabi sa akin na papunta na daw siya. Ilang minuto lang ang inantay ko bago dumating si Kryza sa bahay nila dala ang gamot ng mama niya.

"Eto na po, Pa. Kayo na munang bahala kay mama, kukunin ko lang tong babaeng to dahil mukhang bata na nawawala sa daan." napaismid ako sa sinabi niya.

Sinundan ko siya palabas ng bahay nila na parang nagtataray pa. Pagkalabas namin sa bahay nila, hinarap niya ako at tinaasan ng kilay. "Anong kailangan mo?"

Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Magtatanong lang naman kung may ideya ka ba tungkol kay Levi, gusto ko siyang makausap."

Nag-iba kaagad ang impression ng mukha niya pagkarinig niya sa pangalan ni Levi. May gusto ba 'to sa lalaking 'yon?

"Anong kailangan mo kay Levi? May sasabihin ka?" tanong niya na may pagbabago sa boses.

Umiwas ako ng tingin. "Gusto ko lang siyang makausap tungkol sa 'min, kung iniisip mong tungkol 'yon sa relasyon namin, alam kong wala nang pag-asa. Matagal na 'yon, sigurado akong wala na siyang nararamdaman para sa 'kin."

Sumakit bigla ang dibdib ko sa naisip, kahit hindi buo ang ala-ala ko sa aming dalawa, alam kong sobra ko siyang minahal sa mga oras na magkasama kaming dalawa. At kahit matagal na 'yon, masakit isipin na nawalan na siya ng pagmamahal para sa 'kin.

Hindi ko alam kung may pagtingin pa ako sa kaniya, kung mahal ko pa siya o kung ano man basta ang alam ko nasasaktan ako sa tuwing naiisip na wala na siyang nararamdaman para sa 'kin.

"Paano mo nasabing wala na siyang nararamdaman? Nakausap mo ba siya tungkol do'n para sabihin mo 'yan?"

Napatingin ako sa kaniya, I was over thinking again. Anong ibig niyang sabihin doon? Inalis ko sa isipan ko ang mga bagay na ayokong isipin. Hindi maaaring mangyari ang mga naisip ko dahil imposible 'yon. Lalo na sa matagal na panahon na nangyari 'yon.

"Okay, whatever." ang nasabi ko na lang.

Inirapan niya ako at pumasok sa sasakyan niya. Pumasok na lang ako sa sasakyan ko at sinundan kung saan man siya pupunta dahil alam kong papunta 'yon sa kung saan si Levi.

Nakarating kami sa ospital, siguro doon nagta-trabaho si Baste. Lumabas ako sa kotse ko at lumapit kay Kryza, tiningnan ko pa ang building bago siya hinarap.

"Dito siya nagta-trabaho, magtanong ka lang sa pangalan niya dito at malalaman mo kaagad dahil matagal na siya dito at kilala din."

Tumango ako ng ilang beses sa kaniya. "Maraming salamat, Kry." tumango lang siya bago ako iniwan sa entrance ng ospital.

Ilang beses akong napabuntong hininga sa sobrang kaba. Hindi ko na rin alam kung itutuloy ko ba ang plano ko o hindi, mas kinakabahan pa ako sa gagawin ko kaysa sa mga patayan na misyon ko.

Hindi na sana ako tutuloy kaso naisip ko na kailangan ko 'yon para sa closure na kailangan ko bago magpakalayo. Kailangan ko 'yon para hindi na ako mag-isip pa kapag umalis na ako.

Ilang beses pa aking bumuntong hininga bago pumasok sa loob at dumeretso sa counter.

"Uhm. . . miss, may doctor na ditong nagngangalang Leviste Celerio?"

Ngumiti siya ng alanganin at tumango. "Yes po, ano pong kailangan nila?"

Ngumiti ako kahit hindi ko gusto. "Gusto ko sana siyang makausap, puwede bang pasabi sa kaniya na gusto siyang makausap ni Zhail?"

Medyo matagal pa bago tumango ang babae saka siya alanganing tumawag sa telepono pero walang sumasagot.

"Mukhang busy si doc, ma'am. Kung gusto niyo po ay maghintay na lang kayo doon,"

Tumango ako sa kaniya at saka napabuntong hininga na lang. Aalis na sana ako nang may nabangga ako sa paglibot ko.

"Miss mo naman kaagad ako para puntahan mo dito ng personal," napatingin ako sa lalaking nasa harap ko at napairap.










"Edi wow."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro