KABANATA 6 -Festival
Chapter 6
Serenity Lien Gustavon
Hindi ko pala nainom...
Pumikit si Blaze at huminga ng malalim, lumayo siya sakin ng konti at dirediretsyong pumunta sa kusina.
Nag mamadali siya at hindi malaman ang gagawin, hinubad niya ang kaniyang pang itaas na damit at binasa at dali dali na bumalik dito.
Pinunas niya yun sa aking kamay.
Pag tapos nun ay hinila niya ako papunta sa CR at agad agad na binuhusan ang aking ulo, kasama sa tubig ang mga dugo na nasa ulo ko.
"M-mabuti wala si Noel dito." Kahit malamig ang tubig ay wala akong imik. Tulala lang ako sa aking sariling dugo.
Bwiset na Pia yan!
"Mabuti suot mo padin ang kwintas, hindi na kahirap katulad nung dati..."
Lumabas siya at pinaligo nalang ako, kinuha niya ako ng damit mula sa aking kwarto at binigay sakin sa CR.
Mabuti at dumugo lang pag tapos umalis ni Pia. Ang tubig na nahaluan ng aking dugo ay tinapon ni Blaze sa damo para hindi umagos sa bayan ang amoy ng aking dugo.
Lalo lang ata lumalala ang ulo ko, imbis na gagaling na ako at makaka alis dito ay nagdagan pa ng mga araw nakaka inis ah. Napasabunot ako habang naliligo, wala na tuloy akong contact sa mga kamag anak ko, kay lola, baka nag aalala na sila sakin at hindi na ako naka uwi. May pag aaral pa ako dun. Graduating na ako baka uulit pa ako ng isang taon dahil sa trahedya na ito, kung hindi lang ako iniligaw ng mga kaybigan ko ay ano kaya ang ginagawa ko sa mundo namin ngayon?
Lumabas ako sa CR, at natagpuan ko si Blaze na nag hihintay sa kama niya. Hindi ko siya pinansin pero tinawag niya ang pangalan ko.
"Serenity, gagamitin ko muli ang sugat mo sa katawan." Ang unang pag kakataon na makikita ko si Blaze na gagamutin niya ang aking sugat. Dahil si Noel minsan ang nag lilinis ng aking sugat, pero lang sa dibdib ko.
"Umupo ka." Tinapik niya ang gilid ng kama, kaya umupo ako dahil dun.
Naka t-shirt palang ako ngayon dahil hindi na raw siya mag papapasok ng bisita kaya ayos na kung ano ang aking isuot.
"Hubadin mo ang damit mo." Nanlaki ang mata ko dahil dun at sinamaan siya ng tingin.
"Ano?!" Napatayo ako. "Baliw kaba!"
"Hindi ako titingin." Mahinahon niyang sambit.
"Anong hindi titingin e ikaw mag lilinis sa mga sugat ko!" Asar ko namang sigaw sakaniya.
"Takpan mo nalang ng unan ang dibdib mo." Ang sabi na naman niya.
"Ako na mag lilinis!"
Napairap siya at tumayo.
"Ilabas mo nalang ang likod mo nang hindi inaalis ang damit mo." Dahan dahan kong inilabas ang aking likod, hindi ako nakakaramdam ng ilang kundi inis lang.
Maingat nyang ginamot ang aking sugat sa likod, dahan dahan at maingat na haplos.
"Pasyensya na sa sinabe ko kanina." Nawala ang inis ko sa buong katawan ko. Hindi na ako umimik hangang natapos siya sa pag lilinis sa aking likod.
"Muli, pasensya na sa sinabe ko kanina. Ganon kasing paraan ko nilisin ang mga sugat mo nung una-"
Napairap nalang ako, at nag init ang mga pisngi. Napaliwanag na niya sakin yun noon. Kahit ayaw nya daw gawin ay wala siyang choice kundi linisin at gamutin ang mga natamo kong sugat sa aking dibdib. Dahil maamoy ng iba at namamatay pa ako ng tuluyan kapag hindi niya ginawa yun.
Natapos na ako sa pag lilinis ng aking sugat.
Ang araw ay tirik padin. Gusto ko malaman ang nagaganap dun sa pista nila. Gusto ko malaman ang mga bagay bagay na nandito bago ako umalis. Experience lang
Napabuntong hininga ko habang nakatingin sa damo dito mula sa pinto. Boring na boring na talaga ako, wala akong magawa, wala din naman ang charger ko at hindi ako makapag cell phone at walang signal dito!
Habang naka titig sa mga damo at narinig ko ang tawag ni Noel sakin, papunta na siya dito. Kaya naman napatayo ako para salubungin siya.
Bihis na bihis siya ngayon.
"Oy, Serenity. Gusto moba sumama sa pista? Mamasyal tayo!" Napakamot ako ng ulo.
"Magagalit si Blaze."
"Parang ama na siya a." Biro niya at hinila ako papasok. "Mag papaalam tayo."
Pumayag naman si Blaze hindi lang si Noel ang masaya, ako din dahil hindi ko inaasahan na papayag talaga si Blaze pero wag lang daw alisin ang tingin sakin at baka makatakas ako, as if namang tatakas talaga ako? Saan ako papunta.
Nandito na kami, sinuotan ako ni Blaze ng sumbrero para matakpan ang aking benda sa ulo, at pinasuot nya ako ng medieval dress.
May mga nag sasayawan, may mga nag kakainan at maingay. May mga nag tatakbuhan pang mga bata, nag lalaro at nag sasaya din, binigyan din ako ni Blaze ng isang pang protekta sa aking singsing para hindi malaman ng mga nandito na hindi ako isa sa kanila.
"Gusto mo ba ng maskara?" Tanong ni Noel pero hindi ko siya masyadong naririnig.
"Ano?!"
"Gusto mo ba ng maskara!" Pag lilinaw niya kaya tumango naman ako, agad niya akong hinila papunta dun sa bilihan.
Namangha ako dahil napaka ganda ng maskara na nasa harap ko, para lang sa mata at ang disensyo nito ay isang hindi pamilyar na bulaklak kaya agad akong naakit dito.
Hindi namin kasama si Blaze, ayaw nya makihalubilo dahil siya ay dadagsain ng mga tao. Mas maganda raw kapag gabi dahil hindi masyadong maingay, magulo at kalmado lamang.
Kaya kaming dalawa nalang ni Noel.
Tinanggal niya ang suot kong sumbero at sinuot sakin ang maskara, napangiti ako dahil dun, hindi ko man makita ang itsura nito sakin pero masaya padin ako para dito.
Nginitian ko siya at binalik ang aking sumbrero, napa ngiti siya sakin at napakamot ng batok.
"B-bagay sayo." Komento naman niya sakin kaya ma lalo ako napa ngiti.
Naagaw naman ang aking atensyon sa mga nag papalakpakan na tao, hinanap ko ng tingin hangang sa nakita ko na. Kaya ako naman ang nang hila, hinila ko papunta dun si Noel para manood ng ginagawa nilang kung ano man.
"Gusto mo ng mahika." Bulong niya pero narinig ko yun.
"Isa! Dalawa! Tatlo!" Sigaw nung mahikero.
"Kakaibang mahika ang gamit niya." Bulong ulit ni Noel.
Nag niningning ang aking mata sa nakikita ko ngayon. Kakaiba sa magic sa mundo ko. Pinapalutang niya ang mabibigat na bagay at magiging pino ito, mag sasalo salo ang mga napinong bagay na parang umiikot sa ere. Parang buhangin at kusang napupunta sa garapon na nasa kamay niya.
Katulad ng mga bata na nandito ay napa palakpak na din ako, nakaka mangha at wala talagang daya.
Mag kasabay kami ngayong kumain ni Noel, parang sa isang fast food na kainan, pero mas kakaiba ito.
Napaka sarap ng mga pagkain, parehas tubig at ininom namin ni Noel, para hindi daw ako mapag halataan. Napangiti ako dahil dun.
"Hay, napaka sayang karanasan." Komento ko naman habang nanonood kami ng pag lubog ng araw ni Noel.
Hindi padin nawawala ang mga nag sasaya at patuloy lang sila sa kanilang pag sasaya.
"Masaya ako at naging masaya ka." Ngumiti ako ng konti dun.
"Salamat sainyo, naranasan ko ang mga makakaibang bagay na impossible na sa mundo ko." Ang sabi ko habang nakatingin sa araw.
"Pero nais mo padin bumalik sa pinanggalingan mo."
"Oo naman, wala naman akong lugar para dito. Kung mag tagal man ako lalo kukulo ang dugo ni Blaze sakin." Dismayado kong sagot kay Noel at totoo naman.
Saan ako pupulutin kung manatili ako dito, nasa bahay lang ako ni Blaze dahil ayaw niyang mapahamak ang sarili niya. Pinapagaling lang ako para maka alis sa mundo nila. At alam ko na hindi na mag babago ang intensyon niya na yun.
Bakit ba ang laki laki ng galit ni Blaze sa mga tao, ano bang ginawa ng mga tao kay Blaze.
"Nako! Umuwi na tayo. Lumubog na ang araw." Ang sabi ni Noel at tumayo. Inalalayan niya din akong tumayo.
Nag kwentuhan kami habang umuuwi, madilim nadin nung nakabalik ako sa bahay. Nag hiwalay na kami ng landas ni Noel dahil may pupuntahan pa siya.
Habang pauwi na ako ay nakita ko si Blaze na nasa bubong. Kumunot ang aking noo at dali dali na pumasok sa bahay.
Pumunta ako sa likod at nakita ko ang apoy. At nasa bubong si Blaze, kung tatalon siya ay sapul siya sa apoy.
Saglit ako napaisip at muling tinignan si Blaze mula sa bubong. Nanlaki ang aking mga mata dahil malapit na malapit na siyang mahulog at isang galaw nalang ata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro